Lab Letter Para Kay KOSA

January 19th, 2009 § 66

Mahal kong KOSA,

Maayos ang daloy ng kuneksyon ngayon, hmn medyo.  Noong una ang tagal bago ko maakses ang mismong sayt ng manilenya. Una, isinisisi ko ito sa kuneksyon ng kapitbahay, sabi ko bakit masyado silang madamot.  Pangalawa, halos pagmumurahin ko yung hosting ko pero bumabalik sa kin yung mga mura.  Ano ang magagawa ko, masyadong maliit ang badyet ko para sa websayt na to.

Ito na yung ipinangako kong lab letter ko para sayo, swerte mo, sa totoo lang hindi ako mahilig gumawa ng lab letter.  Una’t huling ginawan ko ng lab letter e yung tropa na dayo sa eskinita sa amin sa tundo.  Araw-araw na ginawa ng diyos, nandoon sila, mga grupo ng mga kabataang kalalakihan, nililigawan yung mga tropa kong kababaihan.

Napraning ako kasi, tatlo sila, ni isa man walang nakaisip na pasaringan ako kahit man lang “labas tayo, nood tayo ng sine” o kaya nama’y “gusto mong magjollibee?”

Ginawa ko, bumili ako ng may amoy strawberry na stationary sa kanto, tapos pinitik ko yung bolpeng may tintang mabango ng kapatid ko saka ako nagsulat ng ng lab letter, gamit ang wikang ingles.

Ang sabi ko, nag-aaral ako sa isang private school na malapit sa simbahan, noong mga panahon na iyon, sikat ka kapag sa private school ka nag-aaaral kesehodang boba ka pa.  Sabi ko pa, matagal ko na siyang nakikita sa eskinita sa tuwing dumadaan ako, at noong una pa ma’y laglag na ang panty ko sa kanya.  Ooopppsss! panga pala.  Gusto ko siyang makilala, makakwentuhan minsan isang araw, pero sa ngayon hindi pa ko handang magpakilala sa kanya, dagdag ko pa.  Balang araw magkakaroon kami ng time para magkakilalanlan,  susulat ako ulit.  yngatcapalague.

Aliw na aliw ako sa dalawang rason.  Aliw na aliw ako kasi, pakiramdam ko ang galing galing ko dahil nakagawa ako ng lab letter sa wikang Ingles at aliw na aliw ako kasi hangang-hanga yung lalaki sa lab letter na tinanggap niya habang kinukwento niya sa harapan ko yung nakasulat sa stationary, maya-maya inabot niya sa tropa ko yung lab letter tapos pinagpasa-pasahan namin siya.  Hindi yung lalaki, kundi yung lab letter.

Tatagal ka pa ba KOSA?

Alam mo bang naaliw din ako sa iyo, sukat ba namang tawagin mo kong idol;

» Read the rest of this entry «

Viewed 38020 times by 2879 viewers

Eksena

January 7th, 2009 § 34

May nakikita akong isang eksena sa isip ko.  tipikal na eksena sa mga hindi mo naman tyak na magugustuhang palabas na pinoy.  Isang restaurant na may dalawang babaing nag-uusap, mga boses na pumupuno ng ingay sa loob ng buong restaurant kasabay ng pagtunog ng mga kubyertos na ginagamit ng iba pang kostumer.

Pagkatapos iikot ang ang kamera, iikot ng iikot hanggang sa huminto sa dalawang bidang babae at lalaki. O pwede ring bidang babae at alalay na babae. Nag uusap ng walang kwentang bagay na syang pag-iikutan ng istorya.

Tipikal na pelikulang pinoy na kikita ng malaki sa mga sinehan.

Syempre hindi yan eksenang ako ang gumawa, masyado ng gasgas yan sa maraming pelikula.  Pero kung iisipin mayroon akong mga sariling bersyon o sariling plot na naiisip.  Mga plot na tinatahi-tahi ng marahil ay pagal kong mga utak.  Mga plot o eksena na hindi pinag aksayahang ilagay sa papel o itipa sa isang taypwayter.  Mga eksenang kalaunay naging mga naburang ala-ala na nakatala sa isang imbisibol na diary, mga kwento ng buhay  na hindi naman totoong  naganap o mga kwentong gusto mong maganap pero malabong maganap.

Yan ang nagagawa ng madalas na paglalakad ng walang patutunguhan o di kaya naman ng mga gabing hindi mo alam kung kailan ka dadapuan ng antok.

Pero yung eksena pagkatapos ng Bagong Taon, iba syempre.

» Read the rest of this entry «

Viewed 20504 times by 2044 viewers

Bato bato sa langit ang tamaan may gall stone

December 28th, 2008 § 23

Big day! ito minsan yung tawag kapag darating na yung kaarawan mo.  Minsan din big day din ang tawag kapag manganganak ka na.

