Okay! bago ang lahat ito ang luma.
Para sa lahat ng mga kaibigan, kablag at mga bisitang nagkomento sa huling post ko, mabuti naman po ako. Ni hindi ako binigyan ng gamot ng doktor, minor operation nga daw ang kailangan. Binanggit ko yung sambong capsule sa surgeon, natanga lang sya sa kin..hehehe hindi pala.
Ang sagot nya “mayroon nga daw mga doktor na nagbibigay ng pills” ganoon lang, at dahil surgeon siya, ang trabaho niya ay mag opera hindi magbigay ng pills.
Mga apat na incission daw ang nararapat na award sa akin, iniisip ko tuloy umuwi ng pinas, baka doon e resetahan lang ako ng sambong pills.
Ito palang litrato sa kaliwa, kuha ko gamit ang cellphone ko ulit at nanghihinayang ako kung bakit hindi ko dinala yung camera ko o kung bakit hindi ko pa inapgrade ng N95 ang camera ko. Mantaking mong habang naglalakad ako pabalik sa bahay ng tyuhin ko mga alas nwebe ng umaga, kitang kita ng dalawang mata ko yung buwan na nakaistambay sa kalangitan.
Mataas ang araw sa kabila, hindi ko alam kung silangan…bobo ako sa direksyon, at parang nanghaharana naman ang buwan sa kalangitan kung saan ako paparoon.
Pagdating ko sa King street kung saan may malawak na farm..siya namang pagdaan ng laksa laksang mga ibon sa ilalim ng bwan. Palagay ko, ito yung sinasabing mga ibon na tumatakas kapag panahon ng taglamig. Ewan ko lang…nanghuhula lang ako.
Viewed 2275 times by 510 viewers
October 23rd, 2008 at 12:38 am
Sayang… Dapat palagi nyo pong dala ang camera nyo. Pwede rin mag-upgrade nalang ng mobile phone. o”,)
health is wealth, asikasuhin nyo po ‘yan.
RJs last blog post..Chicken Breast
October 23rd, 2008 at 1:51 am
nabanggit nga po ni ate karen sa akin na minor operation daw po ang gagawin sa inyo.. naku ateng, pagaling ka kaagad after ha!! balitaan mo po ako kung anong mangyayari..
ingat kasi.. hehehe.
madami na nga ring pong mga ibon dito, dahil mainit d2 sa lugar namin, dito silang lahat tumatambay kapag winter.. aarrgghh, taglamig na naman.. kelangan nang bumili ng makapal na jacket!
karmis last blog post..Tanging liwanag
October 23rd, 2008 at 3:16 am
alam ko may oral pills na puwedeng tumunaw ng gallstones.
***
cellphone camera lang ang gamit mo dyan, Te, pero okey na okey ang kuha. talagang career na career na ang pagiging litratista.
malayas last blog post..Back here
October 23rd, 2008 at 3:24 am
get a 2nd opinion, melai
a 3rd, and even a 4th one. but not all from surgeons ha! xD
ganda ng kuha mong litrato, kahit cellphone lang ang gamit
October 23rd, 2008 at 5:05 am
sana gumaling ka agad. kung tuloy ang minor operation mo, ipagdadasal kita.
yung tuldok ba ang buwan? hehehe, hindi ko masyadong makita. pero amazing no, 9 am, may buwan pa dyan. dito mainit na
lady cesss last blog post..Me, On TV!
October 23rd, 2008 at 5:05 am
buti naman minor operation lang….narinig ko rin yang sambong pills epektib nga daw…try mo din baka sakali epektib sayo. wala ka pa naman ata skedyul ng opera. pagaling ka.
edelweizas last blog post..There are Happy and Bright Times Ahead
October 23rd, 2008 at 2:47 pm
God bless sa operation.
in fairness, naaasikaso ka ng doctors dito. is that ur personal doctor?
medyo nagdoubt na kasi ako sa ilang doctors dito and definitely sa hospitals. parang napaka-unreliable. =) haha.
yadiyadiyada / laineys last blog post..NaNoWriMo 2008
October 23rd, 2008 at 9:36 pm
Mahal mag upgrade e, medyo nag iisip pa ko ng mga posibleng mangyari lol!
