Post ng walang buhay

December 18th, 2008

Pwede bang magpost?

Yung magpopost ako ng katulad ng dati, yung wala lang.  Kasi nararamdaman ko na naman na aabutin na naman ako ng siyam siyam bago makapag post ulit.

Mag aalas dose ng hating gabi, tanghaling tapat dyan sa pinas, heto ako ngumangata ng chips pagkatapos kumain ng yoghurt.

Hehehe! halatang walang maiblag.

Ikaw ba namang mahigit na dose oras na nagtatrabaho sa loob ng bahay, walang kasama kundi aso at ang walang humpay na pagtunog ng washing machine at dryer.  Pagkatapos sisilip ka sa labas ng bahay at wala namang makita kundi mga yelong bumagsak noong mga nakaraang araw.

Sinubukan kong lumabas ng bahay para tawagin si Rocky, ang aso ng panganay na anak ng amo ko, nangikil lang ako sa ginaw sabay pasok ulit ng bahay.

Bahala na, kusa namang lalapit yung aso sa pintuan kapag di nya na makayanan ang lamig sa labas.

Si Rocky nakakatuwa.  Kahol ng kahol sa labas.  Pakiramdam nya kasi may tao pero wala naman.  Puro malalakas na tunog ng mga puno dahil sa lakas ng hangin.

Noong wala pa ang yelo, ang madalas namang kahulan ay ang mga ibon na naglalakad sa may damuhan.

Ganun ang buhay araw-araw.  Limang araw sa isang linggo.  Pagkatapos maghapon-magdamag na tatambay sa kwarto kapag sabado’t linggo.  Kapag pinalad makalabas, mag-gogrocery ( magastos naman.)

Kaya masisisi ko ba ang sarili ko kung walang maipost? Oh well, ganyan naman ang buhay, pwede namang ipost ang nginangata kong chips e.Saka ang walang humpay na pagkahol ni Rocky, at mga yelo….ang sobrang lamig ng panahon…ang pagtambay sa loob ng kwarto ko sa tuwing sasapit ang weekend at ang pag gogrocery.

Sino magsasabing wala akong buhay e me kinakain akong chips, naririnig ko ang mga kahol ni Rocky, nakikita ko ang mga yelo, nararamdaman ng maganda kong katawan at makikinis kong mga balat (gwaaaaaaarkkk!) ang lamig ng panahon at higit sa lahat, nauubos ang konti kong pera kapag nasayad ang mga paa ko sa walmart.

Ha ewan!

(Inumit ang litrato ni Kevin Garner)

Viewed 6395 times by 1177 viewers

32 Responses to “Post ng walang buhay”

  1. cindyrella Says:

    at least kahit walang mai blag eh nakapag blog ka pa din! abay hanga ako sayo! promise! well, tayo talagang mga author no, kahit walang mai- blag meron pa din tayong calling, may nasusulat pa din tayo.

    ika nga, we’re not the one who chooses what to write, sila ang pumipili sa atin! ^^

    cindyrellas last blog post..Love Lessons

  2. RJ Says:

    Hahaha! Wow! Sa totoo lang parang ito ang pinaka-cool na post nyong nabasa ko. Cool hindi dahil winter dyan (cold nga dyan eh), kundi dahil ramdam kong ang isang Manilenya ay hindi isang kathang-isip lamang, kundi isang totoong taong talagang nag-i-exist!

    Tama kayo, may buhay nga kayo… nagugutom, nilalamig, at naiingayan sa tahol ni Rocky!

    Binigyan nyo ako ng idea, may chips ako ritong matagal nang ‘di pa nakain, makain nga at masabayan nitong light yoghurt. Hahahah!

