Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 7 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Gusto kong maging Writer
By | 9 CommentsLeave a Comment
Last updated: Monday, December 19, 2005

masarap makakilala ng kapwa blogger/manunulat!asteeg!
-aps-

Hindi maipaliwanang yung nararamdaman kong emosyon kaninang makita ko ang mga salitang ito sa cbox. Speechless. Walang deskripsyong katumbas. Basta ang alam ko, para akong isang bata na binigyan ng isang lollipop dahil sa maliit na bagay na ginawa ko. Kung binigkas ito sa akin ng harapan, tyak magmismistula itong lullabye na magtutulak sa akin sa isang mahaba-haba at mahimbing na pagtulog (na matagal ko ng hindi nagagawa) —-pasensya na hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang tuldok.

Eksaherado akong masasabi para sa iba, pero wala akong pakialam. Dahil hindi nila alam kung ano ang nararamdaman ng isang taong nagpupumilit magsulat pero eto tinawag na manunulat.

GUSTO KONG MAGING WRITER

Pamagat ng pocketbook na binili ko noong asa ikalawang taon ako ng BS Pshycology sa PUP. Sinulat ng isang Illustrator/writer sa komiks na dating magbobote daw at hindi nakatapos kahit man lang high school. Nabigyan sya ng pagkakataon na magsulat ng mga nobela sa isang sikat na publikasyon at nakaisip gumawa ng libro na makakatulong sa mga taong nagbabalak o may hilig sa pagsulat, kasikatan ng mga Valentine Romances at iba pang pocketbook noon.

Binili ko yung libro hindi para isakatuparan yung matagal ko ng gusto, ang makapagsulat at kumita ng konting pera sa isang 120 pahinang kwento ng pag-ibig, kundi yung matutunan lang ang basic ng pagsusulat.

Sa awa ng Dyos nakagawa ako ng mga karakter, plot at nakapag umpisa ako ng isang chapter. Hanggang doon na lang. Naalala ko ang sabi sa libro, ang isang kwento ay may simula at may wakas, at kung baga sa outline may mga maliliit na chapter para masabng may istorya, pero ang kwento ko nagsimula lang ngunit hindi nagwakas. Yun yung madalas kong marinig sa nanay ko noon, puro lang daw ako simula walang wakas o bigla ko daw winawakasan ang mga bagay o pangyayari sa buhay ko samantalang nagsisimula pa lang. Hindi nga siguro ako pwedeng maging manunulat kung ganon.

Di ko maiwasang alalahanin noong nag aaral pa ko, sa haba ng exams sa elementarya sa bandang essay lang ako parang na eexcite. Kahit na tapos na ko sa pagsusulit, naipasa na’t lahat ng mga kaklase ko ang mga papel nila, andun ako sa isang tabi kinakalabit ni ma’am nagtatanong kung ipapasa ko pa ba ang exam ko, paulit ulit ko kasing binabasa yung essay na sinulat ko, animo naging fan ako ng sarili kong gawa. Natutuwa rin ako noong high school dahil sa Speech and Drama class ay nakakagawa ako ng mga tula at nilalapatan ng ito ng musika para maging awit. Di ko rin maiwasan ang humanga sa maiigsing skit na kelangang gawin para gamitin sa maliit na programa.

Pero dahil sa hindi ako organisadong tao ….ang konti kong mga likha hindi ko naitabi …SAYANG!!!!

Kumuha pa ko ng kursong Journalism noong kolehiyo.. gusto ko nga sigurong magsulat.
Pero hindi nga aata ako para doon. Nilayo ng pagiging mapulitika ko ang pangarap na niyakap ko na mula pagkabata o nilayo ako ng aking mababang “self-esteem” sa pagsusulat? Ewan ko …siguro nga….

Kaya nga siguro, malaki ang nagawa sa akin ng pagbablog, dahil dito ko naisakatuparan ang pagnanais kong makapagsulat.

Pero bigla akong inabot ng reyalisasyon na hindi ako dapat matuwa sa sinabi ni aps dahil ang ako ay isang blogger na nagpupumilit lang maging manunulat. Hindi ko pala ito espesyal na talento.

Umurong akong bigla..na parang bang isang bata na inagawan ng lollipop.

