I was supposed to post mommy fears (tagged by Ate Liza) a week ako, teka hanggang dyan na lang ingles ko e. Dami ko na ngang litanya sa isip ko, nakagawa na nga ako ng isang matinding istorya e pero ang problema hindi ko sinusulat o tinatayp yung mga tumatakbo sa isip ko kaya sa pagtakbo ng mga araw na hindi ako nagbablog, tumatakbo din yung mga letra. Umuurong yung utak ko kaya iwan ko muna sa kawalan yung mommy fears na yan. Nabangenge yata ako sa ga-higanteng Redhorse e.
Pero pramis Ate Liza gagawin ko yang meme na yan, gusto ko kasing ikwento yung tungkol sa kutsara at sa balls e lol!
Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigang blogger na bumati, sa aking tunay, palaban at makabayang cyber Tatay Schumey, mahal na mahal kita pramis. Karen, hehehehe natawa ako sa headline na ginawa mo. Maraming Salamat. Kay Ate Liza ulit, nagpapasalamat ako sa aking tatay at nakilala kita :). At kay kapatid na Panjeeeeeeeeeettttt!!! ay wabs yu from d bottom of my hyphothalamus.
At sa 35 friend bloggers na nagkomento sa bday post ko, taas kamay ko sa inyo! Kilala nyo kung sino man kayo.
At dahil diyan, gusto kong palalimin pa ang pagpapakilala ko ng sarili ko sa inyo.
Tag ni Ida. Natawa ako dito actually, ang ganda kasi ng post ko after hiatus e and I thank her for this.
I Am a Club Sandwich |
![]() I have a big personality. It’s hard for anyone to ignore me! I dream big. I think big. And I eat big. Some people consider me high maintenance, but I just know what I want… and when I want it. My best friend: The Tuna Fish Sandwich My mortal enemy: The Peanut Butter and Jelly Sandwich |
What Kind of Sandwich Are You?
Isa lang ang korek dyan sa taas actually…I EAT BIG! lalo na kapag may tirang kanin at meron pa namang ulam. Ayaw ko kasi sa lahat yung may natitirang kanin e.
Mahilig akong kumain kapag nasa labas ako kahit walang pera. Mawalan na ko ng pamasahe basta kakain ako o kung hindi naman e iinom ako ng kahit ano. Usuallly sa pinas kapag pauwi na ako at hindi pa nakakatikim ng kahit ano galing sa labas ang lalamunan ko e kailangang huminto ako sa kawa kawang samalamig sa may divisoria (juan luna) at bibili ako ng gulaman.
At dahil pagkain din lang naman ang tema ng usapan, siningit ko na rin yung tag ni friend monaco. My comfort food.

Pag gising sa umaga kape, kapag walang makain kape, kapag nahihiyang kumain (dahil nandyan ang bos - di sila nag bebreakfast e) kape ulit. At kapag may baong tinapay sa bag ….ayan kape na may tinapay na. O kaya yogurt at kape. I used to have yosi at kape (walang breakfast) sa lunch noong nasa Singapore pa ko.
Viewed 1268 times by 100 viewers

December 13th, 2007 at 10:23 pm
penge ng kape ate..
hehehe…
nagutom naman ako sa post mo ate..
karmi’s last blog post..christmas shoes
December 13th, 2007 at 10:25 pm
karmi »
hehehe sandwich lang at kape naapektuhan ka na lol!!
December 14th, 2007 at 12:01 am
Belated Happy Birthday Manilenya! Pareho tayo… I also eat big… lalo na sa labas… sarap kumain!
Toe’s last blog post..One More Chance
December 14th, 2007 at 12:04 am
Toe »
Punta ka Singapore Mam Toe ..daming pagkain doon masasarap
December 14th, 2007 at 12:07 am
uy binati kita sa twitter!
lady cess’s last blog post..Pakasal na tayo!