Yeah I know, kanina tumawag na ako ng bagong doktor na posibleng maging family doctor ko, I need to hear second opinion syempre
Salamat po chook!
October 23rd, 2008 at 9:48 pm
mimay,
okey naman ako..hindi yung gall bladder ko ang iniisip ko e, itong buhok ko, grabeh ang paglalagas tuwing naliligo ako
saka yung balakubak ko lol! hindi na natanggal waaaaa!!
bale may pupuntahan akong doktor, sana tanggapin ako na bagong pasyente ..hirap dito dahil sa maliit na town lang, kulang na kulang sa doktor
October 23rd, 2008 at 9:51 pm
At pangit pa kamo ang camera ng cellphone ko lol! hay naku karen…ask nga ako ng second opinion e, baka makuha pa sa gamot.
October 23rd, 2008 at 10:03 pm
Hay naku Shiela, yun nga sabi sa kin ng isang Canadian friend, kasi nga sa emergency ako nagpunta dahil wala pa kong family doctor kaya ang sabi nya…mabilisan daw ang trabaho dun …opera agad lol!
Thanks po.
October 23rd, 2008 at 10:11 pm
ate melai,
hahaha..sambung pills…baka nga nilagang dahon lang e solve na yan.
elis last blog post..Kudkuran
October 23rd, 2008 at 10:14 pm
hay naku Lady Cess,
yung nakita ko malaki as in malaki…ang isip ko nga e siguro walang bwan sa pinas noong mga oras na yun lol! kasi nasa Canada e
Okey naman ako…hindi sumasakit ang tyan ko mula nong nalaman ko na bawal sa akin ang mga greasy food
October 23rd, 2008 at 10:23 pm
Wala pa nga sked edel at baka di na ko magpa opera…padala nna lang ako sambong from pinas lol! thanks
October 23rd, 2008 at 10:32 pm
Yadi,
wala pa po akong family doctor
kaya nga sa ospital ako nagpatingin e tapos emergency yun kaya ayun maagap sila..sabi nga ng aunty ko buti pa pala daw ang walang family doctor e asikaso agad. Post ko yan
October 23rd, 2008 at 10:56 pm
walang sambong dito lol!
October 24th, 2008 at 3:08 am
para saan yung sambong? gamot sa gallstones? maghahanap ako at baka umepekto nga sa akin! hehehe.
hinahanap ko ang exact medical definition ng incision, at ang sabi ng internet: it is the act of incising. LOL oo nga naman hehehe.
uy kapatid, gawin nang habit ang pag-iwas sa greasy food para makaiwas na sa mga sakit-sakit nating iyan, kamamahal ng gamot ngayon!
zherwins last blog post..Weddings 101: The first step
October 24th, 2008 at 8:51 am
mabuti naman at ok ka lang..pinakaba mo kami sandali kasi ang tagal mong nakapag post uli dito. Anyway, kakaiba yata ng experience mo dito ah…pareho tayo, bobo din ako sa direksyon..hehe! baka nga tama speculation mo..migratory birds yata yung tinutukoy mo..tama ka naman..ganyan sila kapag naiiba ang klima, kung saan saan dumadako.
i like the capture you have here..ang ganda ng kulay. Ganyan din ako kapag nakakita ng kakaiba kahit naglalakad lang, naka ready agad ang celfone. Minsan kita kung ano-anong imahinasayon pumapasok sa utak ko out of the pic.:)
cliffnotess last blog post..eye condition..
October 24th, 2008 at 1:26 pm
Wait, kakwentuhan ko lang yung isa ko pang pinsan na nagka-gallstones (lahi talaga namin ano?), sabi nya may gamot daw to ‘melt’ small stones para hindi na kailangan ng surgery. Iyon daw ang ginawa sa kanya.
