Dito Sa Canada Halos Lahat Made In China

June 8th, 2009 § 32

Kung sino man si Mike Avenue na nagrereklamo na made in China ang natanggap  lahat niyang tsokoleyt mula sa Canada, huwag na siyang magmarakulyo kasi halos lahat na mabibili mo dito ay made in China.  Mula sumbrero na gagamitin mo sa kahit na anong panahon hanggang sa flip flops.

Uso din dito ang dollar store, mga produkto na mabibili mo ng isang dolyar pababa.  Lahat halos ng mga produktong iyon tiyak na tiyak e galing sa China kung saan ang mga produkto e mura.

Sa kaalaman ng lahat, pasukin ng tao ang dollar store mula sa mga lokal na mamamayan hanggang sa mga imigrants.  Maraming mga produkto ang mabibili sa dollar store, kabilang na run yung sobrang init, napakainit at nuknukan ng init na tsokolate ni Mike Avenue.

» Read the rest of this entry «

Viewed 24365 times by 1229 viewers

Golf club, diary, ibon, pray-over……

June 3rd, 2009 § 20

Kung kailan sabi ko - sa hindi mabilang bilang na beses na - na maaga na akong matutulog, kailangan mga at least pitong oras na tulog sa isang araw, heto ako alas una beinte sais ng madaling araw at tinatapos ang post na ito.

» Read the rest of this entry «

Viewed 26838 times by 1375 viewers

Balut, Penoy, Balut!

May 6th, 2009 § 51

Pagbalik ko noong linggo ng gabi sa trabaho, pinagmalaki agad sa akin ng panganay na anak ng amo ko yung labing isang itlog ng pato na nakita nila sa kasukalan sa likod bahay kung saan sila nang-huhunting ng turkey.

Nilagay nila sa loob ng hindi kalakihang aquarium ang mga ibon na pinalibutan ng mga pakpak ng nahuling turkey noong isang linggo at tinapatan ng dalawang ganitong ———–> lamp shade.

Sabi ko sa amo ko, iyan ang tinatawag na balut.  Bakit di na lang kaya namin ilaga, budburan ng asin at suka sabay kaining buong buo ang sisiw sa loob habang masabaw sabaw pa.

Matagal tagal na rin pala akong hindi nakakakain ng balut, tanda ko noong huling uwi ko eh pinagsawa ko ang sarili ko nito.  Saka one day old.  Pati na rin bola-bola sa kariton.

Viewed 42052 times by 2220 viewers

Bakit ako madalas absent?

May 4th, 2009 § 22

» Read the rest of this entry «

Viewed 43372 times by 2277 viewers

How Time Flies……

April 23rd, 2009 § 35

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung tinawagan ako ni younger sis na dumating na daw ang visa ko papuntang Canada.  Abril 17 noong iniwan ko ang Singapore pauwing pinas para lang muling iwan papunta namang Canada.

Ang bilis ng panahon, akala ko kahapon lang noong nag disi-sais ako, ngayon apat na na taon na lang may disi-sais na akong anak….parang gusto kong umiyak kasi parang hindi pa ko nakaka-alpas sa ganoong edad.  Pakiramdam ko lang.

Ang bilis ng panahon, nakita ko sa web cam yung tatay at nanay ko kahapon, iniimadyin ko pa yung may hanggang balikat na buhok ni tatay noon, medyo kulot kulot ang laylayan, hubad-itaas habang suot ang pantalong levi’s na straight cut.  Akala ko kailan lang yung madalas kong suotin ang mga pantalon nya na nagmimistulang bell bottom kapag suot ko, katerno ang puti o asul na t-shirt na may tatak na Guam Cockpit sa likod.

Kagabi, nahahalata na sa itsura nya yung mga panahong pinagdaanan niya na pakiramdam ko bata pa lang ako ay pinagdaanan ko na rin sa tuwing suot suot ko ang mga damit niya.

