June 3rd, 2009 §

Kung kailan sabi ko - sa hindi mabilang bilang na beses na - na maaga na akong matutulog, kailangan mga at least pitong oras na tulog sa isang araw, heto ako alas una beinte sais ng madaling araw at tinatapos ang post na ito.
» Read the rest of this entry «
Viewed 26793 times by 1375 viewers
May 4th, 2009 §

» Read the rest of this entry «
Viewed 43332 times by 2277 viewers
April 6th, 2009 §

Bago ako magbalik blog ang sabi ko bumili kaya muna ako ng bagong kamera, yung pinagkakamatayan kong kamera, yung hi-tek na medyo mamahalin. Iyong kasing halaga ng isang bwan kong sahod bilang caregiver dito sa Canada. Tapos ang balak ko ang unang-una kong modelo e yung tindera o tindero nung kamera, kung papayag siya. Sa totoo lang wala na kasi akong maisip iblag, sabi ko nga ka sa kausap ko sa telepono kanina “HINDI NA AKO NAGIGING PRODUKTIBO SA HARAP NG KOMPYUTER NGAYON”
Pero yung camera phone ko (Sony Ericson K850i), medyo produktibo kasi kahit papano nagagamit ko siyang pangkuha ng mga litrato sabay upload sa facebook. Katulad nyang nasa itaas, kuha noong madaan kami sa Ikea pagkatapos kong kunin yung bago kong Philippine Passport.
Pag nagkataon, walang humpay na litrato na lang ang makikita dito sa blog ko at tuluyan ng mauupos ang mga karanasan ng mga paa ko…tsk tsk tsk. Ayaw kong mangyari yun.
Viewed 58211 times by 3222 viewers
March 29th, 2009 §

Ngunit wala pang mukhang maiharap……….ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA!
Viewed 37199 times by 2712 viewers
December 21st, 2008 §
Pagkatapos kong malaman na wala ng laman ang checking account ko dahil sa pamimili ng pamasko, gutom, walang makain. Buti na lang mayroon akong anim na bote ng pyur layf green tea, saka kape na binili sa timmies at op cors popcorn na sobrang sarap daw pero..grabe asim pala kasi cheese dill e.
Heto ako walang magawa kaya nagpopose sa harap ng camera. Gusto ko sanang makabuo ng isang buong pilipinong alpabeto e pero napagod ako sa pagpopose.

