manilenya - Last updated: Saturday, September 8, 2007Educating Migrants?
Here comes another brouhaha from a sosyal who happened to be a co-writer of Ms. Malou Fernandez in the great, very great Manila Standard. Now I think these people behind this infamous broadsheet are celebrating the mainstream.
Malou Fernandez got her name famous online and in the media as well so why not he, Emil Jurado? As the issue on discriminating OFW, the Domestic helpers and those Overseas Contract workers doing odd jobs is almost fading (getting warmer after the big heat),  here is Mr. Emil Jurado writing nonsense, a subject that most of us already know even without mentioning that there were movie producers who adopted the storyline in their films several times right? Remember Anak, Milan, Dubai and many more? They made big money. Moviegoers liked those films because they see themselves in the stories.
So what is new then? Nothing! What is the purpose? Simple, he just wants another page for himself and I’ll give him what he wants because I’m good.
Viewed 840 times by 205 viewers
manilenya - Last updated: Monday, May 7, 2007Pinipilit ko pa ring maglagay ng plugin para sa mga embeded videos na gusto kong ipost katulad nito pero hindi ako makatyempo.
Two parts ng Isang Tanong ang napanood ko, unfortunately hindi ko na natapos yung last part nito kagabi. Sa dalawang beses ko sa harap ng TV (ibig sabihin maaga akong humihiwalay sa pc na gamit ko) ay kasama ko ang almost 10 year old daughter ko. Bonding naming dalawa sa matigas na sahig na higaan habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon.
Viewed 492 times by 161 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, March 11, 2007Napanood ko kanina ang Game Ka Na Ba kung saan nanalo si Tuesday Vargas, sabi sa kwentuhan nila ni Edu Manzano:
Tuesday: matagal ko na pong pinagkakakitaan ang Game Ka Na Ba, naiahon na nito sa kahirapan ang pamilya ko.
Edu:Â O talaga? mga ilan sila?
Tuesday: Opo, mga eleven po sila. Iyong anim lang ang kilala ko yung iba hindi na. (tawa)
Edu: tignan mo nga naman yun ano? sana makuha mo na yung isang milyon para hindi ka na babalik dito ano?
(tawanan ulit)
Hindi nakuha ni Tuesday ang isang milyon kaya tiyak babalik ulit siya.
Viewed 639 times by 175 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, February 25, 2007“The duty of every filipino patriot is to love God, serve the Country, and protect the People”The Vision:
1. Lasting Peace and Prosperity for the country
2. A free, educated and responsible Filipino citizenry that is bound together by a National Identity uniting them regardless of religion, culture, social status and ideology
3. Sovereignty and Territorial Integrity
4. A truly Democratic government founded on equality and social justice with an election process reflecting the true will of the informed people
5. Governance guided by social equity
6. An efficient and professional bureaucracy of honest, humble, competent and hardworking public servants
7. Public policy-making defined solely by National interest
8. National Interest centered solely on public welfare
Viewed 459 times by 148 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 20, 2007“Hindi po ako kasali sa anumang partido o organisasyon, pero nung nabasa ko ang plataporma ng partidong ito, alam ko at nararamdaman ko na wala ng iba pang partido ang dapat na ihalal sa darating na eleksyon sa konseho kundi ang mga myembro ng partidong ito. Naniniwala po ako mga kasamahang estudyante na sila at wala ng iba pa ang tiyak kong magtatanggol at magsusulong sa ating mga karapatan bilang estudyante ng unibersidad na ito.”
Viewed 570 times by 162 viewers
manilenya - Last updated: Monday, February 5, 2007Nagising na lang ako bigla na ayaw ko ng gamitin ang mga katagang -ang blog ng bobang pinay-, una may nakapansin na baka daw isipin na sumasakay ako sa popularidad ng gumawa ng Bobong Pinoy. Pangalawa naisip ko na maaring makasakit ako ng loob ng ibang tao dahil kapag sinabing pinay maaring ipinakikilala ko na rito ang buong populasyon ng mga kapwa ko pinay katulad ng nasaktan ako ng mabasa ko sa isang pakikipag-usap sa isang kaibigan ang mga salitang “you know how stupid Filipinos are“. Pinoy kasi ako e. At kapag sinabi mong stupido ang mga pinoy para mo na ring sinabing stupido ako.
