- bukod sa content ng blog/s mo, mas maganda kung maibabahagi rin kung paano nag-evolve ang pagbblog. Like, ano ang mga usually isinusulat dati kung ikukumpara ngayon. Ano ang mga dahilan sa pag-evolve.
Kasalukuyan akong sumasagot ng mga tanong para sa Media Ethics Class ng isang estudyanteng blagista tungkol sa blog ethics. Habang nirerebyu ko yung sagot ko sa pinakahuling tanong na nasagot ko (nasa ika apat pa lang ako ng labingpitong tanong) sabi ko pwedeng ipost ito. Kung baga laman blag din lang. Ganyan ang blagista diba?
At ito ang sagot ko sa tanong.
I write about my life, mula sa maliit hanggang sa maliit lol! Mula noong bata ako sa kalye ng Tundo hanggang sa maging domestic helper ako sa Singapore hanggang sa maging caregiver ako dito sa Canada.
Karamihan simple lang naman like kung ano nararamdaman ko sa isang particular na oras katulad nito:
“Hindi totoong natuto akong magbilang ng hanggang isang libo. Actually hindi ko alam kung hanggang saan natatapos ang bilang ko. At hindi rin totoo na may kinalaman sa mahabang pasensya ang pagbibilang na iyon. Katulad ng sinabi ni Lazarus, usually ginagawa ko lang ang pagbibilang kapag hindi ako makatulog, minsan para maaliw magbibilang pa ko pitumpu’t pitong puting pato pero bago ako maaliw maiinis muna ako at sasabunutan ang sarili ko dahil hindi pa rin ako makatulog.
At sa bandang huli, kakausapin ko na ang kaibigan na hindi visible sa king mga mata. Please Lord, matulog na tayo. Antok na antok na po ako e.
Nagiging para tuloy syang diary.
Pero minsan din sumasagot yung blog ko sa mga isyu (political)..kung ano ba pagtingin ko sa mga yun. Yan e noong nasa Singapore pa ko kung saan may TFC lol! Now hindi na gaano e, kasi bukod sa ala akong TFC, wala na ring panahong makapanood ng tv para sa mga balita at makapagbasa kahit sa internet .
Tinitignan ko ngayon yung mga unang apat na buwan ng blog ko, wala naman akong nakitang pagbabago bukod lang sa marami palang mga meme noong mga panahon na yun ang sinasagot ko, me mga ginawa pala akong tula, na naalala kong ginagawa ko habang nagtatrabaho ako (naglilinis ng bahay ng amo) tapos sinusulat ko sa papel. Usually yung ibang post e tungkol sa stokwa, although hindi naman ako talagang stokwa parang nakakarelate lang. Pansin ko na noong una pa lang ng pagbablag ko medyo nag aasta na akong writer lol!. Feeling ko nagsusulat ako ng kwento. Sarili kong kwento (mga karanasan, mga opinion, haka-haka at rebuttal ng isang bobang pinay – na dalawang taon at kalahati kong ginamit na tagline ng manilenya)
Binago ko sya recently kasi gusto kong pumaimbulog sa problogging o paid post na tinatawag (mga isang bwan din yun ) tapos nag ingles ako (tagalog ang gamit kong lengwahe sa pagbablag) dahil ingles lang ang me karapatang kumita sa pagbablag, pero pagkatapos ng isang paid post na 17 dollars huminto na agad ako. Ibabalik ko na ulit yung dating tagline.
Hehehe parang theory ng supply and demand nga ba yun ng economy? Pagkatapos mong marating ang saturation point (anong saturation point ang pinagsasabi ko? Lol!) e babagsak ka pa rin sa pinagmulan mo.
| 2.5 |
Viewed 1027 times by 216 viewers









itot
manilenya






ganyan nga ang blagista, kahit na ano isinusulay sa blog. kung minsan nga kapag wala akong mai-post, kahit yung ingay ng aso ng kapitbahay gusto ko ng ikwento! LOL
btw, saan ka na nag paid post? sa smorty kasi di daw pwede kung hindi 100% english ang blog mo. gusto ko sanang mag open ng tagalog blog eh. salamat.
HAHAHA!!! kakatuwa ang sinabi mo monaco! ARF! di ba nga ganun! kahit ano na lang iblog, kaya ako biglang naging personal blog yong dati iniisip kong business blog kasi napurdoy ang vizness ko hehehe
hi ate manilenya im’ back.. wow paganda na ng paganda ang bahay mo ha.. ang ganda ng balik tanaw mo.. parang ganyan ung nagyayari skin.. hehehe
repah’s last blog post..wear sunscreen
dati naman kasing parang dyornal lang ang blag hanggang sa pasukan na rin ito ng komersiyalismo kaya ayan me pera na sa blaging.
kumusta na Ate? kinarir ko na yung isa, ayun dalawang post na nagawa kong gawaing-bahay.
minsan nga nakakatuyo na ng utak kaya ayun, kung anu-anu na pinagsasabi ko dun. hahaha ang importante may link at maaprubahan, di ba?
sa bigsky ba nasa expo ka na?
malaya’s last blog post..4. What are the things you usually write about?
me kebigan ako, dati lukring ako sa mga sinusulat nung bigla na lang me mga viagra, nursing home - tz sabi ano nangyari hehehe yun pala kinarir na yong mga PPP hahaha ayun nadale ako, pati ako suki na ni Ka Pepe (eto say: diwatangbyaning.com) hahaah
reyna elena’s last blog post..What is the problem that you?re trying to solve POEA?
