Hagupit ng Yelo

December 16th, 2008

Akalain mo bang mahigit dose oras lang na walang patid na pagbagsak ng nyebe e ito ang magiging resulta?  Tinawag ko itong Dooms Day noong unang kita ko nito.

Akala ko sanay na ako, pero noong bumungad sa mga mata ko ang napakapal na yelo, nawindang ulit ako.

Ito hirap dito, kapag gagamitin mo ang sasakyan, kailangan munang kaskasin ang mga yelo na kumapit sa mga sasakyan.  Matrabaho, kung baga bawal ang tatamad-tamad.

Ah ito syempre, resulta na ng mga kamay ng mga batang tuwang tuwa maglaro ng yelo.  Hindi lang yan. minsan makikita mo ang mga maliliit na bata na kumakain ng mga bumagsak na yelo.

Hindi pa ito winter season pero marami pang babagsak na mga yelo.

Viewed 3290 times by 847 viewers

Tagged: , ,

29 Responses to “Hagupit ng Yelo”

  1. eli Says:

    naku, kaya nga ba plano kong magbenta ng ‘halo-halo’ jan eh.

    grabe pala ngayon jan. kung may emergency at kailangan mong gamitin ang sasakyan wala na!

    elis last blog post..Victorious Pacquiao

  2. Pilar Says:

    nakikita ko palang ang ginaw na. malamig din dito sa pinas… graaabe!!!

  3. RJ Says:

    Grabe ang kapal na talaga ng snow nyo dyan! Hindi ko pa na-experience ang ganitong klase ng winter!

    Frost nga lang tuwing umaga kapag mid-winter dito hirap na akong linisin ang sasakyan, yan pa kayang snow. Dapat nakapasok talaga sa garage ang mga sasakyan kapag gabi, para hindi mahulugan ng nyebe.

    RJs last blog post..Kalayaan

  4. Cindyrella Says:

    grabe naman, baka naman di na ako bumangon sa hinihigaan ko pag ganyan anng nangyari dito, baka di na ako maligo, di ko pa nararansan ang snow pero pag kakita ko nung pix feel ko ang lamig na. ^_^

  5. bebot Says:

    kaya nga mas pinili ko sa apartment tumira para hindi mag pala ng yelo..hehehehe

  6. mulong Says:

    pabili po ng halo halo…yung special po, may langka, ube at leche plan.

    pakilagyan din po ng ice cream on top…

    hehehe skulmey sosyal naman ng pic mo…pero enjoy ka ba sa white christmas?

    mulongs last blog post..Reposting Parausan

  7. ron Says:

    ang lamig ano? kahit sanay ka na, kung ganyan naman kadami ang yelo tiyak na windang ka nga ulit…

    rons last blog post..konserbatibo

  8. zherwin Says:

    baka di ako mapakali kapag ganyan ang makikita ko sa harap, likod at tagiliran ng bahay ko, baka sa sobrang excited magkuha ng picture ay madulas ako at mabagsakan ng yelo sa ulo.

    nung bata ako, nagi-imagine ako na sana umulan ng yelo dito sa pinas pero hindi pala makatarungan ang imagination na yun kasi karamihan ng bahay dito ay kubo o di kaya yero na manipis, kung nagkataon andaming sirang bahay hehehe.

    zherwins last blog post..Silip

  9. melai Says:

    nagagamit pa naman ang sasakyan Eli, kailangan nga lang magpalit ng winter tires :)
    melais last blog post..Hagupit ng Yelo

  10. melai Says:

    Maulan ba dyan Pilar? :)
    melais last blog post..Hagupit ng Yelo

  11. manilenya Says:

    RJ, yung mga magagandang sasakyan dito e ginagarahe sa isang private place.. di nila ginagamit kapag winter lol! oo naku biglang nalilinis ang garahe kapag wnter para may mapaglagyan ang sasakyan :) pero madalas naiiwan lang din nila sa labas ng garahe e.

  12. manilenya Says:

    wag kang mag alala Cyndi… may heater naman sa loob ng bahay e :) centralized kaya di mo ramdam ang lamig sa labas :)

  13. manilenya Says:

    Hehehe ganun? pero iba pa rin syempre kung may sarili kang bahay dba? ilang taon ka na rito? at saan ka rito?

