Usok

February 16th, 2008

Kung ang habol mo sa paninigarilyo ay ang usok na lumalabas sa bibig o ilong mo, at paminsan-minsang paglabas nito sa tenga mo (kung nagtitrip o kaya nama’y feeling mo isa kang magician na yosi boy o yosi girl), dito sa malamig na kinauupuan ko e malamang hindi ka na magyosi. Lalo na kapag nalaman mong aabot sa kulang 400 pesos ang isang kaha.

Pero kung adik ka naman sa usok ng sigarilyo (hindi sa nikotina), okey lang. Yosi pa rin.

Matagal na akong hindi nagyoyosi, hmmnn mga kulang isang taon mula ng bigyan ako ng problema ng embahada ng Canada sa Singapore dahil daw sa “depektibo” kong baga, pero salamat naman sa Diyos dahil pagkatapos ng apat na X-ray, ESR kung saan makikita kung may kanser ka o wala, sputum examination at TB skin test, eto ako walong buwan na rin mahigit sa bansang Canada.

Pero syempre dahil sa naging bespren ko si Yosi, di maiiwasang tumikim paminsan-minsan. Kahit na ba sabihin ko pang sinumpa ko talaga siya noon. Lalo na kung iyong kasama mo sa bahay e may isang medyo kalakihang ziplock na punumpuno ng yosi at lalong lalo na kapag kaharap mo siya sa inuman at binubugahan ka ng usok. Ano siya hilo? kailangang makaganti ano!

Yun nga lang kapag ganitong malamig, hindi mo alam kung ang lumalabas na usok sa bibig mo e galing nga sa yosi na sininghot mo o dahil sa talagang sobrang lamig nga lang. Nakakainis din.

———-

Kwentong nakakatuwa o kwentong praning:

Noong mga unang bagsak ng Fall Season dito, syempre unang fall season ko rin. Habang nagluluto ako ng B-b-que sa likod bahay, napansin kong sa tuwing ibubuka ko yung bibig ko e me lumalabas na usok sa sobrang lamig. Syempre first time ko kaya ang saya ng feeling. Kaya kahit wala akong kausap buka ako ng buka ng bibig. Tapos ngingiti ako. Tapos bubuka ulit ako ng bibig. Minsang nagsasalita at minsang umaastang bumubuga ng usok galing sa sigarilyo. Parang praning nga.

Viewed 1205 times by 78 viewers

No Responses to “Usok”

  1. pusa Says:

    hahahaha kakaaliw naman un buka bibig kuwari yosi me usok na lumalabas :)
    oo noh kelangan di ka lang taga singhot ng usok nila :) bwahahahah mga adik - adik sa yosi magsama sama

    pusa’s last blog post..i survived S.A.D.

  2. manilenya Says:

    hehehe sabi nga ng uncle ko e spoiled ako sa kanya lol! binabandera pa sa mga kaibigan nya na ako kajamming nya sa inom at sa yosi.

    yung kunwari yosi hindi naman ako umaastang me hawak na yosi..buga lang ako ng buga hehehe kakaaliw kasi :)
    huy pusa, may tag ka pala sa akin dun sa http://melai.com/blog ko :)

  3. pusa Says:

    aba at buhay pala uli ang melai mo cge tingnan ko ang iyong tag
    alam mo marami na rin ako kakilala na nag-stop magyosi sa kadahilanang napakamahal ng yosi sa ibang bansa, hehehe mangibang bansa rin kaya ako para naman matigil ang aking ka-adikan!

    pusa’s last blog post..i survived S.A.D.

  4. pusa Says:

    hantagal mag-open nun melai.com

    pusa’s last blog post..i survived S.A.D.

  5. manilenya Says:

    naku sabi once an addict always an addict lol!! nung unang punta ko ng singapore ang mahal mahal ng yosi pero bumibili pa rin ako ng isang kaha ng patago..nung nalaman ng sis ko nilabas nya yung isang paketeng yosi na ang tagal na nya daw binili sa Duty Free, ayun kahit matagal na pinagtyagaan ko, biro mo ba namang 10 piraso yung binili ko e 6 SGD. Ganun din dito tito ko kahit umaabot ng 9 CAD kasama na tax sige pa rin sya.

