Ninenok ko kay Senyorito Ambo yung title ko since mommylenya ang tawag nya sa akin at sa tingin ko e bagay na bagay yung title sa meme na ito na inabot na ng isang libong taon bago gawin.
Para sa akin masyadong kritikal ang isyung ito, yung isiwalat ang mga fears ko bilang ako na isang ina at ako bilang isang single mother/older sister ng nag-iisa kong anak.
Ipinanganak ko si Aya noong panahon na sikat na sikat si Leo Echagaray. Isa akong bagong ina, undergrad at hindi sigurado sa bagong buhay na tinatahak ko bilang isang ina at soon to be a “separada” beauty. At dahil nga sikat si Echegaray ako’y biglang natakot sa mga manyak na lalaking naka costume ng angel’s suits, I was paranoid back then. Hindi ako mapakali kung hindi ako ang magpapalit ng diaper ng anak ko.
At kung sa inaakala mo na iyan na ang kinatatakutan ko, nope. Alam ko na may mas matindi pang darating sa mga susunod na panahon, hindi ko lang malaman eksakto kung ano yun.
And she turned 2 and a half. Pagkatapos niyang kabisaduhin yung kantang `all by myself` ni hehehe nakalimutan ko name nya (my alzheimer`s disease again), nakita ko siyang may hawak hawak na kutsara at kinukutsara yung `balls` nung pinsan ko na kasing edad nya rin habang nakahiga sa center table.
Siyempre nagulat ako at ito ang reaksyon ko:
Ako: Ayaaaaaaaaaa!!!! ano ginagawa mo?
Pinauwi ko yung pinsan ko sa bahay nila at hinila ko pataas, papuntang kwarto si Aya. Maya-maya umiiyak na ako. Ang sama ng tingin ko sa kanya pero sya wala lang, nilalaro kung ano mahablot ng kamay. Tinupi-tupi ko mga damit nya tapos balik tingin ako sa kanya na tumutulo na mga luha ko.
Bigla ko naalala yung isang pangyayari na prinesent ko sa Mental Hygiene class ko noong nag-aaral pa ako. Tungkol ito sa dalawang magpinsan na parehong may tatlong taong gulang na naglalaro ng bahay-bahayan, nakita sila ng mga magulang nila na magkapatong sa kwarto with matching kumot pa at bilang isang ina nakakatakot yun diba?
Tingin ulit ako sa kanya at ngayon humahagulgol na ko.
Aya: Bakit ka umiiyak ma?
Ayos ha! kanda emote na ko siya parang wala lang as in hindi nya alam kung bakit ako umiiyak. Pero ano nga ba ang dapat iexpect ko sa isang dalawa’t kalahating taong gulang? Wala siyempre.
At wala pa rin akong pwedeng i-expect sa mga darating na panahon lalo na at patuloy siyang magiging bata pa rin.
Tinanong ako minsan ng tita ko nung naglilimang taon na si Aya, paano daw kung isang araw e maging aktibista din si Aya tulad ko noong nag-aaral pa ako. Ang sabi ko okey lang. Kung iyon ba yung gusto nya e at ang sabi ko mas maganda kasi alam ko na nag-iisip siya pero kailangan magtatapos siya ng pag-aaral habang gumagampan ng responsibilidad sa bayan. (Bagay na hindi ko nagawa noon.)
E paano naman daw kung sakaling sa murang edad e mabuntis, ano daw ang gagawin ko. E di magbuntis, pero hindi siya magpapakasal. Not until she’s mature enough at yung lalaking makakabuntis sa kanya at higit sa lahat kailangan magtapos pa rin siya sa pag-aaral niya.
Hindi ko alam kung sakaling mangyari yang mga bagay na yan e talagang ganyan nga ang gagawin ko pero ineexpect ko na ganyan nga ang gagawin ko.
Iyong mga bagay tungkol sa future ng mga anak, alam ko lahat ng magulang ay iyon ang kinatatakutan kaya ako hindi na ko natatakot kasi alam ko na hindi ako nag-iisa pagdating sa mga ganung bagay. Marami akong pwedeng maka exchange notes about parenting teenager’s stuff. Sa ngayon masaya pa ako dahil hindi ko pa nararanasan ang mga ganitong klaseng problema.
