Eksena

January 7th, 2009

May nakikita akong isang eksena sa isip ko.  tipikal na eksena sa mga hindi mo naman tyak na magugustuhang palabas na pinoy.  Isang restaurant na may dalawang babaing nag-uusap, mga boses na pumupuno ng ingay sa loob ng buong restaurant kasabay ng pagtunog ng mga kubyertos na ginagamit ng iba pang kostumer.

Pagkatapos iikot ang ang kamera, iikot ng iikot hanggang sa huminto sa dalawang bidang babae at lalaki. O pwede ring bidang babae at alalay na babae. Nag uusap ng walang kwentang bagay na syang pag-iikutan ng istorya.

Tipikal na pelikulang pinoy na kikita ng malaki sa mga sinehan.

Syempre hindi yan eksenang ako ang gumawa, masyado ng gasgas yan sa maraming pelikula.  Pero kung iisipin mayroon akong mga sariling bersyon o sariling plot na naiisip.  Mga plot na tinatahi-tahi ng marahil ay pagal kong mga utak.  Mga plot o eksena na hindi pinag aksayahang ilagay sa papel o itipa sa isang taypwayter.  Mga eksenang kalaunay naging mga naburang ala-ala na nakatala sa isang imbisibol na diary, mga kwento ng buhay  na hindi naman totoong  naganap o mga kwentong gusto mong maganap pero malabong maganap.

Yan ang nagagawa ng madalas na paglalakad ng walang patutunguhan o di kaya naman ng mga gabing hindi mo alam kung kailan ka dadapuan ng antok.

Pero yung eksena pagkatapos ng Bagong Taon, iba syempre.

Habang nakasuot ako ng robe na ginagamit ng mga pasyente at nakahanda na ang pagsasaksakan ng IV sa mga kamay ko, masigla ang isang puting mama na nakikipaghuntahan sa akin sa waiting room.  Siya nag-aantay na matapos ang operasyon ng asawa niya, ako naghihintay na matapos ang operasyon ng asawa niya para sumalang naman sa operating table.

Ang sabi ng matanda (trinansleyt sa Pilipino),” kung kumakain ka ng isda, hindi ka magkakaganyan.”

“Lumaki po akong mangingisda ang mga magulang ko, masarap po ang isda, iyan po ang laman lagi sa hapag kainan namin”, sabi ko (tama ba ang posisyon ng kudlit?)

“Pero matigas po ang ulo ko e”, dagdag ko.

Sa loob ng isa’t kalahating oras, naging mistulang kaibigan sya na naglalayo sa akin sa pag-iisip na nandoon ako para operahan, habang binubutas naman ng mga doktor at nurse ang dibdib ng asawa niya.

Pagdating ng nurse na siyang magpapasok sa akin sa operating room, siya namang madamdaming yakapan namin ng aunty ko at kasama sa bahay.  Walang iyakan, hindi kami masyadong madrama.  Parang kailangan lang magyakapan sa sitwasyon na ganoon.

Tatawa tawa ako habang nakasunod sa nurse na siyang humihila ng bed na gagamitin ko, sabi ko sa kanya ” sana katulad lang to ng panganganak ano?”

“Oh this is not worst than that”

Mababait ang mga tao sa operating room, kalmado ang lahat kahit na sabihin pang duguang lumabas ang asawa ng matandang kausap ko kanina sa waiting room.

Bawat isa may nakahandang ngiti sa akin, mga salita ng pangungumusta at mga tanong kung may kailangan ako o mga tanong na kailangan nilang sagutin.

Ang sabi ko lang  “Please take care of me”, naalala ko kasing may namatay na pinay na may kaparehong sitwasyon sa akin noong nakaraang taon.

“Of course, that’s why we’re here, we’ll going to take care of you.”

Parang hindi ko na matatapos ang eksenang ito, sa totoo lang sumasakit na ang pwet ko kauupo lol!

Heniways, ipinaalam ng nurse na isasaksak nya na ang IV, may ilang mga kable na idinikit sa likuran at dibdib ko pati na sa sentido ko.  kinabit ang blood pressure machine sa mga bisig ko at sabay tinanong ng “how do u feel?” ng isang nurse.

“I feel sleepy”, sabi ko

“Okay, we want u to do that”, sabay lagay ng oxygen sa bibig at ilong ko.  “Now have a deep breath.”

Naalala kong bago ako mawalan ng malay, tumawa tawa pa ako habang sinasabing.  I only watch this on Grey’s Anatomy and E.R.

Patlang………………………

Mahabang patlang………………….

