Dito Sa Canada Halos Lahat Made In China

June 8th, 2009 § 32

Kung sino man si Mike Avenue na nagrereklamo na made in China ang natanggap  lahat niyang tsokoleyt mula sa Canada, huwag na siyang magmarakulyo kasi halos lahat na mabibili mo dito ay made in China.  Mula sumbrero na gagamitin mo sa kahit na anong panahon hanggang sa flip flops.

Uso din dito ang dollar store, mga produkto na mabibili mo ng isang dolyar pababa.  Lahat halos ng mga produktong iyon tiyak na tiyak e galing sa China kung saan ang mga produkto e mura.

Sa kaalaman ng lahat, pasukin ng tao ang dollar store mula sa mga lokal na mamamayan hanggang sa mga imigrants.  Maraming mga produkto ang mabibili sa dollar store, kabilang na run yung sobrang init, napakainit at nuknukan ng init na tsokolate ni Mike Avenue.

» Read the rest of this entry «

Viewed 24358 times by 1229 viewers

Golf club, diary, ibon, pray-over……

June 3rd, 2009 § 20

Kung kailan sabi ko - sa hindi mabilang bilang na beses na - na maaga na akong matutulog, kailangan mga at least pitong oras na tulog sa isang araw, heto ako alas una beinte sais ng madaling araw at tinatapos ang post na ito.

» Read the rest of this entry «

Viewed 26831 times by 1375 viewers

Balut, Penoy, Balut!

May 6th, 2009 § 51

Pagbalik ko noong linggo ng gabi sa trabaho, pinagmalaki agad sa akin ng panganay na anak ng amo ko yung labing isang itlog ng pato na nakita nila sa kasukalan sa likod bahay kung saan sila nang-huhunting ng turkey.

Nilagay nila sa loob ng hindi kalakihang aquarium ang mga ibon na pinalibutan ng mga pakpak ng nahuling turkey noong isang linggo at tinapatan ng dalawang ganitong ———–> lamp shade.

Sabi ko sa amo ko, iyan ang tinatawag na balut.  Bakit di na lang kaya namin ilaga, budburan ng asin at suka sabay kaining buong buo ang sisiw sa loob habang masabaw sabaw pa.

Matagal tagal na rin pala akong hindi nakakakain ng balut, tanda ko noong huling uwi ko eh pinagsawa ko ang sarili ko nito.  Saka one day old.  Pati na rin bola-bola sa kariton.

Viewed 42044 times by 2220 viewers

How Time Flies……

April 23rd, 2009 § 35

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung tinawagan ako ni younger sis na dumating na daw ang visa ko papuntang Canada.  Abril 17 noong iniwan ko ang Singapore pauwing pinas para lang muling iwan papunta namang Canada.

Ang bilis ng panahon, akala ko kahapon lang noong nag disi-sais ako, ngayon apat na na taon na lang may disi-sais na akong anak….parang gusto kong umiyak kasi parang hindi pa ko nakaka-alpas sa ganoong edad.  Pakiramdam ko lang.

Ang bilis ng panahon, nakita ko sa web cam yung tatay at nanay ko kahapon, iniimadyin ko pa yung may hanggang balikat na buhok ni tatay noon, medyo kulot kulot ang laylayan, hubad-itaas habang suot ang pantalong levi’s na straight cut.  Akala ko kailan lang yung madalas kong suotin ang mga pantalon nya na nagmimistulang bell bottom kapag suot ko, katerno ang puti o asul na t-shirt na may tatak na Guam Cockpit sa likod.

Kagabi, nahahalata na sa itsura nya yung mga panahong pinagdaanan niya na pakiramdam ko bata pa lang ako ay pinagdaanan ko na rin sa tuwing suot suot ko ang mga damit niya.

Hindi na naka-mini skirt ang nanay ko katulad ng madalas kong titigan na litrato niya noong kabataan niya, ang madalas kong sinasabi ewan ko lang kung may nakakarinig e ” hindi ko kaya ang tibay ng loob niyang mag mini skirt“.  Ang seksi ng nanay ko noon kahit na ibinablandra niyang dumating siya ng maynila mula sa probinsya para mag katulong.

Ang bilis talaga ng panahon.  Magdadalawang taon na ako dito sa Canada sa darating na Hunyo at mag lilimang taon mula ng nilisan ko ang ‘pinas, tinakasan ang buhay third world para mag domestic helper sa Singapore at maging Caregiver dito sa Canada…….nakakalungkot na nakakatuwa.

Viewed 52969 times by 2701 viewers

2 days in the making……

April 10th, 2009 § 22

Mahigit dalawang linggo na noong opisyal na nagpalit ng panahon dito sa Canada, spring na mga pre.  Medyo naglalaro na ang klima sa panahon ng tag-init at lamig, unti-unti ng natutunaw ang mga yelo.  Noong mga nakakaraang araw umaalon alon na yung tubig sa pond, katunayan noong linggo na nadaan ako sa Barrie Lake e bukas na siya at  marami ng namamasyal kahit na may kalamigan pa ang simoy ng hangin.