December 14th, 2007 at 12:11 am
lady cess »
uy sorry hindi po ako nadadalaw ng twitter ngayon
maraming salamat sis
December 14th, 2007 at 2:02 am
yosi at kape? miss na miss ko na yun ever since tumigil na ko magyosi. mmmm, naglalaway tuloy ako! good to see you back my friend. tagal mo nawala ah. mukhang sobrang lakas tama nung red horse mo dyan! LOL.
anyways, mukhang ako naman ang mawawala ng matagal. sira kc comp ko sa bahay eh, nandito ko ngayon sa icafe. belated ha, manilenya.
December 14th, 2007 at 2:08 am
tagal na rin ako di nagyoyosi friend na monaco, last year pa nung nasa SG pa ko, pero dito trinay ko magyosi, nakikijamming ako minsan sa tyuhin ko kasi talamak yun e, minsan kapag nayayaya nya kong uminom sabay hingi ng yosi lol!…hehehehe nagpahinga lang ako mula sa pagpupuyat now eto na naman ako puyat na naman makapagblog lang tsk tsk tsk..
naku pagawa mo agad yang pc mo daming makakamiss sayo sige ka
December 14th, 2007 at 4:17 am
Hello anak!. Mahal na mahal din kita, pramis. Preho tayo, dapat walang tirang pagkain. Sa lahat ng ayoko ay aksaya. Maraming nagubutom na tao at nakakahiya sa sariling magtira. Lagi ngang laman ng dasal ko ay sana lagi kang healthy. Kung ayos lang sana lahat dito ay ‘di mo na kailangang lumayo.
Ingat ka lagi and God bless you.
December 14th, 2007 at 8:30 am
lolz… parang ako din… EAT BIG lage!! kaloka… hahaha! kape… kape… yaaaay!!
rHo’s last blog post..Months to Remember ni Ronito/Ronita
December 14th, 2007 at 10:56 pm
Belated happy birthday!!!
Abaniko’s last blog post..Blogroll Purging
December 15th, 2007 at 12:18 am
ganun yata kapag nagkaka edad na e
saka nalalaman yung halaga nung pagkain 
can’t wait sa time na makauwi ako para mas mahaba-haba yung pagkikita natin at this time syempre kasama na si ate liza diba 
uy natouched daw ulit ako
Ingat ka rin po lagi and GOD BLESS!
December 15th, 2007 at 12:27 am
uy pero di ka naman lumaki ano kahit na EAT BIG ka ring katulad ko
seksiness ka pa rin
December 15th, 2007 at 12:27 am
salamat sa bati niko
December 15th, 2007 at 4:16 am
eh kasi naman mas malaki pa sa yo yung red horse na yun. sigurado ga higante rin ang sipa ng tama nun. lols!
anyhoo, sister anong tinapay yang kasama nung kape na yan? pita bread?
December 15th, 2007 at 10:36 am
at sinong nagutom? hehehe.
belated happy birthday! nagreet kita diba?
tin-tin’s last blog post..Schadenfreude
December 15th, 2007 at 1:25 pm
Uy touched naman ako, special mention ako, 3 beses pa hehe. Yaan mo next time sasama na ako, pramis. Pero di ako iinom ng redhorse ha hehe, ndi ko kaya yun… tequilla pwede na
Ingat ka lagi and labs yu.
a simple life’s last blog post..Joke Time #4
December 15th, 2007 at 2:15 pm
melaiiiiii!!!!
tapon mo muna mga lalabahan nayannnn!! BILISSS! GO KA SA SITE KO! DAMING LUKARET NA NAG TITILIAN!!! NAGHUBAD NA AKO ‘DAY! NAGHUBAD NA ANG LOLAAAA!!! HAHAHAHA! DALIAN MO’T TATANGGALIN MO MAYAMAYA! HAHAHAHA
reyna elena’s last blog post..Happy 82nd Anniversary to Alpha Phi Omega!
