Bad ba ko?
Noong kausap ng kaibigan kong pinay sa YM yung anak niya, ang sabi niya “yang hikaw mo tanggalin mo yan ha!”
41 na ang kaibigan ko at anak nya naman e 17 na. Hindi ko maiwasang sumabat. Nilapit ko yung bibig ko sa laptop at ang sabi ko “hindi, okey lang yan …wag mo tanggalin.”
Noong nagusap ulit sila, eto na naman si nanay pinipilit yung anak na tanggalin yung hikaw nya. Ang sabi nung anak, “e sabi ng kaibigan mo okey lang to.” Hindi tinanggal ng anak yung hikaw nya.
Sa tingin nyo bad ba ko?
***
Noong dumating ako last week sa bahay, nagkwento ako tungkol sa isang batang puti na nalaman ng mga magulang na nag mamarijuana, maya maya pinahinto ako nung tita ko dahil nasa taas lang namin yung dalawang bata. Ayaw nyang maririniig ng mga bata yung usapan namin tungkol sa drugs.
Pagsapit ng linggo, nagshohovel kami ng driveway, kinwento ko sa dalawang bata na, hindi na binibigay ng mga magulang nya lahat ng gusto nung isang bata na kakilala ko kasi me ginawa syang bad. Pinilit ako ng mga pinsan ko na sabihin kung ano yung bad things na yun. Ang sabi ko nagdadrugs kasi yung bata. Bad yung ginawa nya kaya hindi na siya bibigyan ng mga bagay na gusto nya ng mga magulang nya. Parang parusa ba.
Kinuwento ko yan sa dalawang pinsan ko gayung pinagbawalan ako na magsalita about drugs sa kanila.
Bad ba ako?
Two weeks ago nakita ko yung 16 anyos na bata dito na bumubuga ng usok sa labas, tinignan ko lang sya. Napailing. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ako umiimik. Iba kaya lahi nya at iniisip ko baka sabihin e bakit ko sya pinakikialaman. Hindi ako ang nanay nya. At higit sa lahat wala akong tapang na pumigil sa isang disisais anyos na tigilan ang paninigarilyo…….dahil ganung edad ako natutong manigarilyo. Ang tapang naman ng apog kong pigilan sya kung ganon.
Sa unang dalawang kwento, ang pinupunto ko e:
- Bakit kailangang pigilin ang isang disisyete anyos na i-express ang sarili nya sa pamamagitan ng paglalagay ng hikaw? Ang sabi ko sa kaibigan ko (siya yung nagbigay sa aking ng book), kami ngang tatlong magkakapatid noon e tatlo tatlo ang hikaw e bale anim hanggang pito, depende kung maraming reserbang hikaw.
- Sagot nya e “babae naman daw kami”. Kawawa naman pala ang mga lalaki kung ganoon. Hindi pwede yan, kailangan pantay ang laban. Kung kayang maghikaw ng babae, syempre kaya ding maghikaw ng lalaki.
- Bakit kailangang itago sa mga anak yung mga mahahalagang impormasyon katulad ng drugs at kung anu-ano pa na maaring makita at gawin di lang ng kabataan, lalahatin ko na sa labas ng bahay. Wala bang tiwala sa mga anak? Hindi ba mas malalayo mo sa masama ang mga anak mo kung ikaw mismo ang magkwento sa kanya ng mga consenquences kung sakaling gawin nila yung mga bagay na yun?
- Isa pa, expose na nga yung dalawa sa mga X-rated movies e. Nakita ko yung tape na pinanood nila ng mga kaibigan nila. Hindi ba mas mahirap yung ganoon. Ikaw na mismong magulang hindi mo alam yun? Kasi takot kang malaman na may kaalaman na sila sa maraming bagay, lalo na yung mga bagay na madalas ipagbawal sa kanila ng mga mas nakatatanda.
Ang susunod ay ang Fears ng isang nanay na katulad ko, lalo na ng isang nagsosolong magulang na katulad ko.
| 2.5 |
Viewed 2274 times by 514 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!

