Ang ganda ng feeling….

February 17th, 2008

Kanina sabi ko gustong kong bumili ng Dance Revo. Gustong gusto ko talaga yun kahit na hindi ako marunong. Sabi ko matututo rin naman ako. Parang larong step-no step-yes lang naman yun diba? Feeling ko kasi kung magkakaroon ako nun at kung gagamitin ko yun, tiyak mawawala ang mga kabilbilan ko.

Ewan ko ba kung bakit feeling maganda ako ngayong araw na ito gayung napapansin ko na bumabalik na naman yung mga flakes sa ulo ko. Sabi ng kapatid ko noong bago-bago ako sa Singapore noon, ganun daw yun kapag napunta ka sa ibang lugar. Nagkakaroon ng reaction ang balat o anit sa bagong environment. Pero matay ko mang isipin mahigit walong buwan na ako dito. Hmmnn baka sabihin nyo sa akin e “paligo lang ang katapat nito.” Naliligo naman ako pramis.

Sabi ko nga feeling ko maganda ako ngayon. Pinalitan ko na yung face powder na ginagamit ko na hindi ko makita. May dalawang linggo na rin iyon kaya may dalawang linggo na rin akong ni hindi man lang nakakapagpulbos ng mukha.

Tinanggal ko na rin iyong mga malagubat na buhok sa taas ng mga mata ko. Pero huwag kayong mag-alala makapal pa rin naman siya. Kung hindi ko siya tatanggalin, sa sobrang kapal nya e masasabi nyong “mukha akong gorilya” o please kahit man lang “unggoy” na lang.

Pero alam nyo bang me nagsabi talaga sa aking “para ka palang unggoy”. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa labas ng bahay noong mga high school ako. Yung isang kapitbahay naming lalaki, bata sa akin ng may isa o dalawang taon e nakatingin pala sa mukha ko. Nasa tabi ko lang siya, akala ko doon sa ginagawa ko siya nakatingin.

Nakita niya yung mga maliliit na balahibo sa palibot ng pisngi ko. At siguro nakikita nya rin yung mga maliliit na balahibo mula sa kabilang kilay ko hanggang sa kabilang kilay ko. At siguro din nakikita nya yung mala bigoteng balahibo sa taas ng nguso ko.

“Mukha ka palang unggoy” sabi niya, “dami mong balahibo dito o (sabay paikot nya ng intuturo nya sa mukha nya), saka dito o, saka dito o.”

Feeling ko talaga maganda ako ngayon.  Nakapagpulbos na ako pagkatapos ng dalawang linggo.  Medyo maayos-ayos na rin ang kilay ko ngayon.  (Pinagtawanan ako noong minsan ng alaga ko dahil sa sobrang kapal nya.)  At higit sa lahat nagiisip-isip ako kung paano tatanggalin ang mga kabilbilan ko habang nag-eenjoy, pwedeng sa pamamagitan ng pag-indak ng mga balakang kasabay ng pagpadyak-padyak ng mga paa.  O sana, sa pamamagitan ng pinakaaasam-asam kong yoga class.

Feeling ko talaga maganda ako ngayon.  Feeling ko talaga magandang unggoy ako ngayon.

Viewed 1388 times by 126 viewers

No Responses to “Ang ganda ng feeling….”

  1. Neil Says:

    Ewan ko pero parang mas lumala dandruff ko because of the cold weather here. Mauubos na yung Nizoral ko sa banyo. Or maybe because of that baseball cap. Labhan ko kaya?

    Neil’s last blog post..I repeat

  2. nina Says:

    Kailangan talaga beauty parati! :)
    nina’s last blog post..How’s Your Valentine Celebration?

  3. reyna elena Says:

    EEEKKK!!! NAKITA KO NA SA AD! hahaha! ANG MAHAL nang binayad ko nyan ano?! feed na naman ang ego ko Melai! ANG GANDA NANG FEELING EVER hehehe kaya pag nalulungkot ako, tinititigan ko lang logo ko, paradise na ang lola mo! hahaha!!!

    OK mabalik tayo sa talak mo:

    Kelangan beauty ka ever, araw araw ateng. Yong bespren kong steward (he gave me a 1st class London ticket kaya nilagay ko sya sa speed dial hehe) - kelangan daw, drezz to the max wag lang under. Lalagay ka parati nang pulbura sa muka mo. Wag kakapalan, baka sumabog. Always ever smile. Wag yong ngiting aso, baka tuklawin ka nang pusa.