Sa kabuuan, ang mas kinatatakot ko ay yung may manakit kay Aya ng wala siyang kalaban-laban. Alam ko kung ano ang sinasabi ko pero kumplikado kung idedetalye ko pa. (Iyan yung mga tumatakbo sa isip ko about this meme during the time na hindi ako nagbablog but I decided not to post it dahil masyado ng personal.)
At kung sakali man na mangyari iyan. Ang sinumang manakit sa anak ko ng walang kalaban-laban (emosyonal man o pisikal) tiyak na tiyak na papatayin ko.
Papatayin ko ng masamang tingin pramis.
Noong tinanong ko si Aya kung bakit niya kinukutsara yung “balls” ng pinsan ko na kalaro niya, ang sagot niya ay “ginagamot ko kasi siya, doktor ako doktor!”
Nito ko lang narealize na sa halip nag-iiyak ako noon dahil doon, dapat pala mas magandang pinaliwanagan ko ang anak ko ng ganito:
Pag doktor ka hindi kutsara ang ginagamit mo kundi stethoscope, at ang ari ng lalaki e hindi kinukutsara kapag ginagamot. Sinisilip iyon para malaman kung luslos o hindi, kung may sugat o wala. At saka hi-tech na ngayon, kuhanan lang ng dugo o ihi malalaman mo na kung may sakit o wala. Kaya dapat e tinusok mo ng karayom.
Hehehe! tiyak sinugod ako bigla ng tita ko kung ginawa ni Aya yun.
Viewed 1554 times by 115 viewers
December 16th, 2007 at 9:48 pm
hehehe! kung ako tuturo sa kanya, tyak hindi kutsara ang sasabihin ko! hahahahaahahahaha!!!!
diba mommylenya instincts naman talaga yong ingudngud mo sa lupa at putik yong nanakit sa anak mo? ako nga, kahit hindi ako nabuntis at dahil mahal na mahal ko yong pangkin kong magiging eredera nang mga ari-arian kong kalabaw sa barrio siete - nung inismol ismol sya dito sa iskul dahil nga ang mga pinoy daw eh nakatira sa mga karton, ateng! nagsisigaw akong DARNNNAAAA!!!! ayun naayos ko naman ang gusot, natakot lang nga akong ilublub sa putikan ang mga mukha nong mga nanlait sa kanya… ano kase eh… ang gagwapo nang mga tatay!!! hahahaha
HOY eh kaya naman pala nadelete yong public folder eh nagbago ka na naman nang bahay! HAHAHAHA
December 16th, 2007 at 9:52 pm
hehehe nagulat kamo ko kasi bakit kutsara ang hawak nya hindi man lang martilyo lol!!
mwaheheheehe! yun din ang kinakatakot ko reynz baka pag dumating yung araw na yun e gwapo ang manakit sa anak ko..di ko alam gagawin ko baka maluka luka ako lol!!!
uy hindi ako nag aayos, itong template na to e panahon pa ni kopong kopong..nawala mga files ko na bago, ang narestore ko e yung dati pa lol!
December 16th, 2007 at 10:25 pm
Pasalamat ka at kutsara, eh kung tinidor ang ginamit ni Aya?
December 16th, 2007 at 10:25 pm
ate buti narestore mo na uli tong bahay mo..
bata pa naman ata si Aya ate kaya siguro bago dumating ung panahong katatakutan mo eh magagawan mo na ng paraang magkasama kayo.
December 16th, 2007 at 10:26 pm
Dalawang lalaking magkasunod - dalawang taon ang pagitan. Akala ko, di na masusundan, Pero nagbuntis uli ako noong anim na taon na ang pangalawang anak ko. Sabi nilang lahat - dapat babae na raw para kumpleto na. Pero sa loob-loob ko, I secretly wished na sana, boy uli kasi, nandun ang takot na parang hindi ko yata alam kung paano mag-alaga ng babaeng anak. Saka, naiisip ko din ang mga naiisip mo. Paano kung mag dalaga na? Mag boyfriend na siya? Paano kung mabuntisan? Pero ngayon, 17 years old na ang anak kong babae, at wala na ang mga takot na ito. Natuto rin ako. I learned how to deal with my fears. I believe na kapag pinalaki mong busog sa pagmamahal ang isang bata, she will be emotionally mature and therefore able to make sound decisions in life.
