Aw! shucks! Maraming salamat po! Pwede ko sanang pamagatang Sa Wakas ang post na ito pero sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ilang beses ko na ring sinubukang gamiting titulo iyon sa napakaraming post na nagawa ko. Mga panahong hirap na hirap akong iaccess ang blog ko o kahit itong paggawa lang ng post dahil sa mahinang koneksyon ng internet. Pero isa lang ang pwedeng maging Sa Wakas na titulo, ayaw ko ng may mga sequel na kwento, nagawa ko na yun.
Pupugak pugak ang kuneksyon ko, mamatay-sindi yung mga berdeng bar sa connect to network ko, parang nadedejavu ako sa panahong pilit kong inaagawan ng kuneksyon ang mga kapitbahay namin sa Merville Park sa Singapore, noong mga panahon na yun, konting katok sa pintuan e takot akong tignan at buksan. Iniisip ko mga pulis na pinagsumbungan ng mga kapitbahay dahil sa nakaw na internet connection ko.
Ngayon, please lang, pwede bang huwag mo ng itanong kung saan galing ang wi-fi connection ko dahil ang isasagot ko ay isang malaking GUSTO KO NG BUMALIK SA TRABAHO PARA MAY INTERNET AKO!!!!
Yan ang buhay ko bilang domestic helper sa Singapore sa loob ng dalawa’t kalahating taon……ang mag blag gamit ang internet ng kapitbahay (teka tawa ako….bwahahahahaha!)
Hindi ako palalabas tuwing linggo kasama ng iba pang mga domestsic helper, medyo sosyal ako kasi nagbabar ako at bihirang magpunta sa Lucky Plaza (teka tawa ulit ako….bwahahahahaha! hehehehe para kong luka luka sensya na.)
Anyhoo (see sosyal talaga ako), Ganyan pa rin ang buhay ko dito sa Canada, magtrabaho maghapon at mag internet magdamag.
At dahil isa nga akong OFW, at dahil pagkaka-alam ko ay naipangako kong iblag ang bagong proyekto ng nag iisang Kenjibebs ng blogosphere -siya po ang utak sa likod ng Pinoy Expat/OFW Blog Awards 2008- ang PINOY EXPATS/OFW BLOGS AGGREGATOR SITE.
“If you are a Filipino by heart and blood, studying, working or living abroad and you have blogs, feel free to leave a comment by adding your site name and URL or Feeds, and your country of base we will happily add you here.
Thoughtsmoto is a blog aggregator in a hope to gather all Filipino blogs manage by Expats and OFW’s around the world for an easy one-stop or one site visit by visitors a blogger updates his/her post, he or she will automatically be put on top in his/her designated location. As we expand we will do the aggregating by countries. Please spread the word! We hope to gather atleast a thousand Pinoy Blogs.
Kung bakit parang naging ingles ang post na ito, abah ewan ko…nangopya lang ako e.
Isang bagsak kay Kenjie na promotor na pagisahin ang mga OFW blogger sa buong mundo sa pamamagitan ng sayt na ito.
Viewed 22145 times by 2124 viewers
January 15th, 2009 at 6:49 pm
magtrabaho maghapon at mag internet magdamag…-WALA KA RIN PAHINGA. PERO AT LEAST MAGHAPON KA LANG NAGTATRABAHO.
KAME DITO NAGTATRABAHO MAGHAPON AT MAGDAMAG. HEHE.
joshmaries last blog post..HINDI ITO PWEDENG BASAHIN
January 15th, 2009 at 8:37 pm
swerte pa rin pala ako Joshmarie, hay naku ayaw kong isiping nabuhay ako para magtrabaho lang..ewan ko ba lol! hindi pwedeeee!
January 16th, 2009 at 3:49 am
may bagong title ng movie..manilenya, ang babaeng walang pahinga! joke..peace po.
elis last blog post..Tumbang Preso Shirt
January 16th, 2009 at 6:16 am
magandang project ito ah! gudlak at sana maka-1000 agad. hindi na ako qualified dyan, sayang.
grabe pala ang stats mo ate melai! nakakaloka, 1K+ ang views! =)
rias last blog post..Anong wika ba ang panturo?
January 17th, 2009 at 7:34 am
hellow.. ate manilenya.. happy new year.. tgal kong di nkabisita.. aba..cge.. boboto kita dyan..
