At dahil nagkaka-halaga ng limang daang (kaneydiyen) dolyares - beinte mil kapag kinonbert mo sa peso, mas malaki pa kaysa sa buwanang padala ko sa pamilya ko sa pinas- ang aso, kailangan healthy water ang gagamiting inumin. At kailangan din gagamitan mo ng tinidor na syang ginagamit ng mga amo (kasama na ang alilang tulad ko) ang pagpeprepara ng pagkain nito, kasama ng paggamit ng iba pang gamit sa kusina.
Noong minsang maghuhugas ako ng pinggan, nakita ko ang lababo na may tira-tira pang pagkain ng aso na nanggaling sa pinagkakainan nito. Nakita ko rin yung foam na panghugas ng pinggan na mukhang ginamit pang pangkuskos sa lababo, hindi ko tuloy alam kung gagamitin ko ba o hindi sa mga hugasan ko. Parang gusto kong masuka tuloy. Pero wala akong choice tutal aso naman nila iyon at mga pinggan naman nila iyon.
Pero kung ako ang tatanungin? gusto kong tatakan ng marker yung mga ginamit nila para sa aso, pero syempre kung lahat gagamitin nila baka magtaka na sila at bakit lahat ng kubyertos nila e me tatak (hehehe parang mga kubyertos sa pinas)
At ang masama pa nito, baka minsang pagkain ko ang makuha kong kubyertos e me nakasulat na “para sa aso”. Tsk tsk tsk! Ayaw ko. Kaya di bale na lang.
Viewed 937 times by 83 viewers
January 29th, 2008 at 12:47 am
sowsi ng aso ate melai ha.
January 29th, 2008 at 1:26 am
ngiiii bakit ganun? as in la sila paki kahit nakamixed ang gamit nila sa gamit ng pet? heheheh….
rhapsody’s last blog post..personalized email signature
January 29th, 2008 at 1:42 am
love ko ang mga doggies, pero di ako ganyan. OA namang pag-aalaga ang ganyan! pagbaliktarin man ng sampung beses ang mundo, aso pa rin ang mga yan at parang ansagwa namang pareho kayo ng kubyertos na ginagamit ng aso! ewww. lol
zherwin’s last blog post..run out of words
January 29th, 2008 at 1:44 am
Ganyan naman sila talaga magmahal sa mga pets nila di ba? Yung mga pusa nga nila katabi sa pagtulog. May mana pa nga yung iba.
ann’s last blog post..?Foundation Day?
January 29th, 2008 at 3:41 am
So what type of water do you allow your alagang dog to drink? Mineral? Purified? Spring? Distilled? Tap? Sparkling? Or Artesian?
Abaniko’s last blog post..Sinulog 2008 Pics
January 29th, 2008 at 3:47 am
At teka lang, bakit yata nawala sa blogroll mo ang pangalan ko? Hmm?
Abaniko’s last blog post..Sinulog 2008 Pics
January 29th, 2008 at 3:53 am
aba aba aba ang aso gustong maging tao, pero bakit ang ibang tao asal aso? hehehehe…
Rino’s last blog post..Hindi Nga Masama ang Pag-Unlad
January 29th, 2008 at 7:23 am
ganyan naman talaga ugali ng mga puti at lahi ng tao jan, mahalaga ang mga hayup sa kanila…hehehe
mmy-lei’s last blog post..Way back into 2007
January 29th, 2008 at 4:03 pm
bebe,
the dog is even more expensive than my bike. eh kung sagasaan ko kaya ng motor ko yan? hahaha!
jessie’s last blog post..Link Exchange, Anyone?
January 29th, 2008 at 9:11 pm
naku talagang sowsi, mahal ang pagkain nyan
January 29th, 2008 at 9:25 pm
wala nga
para nga nilang anak e :), kapag uuwi sila after office nilalaro nila :)na parang baby.
January 29th, 2008 at 9:34 pm
iba kasi dito e, parang pareho ng karapatan ang mga pet at ang mga tao
nagulat nga ako nung makita ko yung parang baby book nung aso lol!
January 29th, 2008 at 9:39 pm
hay naku tita ann yung dalawang pusa nila balak pang sekwesterin yung room ko, sa tuwing darating ako dito ayun dito sila nakahiga sa kama ko
nakakainis.
January 29th, 2008 at 9:49 pm
Purified
basta alagang alaga si Rocky
January 29th, 2008 at 9:53 pm
pasensya na po Niko me sakit itong wordpress ko e bigla bigla nawawala yung ibang mga links
of all pipol naman kaw pa nawala ngayon…di ko alam kung alam mo to na kahit wala ka sa blogroll ko dati bumibisita ako sa blog mo at nagiiwan ng komento.
January 29th, 2008 at 9:58 pm
mwahahahaha! me pinapatamaan ka ba preng Rino? lol!
