Noong kausap ng kaibigan kong pinay sa YM yung anak niya, ang sabi niya “yang hikaw mo tanggalin mo yan ha!”
41 na ang kaibigan ko at anak nya naman e 17 na. Hindi ko maiwasang sumabat. Nilapit ko yung bibig ko sa laptop at ang sabi ko “hindi, okey lang yan …wag mo tanggalin.”
Noong nagusap ulit sila, eto na naman si nanay pinipilit yung anak na tanggalin yung hikaw nya. Ang sabi nung anak, “e sabi ng kaibigan mo okey lang to.” Hindi tinanggal ng anak yung hikaw nya.
Sa tingin nyo bad ba ko?
***
Noong dumating ako last week sa bahay, nagkwento ako tungkol sa isang batang puti na nalaman ng mga magulang na nag mamarijuana, maya maya pinahinto ako nung tita ko dahil nasa taas lang namin yung dalawang bata. Ayaw nyang maririniig ng mga bata yung usapan namin tungkol sa drugs.
Pagsapit ng linggo, nagshohovel kami ng driveway, kinwento ko sa dalawang bata na, hindi na binibigay ng mga magulang nya lahat ng gusto nung isang bata na kakilala ko kasi me ginawa syang bad. Pinilit ako ng mga pinsan ko na sabihin kung ano yung bad things na yun. Ang sabi ko nagdadrugs kasi yung bata. Bad yung ginawa nya kaya hindi na siya bibigyan ng mga bagay na gusto nya ng mga magulang nya. Parang parusa ba.
Kinuwento ko yan sa dalawang pinsan ko gayung pinagbawalan ako na magsalita about drugs sa kanila.
Bad ba ako?
Two weeks ago nakita ko yung 16 anyos na bata dito na bumubuga ng usok sa labas, tinignan ko lang sya. Napailing. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ako umiimik. Iba kaya lahi nya at iniisip ko baka sabihin e bakit ko sya pinakikialaman. Hindi ako ang nanay nya. At higit sa lahat wala akong tapang na pumigil sa isang disisais anyos na tigilan ang paninigarilyo…….dahil ganung edad ako natutong manigarilyo. Ang tapang naman ng apog kong pigilan sya kung ganon.
Sa unang dalawang kwento, ang pinupunto ko e:
- Bakit kailangang pigilin ang isang disisyete anyos na i-express ang sarili nya sa pamamagitan ng paglalagay ng hikaw? Ang sabi ko sa kaibigan ko (siya yung nagbigay sa aking ng book), kami ngang tatlong magkakapatid noon e tatlo tatlo ang hikaw e bale anim hanggang pito, depende kung maraming reserbang hikaw.
- Sagot nya e “babae naman daw kami”. Kawawa naman pala ang mga lalaki kung ganoon. Hindi pwede yan, kailangan pantay ang laban. Kung kayang maghikaw ng babae, syempre kaya ding maghikaw ng lalaki.
- Bakit kailangang itago sa mga anak yung mga mahahalagang impormasyon katulad ng drugs at kung anu-ano pa na maaring makita at gawin di lang ng kabataan, lalahatin ko na sa labas ng bahay. Wala bang tiwala sa mga anak? Hindi ba mas malalayo mo sa masama ang mga anak mo kung ikaw mismo ang magkwento sa kanya ng mga consenquences kung sakaling gawin nila yung mga bagay na yun?
- Isa pa, expose na nga yung dalawa sa mga X-rated movies e. Nakita ko yung tape na pinanood nila ng mga kaibigan nila. Hindi ba mas mahirap yung ganoon. Ikaw na mismong magulang hindi mo alam yun? Kasi takot kang malaman na may kaalaman na sila sa maraming bagay, lalo na yung mga bagay na madalas ipagbawal sa kanila ng mga mas nakatatanda.
Ang susunod ay ang Fears ng isang nanay na katulad ko, lalo na ng isang nagsosolong magulang na katulad ko.
| 2.5 |
Viewed 1555 times by 378 viewers

manilenya
Comment by