Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 26 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
madilim ang paligid
By User Imagemanilenya | 3 CommentsLeave a Comment
Last updated: Thursday, May 4, 2006

Dear nalen,
Here is your horoscope
for Thursday, May 4:

You’re a leader and you don’t even realize it. It’s time to bring that potential out where it can best serve the community. You know how to help others bring out and nurture their hidden talents.

Ang ganda ng horoscope ko ….pero mas maganda itong ikukuwento ko……

eskinita

Ito yung iskinitang kinalakihan ko. Yung tinutumbok ng kalyeng yan palabas yung dating ilog. Yan din yung tinatawag ng ilang kapitbahay na kaharian ng tatay ko. Madalas kasi pagnagkakaingay sila diyan, mga naglalaro at nag-iiyakang bata, mga nagkakasiyahang kadalagahan, nanay, kaadikan at kung sino sinong tambay na hindi naman tagaroon , ay maririnig na nila ang boses ng tatay ko na bagong gising, sisigaw at patitigilin sila sa pag-iingay nila.

Dahil sa ugaling iyon ng tatay ko, minsan may narinig akong sinabihan ang tatay ko ng nakatalikod na mapang-mata (nang-uuri) daw. Pero kadalasan tatay ko naman ang takbuhan nila pag may gamit na hihiramin, o munting bagay na hihingin. Madalas din dahil ang lutuan namin ay nasa may bakod, nakikita ng kapitbahay ang niluluto, siempre dinadagdagan na para ang ilan ay kasahog na sa pang-ulam.

Noong bago-bago ginawa ang tundo mula sa pagkakaroon ng ilog, tinambakan ito, pinatag, sinementuhan ang daanan, nagsulputan ang magagandang bahay, para sa mga naninirahan dito, e paraiso na ang buong paligid ng Velasquez, ang mga lupa kasi ay bigay “daw” ni Marcos noong nagreblocking. Maganda noon ang lugar namin, maraming pwedeng inegosyo. Maglagay ka lang ng mesa sa harap ng bahay at magluto tiyak kikita ka na.

Pero nitong pag-uwi ko, dahil sa gabi na noong dumating kami mula sa paliparan, isang madilim na Lacson ang tumambad sa amin. Ang isang masayang mga gabi dahil sa mailaw na kalsada ay wala na, ultimong ang maraming kabahayan ay madilim, ang ilan daw ay hindi nagpakabit ng kuryente dahil sa hindi kaya ng konting kinikita ang pambayad para dito.

Napag-alaman ko sa isang kapit-bahay na sa gabi lang daw sila may-ilaw, kundi pa daw sa isang bumbilya na kayang ibigay ni tatay pag-gabi ay hindi pa sila magkaka-ilaw.

Ang mga bahay ay niluma na ng panahon. Madilim ang paligid pag gabi. Hindi na namin magawang maglibot sa buong Velasquez sa magdamag na madalas naming gawin noon.

Madilim na ang paligid. Madilim na rin ata ang bukas ng Tundo.

Rate this:
2.5

Viewed 870 times by 222 viewers

RSS feed | Trackback URI

3 Comments »

Pingback by Paalam
2007-04-10 18:07:13

[...] ako nakatira sa loob ng dalawang taon at kalahati, malayong malayo sa lugar na kinalakihan kung saan doon din ako ipinanganak.  Ito na yung kung baga paraiso para sa mga nangangarap ng isang magandang buhay.  Pero alam kong [...]

 
Pingback by Swerte!
2007-04-23 00:37:23

[...] kalagitnaan ng paglalakad ko sa iskinitang ito ayun sinwerte ako.  Kabahong [...]

 
Comment by no imageQueen Blog (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-25 02:06:35

hai,,nice site…good day

Rate this:
2.5
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.