  6. manilenya Says:

    hehehe kinakalikot ko kanina sis e http://melai.com/blog ang link :)

  7. monaco Says:

    sarap talaga mag yosi! matagal na rin akong tumigil pero tumitikim paminsan minsan.

    lam mo, miss ko ang yosi lalo na sa inuman. kahit walang pulutan basta may yosi. yung 1 1/2 pack a day ko kapag may inuman nagiging 3 packs. tapos sa kae rin. sarap ka-terno na yosi!

    anak ng hinayupak!! 400 pesos isang kaha dyan? eh dapat nga palang tumigil ano? aba, minimum wage na dito yun ah!

  8. itot54joni Says:

    buti pa ikaw ay nakaiwas na.ako alipin pa din ng nikotina.magandang gabi po!

    itot54joni’s last blog post..Social Climbing Logo Contest by Reyna Elena

  9. karmi Says:

    hmm, mahirap talagang magyosi kapag malamig. di ko pa na-try ate, hehehe.. tingin ko lang mahirap nga. lol

    karmi’s last blog post..salamat.

  10. nina Says:

    That was funny. I do that sometimes :)
    nina’s last blog post..How’s Your Valentine Celebration?

  11. reyna elena Says:

    HAHAHAHA!!! GRABEYSHUS KA PALA MELAI! EVER! HAHAHA!! AKO ADIK! ADIK! siete anyos palang ako naninigarilyo na aketchewa! hahaha at pag winter kala mo stop ang lola? HELLL NOO!!! HAHAHA

  12. manilenya Says:

    wag ka na tumikim..sama sa baga yang yosi :), pero nakipagdeyt ako sa kanya ngayon ngayon lang lol! tinutulungan ko lang ankel ko na ubusin yung sandamakmak nyang yosi lol!

    ngeks!! waahhh chain smoker ka na prend monaco.

    400 na ba minimum wage?

  13. manilenya Says:

    hehehe ikaw lang ang makakapigil sa kaadikan mo pramis :)

  14. manilenya Says:

    wag mo ng itry okey? :)

  15. manilenya Says:

    di nga? as in 7? uy di ba mas masarap magyosi kapag malamig?

  16. rj Says:

    mag-quit na kaya ako?…ska lang ako tumitigil kapag hinihika na ako e!! bad na bata!!!

  17. manilenya Says:

    mag quit ka na :) Rj :)

  18. rj Says:

    ehehehe…lemme see..1 week na ako hinihika..kaya 1 week na akong hindi nagyoyo….hmmmmmmmm…

  19. manilenya Says:

    lol!! ikaw pala ang di dapat magyosi dahil may asthma ka sus.

  20. rj Says:

    ahehe nagquit na ako noon kasi naggym kaso nung napatigil ako..balik uli sa dati…tigas ulo ko talaga…magcacandy na lang ata ako

  21. manilenya Says:

    naku e ingat ka naman sa candy dahil baka magka diabetes ka lol magaya ka sa kin sige ka :)

  22. reyna elena Says:

    melai,

    off topic: kelangan pala, i-approve mo ata yong bid ko, send ko email.

  23. rj Says:

    ay oo nga no..nasa lahi nga pala namin ang diabetes. isa pa, marami ring calories yon..baka lalo akong magmukhang tangke nito…bwahaha

  24. monaco Says:

    wala pa nga yatang 400 eh, parang 375 lang!

    tumigil na talaga ako. di ko naman hinahanap eh, kung minsan lang kapag meron akong nakita sa barakada ko hingi ako ng 1 stick. pero once a month lang yun. dalawa na kasi uncle ko namatay sa lung cancer, last year pareho. eh 4 packs a day ba naman, hope pa!

    monaco’s last blog post..covering the great philippine circus

  25. rj Says:

    ate melai…ninominate kita na most sociable blogger sa blog ni kuya jessie..pumayag ka na please???

    ipagkakampanya pa kita…please?