di naman masama yung hikaw and other forms of expression. generation gap pero 40 something pa lang meron na nun? hirap tlaga
tutubi sa tabi-tabi’s last blog post..Green is IN at Splendido Taal Golf Course, Metro Tagaytay
Siguro kung kapwa natin Pinoy okey lang na makialam, lalo na’t kaibigan. Depende na lang kung paano nila tatratuhin ang ating opinyon sa mga bagay-bagay. Wala namang masamang maghikaw, pero nakita mo ba kung bagay talaga ang hikaw dun sa bata? Baka kaya pinahuhubad ng ina, dahil sa tingin niya hindi akma ang nasabing hikaw sa anak. Kumbaga naroon ang puntong mother knows best. Pero sa isang banda, kanya-kanyang taste yan e at karapatan ng bata na i-express ang sarili nya tulad ng punto mo. Ito ay kung titingnan natin sa malayang aspeto at hindi ibabatay sa kung ano ang kinagisnang kultura ng mga Pinoy kung saan kailangang sumunod ng anak sa magulang.
Pero kung ibang lahi, mahirap ngang makialam kasi iba ang kinamulatan natin sa kanila. ang kabataan nila ay hindi tulad ng kabataan natin na kahit matigas ang ulo nagpapasupil o nasusupil pa rin ng magulang.
Bad ka kasi ikinuwento mo yung story nung batang nagdrudrugs. Uhm… hindi dahil bawal sa mga bata kundi dahil confidential yun….
Mainam din yung medyo maluwag sa mga bata kasi naginging rebelious ang mga ito kapag maraming bawal bawal na yan!
happy weekend melai musta na?
cheh’s last blog post..Photographs & Stories
yan pa naman ang isa sa mga pinaka-mahirap i-reconcile sa magulang at anak — fashion sense! hehe… hikaw niya yun. type niya. choice niya.
ergo, isusuot niya ito come hell or high water (or until finally pagsawaan niya… whichever comes first)
Taroogs’s last blog post..Lupa! Basta Lupa! Lintek!!!
bad ba? Some parents don’t want any interference in matters on how they impose rules on their kids. Kung anak na lalaki ko ang kid no 1, dugoan na siguro tenga nya. Kung sa marijuana naman, nasa tyan na nya siguro yung marijuana kasi ipalamon ko. As to x movies, ban ang tv for a year.
Bad ko siguro nito. But I’ll train up the child in the way I want him to go. And of course, dapat lang makita din nya sa akin yung mga pangangaral ko. When he comes on the right age, he’ll understand everything.
alam mo, yan siguro and dapat baguhin ng mga pinoy parents specially the older ones. hindi open ag communication. talking about drugs or sex should be done para maging open kayo sa isa’t isa about these sensitive topics. keeping it away from them will not solve the issue. wala bang tenga ang mga anak mo, wala bang mata? makikita at maririnig din nila sa ibang tao yun bakit hindi pa mula sa yo, at least mapapagpaliwanagan mo at controlado mo ang siyuation. di ba?
last week sa debut ng pamangking ko sa pinsan, bilib na bilib ako sa pinsan ko kasi open na open yung mga anak nila sa kanya. they talk about anything kaya wala silang problema. in fact, nung drinking time na, pinatikim pa niya ng tequila and whisky. ang sabi, “yan para at least alam mo kung ano yan at ano lasa. but drink only when you’re with us.” di ba nakaka-bilib? ganun na siguro dapat ang parenting ngayon. di na tulad dati na bawal ito, bawal yan!
ay, ang haba ng comment ko. gawin ko na kayang topic na post ko?
di pa ko tapos. he he. dun sa pagyoyosi, medyo no comment ako kasi 16 years old pa lang, walking tambutso na rin bibig ko eh.
lalaki ba ung anak ate? hmmm, ung kapatid kong lalaki nagpahikaw kahit na alam nyang ayaw ng tatay ko.. nung nalaman ng tatay ko, nagalit lang saglit tapos hinayaan na lang nya.. di na naghihikaw ung kapatid ko ngayon.. nagsawa na siguro..
di ka naman bad ate, ok lang na magbigay ka ng opinyon mo pero syempre, ung mga magulang pa rin nung bata ang masusunod.. iba-iba kasi tayo ng way kung pano pinalaki diba? pwedeng ganon sila magdisilipina ng anak nila..
karmi’s last blog post..wish ko sa pasko
Sabi ko na nga ba’t sa tag din iyan mauuwi ito. Hanep sa pasakalye. Pero tama ka, anak sa iyong pananaw. Ako ay pinalaki na hindi ignorante sa mga bagay sa paligid ko. Hindi ako hinayaang tumuklas ng mga bagay-bagay ng mag-isa. Bata pa ay minulat ako sa mga bagay na tulad ng drugs, sex at politika. Hinayaan akong umusbong at magkaroon ng sariling pagiisip. Sana ‘di magbago ng pananaw. Alam kong lalaking mabuting bata si Aya.