Viewed 214 times by 70 viewers

RSS feed | Trackback URI

9 Comments »

Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-01-12 15:45:22

naalala ko nung makita ni Ally ang baha sa Malabon..sabi nya,mama,nakakatakot naman.syempre di ko sha dapat takutin,at nung makita nya yung mga batang nag si swimming,sabi nya,mama,ang saya nman!!

kaka touch tong letter mo sa kapatid mo.maraming alaalang nakapaloob dito :)
ako una??yayyyyy!!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-12 15:49:03

Ghee,
wow! nakita na pala ni Annie kung ano ang tunay na itsura ng pinas lalo na kapag tapos ng ulan :)
pero ang maganda nyan nakita nya rin yung pagtanggap ng mga pinoy at pag-enjoy ng kung ano ang meron tayo..tulad ng bahay :)
avah sipag ka na magbloghop nakauwi ka na kasi :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemousey (Who am I?)
2007-01-12 17:19:06

bakit kaya pag umuulan daming naaalala? masarap maligo sa ulan, magtampisaw sa kanal at magpadulas sa kalsada tuwing umuulan. at nung teenies wishing na may gwapitong susukob sa payong ko hehe an napaalala din ako.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-01-12 18:46:29

pareho pala tayong minsan naging swimmer sa tubig baha, na minsan ay tuwang tuwa pag nakitang tumaas na ang tubig sa kalye at magyaya na sa mga kaibigan na maglangoy. :)

Ang ganda pala ng tyempo ko dito sa Singapore ano mare tag-ulan?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagedennis (Who am I?)
2007-01-12 19:15:45

a nostalgic glimpse into the past. nicely written!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-01-12 21:05:59

tara ate, ligo tau sa ulan! :)

nung minsang umulan ng malakas dito sa San Antonio, nagpaalam ako sa nanay ko na kung pwedeng maligo sa labas,, sabi nya wag na raw, baka pa raw ako magkasakit.. :( sayang.. pero la rin naman kasing naliligo sa ulan dito eh.. KJ mga tao dito.. hehehe..

pero nung nandon ako sa pinas, larga! hehehe.. nakakamiss din tuloy.. hay…

uwi na tau ate len.. :)

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageann (Who am I?)
2007-01-12 21:30:44

Noong bata ako natutuwa ako kapag malakas ang ulan dahil alam ko ang kasunod noon ay pagbaha, nauuna kasi ang pagtaas ng tubig sa kabilang kalye dahil mas malapit sila sa ilog. Sabi ko pa, “buti pa sila baha na, ang tagal namang lumipat ng tubig.” Narinig ako ng lolo ko at napagalitan. Sa murang edad ay hindi ko pa alam ang dulot ng pagbaha sa kabuhayan ng mga tao.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLeah (Who am I?)
2007-01-13 02:05:21

Nakakabalik naman ng mga alaala ang panulat mo ngayon Nalen…
napakagandang liham para sa iyong kapatid..

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-01-13 02:28:49

Masarap ang tag-ulan sa mga hindi nagtatrabaho! :) Nasa bahay ka, nakadungaw sa bintana o nakaupo sa terasa. May hawak na beer sa isang kamay at yosi sa isa pa at magsisimulang isipin ang mga nakaraan. Malungkot man o masaya… naging parte ng buhay mo at hindi pwedeng kalimutan ang nakaraan dahil kung wala ito, walang kasalukuyan!

Tangina! Ang drama! he he he! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-01-13 04:52:14

nung nasa Pilipinas ako, tuwang-tuwa rin ako everytime na umuulan kasi ang sarap maligo. Pero mas masarap maglaro ng sipa-bola pag umuulan… hahahaha! Ewan ko ba, feel na feel talaga! hahahaha!

Ngayon andito na ako sa malayong lugar, ayoko ng umulan! Lichugas na yan… nagiging ugat lang lagi ng kalungkutan ko! Nyahahaha…

te, nagbalik na ako! na-miz kita! oh, inalagaan ko si Aya nung iniwan mo skin ha.. tanong mo pa sa kanya! hehehe! Ang daldal ng anak mo te… daig ka pa! Nasan na pala ang bago nyang blog?!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-01-13 12:07:44

Nakakatuwa naman mag-reminisce. Sarap maligo sa ulan! Lalo na kung meron tumutulong alulud ng bahay tapos dun kayo tatapat! Hahahah! Feeling water falls :)

May blog din si Aya??