Pasensya na wala sanang masuka kapag klinik nyo yung litrato..hmmn sabagay, wala ng napapadpad sa blog ko…kokonti na lang tayo lol! kaya mabibilang na lang sa mga daliri ko ang masusuka. Mabuhay tayong lahat! Iyan na ang Christmas Card ko sa inyo lol!
Viewed 6054 times by 1268 viewers
December 16th, 2008 §
Akalain mo bang mahigit dose oras lang na walang patid na pagbagsak ng nyebe e ito ang magiging resulta? Tinawag ko itong Dooms Day noong unang kita ko nito.
» Read the rest of this entry «
Viewed 3284 times by 847 viewers
November 20th, 2008 §
Bago ko nakita yung buwan sa umagang tapat ng alas nwebe, dahil sa hindi ako tinanggap sa klase ng instruktor na dapat sanay magtuturo sa aking magmaneho, napagpasyahan kong magkape sa isang malapit na coffee shop.
Dala dala ang kape sa isang kamay na may hawak na hawak na purse (dati bag ang tawag ko dito, pero nung minsan may tumama sa sinabi kong bag) at isang notbuk sa kabilang kamay.
Iniinom ko ang kape habang naglalakad na hindi magkanda-ugaga, iniisip ko yung itsura ko. mga itsura na napapanood ko sa telebisyon. Panahon ng taglamig, naka coat at may nakapulupot na scarf sa leeg. Sosyal ang pagbitbit ng sosyal na Coach purse na niregalo ng sis kong maganda from Ebay (naks nagyabang!), hindi ko alam na ganun daw magdala ang mga sosyal ng bag kundi pa tinuro sa akin ng syempre sis ko pa ring maganda.
At higit sa lahat…..nagkakape habang naglalakad. Hindi gawain sa pinas ang ganung trabaho…ewan ko lang ngayon.
Ingungudngod ang nguso sa maliit na butas ng takip ng kape, tapos maglalakad ulit. O di kaya namay sabay gagawin para lalong mukhang hindi magkanda ugaga sa paglalakad.
Ang ganda ng feeling ko, o feeling maganda pero feeling malungkot din. Ganoon ang daloy ng buhay kapag walang trabaho, maglalakad habang nagkakape o di kaya nama’y nagkakape habang naglalakad, wala kang ibang mapagpilian kasi hindi mo pa kayang bumili ng sariling sasakyan. Maglalakad ka lang ng maglalakad kasi wala ka rin namang ibang mapupuntahan kasi nga wala kang sasakyan. Walang bus, wag ka ng magtanong at higit sa lahat mahal ang taksi, punta ka lang sa kanto e CAD 45 na, kaya di bale na lang.
Isang araw ng paglalakad, mga dalawang linggo na ang nakakaraan, tamang 5 degrees ang panahon. Pakiramdam ko napakasopistikada ko sa brown coat na binili ko ng CAD 8 sa isang ukay ukay rito, pinatong ko ito sa kulay lilang sweat shirt na ibinagay ko sa sa levis na cordoroy.
Isa na naman itong araw ng walang humpay na paglalakad, nakatatlong establisemento rin naman ako. Sobey’s na binilihan ko ng gift card, panregalo sa may birthday, Coffee shop na binilan ko ng kape (syempre!) at Groserya na inutangan ko ng isang linggong pagkain.
Habang naglalakad, napapansin ko ang umaambang ulan. Patay! 5 degrees na sasabayan ng ulan. At umulan nga. Ulan na sobrang lakas.
Syempre pag ganoon na ang tema ng paglalakbay ko, hihingi na ko ng tulong sa taas, mag faflood ako ng pleaseeeeee, pleaseee, pleaseeeeee! pahintuin nyo na po ang ulan pleasssssssseeeee!
Ayaw kong tumawag at magpasundo kasi matigas ang ulo ko. Pilit kong sinisindihan yung dala kong yosi, para mabawasan yung lamig na nararamdaman ko pero masyadong malakas ang hangin.
Kasabay ng malakas na hangin yung unti-unting pagliwanag. Alam mo yun, parang pelikula. Parang mga anghel na walang langit lol!
Pagkatapos ng liwanang, rainbow doon sa may bahagi ng creek. Kinuha ko yung camera ko sa purse ko sabay hubad ng gloves.
» Read the rest of this entry «
Viewed 3388 times by 609 viewers
November 16th, 2008 §
Noong isang taon, ilang beses kong kinwento ang mga usa na nakikita ko sa paligid ng bahay at ng pond…minsan nga siyam na usa ang sabay sabay na tumambay sa gilid ng pond..nanginginain ng mga damo. Pagkatapos titingin dito sa bahay kapag nararamdaman siguro na may mga pares na mga mata ang nanonood sa kanila.
Minsan kapag naghuhugas ako ng mga pot sa kusina, nakikita ko sila tabi ng trampoline, medyo malapit kaysa kapag tumambay sila sa pond.
Pero nung minsan, ang isang napakagandang usa nasa may bahagi ng pond na nasa tapat lang ng bintana na madalas naming tambayan kapag may nakikita kaming mga maiilap na hayop. Matagal siya doong nanginginain bago nya naramdaman na may nagmamasid sa kanya.
Noong maramdaman nya kami, mabilis siyang tumakbo na parang kabayo sa gilid ng bahay patungo sa bush. Matatalino ang mga usa, madalas lumalabas sila kapag tapos na ang hunting season. May panahon na iniisip ko na, ano kaya kumuha din ako ng lisensya para sa pag huhunting?
Malabo. Una, hindi ko kayang humawak ng baril. (Kung kaya ko e di dapat noon ko pa ginawa lol!). Pangalawa, hindi ko rin kayang humawak ng sumpak (kahit na taga tundo pa ko). Magmahal lang ang kaya kong gawin, katulad ng, siguro mahal ko yung bahay-pukyutan kaya kapag sinisira ito ng alaga ko e, pinagbabawalan ko.
Pangatlo, noong napanood ko yung cartoon movie na Bambi kung saan tinawag ng haring usa ang mga tao na KAAWAY na siyang kumikitil sa komunidad ng mga maiilap na hayop sa kagubatan, nanlumo ako. Katulad natin, may karapatan din silang tapusin ang buhay na binigay sa kanila. Katulad natin ay kailangan nilang mamatay pero sa natural na kamatayan at ito yung katandaan.
Dalawang linggo na ang nakakaraan, nakakita ako ng usa sa tapat ko mismo pero wala na itong buhay. Ang usang ito ang panalo ng kaibigan ng amo ko sa ilang araw ng pagbabantay sa loob ng kagubatan na pag aari ng mga amo ko.

» Read the rest of this entry «
Viewed 2276 times by 469 viewers
November 9th, 2008 §
Paano ko ba uumpisahan tong post na to? Halos isang linggo na tong nakatengga sa draft ko. Kuha noong isang linggo gamit ang cellphone ko, as usual naiwan na naman ang pipitsuging kamera. Pagbalik ko galing sa in class driving, sinagasa ang malamig na klima ng Fall season, nagulat ako ng makita ko ang mga puno na kailan lang ay dinaanan ko at kinuhanan ng litrato.
Isa o dalawang linggo pa lang ang nakakaraan, kung noon unti-unting nalalagas ang mga dahon sa puno, ngayon tuluyan na siyang nakalbo.

» Read the rest of this entry «
Viewed 1963 times by 411 viewers
November 2nd, 2008 §
Nasa kalagitnaan pa lang ng tag-lagas dito. Kung katulad ito sa kalendaryo noong isang taon, matatapos ito sa Disyembre 20, kinabukasan naman mag uumpisa ang winter pero nitong nakaraang linggo, dalawang beses ng nagkaroon ng snow.
Kaya habang maaga ay ipost ko na itong lugar na madalas kong daanan sa tuwing sasapit ang sabado’t linggo.
Isa pa, malapit ko na silang iwanan ng tuluyan dahil sa hindi na ako ulit pa uuwi sa bahay ng kamag-anak na dati kong inuuwian. Nagpasya ako na mamuhay na ng sarili, tignan ko sa edad na (tut tut!) e kung kaya ko ng mamuhay mag isa.
Dito sa malayong lugar ng norteng bahagi ng Canada….hmn, hindi ako sigurado, sabi ko diba, mahina ako sa direksyon.
Pagkatapos ng pagkanan, pagkaliwa, pagpasok sa tila iskinitang daanan, paglabas at muling pagkaliwa….muling pagkaliwa ay isa ulit mistulang iskinita na syang papasok sa isang maliit na kakahuyan.
Ito na ang itsura niya.
» Read the rest of this entry «
Viewed 4067 times by 621 viewers