Masaya ito. Kitang kita ng (balat ng madla) ng iilang readers ko yung kahinaan kong magpalit-palit ng isip. Ito yung sinasabi ng nanay ko na minana ko sa tatay ko. Sa ngayon ito ang gusto, bukas iba naman. Sa loob ng mahigit isang buwan, nagmistula akong naglaro ng pitik bulag na walang kalaro. Pero dahil sa hindi ko ganun maipaliwanag yung larong pitik-bulag na walang kalaro, mas madali sigurong sabihing nilaro-laro ko ang blag ko. Bukod pa doon naglaro-laro pa ako sa mga blag na ginawa ko pero pinagbubura ko rin naman. Ganoon naman yata talaga ang mga nababagot.
Sabi nga nila kapag bagot ka na sa buhay mo, bakit hindi ka gumawa ng mga bagay na hindi mo ginagawa dati kaya naman baligtarin mo. Katulad ng hmmnn….baligtarin mo mundo mo. Siguro naman nakukuha nyo na ito.
At dahil blogging ang mundo ko (patunay na wala akong social life o mas tamang ito ang social life ko ayon kay Isagani) binaligtad ko ang pagbablag ko. Hindi naman ako natalo. Isinisigaw ko na nag enjoy ako. Pero lahat ng laro syempre may katapusan. Tapos nang maglaro ang bobang pinay. Balik na ulit sa katotohanan.
| 2.5 |
Viewed 1805 times by 393 viewers

manilenya
Comment by


