Ang sayaw na cha-cha mula noon hanggang ngayon, hindi pwedeng wala sa mga partihan. Mula matanda hanggang bata kayang kayang isayaw ito. Makikita mo sa mga sayawan, mapa street party man (uso pa ba ito?) o diskuhan (tunog 80’s daw sabi ng isang kasama). Ma pa in man o out, cha-cha ang paborito kasama ng line dancing.
Ikendeng ang balakang kasabay ng pasulong - paatras na mga paa. Pwedeng itaas ang mga mabining mga kamay at sundutan ng mapang akit na mga mata.
Ang sayaw ay cha-cha.
Sige. Hala. Cha-cha.
Sulong. Atras. Sulong. Akitin ang inosenteng mga mata.
Pero bukod sa sayaw na cha-cha, may iba pa akong cha-cha na nakikita. Ang pagkaka-alala ko, panahon pa ito ng dating pangulong Ramos unang ipinakilala. Ibanabandila noon ni Ramos ang Philippine 2000 gayong matatapos ang pagkapangulo nya ng 1998, ibig sabihin may balak mag cha-cha. Charter Change ika nga.
Ngayon muling nagiging mainit ang usapan ng cha-cha..bago mag eleksyon mayroon na namang gustong magcha-cha…makikisayaw ka ba?
Kung sasayaw ka, may instruction si Juana.
Viewed 2473 times by 434 viewers
December 10th, 2008 at 2:06 am
Hahaha napanood ko na nga yito dati. Ayos si Juana, manang mana sa ina nya!
Ambos last blog post..Free Web Hosting A New Year’s Gift
December 10th, 2008 at 2:45 am
Ang kulet ng ChaCha ni Juana, pero seriously mas magandang ipahinga na lang ang sayaw na yan.
Happy Birthday!
Karens last blog post..Before and After
December 10th, 2008 at 3:53 am
di ko talaga alam kung makakabuti ba talaga ang cha cha sa ating bansa, sana di lang mga officials ang makinabang doon!! at sana i- explain nila ng mabuti kung ano ang pwedeng mangyari kung meron na ngang cha cha!! at kung ayaw ng sambayang pilipino, sana wag na lang ipilit!!
anyway, gusto kong sumayaw ng cha cha!! ^_^ cnu marunong?
cindyrellas last blog post..Here we go!!!
December 10th, 2008 at 4:34 am
mahirap ang cha-cha lalo na kapag parehong kaliwa ang paa ng isang tao…
joshmaries last blog post..Sumakit ang BANGS ko!!!
December 10th, 2008 at 6:41 am
First year college naku sumayaw ako ng cha-cha kahit na ayaw ko. Napilitan kasi kailangang mag-present ng ganu’ng sayaw ang mga freshmen.
Sa Charter Change, kung sa ikabubuti naman ng Pilipinas ang purpose nito, ayos lang. Pero kung pagpapalawig ng termino at kasakiman ang mangingibabaw hindi naman ako papayag. Pero kahit di ako papayag, may magagawa kaya ako?
RJs last blog post..Mga Kayamanan
December 10th, 2008 at 6:59 am
hahayyy…cha-cha..kapag dinibdib ko ang politika sa Pilipinas tiyak maloloka ako!hehe
cliffnotess last blog post..this Christmas tree
December 11th, 2008 at 12:49 am
May rally kontra cha-cha bukas. As always sasama ako ulit. Kung tatanghod lang ako at manonood habang ginigiba ni gloria ang mga institusyon, parang binenta ko na ang kinabukasan ng aking mga anak.
Happy birthday, anak. Ingat ka lagi.
Schumeys last blog post..CON Our Sorry ASS
December 11th, 2008 at 4:26 am
Una di ako marunong mag cha-cha. Pangalawa, basta gawaing politika, mahina ako dyan, kasi kadalasan eklat lang yan.
Lagi kong sinasabi sa mga anak ko, batang-bata pa ako ay ganito na ang Pilipinas. Tumanda na yata ako, ganito pa rin?