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Viewed 20507 times by 2044 viewers

Tagged: ,

34 Responses to “Eksena”

  1. cindyrella Says:

    ay ganun? nu ba nangyari at napunta ka sa ganoong kalagayan? naputukan ka ba? hehe joke lang.. ^^

    cindyrellas last blog post..Move On

  2. RJ Says:

    So, tiyak ayos na po kayo ngayon. Nakapag-blog na eh! Kumusta naman po ang pakiramdam nyo ngayon? Nakuha po ba lahat ang bato? [Mala-darna nga po kayo talaga, naalala ko sa mga nauna n'yong posts.]

    ‘Yong sa kuwit po parang sa tuldok din po ‘yon. Example: “Pero matigas po ang ulo ko e,” dagdag ko. Epekto po siguro ito ng anesthesia, nalilito na kayo! Whew! Kasi sa gamit n’yo ng quotation at period sa: “Now have a deep breath.” tama naman po.

    Mala-Grey’s Anatomy nga itong mga eksenang ito, at House.

    RJs last blog post..My Brother’s Keeper

  3. eli Says:

    naku sayang nahuli ang eksena mo kase tapos na ang metro manila film fest ate melai. hehe

    galeng ng kwento!

    elis last blog post..CLSU Lagoon

  4. Karen Says:

    Mabuti naman at okey ka na dahil nai-blog mo na ang introduction hehehe. Nagpapahinga ka pa ba o tuloy na sa work?

  5. Ambo Says:

    zzzz….bangag po ako! hahaha. O pahinga muna at wala munang puyatan momski!

    Ambos last blog post..What Are Your Goals in 2009?

  6. mulong Says:

    hahaha

    buti na lang di mo sinamahan ng helicopter na babagsak sa dalawa

    tapos ang dialogue eh…eroplano ang order ko hindi helicopter!

    nyahaha

    mulongs last blog post..Maniniwala Ka Ba Akin?

  7. Snow Says:

    hehehe…grabe yung plot niyan, biglang natulog…. :)
    Snows last blog post..Strong Earthquake Hits Costa Rica

  8. ghee Says:

    ang sarap namang magbasa ng blog mo Nalen!

    pero teka,anong nangyari?bat ka naoperahan?ok ka na ngayon?LOL,ang daming tanong,palibhasa ngayon lang uli nagbasa…

    eniweys,happy new year Nalen!wish u all the best!!

    ghees last blog post..Happy Moo Year!!

  9. cliffnotes Says:

    get well soon..tough ka in fairness.

    cliffnotess last blog post..The New 7 wonders

  10. brown pinay Says:

    napaka cinematic ng efecto, but seriously, take a lot of ingatzzzzzzzzzz and zzzzzzzzzzzzzzzzzzz….

    brown pinays last blog post..Considering To be An OFW: Consider This - Holiday Season

  11. manilenya Says:

    hehehe sana nga naputukan lang cyndi :)

  12. manilenya Says:

    hehehe katuwa naman kasi nakita mo yung tungkol sa kuwit, binasa ko ulit yung post ko..sagwa nga lol! sabi nga diba kapag hindi maganda sa paningin o sa pandinig… mali ang grammar, kita mo naman talaga nagagawa ng isang maliit na kuwit kapag ginamit ano sa pangungusap ano :)
    Maraming salamat, pagaling na ang mga sugat ko :)

  13. manilenya Says:

    hehehe! antayin ko na lang yung Manila Film Festival Eli :)

  14. manilenya Says:

    Pahinga pa rin Karen, parang kailangan ko at least one month na pahinga kasi di naman simpleng magtrabaho sa isang bahay na sampung laki ng bahay na kinalakihan ko sa tundo araw araw e. sama mo pa yung sigawan at murahan ng mga bata sa araw araw.

  15. manilenya Says:

    naku daddee ambo puro pahinga na nga ako e, pati net ko wala lol! kitams ngayon lang ako reply :)

  16. manilenya Says:

    mwahahaha… yan ang klasik na dialogue ng pinoy comedi Mulong.. e drama ang eksena ko lol!

  17. manilenya Says:

    epekto ng anastesya sis Snow lol!

  18. manilenya Says:

    ms. ghee,

    hey! musta ka na po? naoperahan ako.. tanggal nila gall bladder ko :(
    Happy New Year din po sayo :) nice to see u again.. ako man di na rin nakakapagbasa e :)

  19. manilenya Says:

    getting better and better cliffnotes :) thanks :)

  20. manilenya Says:

    maraming salamat sis cielo :)

  21. eli Says:

    aba at may plano ka talaga! hehe

    tama ka po sa comment mo sa blog ko abt kahirapan. sa totoo lang biktima lang naman sila. pero nakakalungkot na ginagawa itong ‘excuse’

    salamat po!

    elis last blog post..for sale?!

