April 17th, 2009 §
Mag aalas dose na dito sa orasan ng kompyuter ko, medyo naniningkit na ang mga mata ko pero nangangati ang mga daliri ko na mag update kahit papano.
Humabol ng award si Kenji, hindi pa nasiyahan sa binigay sa king Pang anim na place para sa Pinoy Expat Award noong nakaraang taon at ngayon isang nagbabagang award naman ang ipinasa sa akin.
Maraming salamat din sa Neno Award kapatid na Kenj pero pasensya na dahil nagkakaproblema lang ako sa pasahan ng mga tag/award na naglipana na blogosphere kaya tanggapin mo na lang ang pasasalamat ko.
Siya nga pala, congrats at good luck sa muling pagbubukas ng 2009 Pinoy Expat/OFW Blog Awards, tiyak na mas aabangan ang pakulong ito ngayong taong ito.
Hayyy! kung ganito kasimple ang magpost…. mga sampung minuto (kaka edit, umabot ng kinse minutos.. ayus!) lang itong post na to..siguro mapapadalas ang pagbablag ko.
Pwede na kong matulog, gudnayt!
Viewed 56927 times by 2907 viewers
April 10th, 2009 §
Mahigit dalawang linggo na noong opisyal na nagpalit ng panahon dito sa Canada, spring na mga pre. Medyo naglalaro na ang klima sa panahon ng tag-init at lamig, unti-unti ng natutunaw ang mga yelo. Noong mga nakakaraang araw umaalon alon na yung tubig sa pond, katunayan noong linggo na nadaan ako sa Barrie Lake e bukas na siya at marami ng namamasyal kahit na may kalamigan pa ang simoy ng hangin.
Kung ako ang tatanungin, medyo hindi ko pa kayang tumambay sa tabi ng napakalaking ilog. Nagngangatal pa yung mga ngipin ko, ibig sabihin hindi pa ko keneydyen at malabong mangyari yun.
Pero ang panahon, sira ulo…baliw. Sukat ba namang nag kinse sentimetro pa ang yelo noong nakaraang araw. Snow day at walang pasok ang mga bata sa eskwelahan, katunayan kanina nahirapan pang makalabas ng kalye namin ang school bus ng batang inaalagaan ko.
Ang ibig sabihin nito kahit na spring na at halos wala na kong mabanaagang yelo noong mga nakakaraang araw bago bumuhos ang napakapal na yelo e habol ang mga kumpare kong usa na namataan ko may isang buwan na ang nakakaraan. Hehehe! hirap pa man din akong isingit ang mga anak ng kuting kung paano ko ibibida.
Handa ka na ba?
» Read the rest of this entry «
Viewed 58105 times by 3073 viewers
January 7th, 2009 §
May nakikita akong isang eksena sa isip ko. tipikal na eksena sa mga hindi mo naman tyak na magugustuhang palabas na pinoy. Isang restaurant na may dalawang babaing nag-uusap, mga boses na pumupuno ng ingay sa loob ng buong restaurant kasabay ng pagtunog ng mga kubyertos na ginagamit ng iba pang kostumer.
Pagkatapos iikot ang ang kamera, iikot ng iikot hanggang sa huminto sa dalawang bidang babae at lalaki. O pwede ring bidang babae at alalay na babae. Nag uusap ng walang kwentang bagay na syang pag-iikutan ng istorya.
Tipikal na pelikulang pinoy na kikita ng malaki sa mga sinehan.
Syempre hindi yan eksenang ako ang gumawa, masyado ng gasgas yan sa maraming pelikula. Pero kung iisipin mayroon akong mga sariling bersyon o sariling plot na naiisip. Mga plot na tinatahi-tahi ng marahil ay pagal kong mga utak. Mga plot o eksena na hindi pinag aksayahang ilagay sa papel o itipa sa isang taypwayter. Mga eksenang kalaunay naging mga naburang ala-ala na nakatala sa isang imbisibol na diary, mga kwento ng buhay na hindi naman totoong naganap o mga kwentong gusto mong maganap pero malabong maganap.
Yan ang nagagawa ng madalas na paglalakad ng walang patutunguhan o di kaya naman ng mga gabing hindi mo alam kung kailan ka dadapuan ng antok.
Pero yung eksena pagkatapos ng Bagong Taon, iba syempre.