    RJs last blog post..Dumb and Deaf

  3. carnation Says:

    :) pd mo namang i-blag kung ilang ano ang nutrient composition ng chips. low salt and low fat ba yan? parang masarap yan a

    carnations last blog post..Blog love award

  4. Pilar Says:

    anong chips? :) hehehe. goodluck sa snow ate. kami dito sa pinas na wiwindburn sa ginaw :)

  5. Karen Says:

    Malamig na rin dito Ate, at madali ring maubos ang pera pag lumabas ka ng bahay dahil walang balor ang piso sa mahal ng bilihin sa ngayon.

    Karens last blog post..A new face

  6. Lainey Says:

    parehas tayo pag weekend, unless may event somewhere at may mahahatak, pero sobrang madalang yun. so bukod sa mag-computer kain at tulog lang. :)
    Laineys last blog post..Tiny Tim DALIT

  7. Lainey Says:

    parehas tayo kapag weekend. magcomputer, kain at tulog, nakakulong sa bahay. kapera na lang kapag may event sa toronto at sinipag pumunta, pero nung thanksgiving nga, walking distance na lang, wala pang motivation. pano wala pang masyadong friends.

    Laineys last blog post..Tiny Tim DALIT

  8. manilenya Says:

    Cyndi,

    siguro nga tama yung huli mong sinabi kasi, kahit na anong isip ko ng ibablag…wala talaga kong maiblag e lol! ang madalas kong sabihin..bahala na ang daliri at bibig ko (kasi habang nagtatayp ako ng ng kung anu-ano e binabasa ng bibig ko..syempre sa tulong ng mata ko lol!)

    sabi nga bahala na si batman kung ano ang kalalabasan ng post lol!

    manilenyas last blog post..Post ng walang buhay

  9. manilenya Says:

    lol @ RJ, ang manilenya ay hindi kathang isip lang…kung titignan mo yung sitemeter ko maraming ganitong post..nung minsan nga parang nagdiary pa ko e …mga bagay na naalala ko nung bata pa ko.

    Halika damahin mo ang kamay ko..totoong tao ako lol at nakabalandra ang mga litrato :)
    actually yan ang karamay ko kapag nag-iisa..chips lol!

  10. manilenya Says:

    carnation, ang lagi kong tinitignan e yung sugar level ng pagkain masarap sya cheese flavor ng Ruffles :)

  11. manilenya Says:

    ganun? di ko pa naranasan ang sobrang lamig sa tundo, pwera na lang kung may bagyo :) ayan namiss ko tuloy ang bagyo Pilar :)

  12. manilenya Says:

    Matagal ng problema yan sa pinas Karen, hay naku kahit saan ka magpunta ganyan at least dyan di sumasakit ulo nyo kasi di kayo nagcoconvert..dito tinatawag akong baliw ng tyuhin ko kasi kada bili convert tapos manghihinayang lol!

  13. manilenya Says:

    Saan ka sa TOronto? Punta dyan sa sat kapag okey ang panahon ang mga uncle at aunty ko :) dami sila friend dyan e.

  14. ron Says:

    buti naman at di ka na stress…salamat na rin at may net ano? ganyan talaga buhay dyan sa canada at ang hirap ng solo ha! o, sige at sa susunod na isyu na lang ulit ng chips mo ha…..!!!!!!!!!!!!

    rons last blog post..konserbatibo

  15. reyna elena Says:

    at least kahit walang maiblag topic na rin yon so pwede pa ring mag blog hehehe

    reyna elenas last blog post..Danke!

  16. Pilar Says:

    hehehe. bagyo jan nyebe. mas maswerte ka kesa saming nasa pinas. walang nyebe dito, puro SMOG. magsawa ka sa SMOG. :D

  17. karmi Says:

    pano ka nga rin ba makakapagpost ng matino kung tulog ka maghapon. :P hehehe.

    Merry Christmas ateng!!! hmm, wala pa rin akong maisip na regalo. :P hehehe.. :) baka tapos na ang pasko bago ko maipadala ung regalo ko sayo.. :D *hugs*

    karmis last blog post..Sino sina monito at monita?

