Bago ko nakita yung buwan sa umagang tapat ng alas nwebe, dahil sa hindi ako tinanggap sa klase ng instruktor na dapat sanay magtuturo sa aking magmaneho, napagpasyahan kong magkape sa isang malapit na coffee shop.
Dala dala ang kape sa isang kamay na may hawak na hawak na purse (dati bag ang tawag ko dito, pero nung minsan may tumama sa sinabi kong bag) at isang notbuk sa kabilang kamay.
Iniinom ko ang kape habang naglalakad na hindi magkanda-ugaga, iniisip ko yung itsura ko. mga itsura na napapanood ko sa telebisyon. Panahon ng taglamig, naka coat at may nakapulupot na scarf sa leeg. Sosyal ang pagbitbit ng sosyal na Coach purse na niregalo ng sis kong maganda from Ebay (naks nagyabang!), hindi ko alam na ganun daw magdala ang mga sosyal ng bag kundi pa tinuro sa akin ng syempre sis ko pa ring maganda.
At higit sa lahat…..nagkakape habang naglalakad. Hindi gawain sa pinas ang ganung trabaho…ewan ko lang ngayon.
Ingungudngod ang nguso sa maliit na butas ng takip ng kape, tapos maglalakad ulit. O di kaya namay sabay gagawin para lalong mukhang hindi magkanda ugaga sa paglalakad.
Ang ganda ng feeling ko, o feeling maganda pero feeling malungkot din. Ganoon ang daloy ng buhay kapag walang trabaho, maglalakad habang nagkakape o di kaya nama’y nagkakape habang naglalakad, wala kang ibang mapagpilian kasi hindi mo pa kayang bumili ng sariling sasakyan. Maglalakad ka lang ng maglalakad kasi wala ka rin namang ibang mapupuntahan kasi nga wala kang sasakyan. Walang bus, wag ka ng magtanong at higit sa lahat mahal ang taksi, punta ka lang sa kanto e CAD 45 na, kaya di bale na lang.
Isang araw ng paglalakad, mga dalawang linggo na ang nakakaraan, tamang 5 degrees ang panahon. Pakiramdam ko napakasopistikada ko sa brown coat na binili ko ng CAD 8 sa isang ukay ukay rito, pinatong ko ito sa kulay lilang sweat shirt na ibinagay ko sa sa levis na cordoroy.
Isa na naman itong araw ng walang humpay na paglalakad, nakatatlong establisemento rin naman ako. Sobey’s na binilihan ko ng gift card, panregalo sa may birthday, Coffee shop na binilan ko ng kape (syempre!) at Groserya na inutangan ko ng isang linggong pagkain.
Habang naglalakad, napapansin ko ang umaambang ulan. Patay! 5 degrees na sasabayan ng ulan. At umulan nga. Ulan na sobrang lakas.
Syempre pag ganoon na ang tema ng paglalakbay ko, hihingi na ko ng tulong sa taas, mag faflood ako ng pleaseeeeee, pleaseee, pleaseeeeee! pahintuin nyo na po ang ulan pleasssssssseeeee!
Ayaw kong tumawag at magpasundo kasi matigas ang ulo ko. Pilit kong sinisindihan yung dala kong yosi, para mabawasan yung lamig na nararamdaman ko pero masyadong malakas ang hangin.
Kasabay ng malakas na hangin yung unti-unting pagliwanag. Alam mo yun, parang pelikula. Parang mga anghel na walang langit lol!
Pagkatapos ng liwanang, rainbow doon sa may bahagi ng creek. Kinuha ko yung camera ko sa purse ko sabay hubad ng gloves.
Ang ganda diba? yung tipong bagsak na bagsak ang moral mo dahil sa pagod ka na sa paglalakad tapos biglang umulan ng napakalakas..malamig at gusto mong magyosi pero ayaw masindihan ang yosi dahil sa sobrang lakas ng hangin tapos bigla kang makakakita ng rainbow.
Pagkakita ko ng rainbow, nakakita ako ng pag-asa…humuhuni huni pa ko nung magpatuloy akong maglakad para bang right at that very moment e wala akong problema at walang magiging problema..kesehodang naglalakad ako sa high way at natitilamsikan ako ng tubig na dinaanan ng gulong ng ng mga linsyak na sasakyan.
Viewed 3398 times by 610 viewers

November 20th, 2008 at 1:53 am
Wow! Natuwa talaga ako sa mga analysis nyo sa mga pangayayari. Sa dulo raw ng bahaghari ay hindi lang tilamsik ng ulan, kundi isang palayok na punong-puno ng ginto!
Parang pakikipagsapalaran sa Canada o sa Australia. Minsan may unos, may init, at madalas napakaginaw! Pero lalabas at lalabas din ang bahaghari- na nagpapa-alalang sa dulo ng ating pagpupunyagi sa buhay ay may isang palayok ng gintong sa atin ay naghihintay! (,”o
Ganda ng picture! buti dala nyo ang camera nyo.