Hindi na naka-mini skirt ang nanay ko katulad ng madalas kong titigan na litrato niya noong kabataan niya, ang madalas kong sinasabi ewan ko lang kung may nakakarinig e ” hindi ko kaya ang tibay ng loob niyang mag mini skirt“.  Ang seksi ng nanay ko noon kahit na ibinablandra niyang dumating siya ng maynila mula sa probinsya para mag katulong.

Ang bilis talaga ng panahon.  Magdadalawang taon na ako dito sa Canada sa darating na Hunyo at mag lilimang taon mula ng nilisan ko ang ‘pinas, tinakasan ang buhay third world para mag domestic helper sa Singapore at maging Caregiver dito sa Canada…….nakakalungkot na nakakatuwa.

Viewed 52976 times by 2701 viewers

Nagbabaga kunong post para sa nagbabagang blog award

April 17th, 2009 § 18

Mag aalas dose na dito sa orasan ng kompyuter ko, medyo naniningkit na ang mga mata ko pero nangangati ang mga daliri ko na mag update kahit papano.

Humabol ng award si Kenji, hindi pa nasiyahan sa binigay sa king Pang anim na place para sa Pinoy Expat Award noong nakaraang taon at ngayon isang nagbabagang award naman ang ipinasa sa akin.

Maraming salamat din sa Neno Award kapatid na Kenj pero pasensya na dahil nagkakaproblema lang ako sa pasahan ng mga tag/award na naglipana na blogosphere kaya tanggapin mo na lang ang pasasalamat ko.

Siya nga pala, congrats at good luck sa muling pagbubukas ng 2009 Pinoy Expat/OFW Blog Awards, tiyak na mas aabangan ang pakulong ito ngayong taong ito.

Hayyy! kung ganito kasimple ang magpost…. mga sampung minuto (kaka edit, umabot ng kinse minutos.. ayus!) lang itong post na to..siguro mapapadalas ang pagbablag ko.

Pwede na kong matulog, gudnayt!

Viewed 56937 times by 2907 viewers

Neno’s Award - tagging after 48 years of ignoring the tag game.

April 14th, 2009 § 17

Hindi ko kilala si Crisiboy, pasensya na pero nagsasabi lang ako ng totoo.  Bumungad sa akin yung komento nya na may award/tag daw ako mula sa kanya, huwaw!  Pero ang mas huwaw e yung nasa sidebar nya yung RSS ko, updated ang jologs na yuppie sa mga post ko.  Maraming Salamat!

“Why I love to blog?” tanong ng  tag.  Hehehe ewan ko lol! hindi ko na maesplika kung bakit gustong gusto kong magblag lalo pa ngayong biglang sulpot na lang ako, kung baga ni-rerevive ko na lang yung tinatawag na “passion”.  Mabuti pa siguro e muli ko na lang buhayin yung mga sagot ko sa kaparehong tanong, mahigit isang taon na ang nararaan (pwede mong isingit dito ang walang kamatayang intro ng Lovingly Yours, Helen o ni Madam Bola kung gusto mo.)

» Read the rest of this entry «

Viewed 57658 times by 3012 viewers

2 days in the making……

April 10th, 2009 § 22

Mahigit dalawang linggo na noong opisyal na nagpalit ng panahon dito sa Canada, spring na mga pre.  Medyo naglalaro na ang klima sa panahon ng tag-init at lamig, unti-unti ng natutunaw ang mga yelo.  Noong mga nakakaraang araw umaalon alon na yung tubig sa pond, katunayan noong linggo na nadaan ako sa Barrie Lake e bukas na siya at  marami ng namamasyal kahit na may kalamigan pa ang simoy ng hangin.

Kung ako ang tatanungin, medyo hindi ko pa kayang tumambay sa tabi ng napakalaking ilog.  Nagngangatal pa yung mga ngipin ko, ibig sabihin hindi pa ko keneydyen at malabong mangyari yun.

Pero ang panahon, sira ulo…baliw. Sukat ba namang nag kinse sentimetro pa ang yelo noong nakaraang araw.  Snow day at walang pasok ang mga bata sa eskwelahan, katunayan kanina nahirapan pang makalabas ng kalye namin ang school bus ng batang inaalagaan ko.