  26. manilenya Says:

    ganun? buti nga tumigil ka na, nasa lahi nyo pala yung sakit na yun e. tsk tsk . pero sigurado ka bang pa isa isa lang? lol!! Mahirap kasi kapag ang dating nagyoyosi e nakakatikim ng yosi e bumabalik pag ka adik diba :)

  27. manilenya Says:

    nyahaha! At ikakampanya mo pa ko? lol!! nahihiya ako sa ganyang mga award e..sige bahala ka, kaya lang wala naman akong gaanong friends baka mamaya ako pa pinakakonting boto dyan lol!

  28. rj Says:

    e marami ka namang visitors!! sisimulan ko nang mangampanya..

    Please vote ate melai for “THE MOST SOCIABLE BLOGGER” for week 2 @ http://www.jpsimbulan.com. Official voting starts tomorrow. The winner shall have a chance to be advertised at What Have You for 1 week.

    Kaya suportahan natin si ate melai!!

    ok ba?wink wink!!!

  29. manilenya Says:

    lol! wala akong papambayad sayo nyan kapatid na rj..sorry pero hindi ako mangangampanya sis…siguro post ko dito pero sa ibang blag di ko kaya lol! baka maraming magalit sa kin :)

  30. rj Says:

    ay ate kahit di ka mangampanya ako mangangampanya para sayo..wahehehe..libre kaya yon!!!noong first week kasi ninominate na ni kuya jessie yung inonominate ko..e ngayon since hindi na siya magnonominate ako naman!!!wahehehehehe.

    don’t worry it’s just for fun..kapag nanalo ka e di masaya..kaya dapat manalo ka para masaya…ang kulit ko no… :)

  31. itot54joni Says:

    malamng e la campana o tutubi ang yosi ng reyna.yun sisindihan tpos isusubo un apoy!ahehehehe.natuto ako magyosi non taon dalawang libo.nagbabanda kc ako non e ako lng di ngyoyosi.siguro dhil n din s brkada.kaya ngayon e yosi p din.adictus n nga.!ahehehe

    itot54joni’s last blog post..Update On Amazon’s S3 Downtime

  32. manilenya Says:

    wow naman!! nagbabanda..ano ka vocalist? bawal sa mga singer ang yosi ha :) or me hawak kang instrumento? naks nakakainlab yan itot :) hehehe oi sosi ang mahal na reyna ha hindi pang circus ang yosi nyan lol!

  33. manilenya Says:

    mwahehehe oo nga dapat manalo ako para masaya tayong dalawa lol!

  34. ann Says:

    Alam mo after magka mild stroke mother ko dahil sa smoking na yan, tumigil na sya. Lately sabi ng sister ko parang minsan naamoy nya na amoy sigarilyo na naman sya. Mahirap ba talaga iwan?

    ann’s last blog post..Taken by Cars Music

  35. manilenya Says:

    ann, madali kung desidido ka kaya lang paminsan minsan hindi maiwasang hindi humithit kahit isang stick lang, ang masama nito kapag nakaisang stick at naka isang stick pa at naka isang stick pa ulit..di na naman matatapos yun. depende kasi sa determinasyon ng tao yan e. Sa akin naman kasi hindi naman ako nagyoyosi sa mga pangkaraniwang araw e. like kapag lalabas o iinom.

  36. itot54joni Says:

    bass laang ang hawak ko ng arw.tigil n ako s band e.whew.untik n ako mgkamali s spam question ah.ahehehehe

    itot54joni’s last blog post..Update On Amazon’s S3 Downtime

  37. manilenya Says:

    asus nilalang lang mo ang bass? ehehe kami nga di nakakahawak nyan e :) galing naman itot :)

  38. itot54joni Says:

    thanks po.ummmmwahh

    itot54joni’s last blog post..Update On Amazon’s S3 Downtime

  39. Kotsengkuba Says:

    pinalayas ako ni akismet at may anti-spam na pala sa baba. hahaha :D
    sabi ko ganyan din ako nung pers time. parang tanga, habang naglalakad mag-isa e todo buga ng usok. minsan pinagtitripan ko rin sa ilong naman galing. feeling ko bull ako.. bull frog :D
    Kotsengkuba’s last blog post..A Letter to Janice

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Usok at Manilenya.

meta