Okay naman pala ang phone cam mo ah. No need siguro to upgrade to an N95.
monacos last blog post..Will Ferrell as Bush/Tina Fey as Palin on SNL: video/transcript
October 24th, 2008 at 10:19 pm
Kapatid na Zherwin, ewan ko lang kung me bayad ang gamot dito pero parang meron kasi nung minsan nagpagamot ako sa maga ng daliri ko e bumili ako gamot…ang walang bayad yung doktor saka operasyon
kaya nga lang maghihintay ka ng isang daang taon bago maoperahan kasi nga libre e lol daming nakapila 
yep sambong daw nga ang gamot sa gall stone marami dyan nun
October 24th, 2008 at 10:41 pm
goose yung mga ibon cliffnote

sensya na po, talaga lang nagpahinga ako sa paggawa ng post…nasiraan na naman ako ng bait e, me mga panahon talagang ganun ako
hay naku sa totoo lang para akong sira laging nakaumang ang camera kahit na walang kakwenta kwentang bagay
October 24th, 2008 at 10:51 pm
kaya nga kuha ako ng second opinion e..naghahanap pa ko ng family doctor ko e
naku ingat ka nasa lahi nyo pala yan..tsk tsk tsk!
October 26th, 2008 at 11:17 pm
Magpunta ka sa walkin clinic kung wala kang family doctor. Sometimes, they accept new patients there too tapos humingi ka ng recommendation for a family doctor.
Goodluck and I hope you can make your decision soon.
Leahs last blog post..Fall
October 26th, 2008 at 11:31 pm
Walang walkin clinic dito sa Alliston ms leah eh, pero me tinawagan na ko sa Barrie na doktor, pupunta ako dun para mag sign ng application..hopefully matanggap ako.
Thanks po.
October 27th, 2008 at 9:19 am
hehe sa Pinas lang uso ang herbal medicine! am bek again manilenya! hehe hope you are doing ok now…
piapots last blog post..Piapot Spotted! Demon on the Go!
October 27th, 2008 at 10:59 pm
Hi friend,
I am still here, and always be here. Wala akong magawa e, di na makaalis…naks!
I hope you’re doing ok. If you need some ka-chat, nandito lang ako 24 hrs a day, walang tulugan! Dito na ako natutulog sa harap ng pc ko e. Ganito pala ang professional blogger, laging busy…sobrang busy. Pero para sa iyo, pwede akong gambalain anytime….
By the way, I am inviting you to check my latest post. This is about the first blogging event that I attended. Sayang nga, wala ka, di tuloy ako masaya…lol!
My photos ako dun para makita mo ang latest pics ng lolo mo. Tiyak gagaling ka agad…
Kidding aside, I can feel that you’re a strong woman and I know kaya mo yan. Look at it this way. GOD loves you kasi binibigyan ka nya na challenges. HE is doing that because HE loves you. Kasi kung di ka nya mahal, di ka na nya bibigyan ng mga pagsubok…ganun lang yun…
Ingatz!
Angel Cualas last blog post..My First Blogging Event: An Unforgettable Experience
October 27th, 2008 at 11:04 pm
lol! tuwing babalik ka dito lagi kang embek embek
san ka ba nagsususuot
October 28th, 2008 at 10:16 am
Mel,
Hinahanap ko yung mga pics ng eroplanong dumadaan sa ibabaw
ng bahay ko. Nayayanig ang bintana namin paminsan-minsan.
Tinawagan ko yung airport: sabi ko “hoy ano ba naka babanas
naman yang ginagawa ninyo, ha!” Humingi ng tawad at nangako
na di na mauulit. Tapos nun, nagising ako. Hehe.
Di ko madisimula kung ano yang puting tuldok sa pic, pero pansin
ko na napaka ganda ng araw diyan ng kinunan mo ng pic and langit.
Bank of Montreal pa sabit.
Mel, naalala ko pangitain ng bukidan sa atin ng bangitin mo kalawakan
ng farm diyan sa King st. sa inyo. Saglit akong na home sick.
Wishing you well,
Mang Koolas
October 28th, 2008 at 5:37 pm
Siyanga pala, Mel. Nakapost na Mountain bike story ko. Pasyalan mo.
October 29th, 2008 at 2:44 am
ay sayang hindi mo nakunan ate. sana maging successful po ang operation niyo.
Laylas last blog post..A while ago with Dad
October 29th, 2008 at 4:59 am
Pssst melai ((besos))Tama ba intindi ko may gall stone kaw mamah? Ka discover lang din yun sa akin,pag na inom ako ng wine or nakain ng cheese medyo masakit sya pero slight lang kaya hindi muna ako nag decide for OP.Laser ang uso niyan dito,gaya nga sa sabi ni Mon,tutunawin lang.Kung magpa import ako ng sambung eh baka mapamahal ako hehehe anyways,cover naman sya sa insurance kaya ayos lang.
