Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen goodnight...goodbye!

        (Updated 8 hours, 38 minutes ago)

      Please visit this site
    Recent Comments
    Sponsors
Change is Inevitable, Change is Constant
By User Imagemanilenya | 54 CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, February 27, 2008

Sa syudad ako pinanganak. Kung itatanong mo kung saang syudad, taas noo kong sasabihing “doon sa malapit sa malabundok na basura.” Doon kung saan nakilala yung mga sputnik at sigue-sigue gang na nagpapalitan ng taga, sumpak at pana.

Lupa ang kinamulatan kong tinutuntungan ng paa ko. May mangilan-ngilang puno akong kinakapitan, habang sa isip ko ay kumakanta ako. Palagay ko ay mga kantang kundiman na napapanood ko sa mga lumang pelikula sa tanghali. Mga pelikulang magkasabay naming pinapanood ng aking lola. At sa harap ko naman ay ang mga bangka na nakahimpil sa gilid ng mga lambak ng basura.

Iyong lambak ng basura, ilog sana iyon pero hindi na makita.

Ibayo ang tawag namin sa mga nakahilerang bahay sa tapat pagkalagpas ng ilog. Malinaw pa ang itsura ng mga reta-retasong plywood na ginawang bahay. May mga mala kurtinang mga sako na siyang ginawang pantabing sa pintuan.

Habang lumalaki ako, kasabay ng pagtigas ng mga lambak ng basura sa ilog hindi pa rin mapagkit sa isip ko ang itsura ng mga kabahayan sa ibayo. Sa pagdagdag ng mga panahon, iniisip ko kung ano ba ang nabago. Nabawasan ba ang ang mga retaso ng plywood? Bakit parang nag-iba ang bintana. Uy mukhang babagsak na ang kabilang bahay.

Naalala ko tuloy noong una kong napanood yung pelikulang Insiyang ni Hilda Koronel. Tuwang-tuwa ako dahil sa halos lahat ng lakaran nyang iskinita ay alam ko. Ultimong yung binibilihan ko ng mga kendi ay naging tambayan ng mga karakter ng pelikula.

At iyon rin ang naging batayan ko para ikumpara ang itsura ng kinalakihan kong lugar noon at ngayon (yung ngayon ay nung mga panahong napapansin ko na yung malaking pagbabago)

Noon ko naisip na inevitable ang pagbabago. Na kahit na ano pang gusto kong pananatili na sa iba’y nakasusulasok ng lupang pinanggalingan ko ay hindi pwedeng mangyari yun.

At ngayon sa sarili ko, nararamdaman ko na mayroong isang depenidong pagbabagong naglalaro sa isip ko. Hindi ko lang alam kung kakayanin kong gawin. Pero desidido ako dahil gusto ko ng pagbabago.

Rate this:
2.5

Viewed 1449 times by 303 viewers

RSS feed | Trackback URI

54 Comments »

Comment by no imageitot54joni (Who am I?)
2008-02-27 09:48:13

nanganagmusta laang sa iyo.kakatakot ka naman baka masumpak mo ako.ahehehe!ingatz!

itot54joni’s last blog post..E. D. S. A.

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-27 21:24:31

hehehe di na uso sumpak ngayon dun :) e kaw nga balisong diba? lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageitot54joni (Who am I?)
2008-02-27 23:27:31

di balisong yun gamit ko e.yung…. ahem…nabasa ko yun comment mo.senxa n po pero d ako ngpopost ng tag.para makabawi e ilalagay kita s featured blog s pinoy ec.1 week po yun.sorry po. :-(
itot54joni’s last blog post..The wonders of Pearl Powder

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-28 00:17:32

wow! di mareach ang lolo ko di gumagawa ng tag lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageitot54joni (Who am I?)
2008-02-29 13:34:34

low prof laang po ako.noob pa nga po e.ahehehehehe!mahirap nmn umuoo tpos babaliwalain kaya po sinabi ko na po agad sa inyo.paseniya na po uli,1 tetra times! :-(
itot54joni’s last blog post..I Will Never Complain Again

Rate this:
2.9
 
 
Comment by no imageitot54joni (Who am I?)
2008-02-28 13:58:34

pasensiya na po talaga… :-(
itot54joni’s last blog post..I Will Never Complain Again

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-28 22:29:51

okey lang :) heheheh ngayon ko nalaman na isa ka palang high profile na blagger lol!! hindi okey lang :) sanay ako dyan sa mga pinagpapasahan na hindi ginagawa kaya mas madalas di rin talaga ako gumagawa ng meme..pero kailangan ko kasi sa kabila yun e lol!

Rate this:
2.5
 
 
 
2008-02-27 09:56:06

hi sis! i hope u still remember me. :p

i followed your advice, i have a blog outside multiply. :p

if u have time, check it out nalng. :p

musta? i hope you’re ok naman. :p

Rate this:
2.8
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-27 21:31:06

yeah, naalala kita syempre :) sige dalaw ako sayo :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageitot54joni (Who am I?)
2008-02-27 13:13:01

anla bkit edsa p din areng latest post ko.ngek

itot54joni’s last blog post..E. D. S. A.