» Read the rest of this entry «
Viewed 20501 times by 2044 viewers
December 21st, 2008 §
Pagkatapos kong malaman na wala ng laman ang checking account ko dahil sa pamimili ng pamasko, gutom, walang makain. Buti na lang mayroon akong anim na bote ng pyur layf green tea, saka kape na binili sa timmies at op cors popcorn na sobrang sarap daw pero..grabe asim pala kasi cheese dill e.
Heto ako walang magawa kaya nagpopose sa harap ng camera. Gusto ko sanang makabuo ng isang buong pilipinong alpabeto e pero napagod ako sa pagpopose.

Pasensya na wala sanang masuka kapag klinik nyo yung litrato..hmmn sabagay, wala ng napapadpad sa blog ko…kokonti na lang tayo lol! kaya mabibilang na lang sa mga daliri ko ang masusuka. Mabuhay tayong lahat! Iyan na ang Christmas Card ko sa inyo lol!
Viewed 6059 times by 1269 viewers
December 18th, 2008 §
Pwede bang magpost?
Yung magpopost ako ng katulad ng dati, yung wala lang. Kasi nararamdaman ko na naman na aabutin na naman ako ng siyam siyam bago makapag post ulit.
Mag aalas dose ng hating gabi, tanghaling tapat dyan sa pinas, heto ako ngumangata ng chips pagkatapos kumain ng yoghurt.
Hehehe! halatang walang maiblag.
Ikaw ba namang mahigit na dose oras na nagtatrabaho sa loob ng bahay, walang kasama kundi aso at ang walang humpay na pagtunog ng washing machine at dryer. Pagkatapos sisilip ka sa labas ng bahay at wala namang makita kundi mga yelong bumagsak noong mga nakaraang araw.
» Read the rest of this entry «
Viewed 6391 times by 1177 viewers
November 20th, 2008 §
Bago ko nakita yung buwan sa umagang tapat ng alas nwebe, dahil sa hindi ako tinanggap sa klase ng instruktor na dapat sanay magtuturo sa aking magmaneho, napagpasyahan kong magkape sa isang malapit na coffee shop.
Dala dala ang kape sa isang kamay na may hawak na hawak na purse (dati bag ang tawag ko dito, pero nung minsan may tumama sa sinabi kong bag) at isang notbuk sa kabilang kamay.
Iniinom ko ang kape habang naglalakad na hindi magkanda-ugaga, iniisip ko yung itsura ko. mga itsura na napapanood ko sa telebisyon. Panahon ng taglamig, naka coat at may nakapulupot na scarf sa leeg. Sosyal ang pagbitbit ng sosyal na Coach purse na niregalo ng sis kong maganda from Ebay (naks nagyabang!), hindi ko alam na ganun daw magdala ang mga sosyal ng bag kundi pa tinuro sa akin ng syempre sis ko pa ring maganda.
At higit sa lahat…..nagkakape habang naglalakad. Hindi gawain sa pinas ang ganung trabaho…ewan ko lang ngayon.
Ingungudngod ang nguso sa maliit na butas ng takip ng kape, tapos maglalakad ulit. O di kaya namay sabay gagawin para lalong mukhang hindi magkanda ugaga sa paglalakad.
Ang ganda ng feeling ko, o feeling maganda pero feeling malungkot din. Ganoon ang daloy ng buhay kapag walang trabaho, maglalakad habang nagkakape o di kaya nama’y nagkakape habang naglalakad, wala kang ibang mapagpilian kasi hindi mo pa kayang bumili ng sariling sasakyan. Maglalakad ka lang ng maglalakad kasi wala ka rin namang ibang mapupuntahan kasi nga wala kang sasakyan. Walang bus, wag ka ng magtanong at higit sa lahat mahal ang taksi, punta ka lang sa kanto e CAD 45 na, kaya di bale na lang.
Isang araw ng paglalakad, mga dalawang linggo na ang nakakaraan, tamang 5 degrees ang panahon. Pakiramdam ko napakasopistikada ko sa brown coat na binili ko ng CAD 8 sa isang ukay ukay rito, pinatong ko ito sa kulay lilang sweat shirt na ibinagay ko sa sa levis na cordoroy.
Isa na naman itong araw ng walang humpay na paglalakad, nakatatlong establisemento rin naman ako. Sobey’s na binilihan ko ng gift card, panregalo sa may birthday, Coffee shop na binilan ko ng kape (syempre!) at Groserya na inutangan ko ng isang linggong pagkain.
Habang naglalakad, napapansin ko ang umaambang ulan. Patay! 5 degrees na sasabayan ng ulan. At umulan nga. Ulan na sobrang lakas.