December 21st, 2007 at 3:19 am
Haaay, motherhood. Talagang nakaka-worry lalo na sa panahon ngayon.
Pero natawa ako dun ha. Kinukutsara ang “balls”. Parang di ko ma-imagine yon. Hahaha.
Maligayang Pasko Sis!
December 21st, 2007 at 3:22 am
uy sis bwena mano ka sa pagbabalik ng blog ko

hehehe kung hindi siguro ako yung nanay nung mga time na yun siguro matatawa din ako, pero alam mo na bagong ina kaya wala pang kamuwang muwang sa lahat ng bagay
maligayang pasko din sayo sis!
December 21st, 2007 at 3:50 am
nakaka-shock naman yung kutsara episode mo. buti na lang hindi na-scoop yung balls, o di kaya napatalon yung boy kasi ang lamig nun ah (parang na-experience na!!!).
hindi ako parent pero nakakatakot talaga isipin ang possiblities sa mundo natin ngayon. yung mga pinsan ko nga paranaoid na pag yan ang topic.
buti na lang present ka na ulit sa http://www. tagal mo nawala, nakaka-miss. naks!
December 21st, 2007 at 3:59 am
monaco »
OO nga e, ayan o mag aalas kwatro na gising na naman ako :), nung time na wala akong internet dito alas diyes lang ng gabi tulog na ko, now ko lang nalaman na ang sarap sarap palang matulog
Alam mo madalas kapag paranoid ka sa mga ganitong isyu mas lalong hindi na eeduka yung mga bata e, sa tingin mo?
December 21st, 2007 at 4:23 am
Haha. Oo nga, mali ang URL na nailagay ko….eto tama na. Pramis.
Scarlett’s last blog post..Of Traditions and Superstitions
December 21st, 2007 at 6:36 am
buti nga at hindi tinidor ang ginamit ni Aya, ano?
mas malaking problema yun pag nagkataon.
sa inosenteng edad ng mga bata, napaka-eager nilang mag-explore ng mga bagay-bagay sa paligid.
Si ponkan nga nung 3 y/o at natutong makalabas ng bahay o makihalubilo sa ibang bata, nahirapan akong ma-screen ang natututuhan niya mula sa iba pang bata lalo pa’t hindi ko naman din siya laging kasama.
December 21st, 2007 at 8:54 am
malaya »
ei sis kumusta na yung blog mo? okey lang ba? tiniginan ko kanina di ka pa nagset ng theme e.
December 21st, 2007 at 9:58 am
may point ka ka jan. ganun nga ang nangyayari. hindi nila maharap yung issue kaya they avoid it altogether. ang result lahat sila talo - yung parents pati na rin yung anak. sabihin ko nga sa pinsan ko. may natutunan na namn ako sa ‘yo manilenya!
December 21st, 2007 at 12:07 pm
Ang tagal akong pinasabik ng article na ito. Nabasa ko man nung isang beses, kalahati lang. Binitin talaga ako hehe. Kakatuwa naman si Aya 2 1/2 palang eh mukhang parang ikaw na, bibong-bibo kung sumagot.
Pero tama ka, hindi ka nga nag-iisa sa fear na yan. Siguro makakapatay din ako (pero hindi sa tingin ha, hehe) kung me manakit sa mga anak ko ng walang kalaban-laban.
liza’s last blog post..The Perfect Fit
December 21st, 2007 at 12:23 pm
VIVA PUP!!!
ahahahahah
na e-emote emote na sana ko…loka-loka..gusto ko na sanang seryosohin ang entry na to eh…LOL
pero i salute you and all the single MOMS out there! happy mother’s day tsang! meri xmas na din!
chuvaness’s last blog post..The BEST TAG/MEME for Everyone!!
December 21st, 2007 at 4:24 pm
innocence of a child..nakakanerbyos talaga minsan, eh you’re a good mom..things will turn out fine i’m sure
hello melay..long time no c! salamat sa dalaw sa e-bode ko…happy weekend!
thess’s last blog post..Angel of Mine | Weekend Snapshot #10
December 21st, 2007 at 8:15 pm
monaco »
naku ha! may natutunan daw, alam mo na yan alam ko
December 21st, 2007 at 9:40 pm
hehehe masama daw kasi pumatay e kaya papatayin ko na lang sa tingin lol!
sa wakas nga naayos ko rin tong blog ko lol!