January 29th, 2008 at 9:59 pm
oo nga, sabi ko nga kanina e halos pareho lang ng karapatan dito ang tao at ang hayop e.
January 29th, 2008 at 10:01 pm
bebe,
makukulong ka kapag sinagasaan mo ng motor mo yung aso…tsk tsk tsk…bad ka talaga bebe oo!
January 29th, 2008 at 10:34 pm
hindi ako maka-relate sa love ng mga puti sa mga pets nila. ako, I LIKE pets, but only as pets. I don’t LOVE them. ganyan siguro ang majority of pinoys kasi ganyan ang kinalakihan natin. Yung iba nga kumakain pa ng aso eh! LOL.
Dito sa bahay dapat separate ang gamit ng pets. Dun sa labahan hinuhugasan lahat na yun! kadiri naman kung ihahalo sa gamit namin!
January 29th, 2008 at 10:37 pm
me dagdag pa sana itong entry na to na katulad ng sinasabi mo kaya lang baka humaba na at lalong mawalan ng sense yung post ko lol!! I don’t like pets lalo na kung ako ang mag aalaga lol..nakatikim ka na ba ng aso? masarap hehehehe!
January 30th, 2008 at 4:32 am
Para sa akin, ayos lang yan.
Normal sa mga true blooded pet lovers ang mga ganyang pangyayari. hehehehe…
Ang aso ko din, sinusubuan ko gamit ang tinidor na ginagamit ko habang kumakain.
pornstar88/tapsiboy’s last blog post..The stars
January 30th, 2008 at 10:58 am
ako rin, kung ako ang mag-aalaga ng aso, huwag na lang. hanggang patingin tingin lang ako, palaro-laro kung minsan. ganun lang. ang inalaggan ko lang ng matagal ay fish. buti yun tahimik, walang reklamo! LOL
nakatikim na ko ng asopero accidental lang. hindi sinabi sa kin na aso yun. di ko naman nahalata, masarap nga eh. kaso di na ko umulit.
January 30th, 2008 at 11:51 pm
Naku momski ingat lang ha. Alam mo naman ang laway ng aso me rabies. Basta hugasan mong maigi yung mga gamit mo. baka mamaya kumakahol ka na din pag nagkita tyo ala LOBO ka na nyan hehehehe. wabyu!
ambo’s last blog post..By: itot54joni
January 30th, 2008 at 11:53 pm
hala bakita ganyan ang last post ko si itot hahaha.
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
January 30th, 2008 at 11:57 pm
hehehehe natawa daw ako dito, bakit nga ba daddee ambo? lol!
January 31st, 2008 at 12:14 am
hanef naman momski. me reply na sa email me reply pa dito. sigurista nyahahahaha. uulitin ko, kasi nga nailista ko ung buong post ko ke banig at yung mga comments nyahahahaha
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
February 3rd, 2008 at 10:29 am
ayus yan ah.. sabagay si chloe tumatabi rin sa akin sa pagtulog, pero un kubyertos nya iba naman sa amin… ang aso ay aso pa rin..
razberry’s last blog post..Gloc Gloc
February 3rd, 2008 at 3:40 pm
buti hindi nag pi pee o dumudumi sa tabi mo?
February 5th, 2008 at 5:12 am
hehe..na-amuse lang ako with this post, with you thinking over the things that should belong to the dog and to the people sa haws niyo…mahilig din ako sa aso..love ko sila pero not to the extent na ang spoon and fork ko ay gagamitin nila at ako ay kakain sa pinggan na pinagkainan nila - kahit pa sinabon na 10 times over!
elay’s last blog post..Coraline
February 5th, 2008 at 11:22 pm
bumili na ng sariling kainan at inuman ng aso yung amo ko sis..yun nga lang yung fork madalas pa ring gamitin sa pagpeprepare ng pagkain ng aso
February 12th, 2008 at 5:33 am
Hahaha…. parang pang-sitcom itong scenariong ito. Ano kaya gagawin nila pag tatakan mo lahat ng gamit nila? Grabe talaga sa north america, mahal (love na mahal and expensive na mahal) talaga ang aso.
Toe’s last blog post..How I Met My Honey (the unbiased neutral impartial version)
February 12th, 2008 at 11:45 pm
hehehe ewan ko..siguro magtataka pero dahil sa mahilig akong magsalita sa kanila ng “In my country…..” hehehe as in ganun ang sinasabi ko..baka di ako pagalitan lol!
February 15th, 2008 at 2:54 am
how do i fix my credit rating…
submariners gazes!knockout marriage munitions….
August 1st, 2008 at 12:50 pm
baccarat…
corrector.blade fulfillment,Falstaff utterance Rhodes …
October 4th, 2008 at 6:56 am
united health care plan covers infertility…
ago doves marinade!beanbag trumpeter work …