Ako ay nagbalik kasama si Ka Andres

December 8th, 2008 § 19

Ako ay nagbalik.  Bilang na bilang ko ang mga araw, disiotso na mga araw na walang post at hindi man lang bumibisita sa sariling blag, pakiramdam ko parang akong si Dong Abay noong nawalang ng interes sa buhay at nanatiling nasa loob ng pamamahay sa loob ng ilang taon.  Nagkaroon ng sariling mundo.

Disiotso na araw ng paglalakbay ng utak na walang kasiguraduhang patutunguhan, op kors hindi naman ganoon naging kawalang kwenta ang panahon na pakiramdam ko e sinasayang ko ang mga oras ko sa pakikipaghuntahan sa mga kaibigan sa facebook pagkatapos ng trabaho lol!

Heniways, heto na ko.  Hindi kailangan ng napakalalim na post para muling tawagin ang sarili ko na blagistang pinoy.

Pero gusto kong ibahagi sa inyo ang isang lumang kwento ng buhay ni Ms. Myrna Buendia.  Kwentong unang nadaanan ng mga mata ko sa Facebook. Kung tutuusin, may kwenta rin pala ang paglalayag ko sa labas ng pagbablag.

Panahon ng FQS (First Quarter Storm).  Kung itatanong mo kung ano yun? tanong mo na lang sa tatay at nanay mo.

» Read the rest of this entry «

Viewed 2749 times by 522 viewers

Where Am I?

You are currently browsing entries tagged with Ms. Myrna Buendia at Manilenya.