May tatlong anak ako sa kanya, edad siyam at pito ang mga nauna at ang bunso ay tatlong taong gulang. Bihira lang siyang umuwi at iyon ay kapag nakahanap siya ng panahon mula sa napakabusy niyang buhay doon, minsan tumatagal ito ng dalawang linggo hanggang tatlong buwan pagkatapos hindi mo na alam kung kailan ulit depende kasi sa mga trabahong natatanggap niya.
Tamang email at maghapong usapan sa telepono o chat lang ang komunikasyon namin, madalas mas gusto ko pang magchat na lang kami dahil sa totoo lang hindi ko siya gaanong maintindihan pag nagsasalita siya. Tama na yung basahin ko ang mga sinusulat nya sa monitor at makakaya ko pang sagutin ng diretso ito kung ititipa ko ang mga nasa isip ko.
Kapag nandito naman siya, nakikita ko kung paano siya maging ama. Mahal na mahal niya ang mga bata at kahit na bihira kaming lumabas madalas sa gabi pa para walang gaanong makakita alam kong nagagampanan niya ang role niya bilang ama sa mga ito. Madalas silang maglaro ni Ayel ng kahit ano na lang, nag-eenjoy masyado ang mga bata kapag nandito siya. At alam na alam ko na mas nag-eenjoy din siya masyado dito sa piling namin na mag-iina niya.
Sa tuwing umuuwi siya kinakailangan pa naming pumunta sa kabilang bahay, mas malaki kaysa dito sa tinutuluyan namin sa Tundo. Doon ay malaya siyang nakakakilos dahil malaki ang likod bahay kung saan tagong-tago pero naging saksi ito sa kasiyahang nadarama ng mag-aama ko sa tuwing magkakasama sila.
Pero dahil sa lumalaki na sila madalas din magtanong ang mga bata kung bakit hindi sila pwedeng magkwento tungkol sa ama nila sa ibang tao.
Sabi ni Esme ang panganay ko “bakit ganoon? ang saya saya dahil siya ang tatay ko pero hindi ko pwedeng ikwento? hindi tuloy malaman ng mga kaibigan ko na ang saya-saya ko. Madalas akala nila wala akong tatay kasi di nila kilala si tatay.”
“E ako nga pag pinapakita ko yung mga laruan na bigay ni tatay, tinatawanan nila ako e sabi nila di naman daw bigay ni tatay yun kasi di naman daw umuuwi si tatay e.” pasok naman ni Ayel.
Naawa ako sa mga bata pero ano ba magagawa ko, madalas niyayakap ko na lang sila ng mahigpit, sasabihin sa kanilang “okey lang” yun dahil mas alam nila ang totoo at higit sa lahat sinasabi kong mahal na mahal naman sila ng tatay nila. Pagkatapos ay yayayain ko silang mamasyal kahit saan, maglalaro kami sa pasyalan hanggang sa makita kong sobrang saya na ulit nila.
Umuwi siya noon, isang taon yata mahigit nung huli ko siyang nakita. Hindi rin kami madalas magkausap sa net kahit tawag bihirang bihira, malayo daw kasi ang lokasyon ng trabaho niya noon kung saan nasa loob sila ng liblib na lugar, kailangan daw sa trabaho. Madalas naman kasi e sa city lang ang trabaho niya kung saan madaling maka access sa lahat ng bagay. Inisip ko na lang na kailangan talagang maging ganoon, trabaho yun e.
Pag-uwi niya, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagod at sa gabi napag-uusapan namin na parang gusto na niya o gusto na muna niyang magpahinga. Gusto na niyang makasama kaming mag-iina niya ng matagal. Iniisip niya kung doon kami sa kanya, gusto na niya kaming isama. Medyo nagulat pa ako noon, gagawa ba siya ng ganoon kalaking desisyon?
Pero mas matindi ang mga huli niyang sinabi, halos mabitawan ko yung hawak kong baso na iaabot sa kanya ng humingi siya ng inumin. Pwede rin daw na dito na lang siya kasama namin. Ganito ba ako kamahal ng lalaking ito? kami ng mga anak niya?
