manilenya - Last updated: Saturday, June 28, 2008Welcome to the June edition of the Philippine Blog Carnival and since our theme is about the famous and historical city of Manila, capital of the Philippines, let’s kick things off with some lyrics from a little-known, yet profound song about the city by Pinoy folk rock artist Noel Cabangon:
Sirasirang lansangan,
Hikaing mga sasakyan
Sa gabi’t araw na digmaan
Makapal na usok ang iniiwan
Mga tulay na marupok, gusaling nabubulok
Ilog na di na umaagos, puno ng basura’t alikabok
Ikaw lamang wala nang iba
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
Just like the song paints a mixed, contrasting picture of Manila, five Pinoy bloggers have also did the same in their own unique way. Using their blogs as a canvass, they too painted a picture of a city that is more than just a city. It’s a place where almost everything about the Philippines and Filipinos, their history, past and present collide, their stories and memories intertwined, and their future continuing to be built as each time the sun rises in the East and sets at Manila Bay in the West.
We step back into the ‘golden years’ of Manila thanks to Panaderos of A Man of My Town whom in a two-part blog series dissects two classic film documentaries about Manila back when she was crowned “Queen City of the Pacific”. In A Beautiful City Gone Forever - Manila of the 1930s (Part 1) Panaderos takes us on a virtual tour of the Manila from its famous harbors and some historic landmarks like the original site of the Bilibid Prison before it moved to its present location at Muntinlupa and Hospicio de San Jose Orphanage which “has occupied its current location at the Isla de Convalescencia right off of the Ayala Bridge in Quiapo, Manila since 1810.”
In A Beautiful City Gone Forever - Manila of the 1930s (Part 2) he again dissects another classic film documentary by a travel film producer named Andre de la Varre (1902-1989) as part of his “The Screen Traveler” series made back in 1938. It focuses on the colorful histories of more famous buildings that have made Manila’s architectural heritage splendid. He reminds us that what connects the Jones Bridge, the former Legislative and Post Office Buildings is that they were designed by legendary Filipino architect Juan Marcos de Guzman Arellano (or simply “Juan Arellano”).
Following a similar tone, this time from the experiences that built the memories of his beloved grandfather, a full-blooded Filipino, Pinay MegaMom shares stories of old Manila as a place for learning and romance and of pursuing that American dream. What’s more engaging and another historical gem, are the striking similarities of Manila and the American city of Chicago’s city plan and layout. Coincidence? It’s again rooted in our historical ties with the United States for it was a famous American city planner and architect that was responsible how Chicago and Manila is today; Daniel Burnham. All of these and more could found at Grandpa’s Manila.
Still continuing with our trip down Manila’s history, we thank Filipina Soul for giving a closer look at one of the most iconic landmarks of Manila, the “city within a city” the Fortress of Intramuros. Long before the Americans arrived and brought the industrial era of the West, the Spanish colonizers have landed three centuries earlier and shared classical Western civilization to our ancestors the walled city of Intramuros could be considered the epitome of that legacy.
All these historical treasures and legacies may have inspired the traveler in you to plan a trip to Manila in the very near future. Fret not for Chris has come up with a brilliant and comprehensive guide on what it costs to live in modern-day Manila, even including some tips on bargain-hunting and getting the most out of your buck. All of these in a neat Cost of Living Chart - Philippines (in Peso, Dollar and Euro) posted at nomad4ever.
Now that we know about the sites and landmarks of Manila and even the costs of staying in the city, knowing how to survive in this concrete jungle in the Southeast would be a must. I just don’t know if we should be thankful or not, but to wrap up this edition of the Philippine Blog Carnival; here’s Noisy noisy Man Ade Magnaye and his time-tested, ninja-proof and Chuck Norris-approved
>Metro Manila: A Survival Guide.
There you have it, “Manila, My Manila” from five Pinoy bloggers gracing this edition of the Philippine Blog Carnival. A million thanks to Filipina Soul for helping out in re-opening this project, to WordPress Philippines for the support, to Panaderos, Chris, Pinay MegaMom, again Filipina Soul and Ade Magnaye for participating and for me (of course) for hosting this round of the Philippine Blog Carnival.
See you all soon, and more, again in July for the next edition of the Philippine Blog Carnival.
——————-
Trackbacks:
http://blogcarnival.com/bc/tb_21309.html
http://rpc.technorati.com/rpc/ping
http://blog.ademagnaye.com/2008/05/16/metro-manila-a-survival-guide/trackback/
| 2.5 |
Viewed 26532 times by 3787 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, February 27, 2008Sa syudad ako pinanganak. Kung itatanong mo kung saang syudad, taas noo kong sasabihing “doon sa malapit sa malabundok na basura.” Doon kung saan nakilala yung mga sputnik at sigue-sigue gang na nagpapalitan ng taga, sumpak at pana.