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemmy-lei (Who am I?)
2007-01-13 13:15:51

alam mo ba kung baket ako napatira sa espana? kasi gusto ko maranasan ang baha! hahaha! pero nsa 2F ang apartment ko kaya tama nalang panoorin ang mga taong nsa rubber boat.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-01-13 15:06:57

naku may naalala din ako sa post mo.
ang pagligo sa ulan, pagsahod ng ulo sa alulod kung saan malakas ang buhos ng tubig-ulan.
ang habulan sa gitna ng kalsada habang umuulan.
haaay…those were the days!

***
pero abnormal na nga ang panahon ngayon. iba na ang klima at ang sabi, dahil daw ito sa pagkasira ng ating ozone layer. haaay…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemajor (Who am I?)
2007-01-13 20:32:55

pards, di ko makita san dun back-up mo…nasa loob ako ngaun…tnxxx

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemajor (Who am I?)
2007-01-13 20:35:55

ah ok, nakita ko na…, in a few moments, dun muna sa tag-board ko tau mag-usap ha…

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-13 23:26:45

mousey,
wow hehehehe romantic ang naalala ng lola ko
sayang walang nag ganyan sa akin, bagkus tumatakbo pa pag nakita ako
di bale ng maulanan ng husto :)

jlois,
lol! maganda ba tyempo mo pre?
e hindi ka gaano makalayas nyan :)
pre noon nagdadala pa kami ng boya kapag maliligo kami sa baha
e kayo ba? :)

dennis,
thanks po dennis :)

karmi,
naku dito rin walang naliligo sa ulanan,
madalas kasi dito kumidlat at yung kidlat dito talagang nakakamatay
bawal nga magswimming kapag umuulan dahil sa kidlat :)
tara sige uwi na tayo
at maligo sa ulan :)

ann,
ganun nga ang mga bata e
basta nakakasiya sa kanila
hindi nila alam hindi mabuti sa iba
pero syempre yung negatibong epekto nun
kapag nakita nila
doon sila natututo

Leah,
naku e baka bigla ka nahomesick dyan :)
thanks po
yung thursday thirteen ko pala di ko matuloy-tuloy
wala kasing masyadong maisip hindi ako maka abot sa 13 lol!

LAR,
habang binabasa ko tong comment mo sa handfone ko kagabi
navivisualize ko ang itsura ng mga sinabi mo
lol
pwedeng isang senaryo sa isang telenovela :)

rHo,
kami noon madalas abutan ng ulan kapag nag fofootball sa gitna ng kalsada tapos kahit umuulan hindi na kami aalis doon :)

o e saan ka na naman galing?
unga e tagal ng update sa blog mo :)

naku si Aya sinabi mo pa, madalas nga dati yun e oo na lang ako ng oo kapag nagsasalita
tapos gagawin pa hahawakan ang mukha ko para lang makita nya na nakikinig ako sa mga tanong at mga kinukwento nya :)

wala pa yung blog hindi maasikaso dahil sa school e
at saka may tigdas :(

sasha,
haaha korek ka dyan
alulod nga
yan yung hinahanap kong termino noong ginagawa ko tong entry na to
hindi ko mahanap lol!

si aya ginawan ko ng blog hindi naman inaasikaso :)

mmy-lei,
hay naku mmy-lei
grabeh baha dyan sa espanya na yan
dami ako kwento dyan noong nag-aaral pa ako
as in nilalakad ko mula tayuman hanggang PUP tapos abot halos baywang ang baha
kaya madalas lagi ako nakashort sa pagpasok kapag umuulan :)

malaya,
sa mga taong adik sa ulan walang abno abnormal ang panahon lol!!
wow ang saya diba naranasan mo rin pala yan :)

major,
pre wala ka na andyan ka pa ba?

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-01-13 23:44:47

ate ako andito.. :) hehehe..
tara uwi na tau!!!!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagejhay (Who am I?)
2007-01-14 09:02:53

kay saya talagang maligo sa ulan. Kakamiss ang kabataan, hehehe

Oo nga pala, tag kita ha. :D

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-01-14 21:21:47

Napapailing lang ako sa inggit at wala akong masabi tungkol sa baha. Sana sa susunod kong pag-bisita sa atin ay makatiempo ako na bumaha sa ulan kahit 10 minutes lang at ng makalangoy din ako sa baha para naman meron din akong kwento tungkol diyan.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekurokuroko (Who am I?)
2007-01-15 00:23:18

i can relate. bahain ang balut nun eh. :)

Rate this:
2.5
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.