Syempre pag ganoon na ang tema ng paglalakbay ko, hihingi na ko ng tulong sa taas, mag faflood ako ng pleaseeeeee, pleaseee, pleaseeeeee! pahintuin nyo na po ang ulan pleasssssssseeeee!
Ayaw kong tumawag at magpasundo kasi matigas ang ulo ko. Pilit kong sinisindihan yung dala kong yosi, para mabawasan yung lamig na nararamdaman ko pero masyadong malakas ang hangin.
Kasabay ng malakas na hangin yung unti-unting pagliwanag. Alam mo yun, parang pelikula. Parang mga anghel na walang langit lol!
Pagkatapos ng liwanang, rainbow doon sa may bahagi ng creek. Kinuha ko yung camera ko sa purse ko sabay hubad ng gloves.
» Read the rest of this entry «
Viewed 3397 times by 610 viewers
November 2nd, 2008 §
Nasa kalagitnaan pa lang ng tag-lagas dito. Kung katulad ito sa kalendaryo noong isang taon, matatapos ito sa Disyembre 20, kinabukasan naman mag uumpisa ang winter pero nitong nakaraang linggo, dalawang beses ng nagkaroon ng snow.
Kaya habang maaga ay ipost ko na itong lugar na madalas kong daanan sa tuwing sasapit ang sabado’t linggo.
Isa pa, malapit ko na silang iwanan ng tuluyan dahil sa hindi na ako ulit pa uuwi sa bahay ng kamag-anak na dati kong inuuwian. Nagpasya ako na mamuhay na ng sarili, tignan ko sa edad na (tut tut!) e kung kaya ko ng mamuhay mag isa.
Dito sa malayong lugar ng norteng bahagi ng Canada….hmn, hindi ako sigurado, sabi ko diba, mahina ako sa direksyon.
Pagkatapos ng pagkanan, pagkaliwa, pagpasok sa tila iskinitang daanan, paglabas at muling pagkaliwa….muling pagkaliwa ay isa ulit mistulang iskinita na syang papasok sa isang maliit na kakahuyan.
Ito na ang itsura niya.
» Read the rest of this entry «
Viewed 4078 times by 622 viewers
September 2nd, 2008 §

This was the message I saw taped in Mike’s front door when I climbed the stairs to his cottage. I was surprised when I read this, I didn’t realize that he is this cordial person. I saw him twice, well this was the third time I saw him, the last time was in my birthday party that my uncle threw for me last year.
He called A First Nation in this country. The Indian people who were the very first souls that reached Canada. I only watched them in the movies, and now I even hibernated at his place together with my group for two days.
He loves to utter the words “This is my country” whenever we talk about what he can do (,and what he cannot), and then we will all be bursting into laugh.
» Read the rest of this entry «
Viewed 2784 times by 538 viewers
August 3rd, 2008 §
So I went to Niagara today believing that I will explore the place all by myself because my uncle and his family are bound to go shopping in Buffalo, New York. I still can’t believe that you’ll only cross the bridge from Niagara and you’ll be in New York, that’s cool!
They didn’t cross the border because of heavy traffic, and I found myself strolling around Niagara with them.
I got some stuff for me and a Zippo for my father, but was not happy because I didn’t bring any of my two digital camera. I was very eager to this second visit to Niagara and was planning to buy my desired DSLR because the place is so grand. I had some photos of it in my old camera but I know the photos taken with DSLR camera will outdo my previous shots.
» Read the rest of this entry «
Viewed 1644 times by 451 viewers
July 14th, 2008 §
What is the difference between spending my weary Sunday afternoon inside my dreary room (which is looked like a dorm, my friend say) with cluttered books, baggy and some mails (not to mention the junk foods, drinks, strings of hairs that fell off my head -I am getting bald soon, me a bald lady, I can’t imagine how I am going to look like- and some personal belongings) and sitting in the shaded part of the park with my current reading and two bags of groceries and of course my undying point and shoot camera?
Because I was again, attacked by monstrous boredom - I compare him with Goliath, and I am David, ready to sling a stone to strike my opponent (monstrous boredom), but instead I hit the shower room, wear my once used jeans and I didn’t forget my shirt of course. I picked my book -the single women’s best friend according to one movie I have watched - and beat the humid weather and yet again, the lonesome street.
» Read the rest of this entry «
Viewed 1000 times by 313 viewers