    Deadmatology yung unggoy comment. Keri. Baka mamaya pag sarado na ang kwarto nila, sumasabit na sila sa dingding. hehehe

    reyna elena’s last blog post..A father?s fury and Nigel was just a 2nd grader

  4. Ambo Says:

    ang haba na ng comments ko di ko pala nasagutan yung anti spam question bochet hahaha. sabi ko kung pwede lang ipadala yung dvd ng hiphop abs kaso pirated hahaha. 1000x situps lang katapat nyan momski. yakang yaka yan. btw, boto mo ako sa logo contest ng mahal na reyna ha. hahaha nangontrata daw. me pacontest ako sa blog ko regarding this bilis!!!!

    Ambo’s last blog post..Singlehood

  5. manilenya Says:

    hahaha! so yun pala kung bakit malala din ang dandruff ko kasi winter season lol!! hehehe lol dapat na nga labhan yan ano kaba, ilang taon na bang hindi nalalabahan yan? :)

  6. manilenya Says:

    Oo nga, kung hindi e papangit tayo lol!

  7. Blogoloco Says:

    Siguraduhin nyo lang po na pantay ang pag ahit/tanggal nyo ng kilay. Nakakita na ako dito sa UK, yung kilay nya mag kaiba each side.

    Di naman po sa nananakot pero sabi ng iba pag matanda ka na daw tutubo ulit iyong inahit niyo mas mahaba pa. Kaya dapat may kakontrata na kayo na taga ahit niyo niyan pag 80 ka na.

    Blogoloco’s last blog post..Winner of American Idol 2008?

  8. manilenya Says:

    as in mahal talaga hehehe kaya kailangan yang logo na yan e nakabandera sa kahit saang panig ng www no. Hehehe ewan ko kahapon lang ako feeling maganda lol! pero naglagay ako ng konting pulbos ateng..hind sobra yung tama lang tapos…naglagay ako ng konting eyeliner, konti lang kasi maitim naman palibot ng mata ko e dahil sa puyat ba hehehehehe! gusto ko pa ngang maglagay ng konting foundation e pero sabi ko pag naglagay ako ng foundation ngayon kailangan mamayang gabi bago ako matulog e maghihilamos ako e pano kung tinatamad akong maghilamos? hehehehe tamad kasi ako lol! kaya nga pasalamat ako kasi di ako tinubuan ng buhok sa kili-kili e kasi sa katamaran ko baka di ko mabunot hehehehehe!

  9. manilenya Says:

    hehehe wawa daddee ambo, wag ka alala ako man nangyayari sa kin yan kahit dito sa mismong blog ko :)uyy daddee ambo padala mo sa kin via Pando daliiii e yun nga e wala ako time mag sit up waaahh ang laki laki ng tummy ko pero di ako jontis ha lol!

  10. brVince Says:

    ate! ako feeling ko, gwapo ako forever! hahaah! joke
    ate, tnx ha, so maganda feeling ko sa iniwan mo na message sa tagboard ko. Bubuhayin ko sya, kahit na di pa tayo umabot sa Easter Sunday, hahahha!

    brVince’s last blog post..2008 National Schools Press Conference (NSPC) in Koronadal City

  11. Kotsengkuba Says:

    hahaha, apihin ba ang sarili? may dance revo parin jan? pano yun sa PS2 na ilalagay? ako dati pinupulbusan ko pa yung dance pad ko tsaka nakamedyas ako para madulas. hahaha

    Kotsengkuba’s last blog post..A Letter to Janice

  12. major Says:

    Pards, pwede ka palang model ng shampoo at balut :-)
    major’s last blog post..Be Warned of Looking for SEO Ads [del.icio.us]

  13. tapsiboy Says:

    buti ka nga unggoy lang eh.

    Ako kaya? Sa kapal ng kilay ko na minsan ay nagiging isa na lang sila. tinawag akong demonyo.

    O di ba mas malala?

    hehe

  14. ghee Says:

    minsan daw,nakukuha yung flakes dahil sa warm water na ginagamit natin sa pagligo…siguro,naluluto yung anit??LOL!

    happy monday,Nalen!

    ghee’s last blog post..Weekend Snapshot#6

  15. Ambo Says:

    Momski ano bang nangyayari at kanina pa ako pabalik balik dito para mangampanya eh! kaso sarado bahay mo naman. Grrrr….wabyu!

