December 10th, 2008 §
Ang sayaw na cha-cha mula noon hanggang ngayon, hindi pwedeng wala sa mga partihan. Mula matanda hanggang bata kayang kayang isayaw ito. Makikita mo sa mga sayawan, mapa street party man (uso pa ba ito?) o diskuhan (tunog 80’s daw sabi ng isang kasama). Ma pa in man o out, cha-cha ang paborito kasama ng line dancing.
Ikendeng ang balakang kasabay ng pasulong - paatras na mga paa. Pwedeng itaas ang mga mabining mga kamay at sundutan ng mapang akit na mga mata.
Ang sayaw ay cha-cha.
Sige. Hala. Cha-cha.
Sulong. Atras. Sulong. Akitin ang inosenteng mga mata.
Pero bukod sa sayaw na cha-cha, may iba pa akong cha-cha na nakikita. Ang pagkaka-alala ko, panahon pa ito ng dating pangulong Ramos unang ipinakilala. Ibanabandila noon ni Ramos ang Philippine 2000 gayong matatapos ang pagkapangulo nya ng 1998, ibig sabihin may balak mag cha-cha. Charter Change ika nga.
Ngayon muling nagiging mainit ang usapan ng cha-cha..bago mag eleksyon mayroon na namang gustong magcha-cha…makikisayaw ka ba?
Kung sasayaw ka, may instruction si Juana.
Viewed 2471 times by 434 viewers
July 28th, 2008 §
I thought, I don’t know the feeling of having a hangover anymore and will not get it any longer for the rest of my life. I still drink yes. A bottle or two beers while in front of my laptop, flicking my keyboards. Or a bottle of Beringer White Zinfandel, if I am not too thrifty enough to buy one (that’s only for me, they may get so lucky – my aunt’s visitors- if they can get some from my bottle.
But a drinking binge in a great night of party? Oh! The feeling of in the party atmosphere is so delicious. That, also, I thought I will never get to experience again.
It is a different party from Filipino parties I always have to attend because my bum is so tired sitting while my finger is working on keyboard. But I don’t like it. I don’t like, after eating, I will fight for the microphone and burn my eyes with edited images of Philippines beautiful places in WOW! Magic Sing – so unreal, why not putting real pictures for that, they earn too much from pinoy ex pats any ways – while belting out tunes as if I can sing.
I don’t like it when I am waiting in queue for the microphone again, and I hear voices shouting Tong-it or asking me if I have some spare…because they need some spare.
I don’t like staying up late in the parties doing nothing, except waiting for my turn to sing (again) and giving some spare to the tong-it player relatives.
I want real parties. Nice and contemporary music’s that will pull you to dance, overflowing drinks and foods, meeting new acquaintances and a good laugh while having everything at hand.
Last night, I wasn’t a guest in the party. I was still at work, helping the party hosts for they were having their wedding anniversary, but I must say that I had fun…so much fun that I had a hangover this morning.
But at least, i didn’t curse alcohol again.
Viewed 1272 times by 358 viewers
February 23rd, 2008 §

Ngayon ang simula ng dalawang araw na blogswarm para sa pagpapababa sa Pang(g)ulong Arroyo. Saktong sakto sa anibersaryong ipinagdiriwang natin ngayon. Tara na mga kapwa cyber-aktibista! Saan mang lupalop ng mundo ka naroroon, makilahok na sa…
Electronic
Data
Swarm
Against Arroyo
wave 1.0
Let’s Expand the Democratic Space through cyber-Activism. Sama-sama nating ISIGAW / I-POST / IE-MAIL:
TAMA NA, SOBRA NA, KILOS NA!
GMA, ALIS(IN) NA!
Viewed 1838 times by 298 viewers
January 7th, 2008 §
Una akong nakakita ng rali ay noong nasa unang taon ako ng high school. Paglabas ko ng eskwelahang pinapasukan ko ay mayroong hindi kalakihang grupo, may hawak hawak na flag ang mga nasa harapan at mga sumisigaw. Mga sigaw na hindi ko maintindihan. Yung nakalagay sa pulang flag nila ay isang malaking letrang I. Natatandaan ko yung I na iyon ay kasama sa mga listahan na ipinamigay sa amin noon na mga sign na tinatawag na satanista. Nito ko lang nalaman na red scare pala yung papel na ibinigay sa amin noon.
Pagakatapos ng tagpong iyon, saka ko napanood ang laksa-laksang tao sa Edsa. Mga taong nag-aklas laban sa kasalukuyang pamahalaan noon. Laban daw sa diktadurya. Nawala si Apo Makoy at pinalitan ng asawa ni Ninoy Aquino, yung nakasalaming binaril sa tarmac.
At naibalik na nga daw ang demokrasya.
Pero pagkalipas lang ng may isang buwan, nagkaroon ng putukan sa Mendiola. Nagkaroon ng ng isang madugong dispersal ang mga rali ng mga magsasaka at kinseng katawan ang nabuwal sa kalsada pagkatapos mailuklok sa poder ang taong magbabalik daw ng demokrasya.
Pagkatapos ng kulang 20 taon, naulit ang istorya. Nadagdagan ang drama sa kasaysayan ng pinas. At muling naging sikat sa katapangan at prinsipyo ang mga tinatawag na komon-tao sa pinas. Mga komon-tao na muling nagamit ng mga taong may maruming pulitika.
Ang entry na ito ay unang yugto para sa Campaign Supporting Good Governance ni Pedestrian Observer.
Please Join Bloggers Supporting Among Ed’s Good Governance Campaign! Among Ed needs your support! Show your support through your blog rejecting the moral degeneration of patronage and personality politics. I-klik lang po ang link sa itaas. Maraming Salamat!
Viewed 1559 times by 260 viewers
November 9th, 2007 §
sus buti ka yan lang dahilan ng iyak mo ako din umiyak sa dyip kahapon
–bakit naman?
dahil sa news dito ngayon
–bakit?
yung bata na 11yrs old na nagpakamatay dahil sa kahirapan taga Davao, ang ironic nasa Davao mga lider nun my conference on anti poverty tapos yung bata nag didiary kaya nakasulat dun yung mga nararamdaman nya yung last na sinulat nya di tapos tungkol sa isang show susulat cya at mag wish, alam mo kung anong wish nya? bag at bike at trabaho para sa magulang nya.
–nagpakamatay?
naiyak ako talga hanggang ngayon balita cya sa radyo tv at lahat
oo nagpamatay cya nagbigti 11 yrs old babae kaya lungkot din ako …aside from operahan sis ko lagay mo sa blog mo kakaiyak yung story nya. tapos may diary cya nakasulat dun.nakita sa ilalim ng higaan nya yung diary nakakainis..nakakagalit…habang nagsusuhulan ang mga politiko ng almost 500 million. alam mo ba suhol yun ni GMA sa mga congressman half a million
» Read the rest of this entry «
Viewed 1680 times by 270 viewers
October 25th, 2007 §
No To Erap Pardon!