Hindi na naulit pang muli ang usapan naming yun ngunit alam ko ……damang dama ko na yun ang gusto nyang mangyari. Sa loob ng sampung taon kilala ko na siya kahit na hindi kami madalas magkasama. Alam ko na ang bawat nilalabas ng buntunghininga niya. Kahit hindi niya sabihin kung ano ang laman ng utak niya, nahuhulaan ko na iyon. Sabi ko nga siya na nga yata……..kami na nga talaga yata.
Isang araw may kausap siya sa telepono, nangungunot ang mga noo niya. Doon ko napansin na tumatanda na rin pala siya dahil kitang kita ko ang mga gatla sa noo niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ng nasa kabilang linya dahil pawang mahihinang mga salita na natatakpan kaliwang kamay niya ang mouthpiece ng telepono.
Nakaka-alarma sa akin yun dahil sa hindi niya gawain ang makipag-usap sa telepono sa tuwing nandito siya kasama namin. Walang nakaka-alam na nagpupunta siya dito sa pinas.
Ilang araw pagkatapos nng eksenang iyon nakita ko siyang nakahandusay sa likod bahay ng tinutuluyan naming subdibisyon. Nag-iiyak na tinawag ako ni Ayel habang nasa mga hita ni Esme ang ulo ng ama niya na nakahandusay sa may lanai. Iyak ng iyak si Esme at si Kuleng ang bunso naming anak ay nagpapalahaw na rin ng iyak sa takot.
Inatake sa puso ang asawa ko at hindi na nakaabot pa sa ospital. Oo dinala ko siya sa ospital, ang sabi ko bahala na. Buhay na ng ama ng mga anak ko ang nakataya, di bale ng mabunyag ang sekreto niya……namin mailigtas lamang siya.
Pero hindi siya nakaligtas sa kamatayan. Namatay siya sa piling naming mag-iina dito sa pinas. Ilang araw pagkatapos noon ay laman na kami ng diyaryo hindi lang dito sa pinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Laman na rin kami ng internet, mga kuha naming mag-iina at mga kuha niya na nag-iisa at ang iba ay mga kuha kasama ng mga babaing nalilink sa kanya.
At kami, ang pamilya niya sa pinas na matagal ng itinatago ay naging public property. Ang pamilya ng isang sikat na sikat na action star sa Hollywood.
*****
Isa sa napakaraming laman ng utak ko sa tuwing inaabot ng matinding traffic sa sasakyan, naglalaba o namamalantsa, naghuhugas ng pinggan o naliligo o kahit na anong gawain na hindi naman kailangang gamitin ang utak para sa pag-iisip. Sa dinami-dami ng nagagawang istorya ng utak ko ngayon hindi na ako nagtataka pa kung bakit madalas praning ako. Hindi ko maisulat sa papel gamit ang bolpen dahil madalas pagkatapos kong magsulat hindi ko mabasa kung anuman ang mga isinulat ko.
Madalas ang sarili ko ang bida dito sa imahinasyong nagagawa ng utak ko, siguro ito yung sinasabing eksaheradong gusto kong mangyari sa buhay ko pero tama na yung maging kwento na lang siya sa kamalayan ko.
Pero sabi doon sa isang subject ko sa Psychology dati, ang pag-iimadyin ng isang bagay na kahit imposible e gusto mong mangyari sayo ay nakakatulong para maging lapat pa sa lupa ang utak mo. Medyo malabo siguro pag nabasa nyo pero malinaw na malinaw para sa akin.
Sensya na masyadong mahaba, masyado lang sinisipag ang mga daliri ko.
| 2.5 |
Viewed 425 times by 139 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







[...] Mr. and Mrs. Smith gave me the idea to post Daydreamer in my previous post but it wasn’t my fave. Wala akong fave.  [...]
oi, may anti-spam question pala…sayang yung comment ko kanina, nawala….:D
Ay, starring
LuvIt!
akoang pangalan ko sa kwento…heheHappy blogging!
ayel’s last blog post..Too Difficult a Situation for Teachers (and Students, Too!)
Hehehe sorry, nacurious daw ako sa unang comment lol