Iyong paggamit ko noon ng bobang pinay, isang katunayan lang kasi iyon ng pagiging self-depreciative ko pero iba pala kapag yung buong kalahi ko na ang pagsasabihan ng stupido. Parang hindi na ko makakapayag noon.
Kahit pa sabihing bumoto ang sambayanang pilipino ng isang artista sa pagkapangulo at noong bandang huli ay pinababa rin ng mga middle class kasama ng mga pulitikong may sariling interes sa nasabing posisyon, walang karapatan ang sinuman na sabihing istupido ang napakaraming mamamayan na bahagi ng mga pinaghahariang uri.
Continue Reading »
Viewed 710 times by 200 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, December 13, 2006
Bata gusto mo bang madukot?
Tinakot ako ng isang anonymous sa comment sa entry ni Karl Bettita sa Echeblahblah tungkol sa “kagutuman sa kapangyarihan” ng maraming kongresista na sumusuporta sa Con-Ass samantalang ang sabi ko lang naman ay ganito:
but in their minds GOD is with them….sabi nga ni GMA ang DIYOS ang naglagay sa kanya sa posisyon kaya hindi sya magreresign.
pero sabi nga rin maraming bulaang propeta ang lumalabas ngayon at isa na diyan ang propetang pinaniniwalaan ni GMA at ng mga tuta nyang kongresman.
Viewed 504 times by 160 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, September 20, 2006Pitong taong gulang na batang lalaki rapist?, medyo kumplikado ang istorya. Nangangamba si thess, dahil parang wala daw yatang ginawang aksyon ang pamahalaang netherland para dito, at ang nasabing bata ay normal pa ring nakakahalubilo ng iba pang mga kabataan kasama na ang dalawang batang nireyp daw niya sa eskwelahang pinapasukan. Nasa “law of compulsive education” daw kung bakit pinayagang manatili doon ang bata.
Viewed 576 times by 201 viewers
manilenya - Last updated: Monday, August 21, 2006After having an interesting tête-à-tête on correct grammar usage (inspired by my previous post of course) last friday afternoon a friend opened up an impeachment topic which is atypical to our usual subject whenever we have a gmail chat. I thought he knew my stand with this matter since he read my blog from time to time and I remember I had posted my opinion several times but maybe I was wrong. Here is the excerpt (I didn’t ask his permission to post it but I hope he won’t mind):
HIM: Alam mo technique
isulat mo lang ang isang sentence
then afterward
hanapin mo ang SUBJECT
then ang VERB
yun lang
den dagdagan mo nalang
Ang saya saya ko bumagsak ang IMPEACHMENT
hehheeme: maybe I know that principle but since I am not used to speak or write in english kaya ako nagkakamali …wahehehehe tama ba namang mag ingles ako
lanya ka
masaya ka?HIM: Yes
I am pro arroyome: bakit?
a okeyHIM: Kasi yang mag nag aatungal na yan
walang ginawa kundi umatungal
akso wala namang maibigay na solusyonme: uhmmn malay mo
kung yung mga pulitiko na nag aagainst kay GMA maniniwala pa kong walang aksyong maibibigay
but the progressive blocks I beg to disagree
tama ba ingles ko?
lol
heheheheheHIM: Hidni ko naintinidhan sinabi mo
me: hehehehe never mind
siguro si [ano]maiintindihan nya ang sinasabi koHIM: Here is the thing
we all want to be DEMOCRATIC
at sumusunod sa LAW
rightme: okey
HIM: at kapag hindi sang ayon sa law
kailangan LITISINme: heheheh kung usapin ng batas please refer to attyerwinjames.blogspot.com
![]()
HIM: kaakibat ng paglilitis ay ang EVIDENCE
me: tinitilad tilad nya ang batas na brineyk ni GMA
![]()
HIM: Sadly, walang magagawa ang pinagdadaldal nya dyan
at hindi sya ang magsasabi kung GUILTY nga ang ARROYO
kundi ang IMPEACHMENT COURT
at so far, sorry na lang, hindi sya ma impeached impeached
lolme: e di hindi hehehehehe
HIM: pero nanalo ang OPPOSITION
panalo sa ASAR
lolme: wala naman akong karapatanang magsalita
kasi napapansin ko isa rin akong puro salita pero hindi kumikilos at tumitindig sa mga pinagsasabi ko
so better na tumahimik na lang ako
Viewed 369 times by 133 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, July 6, 2006“Bakit nanay pag anak ba, wala ng karapatang mangatwiran?”