Kung ako ang tatanungin, medyo hindi ko pa kayang tumambay sa tabi ng napakalaking ilog.  Nagngangatal pa yung mga ngipin ko, ibig sabihin hindi pa ko keneydyen at malabong mangyari yun.

Pero ang panahon, sira ulo…baliw. Sukat ba namang nag kinse sentimetro pa ang yelo noong nakaraang araw.  Snow day at walang pasok ang mga bata sa eskwelahan, katunayan kanina nahirapan pang makalabas ng kalye namin ang school bus ng batang inaalagaan ko.

Ang ibig sabihin nito kahit na spring na at halos wala na kong mabanaagang yelo noong mga nakakaraang araw bago bumuhos ang napakapal na yelo e habol ang mga kumpare kong usa na namataan ko may isang buwan na ang nakakaraan. Hehehe! hirap pa man din akong isingit ang mga anak ng kuting kung paano ko ibibida.

Handa ka na ba?
» Read the rest of this entry «

Viewed 58108 times by 3073 viewers

Lab Letter Para Kay KOSA

January 19th, 2009 § 66

Mahal kong KOSA,

Maayos ang daloy ng kuneksyon ngayon, hmn medyo.  Noong una ang tagal bago ko maakses ang mismong sayt ng manilenya. Una, isinisisi ko ito sa kuneksyon ng kapitbahay, sabi ko bakit masyado silang madamot.  Pangalawa, halos pagmumurahin ko yung hosting ko pero bumabalik sa kin yung mga mura.  Ano ang magagawa ko, masyadong maliit ang badyet ko para sa websayt na to.

Ito na yung ipinangako kong lab letter ko para sayo, swerte mo, sa totoo lang hindi ako mahilig gumawa ng lab letter.  Una’t huling ginawan ko ng lab letter e yung tropa na dayo sa eskinita sa amin sa tundo.  Araw-araw na ginawa ng diyos, nandoon sila, mga grupo ng mga kabataang kalalakihan, nililigawan yung mga tropa kong kababaihan.

Napraning ako kasi, tatlo sila, ni isa man walang nakaisip na pasaringan ako kahit man lang “labas tayo, nood tayo ng sine” o kaya nama’y “gusto mong magjollibee?”

Ginawa ko, bumili ako ng may amoy strawberry na stationary sa kanto, tapos pinitik ko yung bolpeng may tintang mabango ng kapatid ko saka ako nagsulat ng ng lab letter, gamit ang wikang ingles.

Ang sabi ko, nag-aaral ako sa isang private school na malapit sa simbahan, noong mga panahon na iyon, sikat ka kapag sa private school ka nag-aaaral kesehodang boba ka pa.  Sabi ko pa, matagal ko na siyang nakikita sa eskinita sa tuwing dumadaan ako, at noong una pa ma’y laglag na ang panty ko sa kanya.  Ooopppsss! panga pala.  Gusto ko siyang makilala, makakwentuhan minsan isang araw, pero sa ngayon hindi pa ko handang magpakilala sa kanya, dagdag ko pa.  Balang araw magkakaroon kami ng time para magkakilalanlan,  susulat ako ulit.  yngatcapalague.

Aliw na aliw ako sa dalawang rason.  Aliw na aliw ako kasi, pakiramdam ko ang galing galing ko dahil nakagawa ako ng lab letter sa wikang Ingles at aliw na aliw ako kasi hangang-hanga yung lalaki sa lab letter na tinanggap niya habang kinukwento niya sa harapan ko yung nakasulat sa stationary, maya-maya inabot niya sa tropa ko yung lab letter tapos pinagpasa-pasahan namin siya.  Hindi yung lalaki, kundi yung lab letter.

Tatagal ka pa ba KOSA?

Alam mo bang naaliw din ako sa iyo, sukat ba namang tawagin mo kong idol;

» Read the rest of this entry «

Viewed 38019 times by 2879 viewers

Pinoy Expats/OFW Blogs Aggregator Site

January 14th, 2009 § 19

Aw! shucks! Maraming salamat po! Pwede ko sanang pamagatang Sa Wakas ang post na ito pero sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ilang beses ko na ring sinubukang gamiting titulo iyon sa napakaraming post na nagawa ko. Mga panahong hirap na hirap akong iaccess ang blog ko o kahit itong paggawa lang ng post dahil sa mahinang koneksyon ng internet. Pero isa lang ang pwedeng maging Sa Wakas na titulo, ayaw ko ng may mga sequel na kwento, nagawa ko na yun.