Lupa ang kinamulatan kong tinutuntungan ng paa ko. May mangilan-ngilang puno akong kinakapitan, habang sa isip ko ay kumakanta ako. Palagay ko ay mga kantang kundiman na napapanood ko sa mga lumang pelikula sa tanghali. Mga pelikulang magkasabay naming pinapanood ng aking lola. At sa harap ko naman ay ang mga bangka na nakahimpil sa gilid ng mga lambak ng basura.
Iyong lambak ng basura, ilog sana iyon pero hindi na makita.
Ibayo ang tawag namin sa mga nakahilerang bahay sa tapat pagkalagpas ng ilog. Malinaw pa ang itsura ng mga reta-retasong plywood na ginawang bahay. May mga mala kurtinang mga sako na siyang ginawang pantabing sa pintuan.
Habang lumalaki ako, kasabay ng pagtigas ng mga lambak ng basura sa ilog hindi pa rin mapagkit sa isip ko ang itsura ng mga kabahayan sa ibayo. Sa pagdagdag ng mga panahon, iniisip ko kung ano ba ang nabago. Nabawasan ba ang ang mga retaso ng plywood? Bakit parang nag-iba ang bintana. Uy mukhang babagsak na ang kabilang bahay.
Naalala ko tuloy noong una kong napanood yung pelikulang Insiyang ni Hilda Koronel. Tuwang-tuwa ako dahil sa halos lahat ng lakaran nyang iskinita ay alam ko. Ultimong yung binibilihan ko ng mga kendi ay naging tambayan ng mga karakter ng pelikula.
At iyon rin ang naging batayan ko para ikumpara ang itsura ng kinalakihan kong lugar noon at ngayon (yung ngayon ay nung mga panahong napapansin ko na yung malaking pagbabago)
Noon ko naisip na inevitable ang pagbabago. Na kahit na ano pang gusto kong pananatili na sa iba’y nakasusulasok ng lupang pinanggalingan ko ay hindi pwedeng mangyari yun.
At ngayon sa sarili ko, nararamdaman ko na mayroong isang depenidong pagbabagong naglalaro sa isip ko. Hindi ko lang alam kung kakayanin kong gawin. Pero desidido ako dahil gusto ko ng pagbabago.
| 2.5 |
Viewed 1318 times by 272 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, October 24, 2007Tatlong gabi bago ako umalis papunta rito ,isa-isa silang lumalapit sa akin. Alam nila na may hawak akong kamera at alam nila na madalas kong hawak ang kamera ko kasama ng ilang kable na ginagamit ko sa tuwing papasok ako sa computer shop na pag-aari ng kapatid ko.
“Ate piktyur, piktyur naman dyan!” sabi ng isa
“Oo nga ate piktyur naman dyan, ayan o reding redi na si ano.”
“O, o ayan na piktyur o, umayos kayo. Teka uy, yung kamay mo, si Oklong naman o! Ate si Oklong o, paalisin mo nga.”
Umayos kayo kako.
“Teka yung paa ko, anubayan masyadong atat sa kamera!”
Umayos kayo, kapag hindi kayo umayos walang piktyur.
“O wala daw piktyur o, umayos kayo. Ayos daw.”
“Oy piktyur na daw yeheeeeeeeeeeey!”
Viewed 967 times by 227 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, May 31, 2007
Ang korni ng background (tinanggangal ko na huwag ng hanapin pa – lubha kasi akong nakornihan) pero ang picture syempre hindi korni. Napag-usapan na naming minsan ni younger sis yung itsura ng dati naming lugar. Kung papipillin daw mas gusto nya yung ambiance noon, yung yari ng mga bahay na miski kahoy, old fashioned at kulang na kulang sa rangya. At higit sa lahat…hindi dikit-dikit.
Kulang na kulang sa rangya pero saganang sagana sa hangin. Mapuno pa at maraming mga halaman na inaalagaan ang mga residente, marami kasing mga bahay ang nagmamaintain pa ng kahit maliit na bakod.
Viewed 939 times by 235 viewers
manilenya - Last updated: Monday, May 14, 2007
Let’s volt in ang drama naming magpipinsan pagkatapos bumoto. Halos sabay-sabay kaming naghiyawan (sa isip lang) na eto kami - mga botante- ng aming panahon.