  14. manilenya Says:

    skulmeyt.. malungkot ang pasko dito..di katulad dyan :(

  15. manilenya Says:

    hehehe sana next time hindi na ko ganito kawindang lol! Ron.. maraming salamat sa pagdalaw :)

  16. manilenya Says:

    huy nung minsan umulan ng yelo dun sa amin sa may, sandaling sandali lang yun ang problema e buo buong parang crashed ice lol! di nga totoo yan :)

  17. cliffnotes Says:

    pwede palang kainin ang mga yelo?hehe! in fairness i enjoy the photos…kala ko lang siguro madaling i-deal ang maka-experience ng snow kasi ang gandang tingnan pero siguro kung andyan ako baka naging snowwoman narin ako!ahaha!

    cliffnotess last blog post..What a Christmas tree stands for

  18. Pilar Says:

    hindi naman. kataka-takang paglamig lang. yung tipong kailangan mo pang maginit ng tubig. yung hangin kahit may araw ang ginaw. grabe, pers taym ko ito makaramdam ng ganito. :D

  19. melai Says:

    Lol! di ka magiging snowman..gagawa ka ng snowman syempre cliffnotes :)
    Ang lamig lamig sa labas grabe kahit na hipan mo ang mga kamay mo di ka tatagal kailangan may gloves at ang mga suot na damit patong patong. dami tuloy labahin lol!

    melais last blog post..Hagupit ng Yelo

  20. melai Says:

    hey, 2 years ago sabi ng nanay at kapatid ko ang lamig lamig din daw sa tundo, para daw silang nasa Baguio :)
    melais last blog post..Hagupit ng Yelo

  21. Pilar Says:

    for me parang mas malamig ngayon. siguro baka kasi di na makapal ang taba ko! :D (dyeta) hehehe. :D sana makapnta din ako sa area na yan :( ang ganda ng view…thanks for taking me there with the great pics :)

  22. Lainey Says:

    kami din eh, sobrang nagulat. mas malakas yata dyan sa inyo. dito kasi tunaw na sya before uli magsnow. but this time nga, mas malakas. and sobrang hassle, nalate ako ng sobra kasi ang bagal ng bus. haha.

    Laineys last blog post..Tiny Tim DALIT

  23. bebot Says:

    siguro nga masarap ang may sariling bahay…..iyan ay kung papamaskuhan kami ng mahal na reyna ng pang down…..hehehehehe (psssssssst…..melai, naandyan sya o….nakasilip) hehehehehe

  24. manilenya Says:

    Lainey,
    mas grabe daw talaga ang snow dito sa north, dito sa trabaho ko naku..matagal bago matunaw ang snow.

    manilenyas last blog post..Post ng walang buhay

  25. manilenya Says:

    Pilar, walang anuman..susunod pakita ko sayo yang lugar na yan, yung buong buo ng walang snow :)

  26. manilenya Says:

    bebotttttttttttttttt kitakits tayooooooooooo!!!! :) magkalapit lang tayo e lol! dito ko Innisfil… sa pasko nasa Alliston ako :)

  27. reyna elena Says:

    hindi pa dumarating samen ang yelo ateng, di ba nag-bago na ang panahon or inusog na ang philadelphia sa equator? hahaha

    the other week, indi sya makapag decide. baklita ata ang weather. umuulan, pero nag-iisnow. leche, kadulas dulas ako. nyeta.

    huy! bebot! batuhin mo nga ako nang sapatos toronto! 8 1/5 size hehehe wag nang heels, marami na ako hehe

    reyna elenas last blog post..Danke!

  28. bebot Says:

    hay naku mahal na reyna, alam kong magaling kang umilag!!!!! kaya kahit batuhin kita ng mendez shoes na size 81/5 hindi ka tatamaan….kaya i ca-cash……..este….cancell ko na lang ang pag bato!mweeeeeeheheheheheh. Naku melai! may snow storm ngayon siguro ang lakas dyan sa lugar mo…….nasa bundok ka kasi ng tralala!!!!hehehehe

  29. manilenya Says:

    mwahaha buti ikaw maraming heels reynz ako kahit isa wala :( ako kaya ang hagisan mo rito ng heels? :)

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Hagupit ng Yelo at Manilenya.

meta