» Read the rest of this entry «
Viewed 1754 times by 311 viewers
October 4th, 2007 §
Ayaw ko ng magpalawig pa dahil nasabihan na akong naging “subhetibo” (kung mali ang ginawa kong pagtagalog sa subjective pasensya na, madalas kasi naaliw ako sa mga gawa-gawa kong paglipat sa tagalog ng mga ingles na salita - sabi nga diba ang mga pinoy likas na malikhain pagdating sa mga salita.) sa isang komento na ginawa ko na nasundan pa ng medyo maiinit na komento na may kasama ng rektipikasyon syempre. Isang puna iyon ng kapwa blogger na tinatatanggap ko. Tao lang kaya ako.
Nakalimutan kong idagdag: may puntos ako pero subhetibo ang dating kaya subhetibo pa rin.
Noong una gusto kong magkaroon ng isang assessment sa sarili ko bilang pinoy blogger at ang blag ko bilang blag ng isang bobang pinay na unang nagkuwento ng sariling karanasan, nagbibigay ng haka-haka at paminsan-minsang nagbibigay ng sariling opinyon pagdating sa pulitika at lipunang Pilipino. Pero siguro sa ibang panahon na iyon. Nakita ko kasi ito:
» Read the rest of this entry «
Viewed 2279 times by 283 viewers
October 3rd, 2007 §
Time out for desperadas but this entry I am desperately asking you pipol in my neighborhood to hold hands and unite for the very special day not my birthday but the birthday of the new PEACEFUL REVOLUTION which I think aiming not to follow their revolution to Edsa Revolution (hehehehe dagdag ko na lang yan.) Now in this prolegomenon (naks hehehehe ang lalim) to Free Burma am I putting Filipino down? Nope. I am putting politician down and if I say politician..LAHAT KAYO NO!
About “Free Burma!”

International bloggers are preparing an action to support the peaceful revolution in Burma. We want to set a sign for freedom and show our sympathy for these people who are fighting their cruel regime without weapons. These Bloggers are planning to refrain from posting to their blogs on October 4 and just put up one Banner then, underlined with the words „Free Burma!
» Read the rest of this entry «
Viewed 1085 times by 232 viewers
September 11th, 2007 §
Guilty ang lolo ko sa plunder hindi ko man lang napanood, sayang. Mukhang madrama pa man din ang tagpo, syempre Joseph Estrada yan e. Pagkatapos kong panoorin yung Impeachment trial 6 years ago, eto na ang ending ng latest na pelikula nya. This time hindi na siya gumaganap ng ibang karakter kundi sarili na niya mismo.
He was convicted of life imprisonment pero knowing Erap, kayang kayang lumabas kapag birthday ni ano, kasal ni ano saka kapag may eleksyon at kailangan ng kampanya nya ng pasimple.
Hmmnn guilty si Erap, parang nakikini-kinita ko na yung ngiting hanggang ngala-ngala ni Gloria na hindi mapagkiiiiiitttttt.
One down.
Oh 2 down dahil nahuli na daw yung isa ko pang lolo sa nederland.
Teka 3 down pala dahil sa patuloy na political killing.
Naks! mukhang naghahari talaga ang reyna ha. Eh di sa susunod na eleksyon tiyak tatakbo ulit siya. Baka daigin si Marcos.
Hmmnn, kung nahuli na sa bitag si Jose Velarde, Si Jose Pidal kaya nasaan? Sorry, hindi pa rin ako naniniwala na bayaw niya si Jose Pidal.
Viewed 1187 times by 232 viewers
May 14th, 2007 §
Let’s volt in ang drama naming magpipinsan pagkatapos bumoto. Halos sabay-sabay kaming naghiyawan (sa isip lang) na eto kami - mga botante- ng aming panahon.
Ang tagal ko ring nag-isip kung boboto ba o hindi. Sa puso at isip ko katulad ng sinabi kanina ni tatay “akala nyo ba kung GO ang uupo e magkakaroon ng pagbabago?”
» Read the rest of this entry «
Viewed 1582 times by 376 viewers