RJs last blog post..Number One
November 20th, 2008 at 1:54 am
Kumusta na? Yan ang kagandahan sa rainbow, lumalabas pag tapos na ang ulan. Naghuhudyat ng isang magandang bukas.
Actually, ganyan din gawain namin nung pinadala ako ng former employer ko sa Japan mga 5 months din yun. Sabi sa amin training daw yun para maging lalong mahusay na Supervisor, kaya ayun production operator ang lolo mo. Di ko naman minamaliit ang pagiging production operator kasi marangal at mahirap talaga work nila. I should know, almost 500 operators hinawakan ko for nearly 7 years.
Anyway, I think mas masuwerte ka dyan kasi sa amin nun walang rainbow, at super duper lamig! Winter kasi nun ng nagpunta kami (Dec03~April04) I remember one time -5 Degrees! Pusang gala! Sunog na yung suot kong jacket sa pagkakadikit sa heater, nangingining parin ang lolo mo e.
O sige po, dito na lang ulit. Napahaba na ata itong comment ko, medyo nagnostalgic lang ng konti, di ko kasi magawa ito sa blog ko e…lol!
Ingatz po!
Angel Cualas last blog post..A Parent Call: Hungry US Children are increasing
November 20th, 2008 at 7:59 am
“There’s a rainbow always after the rain,” ika nga sa awitin ng Southborder.
Ako, bihira na lang makakita ng bahaghari dito sa Metro Manila, puro usok, ‘di rin puwede maglakad sa gilid ng kalsada dahil kung hindi bumabaha, delikadong ma-holdap ka, magpa-Pasko pa naman.
May award pala ako sa’yo, Ninang.
Karens last blog post..I receive some love
November 20th, 2008 at 1:16 pm
ang galing ng kuha mo ah..parang poster!
i love rainbows..these are wonders that keep me from being like a child again.
nice sharing..
cliffnotess last blog post..gotcha!
November 20th, 2008 at 8:22 pm
Kung kasama mo ako jan lalakarin natin yan hanggang dun sa dulo ng rainbow para makuha natin ung pot of gold… tapos nun mayaman na tayo bili tayo ng lexus, bmw ba gusto mo?
November 22nd, 2008 at 7:58 am
aw! gusto ko din makakita ng rainbow…
November 22nd, 2008 at 2:48 pm
hehehe oo buti nga dala ko kundi…hindi makukuha ng maayos ng cellphone ko yung rainbow
November 25th, 2008 at 11:46 am
Ganyan talaga ang buhay parang rainbow.
teka bakit ba ang tagalog sa rainbow ay bahag-hari?
myepinoys last blog post..I see someone
November 26th, 2008 at 12:56 pm
kakaiba ka talaga skulmate!
buwan sa umaga…nagkakape habang naglalakad with matching coat and scarp…
dito mo gawin yan pagdating mo ng recto naholdap k na hehehe
abe mulong caracass last blog post..Mga Eksenang Wala Na
November 26th, 2008 at 5:45 pm
hayyyy nakaaa! ang buhay ko rainbow mismo! at walang gold sa dulo, kundi pulbura! leche talaga! gayan ngayon an lamig lamig umulan pa, di nalang snow tuloy nag-a ice sa kalye anak nang figure skater oo, ni indi nga ako marunong rumampa sa ice tangnang buhay to oo!
reyna elenas last blog post..Sick, sick world!
November 30th, 2008 at 3:15 pm
wow! ang ganda naman ng attitude! positive outlook pa rin after ng lahat. haha. nie.=)
November 30th, 2008 at 7:34 pm
hehehe syempre po
hey thanks sa pagbisita
December 1st, 2008 at 12:49 am
ate melai, hanep ang analysis mo ah. astig. hindi mo nasabi ang brand ng kape mo. hehe
ang ganda ng picture. mahilig kase ako sa rainbow. salamat sa kwento.
December 1st, 2008 at 8:07 am
tagalog na ang page mo na to manimenya? nako pasensiya ka na kababalik ko lang kasi sa mundo ng blogging. kamusta na yung gallstone mo?
PMs last blog post..Results of the Nov. 2008 Nursing Licensure Exam
December 3rd, 2008 at 10:56 am
PLEASE VOTE FOR THIS SITE!
The Official website of the Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog Awards with the current stats as of December 3 in the Voting Category can be found here http://pinoyblogawards.blogspot.com/
The list of the SPonsors, judges, and nominees are also included in the sidebar. Within this week we will post the overall criteria in each category! Goodluck!
-Kenji
December 3rd, 2008 at 4:07 pm
I can relate to this ! , I’ve heard some goody things about this blog ! I bookmarked it on my favorites and will visit it again for more interesting posts like this one, Thanks
December 7th, 2008 at 11:58 pm
naks naman! nasali pa sa contest ang post mo na ito! good luck sayo gurl!! ^__^
cindyrellas last blog post..Christmas Tree
December 8th, 2008 at 12:09 am
cinderella, hindi po
yung buong blog po ang kasali