Ang tagal ko ring nag-isip kung boboto ba o hindi. Sa puso at isip ko katulad ng sinabi kanina ni tatay “akala nyo ba kung GO ang uupo e magkakaroon ng pagbabago?”
Viewed 906 times by 216 viewers
manilenya - Last updated: Friday, May 11, 2007Overreacting o overacting. Pwedeng ibato ito sa akin ng mga kapitbahay ko ng humarap ako sa kanila na mangiyak-ngiyak at nagsasabing please lang huwag iboto ang mga taong bumibili ng boto.
Viewed 1196 times by 248 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, April 29, 2007Noong nabasa ko yung entry ni Mon tungkol sa tramo agad na nakapa sa isip ko yung naging kaharian ko kasama pa ng ilang mga batang kaedadan ko dito sa tundo.

Ito naman ang paraiso ko na malayong malayo sa tinirahan ko ng nakaraang dalawang taon at kalahati.
Viewed 987 times by 240 viewers
manilenya - Last updated: Friday, April 27, 2007Ang swerte ko bumubulwak. Ang swerte ko parang mga biyayang madalas mamutawi sa bibig ni Bro. Mike Velarde sa mga prayer rally ng mga El Shaddai, siksik, liglig at nag-uumapaw. Hindi matapos-tapos o walang katapusan. Parang gusto ko ng sumuko at sabihin sa mga nagkakalat ng swerte na TAMA NA, SOBRA NA, TIGILAN NA!]
Viewed 1004 times by 240 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, April 26, 2007Sabi ni smarie dito  ”when it rains, it pours”. Sabi naman ni ate rhodora sa mga nangyari sa akin sa loob ng dalawang araw na pananatili ko dito e swerte nga daw. At mukhang ang swerte ko nga umuulan.
Iyong dalawang swerte ko mukhang nadagdagan eksaktong isang linggo ko dito. Mas matindi pa sa amoy ebak na natapakan ko at mas masakit pa sa kagat ng pusa na natapakan ko rin.
Viewed 968 times by 233 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, March 29, 2007Dati sanay akong maglakad, lakad na may direksyon man o wala. Dati din yung mga paa ko malayo ang nararating. Sasakay ito sa dyip o bus na maghahatid sa akin patungo sa kung saan. Nueva Ecija, Laguna, Pampanga, Antipolo, Bulacan, Marikina, Project 4, UP Diliman, PLM, MLQU, Malate, FEU, Mendiola, Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio, Remedios, TM Kalaw, US Embassy, Recto, Quiapo, Sampaloc, Sta. Mesa, San Juan, Santol, sa may highway malapit sa amin, Roxas Blvd, Baywalk, Mayrics, Makati, Padis Point, Cowboy Grill, Pier One, likod ng CCP, Luneta, Batuhan, Smokey Mountain, Navotas, Malabon, Ongpin, Fish port, Sta. Cruz, Pedro Gil. Pwedeng nakatsinelas, naka rubber shoes, naka bulldog, sandals. Minsan hinahatid ng de trolley sa may riles ng tren galing skul hanggang Pandacan, o libutin ang Sta. Cruz, Laguna gamit pa rin ang trolly sa gitna ng riles kapag walang tren. Mananatili ako sa mga lugar na yan ng buong araw o kaya magdamag, uwian o aabot ng ilang araw hanggang sa malalaman ko na lang pagdating sa amin na sunog na pala ang bahay ng kapitbahay…konting konti na lang actually nadilaan na pala ang bubungan ng bahay namin.
Viewed 950 times by 236 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, May 17, 2006Parlor sa dulo ng eskinita
Viewed 803 times by 198 viewers
manilenya - Last updated: Friday, May 5, 2006
Hindi ko alam kung sa handphone na hawak ko natatakot ang batang ito o sa tubig habang pinaliliguan ng ina niya. Hindi kasi ako kilala nung bata, nasa sinapupunan pa lang siya ng kanyang ina noong umalis ako ng Tundo. Yung ina ay beinte anyos naming kapitbahay, maagang nag-asawa, maagang nasuong sa hirap ng buhay
Viewed 858 times by 199 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, May 4, 2006Dear nalen,
Here is your horoscope
for Thursday, May 4:You’re a leader and you don’t even realize it. It’s time to bring that potential out where it can best serve the community. You know how to help others bring out and nurture their hidden talents.
Ang ganda ng horoscope ko ….pero mas maganda itong ikukuwento ko……
Continue Reading »
Viewed 814 times by 204 viewers









shien








