Gusto ko naman ng bago

simplypurejoy - View my most interesting photos on Flickriver

Sabi ko gusto ko ng pagbabago, ibinalita ko na sa pamilya ko na dahil sa laking syudad ako, gusto kong bumalik sa syudad. Naranasan kong limang araw na walang trabaho at naging nakakabato yung limang araw na iyon. Hindi ko magawang lakarin ulit yung madalas kong lakaran sa tuwing lumalabas ako. Nakakasawa na rin yung pabalik-balik ko sa mga maliliit na shopping mall na pinupuntahan ko. Wala rin akong nakikitang bago.

Sabi ko nga sa kapatid ko minsan habang naglalakad ako, isip lang ako ng isip sa gitna ng makakapal na yelo. Pero minsan din wala na kong naiisip. Basta lakad ng lakad na para bang naglalakad sa ulap habang nakasukbit ang mga kamay sa loob ng bulsa ng jacket. O kaya nama’y hinihipan ang mga kamay sa sobrang lamig. Maya-maya napapansin ko nakatapak na pala ang snow boots ko sa yelo na malambot, biglang bagsak na ang boots ko sa tubig. Para bang eksena sa mga Korean novela na ginawa ng winter.

Sabay tawa siya. Alam na alam niya yun dahil fan siya ng mga Korean novela. Marami pang napagkwentuhan na hindi ko na matandaan, akala ko pa man din may photographic memory ako.

Tinanong niya kung may mga kaibigan na ba ako rito, sabi niya baka mawala ang pagkabagot ko kung mayroon nga. Sabi ko wala.

Sabi niya pa paano daw ako magkakaroon ng kaibigan e masyado daw akong unsociable. May split personality ako sabat ko sa kanya. Mahilig akong mag-isa pero kaya kong maki-indayog sa gulo ng iba.

Ang gusto ko lang naman e magkaroon ng konting sigla ang buhay ko dito. Pwede akong lumabas mag-isa, pumunta sa isang maingay na lugar tutal naman iyon ang nakasanayan ko..ang maingay na lugar, pagkatapos pupunta ako sa isang sulok at bubuksan ko ang pahina ng librong binabasa ko. O kaya naman maglakad-lakad (pa rin), pwedeng bitbit bitbit ang pipitsugin kong camera at kukuhanan ng litrato ang mga paa ng mga kasabay kong naglalakad sa kalsada. Nakita ko ang Yonge St. sa Toronto, ang sarap magkukuha ng larawan doon.

Gusto kong iexplore ang syudad, pero minsan nagtatanong ako kung gusto ko nga ba talaga o naimpluwensyahan lang ako ng binabasa kong libro?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 6402 times by 618 viewers

Share |
Comments
  • itot54joni March 5, 2008 at 4:07 am

    isip k lng ng isip?hmmm… non gang ilabas ka e sbi ni dok e 100% magaling k na.ahehehehe!joke laang po!mukha k nmn normal e.ahehehe.pareho tyo ng personality.kaya ko din gumimik khit ako lng mg isa.lakad din ako ng lakad n walang kapaguran.dti nga nalakad ko mula t.m. kalaw gang gil puyat e.mas gusto ko din mag isa at magsound trip s maiingay n banda.pagkatpos e tutulog na.pero alam mo may magandang career yan palakad lakad mo, kita mo yun mga modelo sa videoke!ahehehehe

    itot54joni’s last blog post..Scam Email

    ReplyReply
  • rHo March 5, 2008 at 9:58 pm

    te melaaaaaaaaaaiiii…. aymisssssshuuuu!!! kamusta ka na?! nu ba, wag ka na masyadong mag-isip at baka maloka ka dyan! understandable naman yung situation mo kasi nasa adjusting period ka pa rin pero once na nasubukan mong mahanap yung bagay na sa tingin mo ay mag-eenjoy ka… magiging okay na rin ang lahat! i wish you the best ate…

    ingatz ka lagi en God bless! missshuuu… mwuaaaahugggzz!

    rHo’s last blog post..A Time for Joy

    ReplyReply
  • manilenya March 5, 2008 at 10:00 pm

    eto..ngarag sa kabatuhan at kaiisip lol!! ahmisyu too mukhang bisi ka ha tagal na nung last update mo :) naku sa tingin ko habang panahong malungkot dito sis..sa napapansin ko lang sa buhay ng mga pinoy na nakikita ko dito asus ayaw kong gayahin…puro tong it lang e lol!