  22. zherwin Says:

    buti napatanggal mo na at okay ka na ulit. :) me male version ba si Darna? kasi di ko pa rin nailuluwa yung bato sa gall bladder ko eh hehehe.

    meron akong scary moment nung sabado/linggo ng madaling araw, dahil sa katakawan ko sa bagoong rice, chicken pandan at tom yum, nagising ako at me naramdamang paga-alburuto sa may lugar ng gall bladder, sa kaba ko na baka umatake (ding, ang bato!!!), hala dalawang baso agad ng pineapple juice ang nainom ko! sa awa ng Diyos, nakatulog agad ako at wala nang sumunod na sakit.

    paranoid lang siguro ako no? ingat na tayo lagi sa mga kinakain. :)
    happy new year!

    zherwins last blog post..first for 2009

  23. kosa Says:

    hayyyyyyyyy.. isa ka sa may pinaka magaling na sistemang magsulat sa pinoy blogosperyo.. walang duda..

    sana naman hindi mo baguhin yung estilo mo ng pagsusulat.. may mga iba kase na oks na yung filipino eh iniingles pa… lols almost lahat nman ng readers eh pinoy din.. hehehe peace sa buong bayan!

    pero nakakatuwa!!!
    akala ko talaga ikaw yung pasyente..

    kitakits suki!

    kosas last blog post..Ang Lumang Tsinelas

  24. walongbote Says:

    pwede ka ng direktor ate .. hehehe..

    ate.. may tribute ako sa blog mo..

    Join us in our campaign for senior bloggista. Visit http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details. :)

  25. walongbote Says:

    A tribute to your blog. Pinost ko. Hope you join us. :)
    Join us in our campaign for senior bloggista. Visit http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details. :)

  26. eli Says:

    manilenya: hehehe! antayin ko na lang yung Manila Film Festival Eli

    gawa ka nalang kaya ng MANILENYA FILM FESTIVAL! Hehe.

    elis last blog post..for sale?!

  27. manilenya Says:

    Zherwin! sensya ka na matigas ang ulo ng akismet ko e nilagay ka sa pending ayan hehehe apat na beses mo yata ginawa yung post lahat hindi nakapasok :)
    OO hindi na nga ako si Darna kaya lang parang kahit na hindi na ko si Darna kailangan talaga na mag ingat na sa pagkain… inom ka maraming cranberry juice, yun daw ang mabisang pangtunaw ng bago Ding! lol!

  28. manilenya Says:

    Kosa!

    naiyak naman ako sa mga sinabi mo, dahil dyan gusto kitang gawan ng lab letter isa sa mga araw na to.

    Kosa, ako talaga ang pasyente lol! eksena ko to pramis :)

  29. manilenya Says:

    Jennifer,

    maraming salamat sa tribute tats ako :), I’ll try to join okay.. may problema ako sa internet e :)

  30. manilenya Says:

    Eli, hehehe try natin..mukhang maganda yan pero gawin nating blog kesa sa film :) wala akong alam sa pagdating sa film e lol!

  31. MK Says:

    Melai,

    Congratulations for placing in the top ten pinoy blogs.
    You deserve it. So, how do you feel about that? In my
    humble opinion, it partly accomplishes your wish to be
    a to writer. Ibig sabihin maraming na iinteres sa katha
    mo. May likas na hiwatig na nadadama ng bumabasa.

    Keep up the good work!

  32. manilenya Says:

    MK,

    anong nararamdaman ko? syempre masaya, kulang na lang tumalon ako sa saya lol!

    Hindi ko ineexpect (naiiyak ako lol!) kasi di ko trinabaho yung award pero nakapasok pa rin kaya…thankful diba :)
    may isa pa kong wish na di natutupad lol! hindi man ako maging writer at least mangyari sana yung wish ko :)
    maraming salamat MK..tats din ako sa mensahe mo :)

  33. eli Says:

    aba okay yan! manilenya film festival.

    tamang-tama yan para sa isang award winning blogger na tulad mo. hehe

    again po, congratz! writer? malay mo diba? naku kapag mayroon nyan i-vote kita!

    elis last blog post..Tumbang Preso Shirt

  34. kengkay Says:

    huy, musta na ang kakosa kong young and beautiful, hehehe

    off topic - am trying to get into the link nung OFW blogs kaso mo naman hindi ako makapag iwan ng komento e. helfff flis?

    hope you are okay, pero kung young and beautiful ka na ulit, success yung bisita mo sa beauty farm, hehehe

    kengkays last blog post..seks toys

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Eksena at Manilenya.

meta