December 15th, 2007 at 10:35 pm
ate melai!!! pareho tayo kape adiktus din aketch.
December 16th, 2007 at 1:17 am
hindi ako mahilig sa sandwich kc ayoko ng mayonnaise. tama na ko sa pandesal at itlog heheh o kaya pandesal at kape kaso P3 isa na ang pandesal sa Pinas, waaaahhhhh!
December 16th, 2007 at 3:16 am
pita bread nga bro …binili ko sa tabi tabi
mwahehehe di ko nga kinaya yung red horse na yan brader grabeh tama lol!
December 16th, 2007 at 3:25 am
ako laging gutom
ganun daw yata mga diabetic e
December 16th, 2007 at 3:27 am
hehehe di naman kami uminom nung nagkita kami ni tatay e
..syempre special mention ka kasi dami ko utang sa yo na tag e lol! wow! labs you too po
December 16th, 2007 at 3:30 am
naghubad lol! neknek mo gusto ko ikaw in real hehehehe anu kaya mangyayari kapag tumakbo kang hubot hubad sa nagyeyelong philly ano lol!
December 16th, 2007 at 3:31 am
sige pag tayo naman nag EB kape tayo maghapon lol! tapos dilat tayo magdamag ano
December 16th, 2007 at 3:32 am
uy! masarap yan pandesal at itlog
ganun? ang mahal naman nyan dati piso lang e
….may pandesal din dito pero mas masarap pandesal sa pinas pramis…
December 16th, 2007 at 3:37 am
ngek akala ko totoo na lahat un.. sabay biglang What kind of sandwhich are you? hehehehehhe…
u eat big pero di ka tumataba.. ang galing naman… ano bang secret sis?
rhapsody’s last blog post..inshallah
December 16th, 2007 at 3:43 am
puyat siguro wahehehehe lagi ako puyat kaya ako di tumataba ….nangangayayat pa kamo
December 21st, 2007 at 12:14 pm
tukayo na miss kitaaa
chuvaness’s last blog post..The BEST TAG/MEME for Everyone!!
December 21st, 2007 at 10:32 pm
chuvaness »
tukayoooooooooo namiss din kitaaa!!!
December 22nd, 2007 at 8:30 am
manilenski, dati ko pa gustong gustong magparamdam dito sa blog mo kaso naiinis ako sa dati mong spam blocker.. ang hirap kase hulaan nung letters at numbers na nakasulat pero ngayon hokey sa holrayt na.
tsaka nga pala, gustong gusto ko tong picture mo na to http://manilenya.aminus3.com/portfolio/10.html ang galing ng pagkakacompose, kuhang kuha yung emosyon ng mga batang kalye.. lalu pang humokey dahil b@w.
tsaka lulubusin ko na ha.. pakialamero kase ko, sana nagawa ka nalang ng wordpress photo blog para sayo parin ang royalty ng pictures, tsaka dun sa current photo blog mo hindi allowed ang comments. mas hokey kung pwede makapag-comments ang mga ususero. hahaha
tabi-tabi po..
Kotsengkuba’s last blog post..A Letter to Janice
December 23rd, 2007 at 3:41 am
Kotsengkuba »
At ngayon ramdam na ramdam na kita
maraming salamat!
yang mga batang yan, personal kong kilala mula nung mga sinilang sila, may isa akong entry na gusto kong idedicate sa isa sa mga batang yan
salamat naman at nagustuhan mo yung photos 

actually may plan akong magcreate ng isang photoblog na self hosted e kaya lang takot pa kong simulan kasi bago ako sa ganitong tema e, hindi kasi ako talagang photographer gusto ko lang magkukuha ng mga litrato kahit na pipitsugin lang yung cam ko, ang alam ko pwedeng magcomment dyan kahit na hindi member nung site e, heniways paalam ko sayo kapag nagkaroon na ako nun, one of these days and that’s for sure
maraming salamat sa pagbisita