December 21st, 2007 at 9:45 pm
hehehe! mahirap na masyadong nagseseryoso tukayo
lapit na!
merry christmas din sayo
December 21st, 2007 at 9:56 pm
yeah pasensya na sis, di rin ako nakakadalaw e at muntik ko na namang mawala yung blog ko lol!
December 21st, 2007 at 9:59 pm
Maligayang Pasko kapatid! besos
cheh’s last blog post..Happy Christmas!
December 21st, 2007 at 10:02 pm
merry christmas din sis /me nakipagbeso beso kay sis cheh
December 21st, 2007 at 10:10 pm
ang sarap basahin ng mga post mo kahit mahaba…
bata pa kasi at wala sa isip niya yong ganong bagay..tayo lang naman kasi minsan ang nag-iisip ng masama…hehehe…
allinkorea’s last blog post..Wish you happiness, good health and love
December 21st, 2007 at 10:13 pm
Dear Mommylenya,
Una sa lahat huli na ako dahil pang 20 na comment ko lols. Seryus, i miss your blog. Tagal ding nawala sa sirkulasyon. Sa tuwing babalik ako dito, sarado naman. Kumakatok ako minsan kaso alang tao hehehe. Akala ko talaga seryus ang post na to, ang haba pa naman, napagod mata ko kaka lep and rayt. un pala ang punot dulo nito e dahil sa ebun! lols.
Heniwey haywey, kahit wala pa akong anak *aanakan pa lang*, dama ko din ang pagigig parent mo.
God is there to protect, guide, bless You and Aya. No matter how difficult our life is, always pray *everyday minute of the day*.
Wish you a Merry Merry Christmas Mommylenya and Aya! muah!
Ambo’s last blog post..Entrecard An Online Business Card
December 21st, 2007 at 10:14 pm
Kalimutan ko, congratulations sa bagong bahay mo momski!
Ambo’s last blog post..Entrecard An Online Business Card
December 21st, 2007 at 10:19 pm
Iyon nga naisip ko nitong huli na lol!! syempre nung una kasi bata pa ko kaya wala ring kamuwang muwang pagdating sa ganyan usapan, pero di ba nga habang nadadagdagan ang edad natin, lumalawak rin yung isip natin

hehehehe haba ba? naku sis tamad na tamad pa man din akong magbasa ng entry na mahaba buti hindi ka tinamad
salamat ng marami sa yo
December 21st, 2007 at 10:32 pm
Sensya na daddee ambo ha bumalik yung pagkaparanoid ko e kaya sinara ko bahay ko ng isang linggo lol! hindi ko na ibibilang yung mga araw na ni hindi man lang ako makapagbloghop at di rin makagawa ng entry
yaan mo sa susunod di na ko magpopost ng mahaba pero yun nga lang wala pa ring wenta lol!
Hehehe pasensya ka na pangalawa ka na sa nagreklamo na ang haba tapos wala naman palang wenta yung post
uy natouched naman ako dyan, maraming salamat
at mas lalo pa ko natouched kasi bumalik ka pa para icongrats yung balay ko
thanks papi lol!!! kuya willie kaw ba yan? lol!
December 21st, 2007 at 11:01 pm
hi sis! kelan nga ba? buti naman at gusto mo ang korea…ang asawa ko naman gusto niyang lumabas ng korea…hehehehe…
malay natin next year andito ka na…pray for that sis!
allinkorea’s last blog post..Wish you happiness, good health and love
December 21st, 2007 at 11:05 pm
hahaha! sis malabo sa isang taon kasi kailangang pag-ipunan yan e , nasa singapore nga ako mas malapit di ako nakapunta e, pero yan yung dream namin ng sis ko nun, nag-aaral pa sya ng korean writings habang nasa work lol, tapos kapag lalabas kami at nakasakay kami ng bus sus tinuturuan ako hehehe paano kaya ako nun matututo, sabi nga nya e hindi na kailangang lumayo para lang makatikim ng winter, aalis na rin sya papuntang australia pero tulad ko di pa rin nakarating ng Korea, though yung husband nya nakailang balik na dun
December 21st, 2007 at 11:49 pm
hahahaha di ako si kuya willie, kuya ambo ako. hopkors not, wala akong sinabing walang wenta post mo ah. natuwa ako kasi seryus bigla lumabas ang pagkaparanoid hehehehe. yan ang gusto ko sa pagsusulat mo eh, nakakapraning! lols
Ambo’s last blog post..Entrecard An Online Business Card
December 22nd, 2007 at 12:02 am
Ambo »
hahahaha! joke ko lang yun father este daddee ambo lol!
