Sa tanang buhay ko ngayon lang ako magseset ng new year’s resolution. Hindi uso sa akin ito noon kasi sabi ko hindi rin naman masusunod, pero this time gusto ko siyang sundin. Konting disiplina ika nga.
Ang aking resolusyon:
- Basahin ang mga librong binigay, pinilit na ibigay, binili at balak bilihin. Sayang kasi, maluluma ng hindi nabubuklat.
- Matulog ng maaga. Siguro bukas ko na sisimulan.
- Magyoga (read mag exercise). Nasa Singapore pa lang ako gusto ko ng magyoga kaya lang namamahalan ako sa fee e.
- Mag-aral. Pwedeng mag-aral magdrive, ng photography, creative writing o ng AB English <—ito kasi naalala ko yung sabi ng tita ko noon na kailangan daw ang kuning kurso e yung kurso kung saan hindi ka magaling para pagkatapos mo at least me alam ka na kahit konti.Pero kapag nabasa ito tyak ng nanay at tatay ko dalawa ang sasabihin nila. Ito yung “walang katapusang aral na naman yan” at “kursong hindi ako kayang buhayin na naman”
- Ituloy ang pakikipag chat sa italyano na naliligo hanggang sa maalibadbaran sya sa ingles ko.
- Magdagdag ng pagkakakitaan bukod sa pagpapa-alila sa mga puti., ayaw kong maglitanya kung bakit. At dahil sa isa akong netizen siguro makisayaw na rin ako sa bagong tugtog at ito yung gumawa ng mga sponsors post. Mukhang hindi akma sa manilenya yung ideya pero sa dalawang blag na isinali ko mas mabilis ang aprub dito, iyong isa deny as usual. Iba pala talaga ang usapin ng page rank. Kaya sa mga susunod na entry wag sana magulat ang iilang blogger/readers na napapadapo dito kung may mga sponsor entries na rin ako. Ibig sabihin nito, nangangailangan ako ng editor na mag eedit ng ingles ko ng libre. Salamat kung ikaw na iyon.
Viewed 1164 times by 64 viewers
January 3rd, 2008 at 5:16 am
madali lang ang mga new year’s resolution mo. ang pinakamahirap lang dyan eh yung “matulog ng maaga.” kasi ako, hayskul palang, yan na ang palagi kong new year’s resolution na hanggang ngayong nagtatrabaho na ako, eh inde ko pa magawa-gawa.
January 3rd, 2008 at 5:56 am
Isa lang New Year’s Reso ko Ate, yun ay SANA may mabago sa buhay ko ngayong taon na to. Grabe bored na bored na ko. Paulit-ulit lang nangyayari.
***
balik ko na lang sa dati ang theme ate.
malaya’s last blog post..My new year?s resolution
January 3rd, 2008 at 5:57 am
Sino ba yang Italyanong naliligo na yan, ha?
na-curious tulog ako. hehehe
malaya’s last blog post..My new year?s resolution
January 3rd, 2008 at 8:12 am
wow! i hope matupad mo lahat sa list. kaya mo po yan!
go, go, go! 
aCey’s last blog post..imagine my relief
January 3rd, 2008 at 9:52 am
hi melai!
matutulog na sana ako pero sabi ko drop by nga muna ako kay manilenya at eto..na-engross na naman sa pagbasa ng blog mo..di ako nakaalis hangga’t di ko nabasa lahat ng post na na-miss ko since ur hiatus..
nga pala, dahil din dito sa maganda mong template, pinag-iisipan ko rin gawa ng bago…ung 3-column din at medyo organized..nagagandahan ako dito sa new look mo…=)
o sige, gusto ko rin matulog ng maaga at may lipad pa uli bukas na maaga din ang departure…zzzzzz..
elay’s last blog post..My First Mission for the Year
January 3rd, 2008 at 2:49 pm
Ang hhirap matulog ng maaga.
Lalo na pag you web addict ka.
Parang.. tayo.
Mga naglalakihan na ang eyebags pero sige pa rin…
January 3rd, 2008 at 7:26 pm
Happy new year! Naway matupad lahat ng mga nasa list mo. =)
coldman’s last blog post..New Year Tour Preview
January 3rd, 2008 at 9:18 pm
Hindi din uso sa akin ang New Year’s resolution. Long time goal ko na ata ang magpapayat hahaha.
Goodluck sa ny resolution mo sis! Nawa’y matupad mo lahat bago matapos ang taong ito!