Pupugak pugak ang kuneksyon ko, mamatay-sindi  yung mga berdeng bar sa connect to network ko, parang nadedejavu ako sa panahong pilit kong inaagawan ng kuneksyon ang mga kapitbahay namin sa Merville Park sa Singapore, noong mga panahon na yun, konting katok sa pintuan e takot akong tignan at buksan.  Iniisip ko mga pulis na pinagsumbungan ng mga kapitbahay dahil sa nakaw na internet connection ko.

Ngayon, please lang, pwede bang huwag mo ng itanong kung saan galing ang wi-fi connection ko dahil ang isasagot ko ay isang malaking GUSTO KO NG BUMALIK SA TRABAHO PARA MAY INTERNET AKO!!!!

Yan ang buhay ko bilang domestic helper sa Singapore sa loob ng dalawa’t kalahating taon……ang mag blag gamit ang internet ng kapitbahay (teka tawa ako….bwahahahahaha!)

Hindi ako palalabas tuwing linggo kasama ng iba pang mga domestsic helper, medyo sosyal ako kasi nagbabar ako at bihirang magpunta sa Lucky Plaza (teka tawa ulit ako….bwahahahahaha! hehehehe para kong luka luka sensya na.)

Anyhoo (see sosyal talaga ako), Ganyan pa rin ang buhay ko dito sa Canada, magtrabaho maghapon at mag internet magdamag.

» Read the rest of this entry «

Viewed 22219 times by 2129 viewers

Eksena

January 7th, 2009 § 34

May nakikita akong isang eksena sa isip ko.  tipikal na eksena sa mga hindi mo naman tyak na magugustuhang palabas na pinoy.  Isang restaurant na may dalawang babaing nag-uusap, mga boses na pumupuno ng ingay sa loob ng buong restaurant kasabay ng pagtunog ng mga kubyertos na ginagamit ng iba pang kostumer.

Pagkatapos iikot ang ang kamera, iikot ng iikot hanggang sa huminto sa dalawang bidang babae at lalaki. O pwede ring bidang babae at alalay na babae. Nag uusap ng walang kwentang bagay na syang pag-iikutan ng istorya.

Tipikal na pelikulang pinoy na kikita ng malaki sa mga sinehan.

Syempre hindi yan eksenang ako ang gumawa, masyado ng gasgas yan sa maraming pelikula.  Pero kung iisipin mayroon akong mga sariling bersyon o sariling plot na naiisip.  Mga plot na tinatahi-tahi ng marahil ay pagal kong mga utak.  Mga plot o eksena na hindi pinag aksayahang ilagay sa papel o itipa sa isang taypwayter.  Mga eksenang kalaunay naging mga naburang ala-ala na nakatala sa isang imbisibol na diary, mga kwento ng buhay  na hindi naman totoong  naganap o mga kwentong gusto mong maganap pero malabong maganap.

Yan ang nagagawa ng madalas na paglalakad ng walang patutunguhan o di kaya naman ng mga gabing hindi mo alam kung kailan ka dadapuan ng antok.

Pero yung eksena pagkatapos ng Bagong Taon, iba syempre.

» Read the rest of this entry «

Viewed 20503 times by 2044 viewers

Friends with benefits…….

December 30th, 2008 § 26

Akala ko makakasingit ako para sa December 29 na post, pilit kong tinitignan yung oras sa laptop ko pero alas dose dos na ng hatinggabi.  Huli na para sa araw- araw na pinangako kong post.

Post na kahit ano, gusto ko lang huwag mabakante.  Magkwento ng kahit na ano, mga kahit anong ewan.  Katulad nitong kakilala ko, parang ewan.

Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman ang kahulugan ng mga katagang friends with benefits.  Wala siyang buhay, wala akong buhay.  May kotse sya….ako wala.

Pero sabi naman nya e gusto nya daw makihang out sa kin..pero naman wala namang pakapalan ng mukha.

(Ninenok ang litrato sa evesaddiction.com)

Viewed 6529 times by 1387 viewers

Post ng walang buhay

December 18th, 2008 § 32

Pwede bang magpost?

Yung magpopost ako ng katulad ng dati, yung wala lang.  Kasi nararamdaman ko na naman na aabutin na naman ako ng siyam siyam bago makapag post ulit.

Mag aalas dose ng hating gabi, tanghaling tapat dyan sa pinas, heto ako ngumangata ng chips pagkatapos kumain ng yoghurt.

Hehehe! halatang walang maiblag.

Ikaw ba namang mahigit na dose oras na nagtatrabaho sa loob ng bahay, walang kasama kundi aso at ang walang humpay na pagtunog ng washing machine at dryer.  Pagkatapos sisilip ka sa labas ng bahay at wala namang makita kundi mga yelong bumagsak noong mga nakaraang araw.

» Read the rest of this entry «

Viewed 6393 times by 1177 viewers

Where Am I?

You are currently browsing the pinoy diaspora category at Manilenya.