Ganoon yung nararamdaman ko.  Ganoon yung sinabi ko sa nanay ko kanina sa telepono noong sinabi nya`wag kang mag isip! relaks ka lang.  yung parang wala lang.`

Marami daw kinausap si nanay na may ganitong sitwasyon.  Iyong mga taong nakausap daw nya, talagang hiniwa pa ang tyan at ang sabi nila, katulad ng sabi nya `parang wala lang`.

Madali lang daw.  Hindi ko mararamdaman. Pwera na lang daw kapag nagising ako kasi me sugat na ang tyan ko, syempre makirot yun.

At syempre kapag makirot, masakit.  Sakit na tatagal daw ng apat hanggang pitong araw, pero kung masyado mong ninenene ang sarili mo baka habang buhay mong maramdaman ang sakit.  Buti na lang hindi ako ganoon.

Buti na lang medyo matapang na ako ngayon.  Sabi ko, KAYA KO YAN.  Isipin ko na lang kunwari e ako si Darna na hindi mailuwa ang bato kaya kailangang ilabas sa tyan.

Viewed 6035 times by 1288 viewers

One night isang gabi ako’y boared este board..hmn bored.

December 21st, 2008 § 45

Pagkatapos kong malaman na wala ng laman ang checking account ko dahil sa pamimili ng pamasko, gutom, walang makain.  Buti na lang mayroon akong anim na bote ng pyur layf green tea, saka kape na binili sa timmies at op cors popcorn na sobrang sarap daw pero..grabe asim pala kasi cheese dill e.

Heto ako walang magawa kaya nagpopose sa harap ng camera.  Gusto ko sanang makabuo ng isang buong pilipinong alpabeto e pero napagod ako sa pagpopose.

Pasensya na wala sanang masuka kapag klinik nyo yung litrato..hmmn sabagay, wala ng napapadpad sa blog ko…kokonti na lang tayo lol! kaya mabibilang na lang sa mga daliri ko ang masusuka.  Mabuhay tayong lahat! Iyan na ang Christmas Card ko sa inyo lol!

Viewed 6060 times by 1269 viewers

Post ng walang buhay

December 18th, 2008 § 32

Pwede bang magpost?

Yung magpopost ako ng katulad ng dati, yung wala lang.  Kasi nararamdaman ko na naman na aabutin na naman ako ng siyam siyam bago makapag post ulit.

Mag aalas dose ng hating gabi, tanghaling tapat dyan sa pinas, heto ako ngumangata ng chips pagkatapos kumain ng yoghurt.

Hehehe! halatang walang maiblag.

Ikaw ba namang mahigit na dose oras na nagtatrabaho sa loob ng bahay, walang kasama kundi aso at ang walang humpay na pagtunog ng washing machine at dryer.  Pagkatapos sisilip ka sa labas ng bahay at wala namang makita kundi mga yelong bumagsak noong mga nakaraang araw.

» Read the rest of this entry «

Viewed 6394 times by 1177 viewers

Paglalakbay sa panahon ng taglagas….

November 2nd, 2008 § 33

Nasa kalagitnaan pa lang ng tag-lagas dito.  Kung katulad ito sa kalendaryo noong isang taon, matatapos ito sa Disyembre 20, kinabukasan naman mag uumpisa ang winter pero nitong nakaraang linggo, dalawang beses ng nagkaroon ng snow.

Kaya habang maaga ay ipost ko na itong lugar na madalas kong daanan sa tuwing  sasapit ang sabado’t linggo.

Isa pa, malapit ko na silang iwanan ng tuluyan dahil sa hindi na ako ulit pa uuwi sa bahay ng kamag-anak na dati kong inuuwian.  Nagpasya ako na mamuhay na ng sarili, tignan ko sa edad na (tut tut!) e kung kaya ko ng mamuhay mag isa.

Dito sa malayong lugar ng norteng bahagi ng Canada….hmn, hindi ako sigurado, sabi ko diba, mahina ako sa direksyon.

Pagkatapos ng pagkanan, pagkaliwa, pagpasok sa tila iskinitang daanan, paglabas at muling pagkaliwa….muling pagkaliwa ay isa ulit mistulang iskinita na syang papasok sa isang maliit na kakahuyan.

Ito na ang itsura niya.

» Read the rest of this entry «

Viewed 4079 times by 622 viewers

Once upon a time in Stevenson’s Memorial Hospital

October 6th, 2008 § 71

Oktubre 6 na pala, mahaba-haba din yung tinulog ko. Nagising na lang ako kaninang umaga sa malakas na tunog ng cellphone ko, hindi ko na nahintay yung pagtunog ng alarm clock na isinet ko kagabi. Tawag mula sa malapit na ospital na binisita ko kahapon.