Plus district attorneys yan ha at pati mga loans etc. lols
ambo’s last blog post..ABS-CBN 2 or GMA 7?
since personal blog, i write about myself, family and experiences. Eh am 50 years old so maraming content din yun.
noemi’s last blog post..WikiPilipinas Filipina Stories, A Contest
Isang pangungusap lang ang ibabahagi ko: ang maliit nakakapuwing…pero ang malaki nakakabulag…isa kang maliit na nilalang na kayang kayang bumulag sa mga nagdudunungdunungan sa lipunan upang tumigil sila sa kanilang kahangalan…gamit ang sarili nating wika! Mabuhay kang lagi, Melai!
Rino’s last blog post..Hindi Nga Masama ang Pag-Unlad
Kay tagal ding hindi ako nakadalaw dito,hehehe
blog natin ito, kaya malaya tayong isulat kung ano ang gusto natin. At ito ang nakakatuwa sa blogging,
Magandang tanong, na kahit sinong blogista ang pwedeng sumagot, at ang sagot, imposibleng maging mali.
jhay’s last blog post..Sex Offender E-mail Registry: Will it work?
Since the start, I blog about crap, crap and more crap. Hehe.
Abaniko’s last blog post..Sinulog 2008 Pics
Hello.
Pa-add naman po ng url na to, it’s my blog for my designs.
Salamat po.
-gel
creativehands’s last blog post..My designs for the month of February
bebe,
for me kung anu-ano din pero these days it’s about blogging, online money-making. dun nag-evolve ang blog ko because of recent concerns. sa blogging naman, either kung ano yung hot na topic or present concerns ng blogger yun ang sinusulat eh.
basta ang importante interesante para sa kin yung topic, ok na yun. binibigyan ko rin ng pansin ang mga readers kung matututo ba sila from my posts o hindi.
jessie’s last blog post..Paid Blogging with a Little Control
parang gusto ko din sumagot ng mga questionnaires na ganyan. hehehe, ako nagsimulang magsulat ng tagalog. sa di kalaunan nag-ingles, hanggang sa kinailangang magpurong ingles dahil required sa money-making chorba. hanggang sa nagbuo ng bagong blog to accommodate my money making chorva at nagbuo na naman ng panibagong blog for my tagalog chenes. hahaha. panic blogging na ko.
Kotsengkuba’s last blog post..R&E Taxi TWN-752
hay naku melai,
ako sinusulat ko yong galit ko sa mga tumitira saken nang patalikod hehehe getz mu? hahahaha
reyna elena’s last blog post..What is the problem that you?re trying to solve POEA?
aruuu at sinipa na naman ako ng comment seksyon mo ….sana lumabas na itesh, sabi ko sa unang comment:
Hayy sarap talaga magsulat ng kung anong na anik anik…tama, sulat lang natin ang type natin.
hapi wikend tita melai
Thess’s last blog post..Natalee Halloway?s case?solved?!
MELAI!!!! join na!!! shine na!! hahaha!!! DALIII!!! hehehehe!! iwanan mo na yang pinapalantsa mooo!!!
reyna elena’s last blog post..Social Climber Php10k Logo Contest! Join na! Shine na!
Pareho lang din ako kay abaniko I have a blog full of crap hahaha ang importante ata may nagbabasa pa rin.hehe ang matsakit niyun kung pinag susulat eh pang doctorate pregnant with words you never heard in your life tapos nilalangaw lang! Aray ha! kaya nga tama lang yang ginagawa mo ineng! Be natural mahal ka ng tao kung ganyan lang da vah?
cheh’s last blog post..Between Your What??!??
ako naman, i think i can write about any thing EXCEPT the following: personal very details of my life and my family’s (kasi praning talaga ako sa online identity theft at anonymous harassment); extremely sensitive religious and political topics (yung tipong merong mga fanatics involved na)… other than these, i’m open to all topics (that is, kung feel kong mag-blog about them)
Taroogs’s last blog post..The scourge of Tribalism: It can?t be just Africa.
wala atang nagbago sa mga nilalagay ko sa blog ate. panay kadramahan at tungkol sa pag-ibig halos lahat! hehehe..
sabi mo nga, pang-teenager..
karmi’s last blog post..hapi puso
matagl na din me blogger, pero sa tingin ko.. pare pareho lang pinagsasabi ko yun ay syempre tungkol sa isang buhay estudyante sa college.. dapat nila malaman na masarap mabuhay, kahit na mahirap..
siguro kanya kanya lang talaga tayo ng gusto. basta kung saan ka masaya ok na yon.
