
Kasalukuyang nasa negatibo otso ang temperatura dito. Kahapon ng umaga pag gising ko ay nasa negative 23 siya, hindi ko alam kung kasama na diyan ang tinatawag nilang plus windshield. Sa totoo lang hindi ko pa alam kung ano ba yang windshield na yan. Hindi na ako magtatanong. Dahil ang alam ko hindi naman ako masasagot. Naalala ko pa ng magtanong ako kung bakit kailangang turkey ang ihanda sa hapag kainan kapag Thanksgiving Day. Kaya huwag na lang. Masasayang lang ang laway ko. At masasayang lang ang ilang minutong pag-iisip kunwari ng pagtatanungan ko.

Minsan ang lakas ng loob ko na hindi gumamit ng gloves, feeling ko kasi kaya ko ang lamig e. Pero sabi ko nga “kaya ko naman pala” pero syempre kailangan naka winter jacket ako. Brrrrrr. Hindi abot ang winter jacket sa tenga ko.

Noong minsang nakasakay ako sa truck ng amo ko, nadadaanan namin yung mga napakalawak na farm papunta sa bahay nila. Ang sabi ko sa amo ko, pakiramdam ko nasa loob ako ng isang malaking malaking malaking pabrika ng yelo. Puro puti ang nakikita ko at sa sobrang puti wala na kong nakikita…kahit puti. Sobrang nakakabulag.

Kung ngayon ay Sabado o Linggo, iseselebra ko siguro ang araw ng mga puso sa mga lansangang ito. Lansangang paulit-ulit kong dinadaanan. Minsan nakakasawa na rin. Lalo na kapag habang naglalakad ka ay nagtutunugan ang mga yelong tinatapakan ng sapatos mo. Nakakangilo. Nangingilo ako.
Ngayon pa lang nag uumpisa ang Valentine’s Day dito. At ang sabi sa isang quiz na sinagutan ko ganitong klaseng puso daw meron ako.
Gusto kong rume-butt pero inaantok na ko. Bukas na lang.
| 2.5 |
Viewed 1511 times by 404 viewers

manilenya
Comment by