Cha-cha Dance Instruction ni Juana…sasayaw ka ba?

December 10th, 2008 § 29

Ang sayaw na cha-cha mula noon hanggang ngayon, hindi pwedeng wala sa mga partihan.  Mula matanda hanggang bata kayang kayang isayaw ito.  Makikita mo sa mga sayawan, mapa street party man (uso pa ba ito?) o diskuhan (tunog 80’s daw sabi ng isang kasama).  Ma pa in man o out, cha-cha ang paborito kasama ng line dancing.

Ikendeng ang balakang kasabay ng pasulong - paatras na mga paa.  Pwedeng itaas ang mga mabining mga kamay at sundutan ng mapang akit na mga mata.

Ang sayaw ay cha-cha.

Sige. Hala. Cha-cha.

Sulong.  Atras.  Sulong.  Akitin ang inosenteng mga mata.

Pero bukod sa sayaw na cha-cha, may iba pa akong cha-cha na nakikita.  Ang pagkaka-alala ko, panahon pa ito ng dating pangulong Ramos unang ipinakilala.  Ibanabandila noon ni Ramos ang Philippine 2000 gayong matatapos ang pagkapangulo nya ng 1998, ibig sabihin may balak mag cha-cha.  Charter Change ika nga.

Ngayon muling nagiging mainit ang usapan ng cha-cha..bago mag eleksyon mayroon na namang gustong magcha-cha…makikisayaw ka ba?

Kung sasayaw ka, may instruction si Juana.

YouTube Preview Image

Viewed 2466 times by 434 viewers

A long weekend that was….

September 2nd, 2008 § 0

This was the message I saw taped in Mike’s front door when I climbed the stairs to his cottage. I was surprised when I read this, I didn’t realize that he is this cordial person. I saw him twice, well this was the third time I saw him, the last time was in my birthday party that my uncle threw for me last year.

He called A First Nation in this country. The Indian people who were the very first souls that reached Canada. I only watched them in the movies, and now I even hibernated at his place together with my group for two days.

He loves to utter the words “This is my country” whenever we talk about what he can do (,and what he cannot), and then we will all be bursting into laugh.

» Read the rest of this entry «

Viewed 2782 times by 538 viewers

EDSA 1.0

February 23rd, 2008 § 52

 

Ngayon ang simula ng dalawang araw na blogswarm para sa pagpapababa sa Pang(g)ulong Arroyo. Saktong sakto sa anibersaryong ipinagdiriwang natin ngayon. Tara na mga kapwa cyber-aktibista! Saan mang lupalop ng mundo ka naroroon, makilahok na sa…

Electronic
Data
Swarm
Against Arroyo
wave 1.0

Let’s Expand the Democratic Space through cyber-Activism. Sama-sama nating ISIGAW / I-POST / IE-MAIL:

TAMA NA, SOBRA NA, KILOS NA!
GMA, ALIS(IN) NA!

Viewed 1837 times by 298 viewers

Isang mapagpalayang Snowy Sabado sa lahat!

December 6th, 2007 § 0

Umalis na naman sila noong Sabado papuntang Toronto, niyayaya ako pero di ako sumama, una kasi doon sa pupuntahan nila e me nadiscover kaming bagong shop na mura ang mga damit at kapag sinukat ko grabe ang ganda ganda sa akin, oo as in! Mura pero kapag pinagsama-sama mo yung presyo ng mga papamilihin mo syempre mahal, lalo na kapag iko-convert mo sa peso. Mahilig pa rin ako magconvert hanggang ngayon. Magastos at ayaw ko munang gumastos na naman ngayon.

Pangalawa kasi mas gusto kong magbabad sa kompyuter. Pero di rin ako nakapagbabad sa kompyuter, nagkayayaan kami ng kasama kong weekender na pinay sa bahay ni tyong, subukan daw naming maglakad papunta sa mall na di ko matandaan kung ilang metro layo dito, hehehehe bobo ako sa metro at kilometro e.

Negative 14 ang temperatura sige suong kami sa gitna ng malamig na lansangan. Ginaw na ginaw ako noong papunta pa lang kami, doon ko nalaman na yung gloves ko pala e di kakayanin yung lamig sa labas tapos wala pa akong bonnet o sumbrero di katulad ng kasama ko, palibhasa lagi palang naglalakad sa malamig e handang-handa.

Pero noong pauwi na kami, bitbit bitbit yung mga grocery bag na pinamili namin, hindi ko naiwasang ilabas yung kamera ko. Bigla nakaya ko lamig lalo na kapag binibigay ko sa kasama ko yung mga dala kong grocery bag sa tuwing kukuha ako ng mga litrato. Very supportive ang lola ko!

» Read the rest of this entry «

Viewed 1469 times by 238 viewers

nakakainis…nakakagalit…nakaka-asar mag move on

November 9th, 2007 § 0

sus buti ka yan lang dahilan ng iyak mo ako din umiyak sa dyip kahapon

–bakit naman?

dahil sa news dito ngayon

–bakit?

yung bata na 11yrs old na nagpakamatay dahil sa kahirapan taga Davao, ang ironic nasa Davao mga lider nun my conference on anti poverty tapos yung bata nag didiary kaya nakasulat dun yung mga nararamdaman nya yung last na sinulat nya di tapos tungkol sa isang show susulat cya at mag wish, alam mo kung anong wish nya? bag at bike at trabaho para sa magulang nya.