Blogoloco - Win $250’s last blog post..I?m off to London to visit the Queen
ganon ba ate?
sa trabaho ko rin kapag binubuksan ko meron eh…
cge check ko po.. thanks…
karmi’s last blog post..hapi puso
Actually sa part ko matagal ko na talagang gustong mag blog. Ilang beses akong nag sign up sa blogger tapos di ko tinutuloy dahil di ko alam simulan. Hanggang sa sabi ko sa sarili ko sige itutuloy ko na. Nakita ko ang wordpress kaya lalo akong na-eng-eng-ganyo haha. Nung una ang hirap talaga kasi di mo alam ang mga isusulat mo. Nung una personal lang ang sinusulat at take note in inglis pa haha. Kasi isa sa mga weakness ko ang magsulat ng ingles. Di ako magaling pagdating dyan, sabi ko sa sarili ko, kung ito ang paraan para ma-enhance ang ingles ko bakit hindi. Di naman ako graduate sa isang magarang school dito sa atin, pero alam ko pag gusto mong matuto magagawan ng paraan. hanggang sa nagsulat na ako ng mga current issues. Basta issue sinusulat ko walang paki-paki hehehe. Natutunan ko ang blog hopping, exchange links at mag comment sa ibang blog. Dumating din yung point na pa iba iba ang title ng blog ko, pati theme (obvious naman addict ako sa theme hahaha). Tapos sabi ko bakit puro current issues na lang sinusulat ko, kasi ang nalaman ko, pag puro current isyu lang ang laman ng blog mo, ang tao pupunta lang dun paglabas ng post mo. Tapos wala na hehehe. Kaya napag isipan kong gawin siyang pang pinoy na lang. Basta lahat ng pwedeng isulat about Pinoy at Pilipinas nilalagay ko. Hanggang sa dumating na nga itong mga pepepe na to. Na convinced lang ako ng mahal na reyna jan. Matagal ng approved blog ko dun sa ppp kaso di ko pinapansin. Nagmeet kami ng reyna at sa aming pag uusap natauhan ako. Nung una ang hirap kasi biglang magkakaroon ng kung ano anong topic sa blog mo. Parang si Diwata na sabi ni Reyns biglang nagkaroon ng Viagra etc hahaha. Sa akin naman, pinipili ko lang ang topic sa ppp hanggat maari.
pero sa totoo lang gusto ko din sanang gawing tagalog ang blog ko. Yun ay pag mayaman na ako at pag naging caregiver na ako sa canada hahahaha. Wala kasing makitang employer nyahahaha. Hanap mo nga ako jan Momski hahaha.
Haba na pala. Nahiya naman ako akala ko kasi akin tong blog hahaha.
Wabyu Momski.
ambo’s last blog post..ABS-CBN 2 or GMA 7?
heheheh ang haba nga daddee ambo..para tuloy gusto kitang gawing co blogger dito sa manilenya e lol!! lalo na’t wala naman akong maiblag .uuy hehehe nagamit ko na pala yung bayad kong 17 dollars sa reviewme lol! hehehe nagamit ko agad yung 20 dollars ko sa paypal ang saya hehehehe..oi anuka kailangan ko ring kumita kaya mag papaid post pa rin ako..bumubwelo lang ako lol!
personally, mas gusto kong magbasa ng mga blog na wala lang, yung may feeling, u know… kahit ipis sa kwarto e nakkwento.. kase somehow, dun ka makakarelate sa tao nakatago sa blog.. sabi ko nga sa isang kablag ko na naging sponsored na lahat ng posts, “ibalik mo yun dati, masarap pa ring basahin ang mga malulupit mong sentiments”. kaya ako’y natutuwa, bumalik na sa dati si manilenya…i’m not against sponsored post tho..
razz’s last blog post..Gloc Gloc
Ako din… ganyan ang binablog ko… yung maliliit hanggang sa maliliit na bagay ng buhay ko.
Pero maliit lang cguro ngayon… pero pag mag-flashback ka… napakaganda ng buhay natin. Ikaw nga… from Tundo to DH in Singapore to caregiver in Canada… aba, pwedeng maisapelikula ang buhay mo. Sino gusto mong artista na gumanap ng ikaw? 
Toe’s last blog post..How I Met My Honey (the unbiased neutral impartial version)
oo nga e mam toe, nung nalaman ng dati kong kasamahan sa teatro na nagmasahista pa ko lol sabi nya gawan daw namin ng digi film buhay ko hehehe saya no