Cha-cha Dance Instruction ni Juana…sasayaw ka ba?

December 10th, 2008 § 29

Ang sayaw na cha-cha mula noon hanggang ngayon, hindi pwedeng wala sa mga partihan.  Mula matanda hanggang bata kayang kayang isayaw ito.  Makikita mo sa mga sayawan, mapa street party man (uso pa ba ito?) o diskuhan (tunog 80’s daw sabi ng isang kasama).  Ma pa in man o out, cha-cha ang paborito kasama ng line dancing.

Ikendeng ang balakang kasabay ng pasulong - paatras na mga paa.  Pwedeng itaas ang mga mabining mga kamay at sundutan ng mapang akit na mga mata.

Ang sayaw ay cha-cha.

Sige. Hala. Cha-cha.

Sulong.  Atras.  Sulong.  Akitin ang inosenteng mga mata.

Pero bukod sa sayaw na cha-cha, may iba pa akong cha-cha na nakikita.  Ang pagkaka-alala ko, panahon pa ito ng dating pangulong Ramos unang ipinakilala.  Ibanabandila noon ni Ramos ang Philippine 2000 gayong matatapos ang pagkapangulo nya ng 1998, ibig sabihin may balak mag cha-cha.  Charter Change ika nga.

Ngayon muling nagiging mainit ang usapan ng cha-cha..bago mag eleksyon mayroon na namang gustong magcha-cha…makikisayaw ka ba?

Kung sasayaw ka, may instruction si Juana.

YouTube Preview Image

Viewed 2467 times by 434 viewers

Where Am I?

You are currently browsing entries tagged with Fidel Ramos at Manilenya.