manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Nakalbo hindi kinalbo…..

November 09, 2008 By: User Imagemanilenya Category: photography 28 Comments →

Paano ko ba uumpisahan tong post na to? Halos isang linggo na tong nakatengga sa draft ko.  Kuha noong isang linggo gamit ang cellphone ko, as usual naiwan na naman ang pipitsuging kamera.  Pagbalik ko galing sa in class driving, sinagasa ang malamig na klima ng Fall season, nagulat ako ng makita ko ang mga puno na kailan lang ay dinaanan ko at kinuhanan ng litrato.

Isa o dalawang linggo pa lang ang nakakaraan, kung noon unti-unting nalalagas ang mga dahon sa puno, ngayon tuluyan na siyang nakalbo.

(more…)

Viewed 13784 times by 1606 viewers

Paglalakbay sa panahon ng taglagas….

November 02, 2008 By: User Imagemanilenya Category: An Open Letter, Journal, Personal, life, pasakalye, photography, pinoy diaspora 33 Comments →

Nasa kalagitnaan pa lang ng tag-lagas dito.  Kung katulad ito sa kalendaryo noong isang taon, matatapos ito sa Disyembre 20, kinabukasan naman mag uumpisa ang winter pero nitong nakaraang linggo, dalawang beses ng nagkaroon ng snow.

Kaya habang maaga ay ipost ko na itong lugar na madalas kong daanan sa tuwing  sasapit ang sabado’t linggo.

Isa pa, malapit ko na silang iwanan ng tuluyan dahil sa hindi na ako ulit pa uuwi sa bahay ng kamag-anak na dati kong inuuwian.  Nagpasya ako na mamuhay na ng sarili, tignan ko sa edad na (tut tut!) e kung kaya ko ng mamuhay mag isa.

Dito sa malayong lugar ng norteng bahagi ng Canada….hmn, hindi ako sigurado, sabi ko diba, mahina ako sa direksyon.

Pagkatapos ng pagkanan, pagkaliwa, pagpasok sa tila iskinitang daanan, paglabas at muling pagkaliwa….muling pagkaliwa ay isa ulit mistulang iskinita na syang papasok sa isang maliit na kakahuyan.

Ito na ang itsura niya.

(more…)

Viewed 17954 times by 1972 viewers

Tag-lagas

September 30, 2008 By: User Imagemanilenya Category: Personal, photography, pinoy diaspora 34 Comments →

Kasabay ng pagkalagas ng isa sa pamilya ay ang panahon ng tag-lagas dito sa Canada (Fall season).  Hindi pa namin alam na nawala na si Tiyong Pabling ng kuhanan ko ito gamit ang cellphone ko habang naglalakad sa kalyeng madalas kong daanan.

Naka Spaghetti strap pa ako, kunwari hindi ko nararamdaman yung dumadamping lamig sa hubad na bahagi ng katawan ko pero hindi ako nakatiis.  Isinuot ko ang sweat shirt na binaon ko bago ako umalis ng bahay.

Habang daan nakita ko ang isang squirrel na umaaligid aligid sa isang bahagi ng lupa sa labas ng soccer court, nagbubungkal ng lupa at naghahanap ng pagkain.  Iniisip ko, bakit ang hayop na ito ay kayang mamuhay mag-isa sa gitna ng lansangan…bakit ako hindi.

Sensya na.  Fall season kasi.  Panahon din ng pagsulpot ng depresyon.  Noong una, may nakapagsabi lang sa akin na marami ang nababaon sa depresyon kapag ganitong panahon, hindi ko alam na aatakihin din pala ako nito.

Rate this:
3.0

Viewed 35764 times by 3461 viewers

  • Welcome

    Welcome

    Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

  • Add me

    Add to Technorati Favorites
  • Please visit this site

    I want to inform all EC droppers that this site will no longer using and accepting Entrecards ads. Please free to visit Journal of a Pinay Expat for your EC drops. Thank You!
    Get a better job today!
  • Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

      Nalen is lost in a music........

      (Updated 4 days, 4 hours, 47 minutes ago)

  • They talked already

    Comment Count BadgeGet your Badge!
  • Facebook Me

  • Top Commentators

  • Sponsors

    Click here to view entire collection
    Visit AnyCreditAutoLoansNow.com And Get Pre-Approved Tomorrow!
    Booksfree.com
    CashAngelsOnline.com - Online Cash Advance Loans
    Christian Cash Assistance
  • Meta