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-27 21:46:45

bah malay ko dyan lol!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagecoldman (Who am I?) Subscribed to comments via email
2008-02-27 16:21:36

astig parang pang- MMK.

sabi nga nila we should change for the better! =)

coldman’s last blog post..Garden of the Gods

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-27 21:47:48

hehehehe nahalata mo? lol!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagetikey (Who am I?) Subscribed to comments via email
2008-02-27 17:37:20

Hanga ako sa iyong determinasyon tungo sa pagbabago. Parang kelangan ko rin nyan, buti nalang anjan ka para maging inspirasyon ng iba.

tikey’s last blog post..First Time

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-27 22:03:18

naks! e di dapat pala talagang maging firm ako sa decision ko para masabing tunay ngang inspirasyon ano lol!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagemhel (Who am I?) Subscribed to comments via email
2008-02-28 02:43:34

mahal kong manilenya…

naku kapatid, gus2 ko sanang mag-react ng seryoso at bongganga-bongga pero nung nakita ko ang gloria resign sa blog mo, ito lang ang gusto kong sabihin:

GLORIA RESIGN!!!

love, marikenya

mhel’s last blog post..Social Climbing on the Last Day Marikenya?s Votes on the Social Climbing Logo Contest by Reyna Elena

Rate this:
2.5
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2008-02-28 22:02:05

lol! nakyuryus daw ako kung ano daw yung “bonggang-bongga” at “seryoso sana” na comment :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagebluedreamer (Who am I?)
2008-02-28 07:08:40

hello gheeh i love your post manilenya sometimes it is wonderful to bring back those previous times in your life
and yah i agree change is constant
have a great day

Rate this:
1.6
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-28 22:08:23

have a great day too blue :) maraming salamat!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageRino (Who am I?)
2008-02-28 11:53:19

Uy mukhang reflective ang mood mo ngayon a. Doon sa nakaraang post palaban naman. Alam mo, parang may bumabarang kung ano sa lalamunan ko habang binabasa ko ito. Parang pelikula nga ni Insiang ang pinagdaanan mo pala ano? Lahat naman tayo ay dumadaan sa pagbabago at mahalaga nga na panindigan natin kung ano man ang kahihinatnan nito. Mabuhay ka Melai!

Rino’s last blog post..Bulag, Pipi at Bingi

Rate this:
1.6
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-28 22:14:45

hehehe ano naman ang bumara dyan? lol! uy di naman..malayo ang istorya ni Insyang sa kin…di mo yata napanood yung movie e lol! ako gustong gusto kong panoorin yung mga pelikulang pinoy na dito sa tundo sinusyut :) natutuwa ako kapag nakikita ko yung dating lugar kasi namin e :)

Rate this:
2.5
Comment by no imagerino (Who am I?)
2008-02-29 18:40:09

Napanood ko no! Pati nga yung original na TV episode nun e napanood ko din. Mahahalata na rito kung gaano na ako katanda ano.
E di napanood mo rin yung Sa iyo ang Cavite, Akin ang Tundo? lol…

rino’s last blog post..Bulag, Pipi at Bingi

Rate this:
1.6
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2008-02-29 21:25:20

ah yan hindi ko napanood lol! aksyon kasi e :)

Rate this:
2.5
 
 
 
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2008-02-28 17:06:55

mula sa tondo, nasa canada ka na ngayon ate..
madami ngang nagbago sayo, at alam kong pinapatibay ka ng mga karanasang iyong napagdadaanan.. ^_^

naks, ano daw? hehehe

ay mis u ateng.. mwah!

karmi’s last blog post..dahil di ko natiis hindi magblog

Rate this:
1.6
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2008-02-28 22:24:26

di ko rin naintindihan kaya wag mo daw akong tanungin na ano daw ateng lol!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2008-02-28 23:31:19

arrrgggg…Melai my friend nakakalimutan ko palagi yung anti-spam mo na question sa ilalim…puwede mag request? hehe baka lang naman puwede…baka puwede ilagay sha sa taas before the comment box hehe :) after ko kasi mag comment, click kaagad ako ng ADD COMMENT hehe tumatanda na hehe

Anyway ulit-ulit…yung comment ko na nawala hehe

Sabi ko I like your entry. It’s positive at nakakatouch. Hindi lahat ng tao sang-ayun sa pagbabago. Syempre change, more often than not, requires you to go out from your comfort zone and not every one can do that. Malaking risk. Kaya yung ibang tao, they prefer to stay in a position that works for them kasi okay na sila doon. Yung iba naman dahil sa may gusto pang marating, they try and they seek change.

Ako sang-ayun ako sa pagbabago basta ba for the better. Kasi pag ganun PAGBABAGO = PAG-UNLAD.

Uy goodluck ha whatever it is that you’re planning to do :)
verns’s last blog post..?it?s chokee??

Rate this:
2.5
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2008-02-29 21:31:56

hehehe sa susunod sis.. hot lang..as in hot ang sagot hehehe kaya madali akong maspam sis :)

at binasa ko daw ulit yung post ko hehehehe!
wala naman sis plano ko lang bumalik ng syudad hehehehe nasa bundok kasi ako lol!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagebluep (Who am I?)
2008-02-29 00:27:55

maganda yang change na yan. it helps us to improve to become better persons. Maganda ang attitude mo sa change ate melai.

bluep’s last blog post..Confessions of a Flying Voter

Rate this:
2.9
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2008-02-29 21:42:22

at sana lang e maging maganda yung outcome nung pagbabago..nasa utak ko pa lang yun sana one of these days magawa ko :(

maraming salamat kapatid na panjeeeeeeeeeeetttttt!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2008-02-29 02:47:56

nyng bata pa ako,ang hilig kong manood ng mga old films kasi natutuwa ako sa mga kundiman songs :)
ghee’s last blog post..A Cover Girl(uhm,not a girl,im a woman) :)

Rate this:
2.9
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2008-02-29 22:05:36

alas tres ng hapon diba? lol! channel 9? hehehehe!

Rate this:
2.5
 
 
Comment by