Aasenso pa kaya ang mga Pilipino? Nakakapanlumo panoorin sa TV documentaries ang mga ibang kabataan natin na dahil sa kapit na sa patalim ang kalagayan ay nag tataas ng blouse para ipakita sa ‘buyer’ nya ang size ng kanyang dibdib bago siya gamitin.
Nakakasuka pero katotohanan.
I was trully shocked watching it.
lotusflowers last blog post..The Marikina I Like
December 11th, 2008 at 2:19 pm
hahaha i love her i truly truly tlga hahaha
reyna elenas last blog post..I see a lot of corrupt people!
December 11th, 2008 at 2:20 pm
lenzyak bali bali lang nga takong ko hmpt! pero di bale!
don’t make tulog! let’s make baka! no to cha cha pa rin pede naman i-isteypler tong takong ko heheh
reyna elenas last blog post..I see a lot of corrupt people!
December 12th, 2008 at 1:01 am
hehehe sinong ina nya daddee ambo?
December 12th, 2008 at 1:23 am
me pagkakataon bang ipahinga na ng tuluyan tong sayaw na to sis?
December 12th, 2008 at 1:27 am
hahaha. naloka ako sa video.
ang kulit.
teka, politics pala ito, ummm, mejo wala akong alam dyan ate. hehehe.
karmis last blog post..pano namang di kita mamahalin?
December 12th, 2008 at 1:53 am
ako marunong..tara sayaw tayo ng cha-cha lol!
Okey lang na magcha cha pero palitan muna ang mga nakaupo sa gobyerno lol!
December 12th, 2008 at 2:25 am
May Anti-ChaCha rally ngayon sa Makati, Te.
December 12th, 2008 at 4:53 am
Si Dabyana lols! Momski happee beerday sayo!
Ambos last blog post..Free Web Hosting A New Year’s Gift
December 12th, 2008 at 9:08 pm
marekoy… sama tau kay lolo schumey… maki-rock na lng tau sa anti chacha rally..
kneekos last blog post..fIrSt wEdDiNg pRoJeCt
December 12th, 2008 at 9:30 pm
hehehe loko mo ko daddee ambo
melais last blog post..What food means to you?
December 12th, 2008 at 9:48 pm
parekoyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!
December 12th, 2008 at 10:41 pm
joshmarie,
hehehe dapat pa sugery muna..bli ng kanang paa lol!
December 12th, 2008 at 11:25 pm
syempre may magagawa ka laban sa kasakiman.. di mo ba naalala yung tali ng walis tingting… matibay at di kayang buwagin… pwera na lang kung pipiliting alising ang pagkakabigkis, parang ganyan sa video lol! gusto mo ba ng ganun?
December 12th, 2008 at 11:28 pm
hehehe, uunga baka kung saan ka pa pulutun lol!
December 13th, 2008 at 12:31 am
lotusflower,
walang hiyang buyer yun ha!
yan ang epekto ng sobra sobrang kahirapan,, nagiging commodities pati size ng dibdib
December 13th, 2008 at 12:46 am
hehehe parang nakita ko na sya sa tv e
December 13th, 2008 at 12:59 am
hindi tayo nakasama lol!
December 15th, 2008 at 12:29 am
Maraming ayaw sumayaw, datapwat napa-iindak sa himig ng tugtugin.
Eto kaso niyan: Alam mong dadayain ka. Alam mong nagsisinungaling sa iyo. Alam mong binabastos ka. Alam mo rin na maliit ang magagawa mo, kung mayroon man.
Kung ako, di ako sasayaw at kung magkaroon ng pagkakataon ay tutulong na ihinto ang sayaw.
December 15th, 2008 at 12:32 am
Hey MK bakit gising ka pa? nanood ka rin ba ng finale ng survivor? lol!
December 15th, 2008 at 5:18 am
Paulit ulit na lang… Either they change it or they don’t. It just keeps dragging so long that other issues are over ridden. Sana bigyan na nila ng tuldok– either way.
Reys last blog post..A snap of an old work
December 15th, 2008 at 9:35 am
hello sayo… MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.
-joshy