December 22nd, 2007 at 12:08 am
hehe.. lahat naman tayo may kinatatakutan.. yun ay ang nasa itaas.. :p
December 22nd, 2007 at 12:16 am
sis sabi ng isang brader hindi daw dapat kinatatakutan yung nasa taas
salamat sa pagbisita
December 22nd, 2007 at 1:00 am
Salamat at bukas na ulit ang iyong tahanan at bagong renovate pa! Merry Christmas sis! Sobrang nakaka relate ako sa mga fears na ito. Kaya nga parang yoko naring masundan si chikiting ko. Andaming uncertainty sa mundo, if we could only keep them from hurting no. Pray lang tayo sis. When I dwell on these things din kasi eh lumalabas pagkaluka loka ko. Hehe!
Maligayang Pasko!
December 22nd, 2007 at 3:16 am
ate, ikaw ay nagbalik!!!
buti, buti naayos na…. mwah.. ay mis u…
karmi’s last blog post..oi gising!
December 22nd, 2007 at 7:30 am
so when you kill di ka matatakot? hmmpp.. I dont think so..
jeniffer’s last blog post..BSN IV-C Christmas party
December 22nd, 2007 at 8:43 am
buti nga di nya kinakamay. sempre baka me germs, kaya mabuti na mag-kubyertos. wahahahah!
BURAOT’s last blog post..Abogado ni Kopong Kopong
December 22nd, 2007 at 8:46 am
ay nga pla sister, nibigyan kita ng award. award? oo award. dun sa kulapo site ko. meron ka na ata nun. meron? oo baka.
BURAOT’s last blog post..Abogado ni Kopong Kopong
December 22nd, 2007 at 9:34 am
wala akong hand-ons experience on raising a daughter(i have five sons)/ what i do believe my mom told me/ let a woman/daughter/sister/mother - invite them to grow and the true measure woman is like a tea bag / you will know how strong are them /when they were put in hot water - then they became a woman of substance - a remarkable woman who dared to seize a dream.
December 22nd, 2007 at 12:17 pm
Wow, magandang explanation yung naisip mo ha, siguradong maiintindihan niya yun =P smart din ang bata ha, atleast hindi hinawakan, dapat may sterile technique hehehe
kahit wala pakong anak ( o ni boyplen man lang), naiisip ko din ang mga ganung bagay. kung pano ko palalakihin ang anak ko at kung pano ko sla mapoprotektahan laban sa masasama. and since hindi ko naman sila pwedeng protektahan all the time, i wish sana lang mapalaki ko silang matitin para maprotektahan nila sarili nila. O ha, superdurper malayong future thinking to =)
Lica’s last blog post..Melissa Shoes
December 22nd, 2007 at 1:47 pm
pre.. grabe ka tinuturuan mo ng kalokohan si aya huh hehehe
merry xmas po!
kneeko’s last blog post..MeRrY ChRiStMaS tO aLL!
December 22nd, 2007 at 8:17 pm
Bago na namang template. Pagandang paganda, ala akong masabi……….
Maligayang Pasko sa iyo
December 22nd, 2007 at 9:35 pm
Jennie »
Sinabay ko talaga ang pagbubukas ng blog ko sa christmas sis lol!
kaagapay mo si hubby mo syempre
hey wag ganyan, wag ka matakot nasa yo ang lahat ng panahon at pagkakataon para mapabuti ang anak at magiging anak mo diba
December 22nd, 2007 at 10:06 pm
correct ka jan! nga lang pag nakakapanood ako ng news para bagang nababateryahan ang pagiging o.c. ko. kaya nga hindi na ako nanonood ng balita. hehehe! nakakawalang gana lalo na ang balita patungkol sa gobyerno natin.
maligayang pasko sis!salamat sa mainit na pagtanggap sa iyong lingkod. eb tayo pag uwi mo!
i really pray that u have the best Christmas this year! kisses to ur cutie pie!