    Ambo’s last blog post..My First $100 in Google Adsense

  16. itot54joni Says:

    lagay k ng cooking oil este coconut oil tpos imasahe mo s scapl mo bgo maligo.try mo din gumamit ng baby shampoo.un kc mga imported shampoo e d kya ng asian scalp kya sky flakes ang nalabas.try mo head n shoulder at minimize ang conditioner.ayan naging si ricky reyes n ako dine.ganyan kc ako dti e.daig p winter lagi my snow flakes este dandruf.anyway, buti nakita mo n susi ng blog mo.kanina p ako nilalamok s labas eh.kala ko nga madedengue n ako.ahehehe!

    itot54joni’s last blog post..New Youtube Sensation!

  17. itot54joni Says:

    ako nga din ambo nalilimutan ko un kaya rewrite uli.d nmn pede mgryt clik dine gawa ni whoz.kpg binoto ka ni manilenya pakibulong n lng n akos #2!ahehehehe

    itot54joni’s last blog post..New Youtube Sensation!

  18. monaco Says:

    dapat lang laging ganyan ang feeling para laging makulay ang buhay! (parang drama series ni ate guy). buti ka nga ganyan, yung ibang tao lagi naman tinging sa sarili nila ay pangit.

    nabanggit mo dance revo, meron kami niyan pero walang gumagamit. dalawa pa yata. kasi puro kaliwa paa namin dito eh. mahirap. ilang beses nga ako bumagsak sa sahig eh. LOL

    monaco’s last blog post..two out of six

  19. monaco Says:

    muntik ko na makalimutan. me tag ako for you. sana magawa mo. salamat.

    monaco’s last blog post..two out of six

  20. melai Says:

    hehehe di ba hindi na dapat pang ibulong kasi nga kitang kita sa post lol!

  21. melai Says:

    lol hehehe walang anuman :)

  22. melai Says:

    ewan ko hehehe huli na ko sa balita pero gusto ko pa ring bumili kasi di na ko nakakasayaw e lol!!as in feeling dancer kasi ako :) saka wala akong exercise e :(

  23. melai Says:

    hehehe sinabi mo pards :)

  24. melai Says:

    hehehe malala nga :)

  25. melai Says:

    oo nga nakalimutan ko. isa yun sa rason e hindi naman pwedeng walang hot water kapag naliligo di ba ang lamig lamig :(

  26. melai Says:

    emergency maintenance daw po daddee ambo :(

  27. manilenya Says:

    mwahahaha pwede ka na pumalit kay Ricky Reyes lol!

  28. manilenya Says:

    hehehehe palagay ko kasama ako sa mga taong sinasabi mo e, nagkataon lang na maganda tingin ko sa sarili ko nung isang araw lol!!

    hehehe try mo lang ulit hindi totoo yung dalawa ang kaliwang paa no lol! salamat sa tag ha :)

  29. itot54joni Says:

    ahehehehe.nalimutan ko naipost ko pala are.ahehehehe!kapal muks ko ano!ahehehe

    itot54joni’s last blog post..New Youtube Sensation!

  30. itot54joni Says:

    ayan nakinig este nabasa pala!ahehehehe

  31. toni/nonblogger Says:

    ate melai try mo ung selsun blue 2-in-1 shampoo.
    gamitin mo kahit once a week hanggang mron nong mga flakes.

  32. melai Says:

    thanks toni gawin ko yan :)

  33. Ambo Says:

    naiinis ako sa hot and cold na yan lagi kong nalilimutan at nawawala lage comment na ginagawa ko grrrrrr. teka nga, to the left, to the right…12345…54321 nagsasayaw ako bwahahahaha. ganda ng music usok usok daw. hahahaha. good morning momski. wabyu! muah!

    Ambo’s last blog post..My First $100 in Google Adsense

  34. Ambo Says:

    Momski si ermat ganyan ang problema. Hayun nasa gitna na ng laot kasi naging kuto na yung balakubak nya bwahahahaha jowk! Pero alam mo ang ginagawa nya, naglalagay siya ng coconut oil mga one hour bago sia maligo. tapos gamitin mo nizoral. Hepektib yun!

    Ambo’s last blog post..My First $100 in Google Adsense

  35. manilenya Says:

    yeah nizoral nga yung ginamit ko dati..ewan ko ba bumalik e :( waaahh sagwa no haba pa naman ng hair ko :(

  36. chuvaness Says:

    tukayo pinahihirapan ako ng anti spam mo! ang haba ng comment ko nawalaaaaaaaa….waaaaaaaaaaaahhhh

  37. chuvaness Says:

    anak ng!! for the 2nd time nalennnnn!!! ayoko naaaa

  38. manilenya Says:

    waaaahh tukayooo hot lang ang sagot sa bandang babaaaaaaaaaaaaaa …papalitan ko na nga e kasi daming spammerrrrrrrr dahil dyan :(

  39. zherwin Says:

    dandruff ba kamo? naku, kalbo ako ngayon eh hehehe.

    ang kagandahan nasa attitude lang yan, lagyan ng konting character ang lakad, isemi-pout ang lips ayan away na ang kasunod nyan! hehehe

    matindi nga ang anti-spam mo “is fire hot or cold?”

    zherwin’s last blog post..Go Japanese!