–nagpakamatay?

naiyak ako talga hanggang ngayon balita cya sa radyo tv at lahat
oo nagpamatay cya nagbigti 11 yrs old babae kaya lungkot din ako …aside from operahan sis ko lagay mo sa blog mo kakaiyak yung story nya. tapos may diary cya nakasulat dun.nakita sa ilalim ng higaan nya yung diary nakakainis..nakakagalit…habang nagsusuhulan ang mga politiko ng almost 500 million. alam mo ba suhol yun ni GMA sa mga congressman half a million

» Read the rest of this entry «

Viewed 1679 times by 270 viewers

Lumuha ka aking BAYAN

October 25th, 2007 § 0

No To Erap Pardon!

no to erap pardon

» Read the rest of this entry «

Viewed 1752 times by 311 viewers

Rebuttal ng isang manilenya (Re-issue)

October 4th, 2007 § 0

Ayaw ko ng magpalawig pa dahil nasabihan na akong naging “subhetibo” (kung mali ang ginawa kong pagtagalog sa subjective pasensya na, madalas kasi naaliw ako sa mga gawa-gawa kong paglipat sa tagalog ng mga ingles na salita - sabi nga diba ang mga pinoy likas na malikhain pagdating sa mga salita.) sa isang komento na ginawa ko na nasundan pa ng medyo maiinit na komento na may kasama ng rektipikasyon syempre. Isang puna iyon ng kapwa blogger na tinatatanggap ko. Tao lang kaya ako.

Nakalimutan kong idagdag: may puntos ako pero subhetibo ang dating kaya subhetibo pa rin.

Noong una gusto kong magkaroon ng isang assessment sa sarili ko bilang pinoy blogger at ang blag ko bilang blag ng isang bobang pinay na unang nagkuwento ng sariling karanasan, nagbibigay ng haka-haka at paminsan-minsang nagbibigay ng sariling opinyon pagdating sa pulitika at lipunang Pilipino. Pero siguro sa ibang panahon na iyon. Nakita ko kasi ito:

» Read the rest of this entry «

Viewed 2277 times by 283 viewers

On Educating Migrants

September 8th, 2007 § 0

Educating Migrants?

Here comes another brouhaha from a sosyal who happened to be a co-writer of Ms. Malou Fernandez in the great, very great Manila Standard. Now I think these people behind this infamous broadsheet are celebrating the mainstream.

Malou Fernandez got her name famous online and in the media as well so why not he, Emil Jurado? As the issue on discriminating OFW, the Domestic helpers and those Overseas Contract workers doing odd jobs is almost fading (getting warmer after the big heat),  here is Mr. Emil Jurado writing nonsense, a subject that most of us already know even without mentioning that there were movie producers who adopted the storyline in their films several times right? Remember Anak, Milan, Dubai and many more? They made big money. Moviegoers liked those films because they see themselves in the stories.

So what is new then? Nothing! What is the purpose? Simple, he just wants another page for himself and I’ll give him what he wants because I’m good.

» Read the rest of this entry «

Viewed 1503 times by 320 viewers

Ganun na nga lang ba yun Malu Fernandez?

August 30th, 2007 § 0

 Nagsorry si Malu Fernandez ang bagong usbong na socialite ng bayan:

Statement from Malu Fernandez on the OFW Controversy

I am humbled by the vehement and heated response provoked by my article entitled ‘From Boracay to Greece!’ which came out in the June 2007 issue of People Asia. To say that this article was not meant to malign, hurt or express prejudice against the OFWs now sounds hollow after reading through all the blogs from Filipinos all over the world. I am deeply apologetic for my insensitivity and the offensive manner in which this article was written, I hear you all and I am properly rebuked. It was truly not my intention to malign hurt or express prejudice against OFWs.

As the recent recipient and target of death threats, hate blogs, and deeply personal insults, I now truly understand the insidiousness of discrimination and prejudice disguised as humor. Our society is bound together by human chains of kindness and decency. I have failed to observe this and I am now reaping the consequences of my actions. It is my fervent hope that the lessons that Ive learned are not lost on all those who through anonymous blogs, engaged in bigotry, discrimination, and hatred ( against overweight individuals , for example )

I take full responsibility for my actions and my friends and family have nothing to do with this. To date I have submitted my resignation letters to both the Manila Standard and People Asia, on that note may this matter be laid to rest.

» Read the rest of this entry «

Viewed 1294 times by 281 viewers

Ang kawawang magulang at mga OFW sa kamay ng isang BABOY

August 17th, 2007 § 0

Ito muna habang nag-aayos ng bahay.

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, panagbili na namin
nag mga  kalabaw  natin.  Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE,
wala
na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na
project nyo na NOKIA  N75, ang mahal naman ng project nayun. kasama din
ang 7 thousand dun para  sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo
ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe  mo,  isasanla  pala namin ang
palayan natin para mabili mo nag yung  instrumentong  I-POD  na
kinakailangan  mo  sa  laboratory nyo. Anak komportable  kaba  jan  sa
boarding  house mo san ba kamu yan. sa VICTORIA COURT  -  maganda ba
dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project  nyo  na
SANMIG  LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.

Anak  sana  bago  pa  maubos  ang  lahat  lahat  ng ari-arian natin ay
maka
gradweyt    kana,  walong  taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL,
sana
pag  graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng
kumpanya para  mabawi  natin  ang  mga ari arian nating sa sanglaan. ay
cya nga pala anak  diba  sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi
kumakain ok ba naman sayo  ang  mga  ulam dyan baka hindi masarap
kawawa
ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat
cya sa pag dri-drive.

Anak  hanggang  dito  nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang
pera
na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal
Itay at Inang

» Read the rest of this entry «

Viewed 1131 times by 240 viewers

Where Am I?

You are currently browsing the rebuttal category at Manilenya.