Ang ibig sabihin nito kahit na spring na at halos wala na kong mabanaagang yelo noong mga nakakaraang araw bago bumuhos ang napakapal na yelo e habol ang mga kumpare kong usa na namataan ko may isang buwan na ang nakakaraan. Hehehe! hirap pa man din akong isingit ang mga anak ng kuting kung paano ko ibibida.

Handa ka na ba?
» Read the rest of this entry «

Viewed 58116 times by 3073 viewers

Ang Salmon Bow!

April 6th, 2009 § 29

Bago ako magbalik blog ang sabi ko bumili kaya muna ako ng bagong kamera, yung pinagkakamatayan kong kamera, yung hi-tek na medyo mamahalin. Iyong kasing halaga ng isang bwan kong sahod bilang caregiver dito sa Canada. Tapos ang balak ko ang unang-una kong modelo e yung tindera o tindero nung kamera, kung papayag siya. Sa totoo lang wala na kasi akong maisip iblag, sabi ko nga ka sa kausap ko sa telepono kanina “HINDI NA AKO NAGIGING PRODUKTIBO SA HARAP NG KOMPYUTER NGAYON”

Pero yung camera phone ko (Sony Ericson K850i), medyo produktibo kasi kahit papano nagagamit ko siyang pangkuha ng mga litrato sabay upload sa facebook.  Katulad nyang nasa itaas, kuha noong madaan kami sa Ikea pagkatapos kong kunin yung bago kong Philippine Passport.

Pag nagkataon, walang humpay na litrato na lang ang makikita dito sa blog ko at tuluyan ng mauupos ang mga karanasan ng mga paa ko…tsk tsk tsk.  Ayaw kong mangyari yun.

Viewed 58249 times by 3222 viewers

Maligayang Pagbabalik sa Akin

April 1st, 2009 § 12

Sabi ng kunsensya ko tama na daw ang pahinga.  May dalawang buwan at kalahati ko ring inabandona iyong pinagsisigawan kong buhay ko (read blog ko.)

Ayan mukha pa nga akong bagong gising.  Kung ang rason ko noong una ay dahil sa wala akong internet kaya hindi nakakapagblog o bloghop man lang, medyo sinungaling ako dahil mahigit isang buwan na rin akong may kuneksyon.  Hindi lang isa kundi dalawa pa, kung kailan ako kumuha ng sarili kong internet na pwede kong karay-karayin kahit saan ( kahit pa sabihing sa loob ng kubeta ng sinehan, pwede ko siyang dalhin) ay siya namang pagkaka-ayos muli ng internet connection ng bos ko.  Galing!

Namiss nyo ba ko? Hmn ang tamang tanong yata e kung may nakamiss ba sa kin? O di kaya nama`y, may bumibisita pa nga ba?

Sa totoo lang, mahirap ding magbalik blog.  Kung baga sa buntis para ka ulit nanganganay, nangangapa.  Mahirap mag-umpisa.  Walang maisip maiblag.  Inuubos ang kaunting oras sa pagblablag-hop.  Nakiki-usyoso.  Tinitignan kung ano ang in.

Malalaman kung ano ang in, pero wala pa ring maiblag.  Ilang beses kong pinilit na makipag niig ang mga daliri ko sa keyboard pero walang maprodyus kahit na isang salita, puro ar….arrrrrrrrrrrrrrrrr.

Bigla kong naalala na hindi pala ako nagbablag tungkol sa kung ano ang in.  Bigla ko naalala na sa pagbablag katulad ng sa reyalidad ay may sarili akong mundo.  Mundo na umiikot kapag naglalakad ako, nagkakabuhay sa bawat pag angat at pag yapak ng mga paa ko.

At bigla ko rin tuloy naalala, na kasabay ng matagal kong pamamahinga sa pagbablag ay ang matagal ko ring pamamahinga mula sa paglalakad.

Ibig sabihin kailangan ko na pala ulit umpisahang maglakad.  Pero matutulog muna ako kasi ala una na e.

Viewed 54010 times by 3143 viewers

Where Am I?

You are currently browsing the pasakalye category at Manilenya.