Nagising ako sa malakas na boses ni nanay na iyon. Kausap niya ang isa kong pinsan tungkol sa problema ng nanay nito at mga mas nakakatanda niyang kapatid.
Sabi ni nanay, “ewan ko ba kung sino ke Ging-Ging (younger sis) o kay Bebe (youngest sis) ang nagsabi sa akin na “bakit nanay? porke anak ba hindi na pwedeng mangatwiran?”
“Ako yun,” sabat ko na gising na gising na.
“Pero sinabi ko iyon hindi dahil sa gusto ko lang sumagot o mangtwiran kung hindi dahil sa gusto kong marinig nyo ang boses ko.” sabay tayo sa higaan.
“Yun nga,” patuloy ni nanay. “Gawa niyan malalaki na mga kapatid mo. may mga sarili ng buhay, e ang nanay mo kung ituring kayong magkakapatid e katulad pa rin noong mga bata kayo e. Lahat pinoproblema pa, kaya ayan.”
Hindi ko na itinuloy pa ang pakikinig sa usapan nila.
At ngayon iniisip ko, tama ba yung linyang sinabi ko matagal na panahon na ang nakaraan? Hindi ba ang pangangatwiran ay pagbibigay lang ng justification sa isang bagay na mali mong nagawa? Hindi ba ang pangangatwiran ay ang hindi pagtanggap sa kamalian bagkus ay ipagpilitan sa kausap ko na tama ako, ang sinasabi ko ang totoo kaya kailangan tanggapin din ng kausap ko na tama ako.
At sa bandang huli eto ako, haharap sa nanay ko sasabihin habang umiiyak, “nay nabasag ko po”, “nay nadapa po ako”, “nay nawala ko po”, “nay tama po pala kayo”.
At heto ngayon, narealize ko na mas maganda atang pamalit na salita ang pagpapaliwanag kaysa pangagatwiran.
Kung alam mo na tama ka magpaliwanag ka, iparinig mo boses mo, ipaunawa mo ang gusto mong ipunto. Pag hindi ka marinig o sadyang ayaw kang pakinggan ng magulang mo…huwag kang mag-alala. Dahil darating at darating ang panahon, maririnig ka nila. At sa bandang huli, hindi na sila magsasalita dahil ang dalawang tainga nila, asahan mo lagi nang handa sa kung anumang gusto mong sabihin.
| 2.5 |
Viewed 425 times by 136 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, June 18, 2006Pilit nilalapit ni nanay sa mukha ni tatay yung dala dalang regalo ng pamangkin ko para sa father’s day. Habang iniiwas niya yung mukha niya at pilit na nilalayo ng kamay ang isang maliit na kahoy na may nakaukit na happy father’s day ay sinabi niyang bakit naman daw pag lumabas ka ng bahay e wala naman daw ang araw na to, hindi daw uso yun at hindi naman nakikisali ang karamihan sa pinauusong araw araw ng mga ama na yan.
Ang sabi ni nanay “e bakit ba? sa amin syempre uso yun.”
Halos sabay sabay kaming nag second the motion. “OO nga! happy father’s day!”
Viewed 453 times by 167 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, May 3, 2006In support kay major, kawawa naman siya at mukhang nag-iisa lang siya . Ibinibigay ko sa inyo ang pekeng inisyatibo na link. Ito daw ay isang attempt na Google Bombing para sa nag-uumastang sigaw ng bayan.
Panahon pa ni Ramos ay pinagpipilitan na ito ng dating presidente, kung inaakala ng nasa estado na isang magandang panahon ito para sa pagbabago ng konstitusyon at pamahalaan, gusto kong malaman nila na sobra atang bobo ang pagtingin nila sa mamamayang pilipino para tanggapin na lang ito at lunukin ang konting kanin na gusto nilang isubo sa atin.
Ang kapal ng mukha ng gobyernong gamitin ang mga katagang “People’s Initiative” gayung ang karamihang mamamayan e hindi ganoong naiintindihan kung ano nga ba ang charter’s change. Siguro ang kailangan ay palakasin muna ang mga nanghihinang katawan, dahil sa halos hindi na makakain ng maayos ang mamamayang pinoy ay hindi na rin makapag-isip ng matino ang mga ito at saka nila ipa unawa kung ano nga ba ang charter’s change at para saan ito.