Naalala ko tuloy biro ng aking fren eh,sabi nya, feeling ko raw darna kaya tuloy nagkabato ako hehe
chehs last blog post..Better late than never…
October 29th, 2008 at 9:24 pm
Friend Angel sensya na,,ginagawa ko yung reply ko sayo noong isang gabi pero ewan ko kung ano nangyari hindi ko nasend lol! haba pa naman
naks 24 hours ba? di kita makitang online sa Skype e :)..waahhh inggget ako gusto ko ring maging pro blogger para me dagdag na kita friend kaya lang hindi ako pwede 24 oras …yung dose oras ko kasi e nasa trabaho na so maliban sa tulog yung natitirang oras ko na lang ang pwede kong i dedicate kaya lang di ako matuto tuto maging pro blogger e lol!
okey lang naman ako friend…natututo ng mamuhay mag isa, ang kailangan ko pang matutunan e mag budget lol!
Huwag kang mag alala friend…yung nasa taas yung pinagkukunan ko ng lakas..kahit na hindi ako madalas magsimba lol!
salamat po ng marami..sige bisitahin kita
dito lang din ako saka pramis okey na okey po ako
October 30th, 2008 at 2:58 pm
may buwan kung umaga…ibig sabihin nasa mas magandang mundo…
kaya naman pala eh…ang ganda din ng manilenyang ito…
abe mulong caracass last blog post..Pang Mahirap
October 30th, 2008 at 9:19 pm
mwahahaha! katawa naman yan …sana lagi na lang panaginip ano para yung mga imposible e magawa natin lol!
Buwan yung kinuhanan ko ng litrato MK …alas nuwebe y medya ng umaga nagulat ako may bwan.. tapos ang liwa liwanag sa kabila …feeling ko koreana ako na di matanggal ang pagkakanguso sa wonderment lol! me kwento pa nga ako dyan e ..teka maipost nga lol!
October 30th, 2008 at 9:26 pm
Nakuhanan ko Layla pero maliit lumabas ang bwan :)..maraming salamat
October 30th, 2008 at 9:50 pm
Cheh,
manayyyyyyyyyy Chehhhhhhhhhhh nabuhay kaw…tagal mo yata di nag updeyt ha..ano nangyari sayo?
Naks! talaga lang ha..apir pareho pala tayong si darna …hindi sinabi nung surgeon kung laser o ano yung gagawin nya sa kin lol! pero sabi nya hindi daw icucut ang tyan ko baka nga laser yun pero bubutasan lol! wala pa kong sked e,,,saka gusto ko pang kumuha ng second opinion madam.
October 30th, 2008 at 10:04 pm
naks naman hehehehe magaling mambola si Ka Mulong lol! salamat po
October 30th, 2008 at 10:08 pm
Hello po! Baligtad kasi oras natin e, pero kung gusto mo sa sun evening (my time) chat tayo..gaya ng dati. Next week pa kasi balik ng family ko due to holidays kaya this week, mostly madaling araw na ako natutulog.
Dami ko kc projects dito e…naks! Super hirap pala maging full-time blogger, walang fix na oras. Pero kung tutuusin, kulang pa ang 24 oras sa akin e. Dami ko pang dapat matutunan….
I’m glad you’re ok. Medyo madrama ka kasi lately e.
Angel Cualas last blog post..What to do when your Spouse meets the Ex again
October 31st, 2008 at 11:32 am
oo nga naman.. kung magrereseta lang sya ng gamot at di mag-opera, paano sya magiging surgeon non? ;p
tin-tins last blog post..It’s My Birthday?!
November 2nd, 2008 at 3:28 am
Wish you well Momski. Ingat palagi. Muah!
Ambos last blog post..Free Domain and Get a Free Hosting
November 2nd, 2008 at 3:27 pm
Ingat ka rin palagi Daddee
engks ng marami
November 2nd, 2008 at 3:36 pm
hehehehe!!! galing natin mag isip ano
November 20th, 2008 at 1:53 am
[...] ko nakita yung buwan sa umagang tapat ng alas nwebe, dahil sa hindi ako tinanggap sa klase ng instruktor na dapat sanay magtuturo sa aking magmaneho, [...]