Lapit na birthday mo!
hokey lang lahat nang yan..
yung sa pc, sana sinabi mo, kulang pa mek-ap nya, dagdagan nya. ska palagay din sya hikaw sa ilong, yun ang “in” ngayon.
yung nagma-marijuana, sabihin mo i-bake nila yun, gawing brownies, yun mas masarap. join na rin yung parents para matikman nila para alam nila kung anong ipapaliwanag nila.
yung nagyoyosi, sabihin mo subukan nya magtabako. o kaya subukan nya yung tambutso, mas hokey yun.
at sempre, nagpapatawa lang ako kahit di nakakatawa. gusto ko lang naman sabihin na hinde, hindi ka bad. pramis.
ay sis ko- off topic ito at mabisilian lang hehe– ni tag kita at pwede mo naman itong gawin any time na maluwag ka na–pls check it HERE!
gandang araw sau dyan !….
Hindi ka bad sa pagsasalita tungkol sa hikaw ng anak ng pren mo. Hindi ka rin bad sa pagsasalita ukol sa droga. Sang-ayon ako sa pagsusukbit ng hikaw kahit saang parte ke babae man o lalaki lol……..Ibigay ang hilig kumbaga. Sa mga anak ko, ayos lang bahala sila, wag lang sila pahuhuli sa tatay nila lol………
basta ako….cool mom ako. wala kami masyadong rules sa bahay. siguro sadyang maswerte lang ako sa mga junakis kokasi masunurin at mababait. mas pasaway pa ako kesa mga anak ko.
MARU’s last blog post..Happy Weekend!
hindi pa ako parent, but about sa pagbabawal sa anak — there are some things na kahit ipagbawal mo eh gagawin pa rin nila out of curiousity and all..so might as well teach them na lang how to do it ng maayos and be responsible for their actions.
wawa naman yung mga kids na nililimit yung freedom when it come to their choices..along the way, matututo din naman ang mga yan..they will grow up eventually and when they look back, they can say that they’d been there and done that..
elay’s last blog post..The Other Side
ate, para sa akin hindi ka bad..
para kasi sa akin, nagsisimulang matuto ang mga bata pag nasa bahay sila… kung hindi pa sila pumapasok sa eskuwelahan, mas marami sa oras nila ang ginugugol sa loob ng bahay.. kung kayat dapat sa mga magulang unang dapat matuto ang mga anak..
kaya nga naimbento ang kasabihang, walang magulang na gustong mapasama ang kanyang mga anak..
mas mabuti na sa magulang mismo matuto ang mga anak dahil mabubuo ang tiwala sa isat isa at hindi matututo ang mga bata na iexplore ang mundo na sila lang.. maaari itong magdulot na silay malihis ng landas…
isa rin itong paraan ng komunikasyon sa pagitan ng anak at magulang. hindi makukuha sa puro bangayan at sigawan ang paguusap,. kailangang pagusapan ang mga bagay, lalo na ang mga komplikado nang mahinhanon at parehong bukas ang isip sa mga opinyon ng bawat isa…
;)))
he he.. hindi pa ako magulang, pero halata naman na mejo liberal ako..
he hehe. plus may hikaw rin ako, trip ko nga dagdagan at mag patatoo pa.. patay ako sa nanay ko nito pag nagkataon!!
mukhang busy ka, my friend. absent ka sa cyberspace for the past days. anyways, keep smiling.
hehehe generation gap na ba ang dating? eh kasi iba na ang mga trip nang bata ngayon eh! hehehe! ayan! nahahalata tuloy na otsenta anyos na ang lola!! anobeehhh!!! hahaha!
reyna elena’s last blog post..Ginoong Pilipinas USA 2008
walang masama sa mga sinabi mo. okay lahat yun. it’s a very prudennt decision on your part even the smoking thingy. may mga bagay na dpat at di dapat sabihin pero sa lahat ng mga sinabi mo sangayon ako kasi iba ang generation ng mga bata ngayon kesa sa atin. mas expressive sila kaya dapat mas maintindihan natin yun, dahil napagdaanan natin mga yun nung bata pa tayo.
bluepanjeet’s last blog post..Job Opening For Nurses
Naku, what’s wrong with the hikaw? 17 na sya. At least hindi sa ilong o kaya sa pusod!
Ok nga at nagsabi ka lalo pa at curious ang mga bata. 16 is not a young age to educate about the bad things drug causes.