December 22nd, 2007 at 10:14 pm
Jennie »
walaang anuman sis, maraming salamat din sa mainit na pagtanggap sa kin
sige ba EB tayo pagdating ko 
naku hindi ko alam kung best ang christmas ko ngayon lol! panoo ang lamig sa labas talagang nasa loob ka lang ng bahay..
merry christmas sis!
December 22nd, 2007 at 10:29 pm
syempre matatakot, pero hindi sa Diyos kundi dun sa consenquences ng ginawa ko…basta sabi nung kakilala kong nag-aral sa seminaryo na walang dapat katakutan sa Diyos
nag iwan ka pala ng message sa plugoo ko maraming salamat
December 22nd, 2007 at 10:31 pm
hindi ba believable na wala akong muwang sa mundo? pa-innocent effect? LOL.
merry christmas my friend. here’s to another year of blogging for all of us!
December 22nd, 2007 at 10:54 pm
mwahehehe! kulet mo brader ha
December 23rd, 2007 at 12:35 am
“nakita ko siyang may hawak hawak na kutsara at kinukutsara yung `balls` nung pinsan ko na kasing edad nya ”
Sabi nga ni Freud ang mga babae sa toddlerhood ay mnagkakaroon ng PENIS ENVY at kahit kelan hindi nila ito mareresolba.
“dalawang magpinsan na parehong may tatlong taong gulang na naglalaro ng bahay-bahayan, nakita sila ng mga magulang nila na magkapatong sa kwarto with matching kumot pa ”
Hindi ito normal sa batang ganun ang edad. Dapat magimbestiga.
“E di magbuntis, pero hindi siya magpapakasal. Not until she’s mature enough ”
ganitong ganito yung sinabi ko sa classmate kong buntis ngayun.
December 23rd, 2007 at 12:42 am
Buy the dvd or the book called The Secret. This might help take out you so-called mommylenya fears.
Anyways, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa iyo.
myepinoy’s last blog post..Merry Christmas and Happy New Year
December 23rd, 2007 at 3:22 am
Merry christmast to you too, batiin mo naman ako 2nd yr anniversary ng manilenya ngayong araw na to
friend.
December 23rd, 2007 at 3:28 am
Mon »
yung teorya ba ni Freud na yun e general? di ko alam kung tulog ako nung pinag-aaralan ko si freud noong tinuturo sa amin yang topic na yan sa theory of personality o baka absent ako lol!
yeah, may problema nga tungkol sa dalawang bata na ineksample ko at malamang alam ko yung problem, that’s why I brought that up sa discussion sa mental hygiene class ko
uhmmn so you mean mayroon tayong pagkakapareho sa pagtingin sa ilang bagay mon?
December 23rd, 2007 at 3:30 am
myepinoy »
thanks, hanapin ko nga yan sa bookstore
Merry Christmas muypinoy
December 24th, 2007 at 12:57 am
natawa naman ako sa comment mo Reynz! basta gwapo tiklop!
sister ko nga, pinatulan yung batang nangaway sa daughter nya…
ako din siguro papatol pag ganun…lalo na pag cute
Nakakatuwa naman ang sharing mo…mommy na mommy…parang gusto ko tuloy bigla magka-baby ng ma experience…hmm…
angelofthewaters’s last blog post..It Started With A Kiss 2 (They Kiss Again) - Episode 1 (English Subbed)
December 24th, 2007 at 1:00 am
ahhh may nangyari na sinabihan ng isang nanay yung anak ko na nang-aaway daw ..di ko na pinatulan sis masyadong petty e diba
since ako ang mas nakakaintindi bayaan ko na lang sila …syempre mas kilala ko anak ko e 
pag wala ka pa sa twenty’s wag ka muna mag-aanak lol
ey salamat po sa bisita
December 26th, 2007 at 2:58 am
mom ka na pala… im proud of single moms like you…
merry christmas nga pala.. although mejo na-late na hehehe
rhapsody’s last blog post..Age is nothing but a number
December 26th, 2007 at 3:52 pm
hehehe merry christmas din rhapsody