May dalawang taon na rin itong nararamdaman ko sa kanang bahagi ng tyan ko, kasabay ng pagsakit ng kanang bahagi ng buto ng balikat ko. Minsan umiikot siya sa kanang tyan ko, pero mas madalas kapiling ko ang sakit bago ako matulog hanggang sa maghapong trabaho.

Akala ko noon e dala lang ng gutom, hindi kasi ako kumakain ng maayos noong nasa Singapore pa ako dahil sa wala akong kasamang kumain sa maghapon. Madalas e kape at yosi lang ang laman ng tyan at baga ko.

Sa totoo lang, kinakabahan ako sa kung anong klaseng sakit na nararamdaman ko. Hindi naman sya yung masakit na masakit pero dama ko yung tensyon, sabi ko nga e “something’s goin on”.

Pero iniisip ko rin e baka sobrang kaiisip lang to?

» Read the rest of this entry «

Viewed 2823 times by 537 viewers

Tag-lagas

September 30th, 2008 § 34

Kasabay ng pagkalagas ng isa sa pamilya ay ang panahon ng tag-lagas dito sa Canada (Fall season).  Hindi pa namin alam na nawala na si Tiyong Pabling ng kuhanan ko ito gamit ang cellphone ko habang naglalakad sa kalyeng madalas kong daanan.

Naka Spaghetti strap pa ako, kunwari hindi ko nararamdaman yung dumadamping lamig sa hubad na bahagi ng katawan ko pero hindi ako nakatiis.  Isinuot ko ang sweat shirt na binaon ko bago ako umalis ng bahay.

Habang daan nakita ko ang isang squirrel na umaaligid aligid sa isang bahagi ng lupa sa labas ng soccer court, nagbubungkal ng lupa at naghahanap ng pagkain.  Iniisip ko, bakit ang hayop na ito ay kayang mamuhay mag-isa sa gitna ng lansangan…bakit ako hindi.

Sensya na.  Fall season kasi.  Panahon din ng pagsulpot ng depresyon.  Noong una, may nakapagsabi lang sa akin na marami ang nababaon sa depresyon kapag ganitong panahon, hindi ko alam na aatakihin din pala ako nito.

Viewed 2079 times by 433 viewers

Paalam Tyong Pabling

September 28th, 2008 § 27

Tumawag ang kapatid ko sa Australia, ang sabi niya namatay daw si Tyong Pabling, kapatid ni nanay.  Inatake daw habang naliligo sa probinsya.  Pangalawang atake na nya daw iyon ngayong taong ito, hindi na siya nakaligtas sa pangalawang atake.

Hindi man inaasahan, umiyak yung tyuhin ko dito.  Siyempre kapatid niya yun, pero wala siyang magagawa.  Palagay ko at tiyak na tiyak ko gagawin niya yung madalas na sinasabi niya sa ilang mga kakilala na namatayan sa pinas.  Kaysa nga daw naman ipamasahe pa yung pera e ipadala na lang sa pinas para makatulong sa panggastos.

Katulad ng nangyari noong namatay ang asawa ni Inang, nanay ng tyahin ko.  Hindi na umuwi si Inang bagkus ay nagpadala na lang ng pera sa pinas.

Iniisip ko, ganun na lang ba yun? O ganun talaga iyon.  Dahil hindi naman kalakihan ang kinikita dito sa Canada, may pamilya at mga kung anu-ano pang bayarin, hindi kakayaning bumalik sandali sa pinas para makita ang malapit na kamag-anak na yumao…asawa man o kapatid.

Parang ako.  Wala akong magagawa kundi umusal ng maikling panalangin at sabihing PAALAM TYONG PABLING!

Viewed 2072 times by 466 viewers

Getting a man in my remaining six months…just a weird idea for a book.

September 25th, 2008 § 19

I had my wildest thought in last two days.  Okay, the first one was no different from what’s playing inside my mind everyday of my life, it’s like I think of that forever and I hate it.

Yesterday, I abondoned the horrifying idea that embraces me everytime I think about death.  Instead I say what if…what if I have only six months to live?  What will I do?

It’s my first time to ask myself…What will I do?

I saw this question once in Singapore’s bus stop, and there, the poster enumerated the list of considerably a life changing things to do of a sick person whose life will end in six month’s time.

I didn’t do my own list.  It’s hard to do a list when my hands are busy folding the laundry I took from the dryer.

Instead, I thought, I could write a book and my book is going to be about getting a man in my remaining six months.

Weird right?

The second one? I will tell you tomorrow.

Viewed 1179 times by 362 viewers

Where Am I?

You are currently browsing the Personal category at Manilenya.