Scarlett’s last blog post..Tag-alicious
January 3rd, 2008 at 9:29 pm
Hi dyosa! akala ko nung una si Ria ka hindi pala :)salamat sa pagbisita at pagkomento..
oo nga tama ka hirap nyang matulog ng maaga na yan
waaaahh naku dahil dyan naalala ko na kailangan kong uminom ng pampaganang matulog
January 3rd, 2008 at 9:30 pm
oo nga eh, nakita ko kanina pagdalaw ko. hmfpt! ganyan ka naman eh bwehehehe… biro lang
Happy New Year
January 3rd, 2008 at 9:33 pm
waaaahhh dama ko yung bigat sa dibdib mo sis madalas ko maramdaman yan e
ano ba gagawin natin para mawala yan?
January 3rd, 2008 at 9:37 pm
hehehe hindi na nireply yung huling email ko e kasi sabi ko nag-aaral ako mag ingles kaya kinakausap ko sya lol…baka nagalit, hiya ako mag email para itanong kung bakit di na ko ineemail baka sabihin hinahabol ko lol!
January 3rd, 2008 at 9:38 pm
hehehe sana magaling kang cheerer ano sis
January 3rd, 2008 at 9:43 pm
wow as in binasa mo lahat ng latest? wow katouched ka naman elay
bait bait mo sa kin ha :)..kaya nagdadalawang isip ako baguhin ang tema nito e kasi kahit papano me mga interesado pang magbasa ng mga palasak na istorya ko
kasi I’m sure dahil sa kasimplehan nangyayari sa lahat ng indibidwal diba :0
maraming salamat sayo..antayin ko pagbabago ng blag mo
January 3rd, 2008 at 9:50 pm
waaahh sa halip na suportahan mo ko sinabi mo pang mahirap..sabagay totoo kasi lol!
January 3rd, 2008 at 9:51 pm
happy new year din po coldman salamat
January 3rd, 2008 at 9:57 pm
sabay na lang tayong magyoga sis hehehehe salamat po
January 3rd, 2008 at 10:01 pm
hehehe sensya na kapatid na diwatang byaning…sa susunod ka na lang bumawi ulit
January 3rd, 2008 at 10:13 pm
hindi pa ko gumgawa ng resolutions for this year. pinafiisipan ko ka kung gagawa nga ba ako. pero nakapulot ako ng ilan sa yo.
siguro nga dapat ng pagkakitaan itong blogging. sayang ang offortunity (ika nga ng pinsan ko!). hmmmp, mapagisipan na mabuti.
tapos, kelangan ko rin mag exercise. sa dami ng kinain ko nung holidays, kelanagan talaga.
happy new year my friend.
January 3rd, 2008 at 10:37 pm
Pareho tayo resolution number 1! Shucks, kailangan na talaga magbagong buhay.
Happy new year!!!
January 3rd, 2008 at 10:52 pm
friend, may sira ba yung keyboard mo? bakit naging ff yung pp? hehehe naku sisiw lang sayo yan sige simulan mo na ang kumita

hehehe ok lang yan mukha ka pa rin naman yatang gwapo kahit na medyo mataba e lol basta ba di ka high blood e
happy new year din sayo friend!
January 3rd, 2008 at 11:48 pm
ate melai!!! may sponsored post ka na?! oh my gulay! buti ka pa. huhuhu.. Happy 2008 ate melai!
jojitah’s last blog post..two-oh-oh-seven
January 3rd, 2008 at 11:53 pm
inggiting kita hehehe! ginagawa ko ngayon yung sponsored post lol!! waaahhh pray natin hindi mareject sayang din yun..hirap kitain ng dolyares ano.
happy new year din sayo sistah! ang ingay talaga ng blog ni chuvaness lol!
January 4th, 2008 at 8:44 am
ayaw tanggapin mga comments ko, 3rd na itesh!
goodluck sa lahat melai….napagod na ako kaka type hu hu
Thess’s last blog post..Don’t be a weakling, protect yourself!
January 4th, 2008 at 9:35 am
ako rin, im doing some new year’s resolution too, hindi ko naman dating ginagawa. theres something about this new year, full of hope and promise for all of us.
so mag ppp ka na rin. ok lang yan. andami na umasenso dahil dyan, so go! best of luck!
lady cess’s last blog post..Resolutions and Goals
January 4th, 2008 at 9:47 pm
sensya ka na sis..kaya siguro ako kinakarma sa blog ni manay beng kasi pasaway din yung anti spam ko e lol!!
maraming salamat
January 4th, 2008 at 9:49 pm
naku sinabi mo sis..para ngang meron ngayong taon na to na ewan hehehe bigla parang kahit na feeling ko e hirap ako e ang liwanag naman ng mga susunod na araw
bagsak ako sa PPP ilang bwan na nakakaraan sis ..d daw kasi ako marunong mag ingles lol!
January 5th, 2008 at 8:37 am
Happy New Year Manilenya! Good luck sa inyong mga resolution. Sana ako din matuto matulog ng maaga nang sa gayon, maaga din ako magising. Bukas din ako magsisimula.
Toe’s last blog post..Mommy in Phnom Penh