Kasilyas

January 1st, 2009

Ang pagkaka-alam ko sa malalim na tagalog na ito ay inidoro o di kaya nama’y palikuran, kahit ano sa dalawa, isa lang ang ibig sabihin nyan.  Washroom, comfort room o minsan ginagawang bath room.

Naisip ko yung kasilyas namin noong bata pa ako, unang sariling bahay na natandaan kong tinawag kong amin.  Mula sa pagrerenta buwan-buwan ay naging amin dahil sa reblocking noon ni Marcos sa Tundo.

Wala itong inidoro kaya may lagi kaming handang dyaryo at plastik  bag na paglalagyan ng binalot na, alam mo na tapos sabay bato sa ilog.

Noon din, kapag umuuwi kami ng Abra, probinsyang kinalakihan ni nanay, mayroong palikuran ang tyuhin ko na hiwalay sa bahay.  Nasa likod bahay ito.  Napapalibutan ng sawali at may pinto na pwede mong isara kapag gagamitin mo.  Ang maganda nito, mayroon siyang inidoro na nakatanim sa lupa, aktwali yung inidoro e hinukay na lupa lang tapos nilagyan ng mga kahoy ang palibot ng butas kaya kahit papano okey na rin.

Katabi lang ito ng kalsadang pataas sa bundok, ang problema walang bubong ang kasilyas kaya kapag may dumadaan at may ginagawa kang milagro sa kasilyas, hindi lang amoy na amoy ang milagro mo kundi kitang kita pa pati ang pag iri mo.  Sagwa!

Ang tanong, bakit ko naisip iblag ang kasilyas?

Una, natawa ako sa isang apps sa facebook, may nagka interes sa aking sang rekwang larawan sa isang dating apps (hehehe opo, hindi ko alam kung ano ginagawa ko sa apps na yun pero meron nga ako nun - walang pakealamanan)  na Casillas, bigla ko tuloy naalala ang aming pinakamamahal na madilim na kasilyas sa tundo.

Pangalawa, kung ang kasilyas ay tinatawag ding inidoro na ang kolokyal na katawagan ay trono (ano nga ba ulit ang ibig sabihin ng kolokyal?), gusto kong ibalita na ang manilenya.com po ay nakasukbit ng pang anim na inidoro este trono sa Top 10 Pinoy Expat/OFW Blog Award 2008.

Maraming salamat po sa mga bumoto, magandang regalo ito sa ikatlong anibersaryo ng manilenya.com noong nakaraang Disyembre 23.


Viewed 10106 times by 1592 viewers

Tagged: ,

38 Responses to “Kasilyas”

  1. piapot Says:

    manilenya! nagbalik na ako… hahaha happy new year sa iyo, at belated happy b-day sa blog mo… hehehe wishing u all the best this year and next to come! tc!

    piapots last blog post..There’s still more to come!Heads up for 2009!

  2. manilenya Says:

    hahahaha piapot, lagi kang nagbabalik anobeh lol! welcome back ulit, salamat at happy new year!

  3. reyna elena Says:

    hoy! pa-burger ka! buena mano oscar award agad! haha! congratulations!!!!!!!!

    reyna elenas last blog post..Kick the Rat, let’s welcome the Ox, Happy New Year!

  4. reyna elena Says:

    kalimutan ko hehehe tumalon ka ba kagabi?!

    reyna elenas last blog post..Kick the Rat, let’s welcome the Ox, Happy New Year!

  5. cindyrella Says:

    congtrats naman sa bago mong trono! LOL! well, tama bang i blag ang kasilyas? hehe! well, gusto mo eh! happy new year! salamat sa pag accept sa akin sa face book! mwahhh!!

    cindyrellas last blog post..First lesson for the year 2009!

  6. carnation Says:

    hi yan ang tawag namin sa CR/banyo sa province namin (antique) hanggang ngayon. common word nga yan di ko alam na considered malalim na tagalog pala yan. borrowed from spanish language! masaya ang bakasyon at parelaks-relaks lang ang sarap! sana ok na pakiramdam mo…

    carnations last blog post..2nd anniverary of Kinaray-a.com, Inc.

  7. sassy mom Says:

    I always enjoy reading your post. Kakatuwang basahin…. More power sa bago mong trono…. Hehehe!

    sassy moms last blog post..I only have to be thankful for …

  8. RJ Says:

    Wow! Congratulations po Ate Len (as in ManiLENya o NaLEN)!

    Napaka-Filipino ang post na ito…

    Very Filipino ang Manilenya blog, as a whole, kaya sa tingin ko ito ang dahilan kung bakit nandu’n kayo naka-upo sa tronong ‘yon. Hindi yung trono nyo sa Abra ha, yung sa Top 10 Pinoy blogs!

    Happy Anniversary din pala sa inyong blog! o”,)

    RJs last blog post..The Chook-minder’s Tucker

  9. Pilar Says:

    kahit ano pa ate ang iyong blag entri, kahit tungkol man sa ebak yan o sa inidoro, panalo parin! :D congrats!

  10. ceblogger Says:

    happy new year, melai! congrats na rin sa mga napalunan mong inidoro, este, awards! kahanga-hanga ka!

    cebloggers last blog post..Goodbye, 2008! Hello, 2009!

  11. rolly Says:

    Happy New Year! doin my routines!

    Joro Livelihood
    Joro, The New Beginning
    Absolutely Joro
    The World Of Joro
    The Tale Of A Bukidnon Lad
    Baconchezjoro Multiply

  12. melai Says:

    reynz,

    hehehe oo nga kailangan kong ipasara ang buong tundo nito ateng lol! maraming salamat!