January 17th, 2009 at 11:17 am
hahahaha! gusto ko yang title na yan eli
melais last blog post..Pinoy Expats/OFW Blogs Aggregator Site
January 17th, 2009 at 11:28 am
Ria, hindi ko alam kung totoo yan lol! sana nga maraming magjoin
melais last blog post..Pinoy Expats/OFW Blogs Aggregator Site
January 17th, 2009 at 11:39 am
Hehehe repah…tapos na ang botohan lol! salamat
January 17th, 2009 at 3:36 pm
ayan ha, nagsubscribe n ako sa rss mo, via my googlereader. hehehe. Sa isang milyon at isang libong pababalik balik ko sa manilenya, sa bikolana ako napupunta, hehe.
Nakita ko ilang araw na ang post mo sa Thoughtsmoto KA BLOGS or yung Pinoy Expats/OFW Blog Aggregating site, nung nabasa mo ang pamagat, nagtutumalon ako sa tuwa, muntik pa nga ko mauntog, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ni ERROR, ilang araw yun, pagmamay-ari ka ni error.
Atlast nakapagcomment n ako. maraming salamat sa plug-in, melai. nakakatuwa kasi mukhang sampu na mahigit na mga pinoy ang nagdisplay ng banner sa sidebar nila, at mukhang malapit na umabot sa isan-daan ang nakalista na mga blog doon. naiiyak na nga ako, sa kakabasa at katatawa sa mga blag at thoughts ng kabayan.
January 18th, 2009 at 3:41 pm
Kenji,
lol! nakalimutang kong sabihin sayong kalaguyo ko si Error, kahit na anong ayaw ko sa kanya ayaw nya kong iwan kulang na lang pakasalan nya ko.
Well congrats sa site, at szlamat dahil naisip mo yan
to unite all the OFW bloggers 
nominee pa rin lol!
Mabuhay ka! at salamat sa pag subscribe, kung di lang ako may problema sa net, nasa sidebar ko na yung banner :), tignan mo di ko pa rin napapalitan yung banner ko dito
January 18th, 2009 at 10:30 pm
Bukas na pala kasi dati pag dumarating ako laging database error sinasabi nung operator nyahahaha. Buti naman at ok na! Sana makarating na din ako dyan para sabay akong mag blog pag wala mga amo natin LOL. Sayang di naman ako OFW kaya di ako makakasali! hehe. Miss you Momski mylabs! Muah!
Ambos last blog post..American Idol Season 8 Bikini Girls Top The Search Engines
January 19th, 2009 at 3:15 am
parekoy… kelan ba balak mo umuwi…. dadalaw sana kami banda dyan pero nakansel na dahil sa global crisis
kneekos last blog post..My 2nD wEdDiNg PrOjEcT
January 19th, 2009 at 1:07 pm
Miss you too Daddee Ambo, mahlabs! Muwah u back! hehehe Hindi ka pa ba nasanay sa blog na itetch? hmmn I’ll try to visit bluehost now para naman di na tayo pare pareho mahirapang i access tong blog na to
or maybe next week kasi naghihingalo yung gamit kong kuneksyon e.
January 19th, 2009 at 1:47 pm
baka sa isang taon pa pre….naks naman…nanay at tatay ko baka dyan mag holiday sa December..sabi ko sa sis ko kahit na mangutang ako punta ako Australia bisitahin ko sila :)..actually aya nya ko na dyan na magtrabaho e para sama sama na kami..isip pa ko kasi nag uumpisa na nga ako ng sarili kong buhay dito kahit papano e.
melais last blog post..Pinoy Expats/OFW Blogs Aggregator Site
January 19th, 2009 at 10:12 pm
hahahaha ipasara mo na nga yang bluehost na yan! joke! Mabuti pa maglipat ka sa hosting ko. wee
January 19th, 2009 at 10:16 pm
Ngeks, hindi ako sa bluehost lol! 3ix po ako, have you heard of that? lol! sige nga saan ka ba nakahost?
January 20th, 2009 at 1:38 am
Yay kala ko bluehost ka lols. Ito ang host ko - the best hosting ever created LOL
CLICK HERE TO SIGNUP FOR HOSTMONSTER.COM NOW.
January 20th, 2009 at 12:21 pm
as in best ba yan talaga? sus kailangan i convince mo muna ko na oks yan lol! ayaw kong from one shit I’ll go to another shit LMAO!
January 24th, 2009 at 10:49 pm
Grabee! kulang kasi oras eh! bat kasi hindi gawin 48 hours a day na lang para may time tayo magpahinga hehe
chehs last blog post..Pas de deux,lol