    ReplyReply
  • manilenya March 5, 2008 at 10:14 pm

    hehe uu wala yatang oras na di ako nag iisip e at feeling ko nga matutuluyan na ko mabaliw lol! waaaaaaahhhh mukhang maikli pa yang nilakad mo sa nilakad ko.. mula pedro gil hanggang sa amin nilakad ko nakagawa nga ako ng kwento dahil dyan e muntik na kong maging taong grasa hehehe bigay ko sayo link..sandali hanapin ko lol!!

    eto

    http://manilenya.com/2006/08/06/isang-araw-sa-kalye/

    basahin mo dali lol!

    ReplyReply
  • lady cess March 5, 2008 at 10:15 pm

    personally, i think that’s normal. kahit ako, i want to do something not in the routine, para maiba-iba. go ahead and try something new. :)

    lady cess’s last blog post..Trying Another Road to Prosperity

    ReplyReply
  • manilenya March 5, 2008 at 10:18 pm

    Paalam muna ako sa amo ko. sabihin kong gusto kong lumipat lol!

    ReplyReply
  • Leah March 6, 2008 at 12:46 am

    exploring is a good thing. sige lang, go ahead and discover places. And capture them all with your great cam.

    Hopefully, magkita na tayo, maybe this coming spring or summer.
    Sige, lets be sosyal, i mean social!

    Leah’s last blog post..Road Rage, Rant, Nagalit si Leah

    ReplyReply
  • zherwin March 6, 2008 at 2:38 am

    okey lang yan, ibig sabihin tao ka pa rin: nababagot, naghahanap, nag-eemote.

    explore lang hanggang mapagod, kailangan mo lang ng hangin, pasyal ka minsan sa manila ocean’s park. weeehehe.

    zherwin’s last blog post..kwentong madugo

    ReplyReply
  • bloggista March 6, 2008 at 5:08 am

    Hi, napadaan lang. Buti nalang, kahit malamig jan, napaka-init ng blog mo, dami comments. hehe. Pwede kaya magpa Fedex dito ng yelo mula jan? Pangsangkap sa halo-halo? :-)

    bloggista’s last blog post..Introducing the Entrecard Blogs Directory

    ReplyReply
  • bloggista March 6, 2008 at 5:09 am

    Ay, pabili ng ad slot mo ha. :-)

    bloggista’s last blog post..Introducing the Entrecard Blogs Directory

    ReplyReply
  • aajao March 6, 2008 at 6:33 am

    Hi. Salamat sa pagdaan at pagbati sa blog ko. Hmm… nasa Toronto ka? Di bale, simula na ng tagsibol, di ba? maliban sa panaka-nakang pag-ulan, mamamalas mo na ang kagandahan ng namumukadkad ng mga bulaklak at mga puno na unti-unting umuusbong muli ang mga dahon. :)

    aajao’s last blog post..United Support of Artists for Africa

    ReplyReply
  • Scarlett March 6, 2008 at 6:51 am

    Nakakabagot nga yan sis. Samahan mo pa ng pagiging homesick.
    Tapos tag-lamig pa. Pero natawa ako sa pagkaka-baon ng snow boots mo sa manipis ng yelo, hahaha. Korea novela nga ang dating. Fan din kasi ako ng Korea novela eh. hehehe

    hang in there Sis. Masasanay ka din…..
    :-)

    Scarlett’s last blog post..Zzzzzzz

    ReplyReply
  • itot54joni March 6, 2008 at 7:31 am

    wala yan sa lolo ko.sabay ganon e.ahehehe,ge babasahin ko.

    itot54joni’s last blog post..Why Not In Batangas

    ReplyReply
  • itot54joni March 6, 2008 at 7:32 am

    baka gusto niyo magbakasyon.pakibasa na laang ng last post ko.plug laang.ahehehe

    itot54joni’s last blog post..Why Not In Batangas

    ReplyReply
  • CommentLuv Enabled

    Threaded commenting powered by Spectacu.la code.