Ang tunay na “people’s initiative” ay dapat na nagsisimula sa mamamayan, hindi ng mga taong pumapapel at may mga pansariling interes lamang. Ang tunay na inisyatibo ng mamamyan ay ang pagsusulong ng pambansang kalayaan laban sa oportunista,mandaraya, opresibo at mapaniil na huwad na presidente ng nagtatago sa saya ng amo niyang amerikano. Ang tunay na sigaw ng bayan ay GLORIA RESIGN!
| 2.5 |
Viewed 278 times by 110 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, April 18, 2006Hindi ko alam kung makakapagbigay ng magandang impormasyon ang aking blog sa taong katatapos lang bumisita dito.
Ang Ip ay edu.ph, na madalas kong makita sa sitemeter ko.
At ang hinahanap niya sa search engine ay ito:
an opinion on the life of jose rizal
at napadako siya dito
Kung siya ay naghahangad ng isang maganda-gandang istorya tungkol kay Rizal na nakabatay sa libro na nagsasaad ng pagtatagumpay ng pambansang bayani, malabo na makakuha siya sa entry na iyon.
Pero kung siya ay isang mag-aaral na bukas sa iba’t-ibang ideya, hinahangad ko na may nakuha siyang dapat pag-isipan sa sinulat ko.
Isa pang bisita mula sa Canada sa Ip na shawcable.net na naghahanap ng mga kultura ng Pilipinas.
At dito naman siya napadpad.
Ngayong araw na ito, ilang beses ko na ring nakita sa sitemeter ko na marami ang nagsesearch sa manilenya.com.
Hangad ko lang na makakuha ang mga nag sesearch na ito ng mga impormasyon na makakatulong sa kanila sa blog na ito.
Naalala ko noong minsan na mag nagsulat sa Cbox ko, nag rerequest na gumawa daw ako ng mga katha na tumatalakay sa dalawang nag-iibigan. Pasensya na po, dahil sa wala akong pag-ibig ..wala akong karapatang magsulat tungkol dito. Isa po akong tuod (ngiti-ngiti).
***2 down sa kultura.
| 2.5 |
Viewed 391 times by 136 viewers
manilenya - Last updated: Friday, March 17, 2006Ang apoy nag-aalab…..ang puso nag-aalab
Bukod sa quote na love is a rosary that full of mystery, may isa pa akong di makalimut-limutan na quote. Madalas kong makita yung poster ni Pope John Paul II noon sa opisina ng mga kristyanong aktibista. At ang nakasulat ay:
In order to see the light you must endure the pain of burning
Siguro yun yung prinsipyong tangan tangan nya sa tuwing lilipad sya at bibisitahin ang mga bansang hindi naman kristyanismo ang pangunahing relihiyon.
Taliwas naman ito sa kwento ng gamu-gamo na pinabasa ng nanay ni pepe sa kanya. Tinakot ni inay si pepe, wag daw lalapit sa may apoy dahil tulad ng isang gamu-gamong curious sa liwanag ay baka masunog ang pakpak nya at tuluyang mamatay.
Kaya siguro noong dalawin at himukin si pepe ni Ka Boni para sumama sa himagsikan ay parang bahag ang buntot itong umayaw (tinakot kasi ni nanay noong maliit e).
Naalala ko yung dalawang kwento nya, ang Noli me Tangere at El Filibusterismo kung saan malinaw nyang ipinahayag na kailanman ang rebolusyon laban sa kolonyalistang mga Kastila ay di magtatagumpay.
Kaya hindi naging malinaw sa akin kung bakit sya binaril sa bagumbayan noon ng mga kastila. Uhmmn.. siguro in a way, tama sila, na ang panulat ni Rizal hindi man lantarang umaayon sa rebolusyon noong mga panahon na yun pero maaring nakakapagpaningas ng kalooban laban sa mga kolonyalistang espanyol.
Pero iba ang ineexpect ko para sa isang Pambansang Bayani.
>>parang hindi akma ang titulo sa entry ko….pero hayaan nyo na ko…..salamat.
| 2.5 |
Viewed 294 times by 121 viewers









itot