  40. malaya Says:

    Sino ba yung lalaking yun? Bibigyan ko siya ng salamin, hanep manghusga ah.
    Dapat napanood nya commercial dito yung dating bully sa klase ngayon yung ana n’ya ang binu-bully.
    Tinawagan n’ya former classmeyt nya para mag-sorry kasi nakakarma na siya. Epektib yung cmomercial na yun.
    Maganda tayo, Te, walang kokontra r’un!

    malaya’s last blog post..Weekend Snapshot #5: Far away

  41. kingdaddyrich Says:

    tuloy tuloy na ba ang pagtransform sa tagalog?

  42. BURAOT Says:

    ehem… baka naman inlab ka lang talaga sister…. hehehehe.

  43. shane Says:

    kaya pala. nung kakalipat ko lang dito sa mla, gnun din nangyari sa akin. :)
    shane’s last blog post..Just Another Day Of Loneliness

  44. bloggista Says:

    Wow, galeng… Dami nagagawa pag nag-iisa. Ahehe, jowk lang po.

    bloggista’s last blog post..Bloggin? on Valentines - take the Poll & get entrecard credits

  45. bloggista Says:

    Hala, sorry ate, comment ako uli. Panis na ata yang post ko na yan na nahagip ng commentluv. Hehehe.

    bloggista’s last blog post..Introducing the Entrecard Blogs Directory

  46. manilenya Says:

    wag ka alala sis pinatay ko na sya lol!!

  47. manilenya Says:

    e kasi diba sabi mo mas gusto mo ito? :)

  48. manilenya Says:

    nyahahaha uu, nainlab ako sa mga kanta mo sa site mo e lol! saka doon sa latest post na nabasa ko :)

  49. karmi Says:

    sigurado ka bang pinatay mo na sya ate? kukutusan ko yang lalakeng yan kapag nakita ko yan eh!!!

    anyways, bili ka na ng Dance Revo ate.. :D enjoy yan, saka pang-exercise din.. ^_^

    maganda ka talaga ate.. ako cute lang.. hehehe.. :D *hugs*

    karmi’s last blog post..kamustahan blues

  50. manilenya Says:

    di ko na sya nakikita e hehehe kaya di na pwedeng kutusan lol!

    uu bibili nga ako :) hehehe salamat pareho tayong cute kamo :)

  51. Alexis Says:

    may flakes o wala isa ka pa din sa pinakamaganda blagistang nakilala ko. *winkz* isang MAG pose nga ulit jan!

    Alexis’s last blog post..caught in between being happy and sad

  52. manilenya Says:

    naku lex hehehehe kala mo lang yan :)

  53. keysi Says:

    meron akong dance revo, kumpleto pa! hindi ko naman nagagamit kaya ipapahiram ko muna sayo. (para maiba naman)

    keysi’s last blog post..Welcome Luna!

  54. manilenya Says:

    mwahaha sige padala mo sa kin :)

  55. rj Says:

    ako din my skyflakes..ang hirap i maintain..nakukuha pala sa mainit na tubig yon? e ang lamig kaya sa baguio?!!! hamph!!!
    phytopanama na nga gamit ko kasi tumitigas na yung buhok ko sa head and shoulders at nizoral.sniff sniff..magmumuka na akong fido dido sa tigas ng buhok ko pag yun ginagamit ko..

    ate sowee nabigo ako sa aking misyon na gawin kang most sociable blogger..sniff sniff

  56. manilenya Says:

    hahaha okey lang yun rj :) wala sa akin ang title at contest :)
    may ginagamit ako ewan ko kung meron dyan yung herbal glo shampoo and conditioner, magalings ya :)

  57. rj Says:

    wala atang ganon dito!! huhuhu…araw-araw naman ako naliligo, hindi naman ako nagcoconditioner…huhuhuhuhu

  58. landheadjhon Says:

    go pets black see microsoft land me vacant we ibm

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Ang ganda ng feeling…. at Manilenya.

meta