Leah’s last blog post..Roller Coaster Tycoon
Kahit ano pa ang ibulong mo dun sa anak nasa kanya na yun kung talagang masunurin syang anak. Susunod pa rin sya sa magulang nya. Kahit wala syang narinig mula syo kung talagang ayaw nyang hubarin yung hikaw may ibang katwiran pa rin syang sasabihin. Pero para sakin hindi ko rin gustong maghikaw ang anak kong lalaki .
ann’s last blog post..TAG from Liza
Kung ang hikaw ay nasa eyelid nya, ibang klase nga yan. Dapat tanggali baka mabulag pa.
Abaniko’s last blog post..Mercedes Cabral
kung sa eskwela nga tinuturo na sa mga elementary at highschool nga tinuturo na ang dulot ng drugs sa buhay ng isang tao dibah… actually mas makakatulong nga na alam nilang masama pala ang mga bagay na iyon para alam nila an mga dapat nilang iwasan.
melanie’s last blog post..2007 Christmas Tree Blog Parade
Para sa akin hindi ka Bad Momski. Una sa lahat, iba-iba kasi ang pananaw ng mga tao sa mga bagay na dapat bigyang importansiya. Pangalawa, kung sa ibang bansa lumaki ang bata marahil iba na din ang kinagisnang kultura nila, maaaring nag iba na din ang pananaw nila dahil sa influence na nakikita nila o sa environment na kung saan sila. Pinagmamalaki kita Momski, tulad ng sinabi ni Daddy Monaco, hindi masama kung maging open ang bawat isa. Tulad ng ginawa mo. Mas mainam ngang sabihin at ipaliwanag sa mga bata ang epekto at masamang dulot nito, tulad ng paninigarilyo at droga. Pero kung ako ang tatanungin tungkol dun sa hikaw, para sa akin ok lang naman yun kung gagamitin sa tamang lugar at sa tamang pagkakataon.
Before i go, i just wanna greet you for the third time, A Happy Happy 20th Birthday to you!
Inpernes kami lang ng Ninong Bluep ko ang me gravatar sa lahat ng nagcomment bwahahaha
Ambo’s last blog post..Story of Two Girls and a Cup
Hello, Kanya-kanya talaga ng diskarte sa mga anak. One time New year,tinawag ko mga anak ko, inuman kami. Ke babae ke lalaki basta gusto uminon. Nagalit Mrs. ko. Nung matapos kami, lahat lasing. Yung mga babae sumakit ang ulo hindi na umulit. Yung mga lalaki namula ng husto,yung isa nag blow.
Akam ko iinum din ng alak yang mga yan at patago pa. Bakit ko hahayaan ibang tao mag turo ng bisyo kung pwede ko naman ipaliwang kung ano ang resulta ng bawat aksiyun nila. Maaring bad din ako. hehehehe.
pmonchet’s last blog post..Ala-ala (P.C. Memory Card)
Minsan iba iba ang interpretasyon ng tao sa mga tama at mali. Pero kung kaya mo nmang panindigan ang paniniwala mo tingin ko walang masama dun… dika bad, nagbibigay kalang ng opinyon.. hehe tama ba pinagsasabi ko.. sakit ng ulo ko e! haha
tikey’s last blog post..Perfect home for your family
hindi yan bad! yun lang ang sarili mong identity lahat naman tayo me kanya-kanya nun eh!
emmanuel martinez’s last blog post..Featured Artist for the week - Brian Joseph Valeza
depende nga yan sa norm na kinalakihan ng bata.. sa pamilya namin, pinagbabawal ang hikaw, yosi at kung anu-ano pa… at malaking pasasalamat ko sa kanila yon. pero hindi ako naive sa mga makamundo at kung anu-anong mga kalokohan, alam ko lang na dapat minsan alam mo na tama pala ang mga magulang, ayaw lang nila tayong mapasama..
razberry’s last blog post..Birthday birthday…
hi sis!
para sken sis, hindi ka nman bad. kanya-kanya lang talaga ng paniniwala yan eh. kanina nga, sabi ko don sa anak ng kaibigan ko na pabiro, “get rid of your mother” kasi namomroblema siya sa lovelife at pakikialam ng butangera nyang nanay. pero syempre, secret lang hehehe…
mhel’s last blog post..An Awesome Christmas Treat in Subic!
mhel »
uy sis marikenya ….nabisita ka sa manila lol!!
yeah hehehe ako rin pakialamera e lol!!! pero gusto kong maging cool sa anak ko at sa magiging anak ko if ever dumating sila sa ganyang age
okay lang yun, habang bata rak en rol!
pornstar88’s last blog post..Green Halaman