  13. melai Says:

    op cors lol! ako pa :) ikaw nu ginawa mo kagabi?

  14. melai Says:

    lol! cyndi, maraming salamat sa pag add sa kin sa FB, sensya ka na hindi ako makapagcomment sa blog mo, nahihirapan ako sa koneksyon ko e masyadong mabagal at ayaw nyang magcomment sa blogspot :(
    melais last blog post..Kasilyas

  15. mtoni Says:

    ok ang simula ng 2009 sayo ate, meron ka agad nasungkit na award.
    congratz!

  16. cliffnotes Says:

    wow! congrats! nga pala..yung kasilyas sa description mo ay tulad din nung kasilyas namin nuon nung bata pa ako.hehe!

    Happy New Year and Goodbless sa success ng site mo!:)

    cliffnotess last blog post..Yes, as in "PULL"

  17. melai Says:

    Hi carnation, katatapos lang po ng surgery ko,,nagpapagaling..maraming salamat :) yeah galinng nga sa espanyol ang kasilyas :)
    melais last blog post..Kasilyas

  18. melai Says:

    hello sassy mom!

    glad to know na natutuwa ka sa blog post ko :) Thank u very much :)
    melais last blog post..Kasilyas

  19. melai Says:

    Maraming Salamat RJ :)
    melais last blog post..Kasilyas

  20. melai Says:

    thank u pilar..parang me naiblag na ko tungkol sa ebs di ko matandaan lol!

  21. melai Says:

    Thank you Lazarus :)
    melais last blog post..Kasilyas

  22. melai Says:

    mtoni,

    oo may nasungkit akong award at nawalan ako ng gall bladder lol!
    thanks :)
    melais last blog post..Kasilyas

  23. melai Says:

    hahaha! minsan nakakaamiss din yung mga bagay na ganun nung araw parang gusto mong bumalik sa primitibo kasi nakaka excite din lol!

    salamat po cliffnotes :)
    melais last blog post..Kasilyas

  24. bluep Says:

    Kapatid babati lang ako sayo at ngayon lang ako natapos sa aking blog. naglipat kasi ako ng server.

    May you and your family have a very blessed Christmas (actually pasko pa) and may the Lord guide you through this new year.

    All the best in 2009!

    Pax et Bonum

  25. Karl Garcia Says:

    Manilenya,
    Happy New Year! sana natatandaan mo pa ako.

    Karl

  26. melai Says:

    kapatid na panjeeeeeeeeeeeeetttttttttttttt ang ganda ng avatar moooooooooo kyut kyuttt..maraming salamat sa bati sensya na di ako makapasok sa blog mo, masyadong mahina ang koneksyon ng ginagamit kong wifi ng kapitbahay lol! pagbalik ko siguro sa work.. eto ako nagpapagaling mula sa pagiging operada :)
    melais last blog post..Kasilyas

  27. melai Says:

    Karl Garcia, parang natatandaan ko nga yang name na yan :) Happy New Year sayo :)
    melais last blog post..Kasilyas

  28. yadiyadiyada Says:

    Syempre, huli na naman ako. haha. congrats sa trono! hehehe. With loving touch of Dr. Gorgeous.

    yadiyadiyadas last blog post..Start the Year B-Right.

  29. Kenji Says:

    Congratulations Nalen! Two of the judges commented na mabagal daw magload ang site mo, pero overall, ang galing ng scoresheets you. Number 2 ka actually sa blog element, and No. 3 sa visibility and metrics. Medyo napalayo lang sa Voting category kaya nahatak pababa. I will try to post mmaya the criteria on how we judged this awards, without divulging the matrix.

    See you again this years contest?! Sana inominate ka ulit ng mga friends mo. Except sa Top 1, the rest pwede ulit sumali sa yearly award na to. Hehe, Sana may magsponsor na para madami na pera ang winner. Haha!

    Im sending the badge/banner today via email.

    Happy New Year!

    Kenjis last blog post..OVERALL RANKING OF EACH NOMINEES

  30. Snow Says:

    happy birthday sa iyong blog manilenya at congrats sa iyo dahil nagkaroon ka ng award! :)

  31. eliment Says:

    hello po. dumalaw lang po para makibasa at tuloy mag-greet ng….HAPPY NEW YEAR!

    eliments last blog post..CLSU Lagoon

  32. BURAOT Says:

    HAPI NEW YEAR MUNA!

    belated ang bati. kakalabas ko lang kasi sa mental.

    ganyan din kami dati sa timbuktu. kahit me sarili kaming kasilyas, yung mga kalaro ko, dun sa me sapa nagmimilagro kaya dun na din ako umiire, me baon kaming lumang komiks.

    hehehehhe.

    BURAOTs last blog post..Babangon Ako’t Dudurugin Kita!

  33. melai Says:

    hahahaha! salamat lainey :)

  34. mtoni Says:

    kumusta naman operasyon mo teh, mgpagaling ka agad.

  35. manilenya Says:

    lol! Kenjie, maybe I really need to transfer my blog sa much better web hosting..and need a third party to host my uploaded photos para mas bumilis ang load ng manilenya…maraming salamat po.

  36. manilenya Says:

    Maraming salamat po snow :)

  37. manilenya Says:

    Happy New Year Eli :)

  38. manilenya Says:

    hahahaha! brader wala ka sa kin, ako may dalang sungka lol!

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Kasilyas at Manilenya.

meta