Nagmistula akong nabugbog ng mag-asawang sampal sa tanong ni Rino (nasaan na si Melai na iyon? = “Don’t mind what I am going to say, hwag mo na lang intindihin pero sa totoo lang I miss the old manilenya, the one I came to know sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat na nakaka-aliw, nakakapag bukas ng isipan at kamalayan”)
Una, patawad..sorry pero nakokornihan ako sa mga pinagsusulat ko gamit ang “sariling lengwahe ko” nagpapakatotoo lang ako. Madalas nasa isip ko na baka pinagtatawanan na lang ako. Isang ugali na nakakabit na sa anit ng bao ng ulo ko. Walang pinagkaiba sa paranoia. Ibig sabihin lang noon may pagka makitid ang utak ko. Dahil sa wala akong tiwala sa kakayahan ko na magsalita at magsulat, nagkakaroon na tuloy ako ng kawalan ng tiwala sa mga taong nasa paligid ko. Kung tanggap ba nila ako o hindi.
Pero huwag kang mag-alala Preng Rino, kung gaano ako nakokornihan kapag nag tatagalog ako ganoon din ako nakokornihan kapag nag iingles ako. Ibig lang sabihin noon, hindi ko alam kung saan ako susulong. Hindi ko alam kung kakaliwa ako o kakanan. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa blogosphere (palagay ko nagkakalat na lang ako.)
Pero ito ang alam ko. Dinedyeta yata ako sa internet kuneksyon ng amo ko……..punyemas!!! grrrrrrrrrrrr %$%^&&*(%$^%$#$@#$@@##$%#$^%%^*&
| 2.5 |
Viewed 1017 times by 287 viewers

manilenya
Comment by