  18. karmi Says:

    pumasok ba ung comment ko?! hmmmm..

    karmis last blog post..Sino sina monito at monita?

  19. karmi Says:

    haha. hindi pala. :P booo!

    anyways, sabi ko nga dun sa comment ko (na hindi pumasok), pano rin makakapagblog ang tulog maghapon. :) hehehe.

    baka after na ng Pasko ko mapapadala ung regalo mo ateng ha.. :) love yah!

    Merry Christmas!

    karmis last blog post..Sino sina monito at monita?

  20. manilenya Says:

    stress pa rin ako Ron, katunayan 14 oras ako work ngayon hehehe di ka ba masstress nun lol! me tira pang chips hehehe di ko naubos e :) malalaki kasi mga chips dito :)

  21. lotusflower Says:

    Di naiiba ang sitwasyon natin. Wala nga lang yelo dito sa Pinas. Pero, ang siste, mag-isa lang din ako, at nag-wo-worry kung gagana pa ang drainage namin dito sa lugar namin, kaya ang wasing machine ay di ko magamit para mag-laba.

    Ay buhay.

    Saka dahan dahan sa chips masama sa katawan yan:-)

    Merry Christmas Kabayang Manilenya!

    Cheers!

    lotusflowers last blog post..Not your typical fear factor

  22. manilenya Says:

    mwahahaha korek :)

  23. manilenya Says:

    mimay,
    mukha ka namang hindi natutulog e lol …kaya walang maipost kasi laging walang tulog lol!
    oks lang yun..sus sige na mag isip ka :)

  24. tin-tin Says:

    ayan! may napost ka na.

    here’s a birthday and xmas gift for you: jacket!!! hehehe ;p

    tin-tins last blog post..Balut! Balut!

  25. Angel Cuala Says:

    Ganyan din ako minsan e. Actually, parang mas masuerte ka pa nga kasi my blog ka. Nung nasa Japan ako at ganitong season din ay sobrang boring. Wala kaming computer at di pa masyado in ang blog nun e. Ang masaklap, ako lagi ang walang pasok pag Sunday, silang lahat meron hu! hu! hu!

    By the way, medyo nalito ka naman sa amin ni Fatherlyours. Tinawag mo siyang Angel dun sa blog nya e…lol!

    Angel Cualas last blog post..10 Ways on How to Avoid Child Obesity

  26. Zaldy Says:

    pards, penge ng chips mo..la fud dito krisis!!!

    Zaldys last blog post..Christmas Gathering And A Call For Action

  27. melai Says:

    lol hehehee sobra na bang naghihirap pards? :)
    melais last blog post..Post ng walang buhay

  28. melai Says:

    lotus.. wala ako magawa yung lang ang makakain ko dito sa rum e :) hope maayos na ang drainage nyo.

    melais last blog post..Post ng walang buhay

  29. melai Says:

    lol! kailangan ko nga ng jacket saka yang balut miss na miss ko na yan.

    melais last blog post..Post ng walang buhay

  30. melai Says:

    lol! hehehe kaw kasi unang pumasok sa isip ko pag pasok ko sa blog nya e…waaaahh parang ayaw ko na bumalik sa blog nya kailangan ko irestart yung laptop ko

    melais last blog post..Post ng walang buhay

  31. yadiyadiyada Says:

    lol. late reaction. GTA. Sa mississauga talaga ako, pero since sa toronto ako work, mas madalas akong maglibot dun at mas updated sa events dun (dati). Nasa kahabaan lang ako dun ng Bay St. hehe.

    yadiyadiyadas last blog post..A slushy wet and white christmas!

  32. melai Says:

    Oh ok.. Lainey mayroon kaming bisita ngayong taga Missisauaga :)
    melais last blog post..One night isang gabi ako’y boared este board..hmn bored.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Post ng walang buhay at Manilenya.

meta