Umalis na naman sila noong Sabado papuntang Toronto, niyayaya ako pero di ako sumama, una kasi doon sa pupuntahan nila e me nadiscover kaming bagong shop na mura ang mga damit at kapag sinukat ko grabe ang ganda ganda sa akin, oo as in! Mura pero kapag pinagsama-sama mo yung presyo ng mga papamilihin mo syempre mahal, lalo na kapag iko-convert mo sa peso. Mahilig pa rin ako magconvert hanggang ngayon. Magastos at ayaw ko munang gumastos na naman ngayon.
Pangalawa kasi mas gusto kong magbabad sa kompyuter. Pero di rin ako nakapagbabad sa kompyuter, nagkayayaan kami ng kasama kong weekender na pinay sa bahay ni tyong, subukan daw naming maglakad papunta sa mall na di ko matandaan kung ilang metro layo dito, hehehehe bobo ako sa metro at kilometro e.
Negative 14 ang temperatura sige suong kami sa gitna ng malamig na lansangan. Ginaw na ginaw ako noong papunta pa lang kami, doon ko nalaman na yung gloves ko pala e di kakayanin yung lamig sa labas tapos wala pa akong bonnet o sumbrero di katulad ng kasama ko, palibhasa lagi palang naglalakad sa malamig e handang-handa.
Pero noong pauwi na kami, bitbit bitbit yung mga grocery bag na pinamili namin, hindi ko naiwasang ilabas yung kamera ko. Bigla nakaya ko lamig lalo na kapag binibigay ko sa kasama ko yung mga dala kong grocery bag sa tuwing kukuha ako ng mga litrato. Very supportive ang lola ko!

Nasa tulay ako nito. Yung kalagitnaan ng gilid ng creek na yan, diyan ako naglalakad (shortcut) papuntang library kung saan ako nag iinternet dati noong wala pa akong laptop.

River Dale Park. Soccer field yang may fence na yan at opposite nyan ay ang playground kung saan ko kinuha yung isang litrato para sa Weekend Snapshot entry ko.

Grabe yang buwan na yan, noong nakaraang linggo hinahabol ko yan habang nakasakay ako sa van ng tyuhin ko di ko mahabol-habol. Nandito lang pala. Ewan ko, ang laki laki ng buwan dito, parang ang baba baba, o dahil kasi winter kaya ganoon.
Viewed 1439 times by 237 viewers
December 6th, 2007 at 1:02 am
wow parang ansarap talaga maglaro jan sa snow! naku, ok na ba ang gadgets mo at lalong lalo na ang iyong camera?
pusa’s last blog post..inside mv doulos
December 6th, 2007 at 1:06 am
pusa »
nandito pa rin sa laptop yung memory stick, alam mo ba kung paano ko maalis waaaahhh!!! di ako mabubuhay ng walang camera kahit na pipitsugin lang to lol! syunga syunga ko kasi e pinasok ko ng walang duo pro
December 6th, 2007 at 1:46 am
wow naman. how i wish makarating din ng Canada (nangarap ba). ako nga pala ung nag chat sayo the other day.
December 6th, 2007 at 2:14 am
parang ang sarap din kapag may snow dito sa Pinas. hehehe
Ate may TAG ako sa yo. Sa tayo sa birthday mo? hehehe
December 6th, 2007 at 7:48 am
naks, picture taking while walking.. ^_^
talagang tiniis ang lamig eh noh? waaaa.. di ko kakayanin yang ganyang lamig ate…. buti na lang din pala walang snow d2 sa lugar namin…
hala, nasa loob pa rin ung memory stick? waaaa.. pano un?
karmi’s last blog post..girrrrrl power
December 6th, 2007 at 8:59 am
winter wonderland ang dating, pero -14? yikes, sobrabg lamig naman. dito nga atin ngayon, nag 19 degrees lang last week, gininaw na mga tao at nirayuma na mga matatanda! mahal nga gulay ngayon eh (nagbalita pa!) dahil nagyelo daw sa baguio.
galing ng adventures mo manilenya. ingat.
December 6th, 2007 at 10:09 am
Birthday mo na ba??? hehehehe… happy birthday. BAsta pag dating sa piktyuran, kahit ano susuungiin.. heheheh
razz’s last blog post..Wave smash S2 fit
December 6th, 2007 at 10:32 am
Napakaswerte mo naman at dami mong nakukuhanang magaganda. Mabuti iyan, lumalabas na ang pagiging photographer mo.
December 6th, 2007 at 7:00 pm
Pareho pala tayo mahilig magbabad sa comp. Ke gara naman ng weekand snapshots mo. Tinitingnan ko pa lang nigiginaw na ako lol…. Uuuuyyyy, lapit na birthday ni Manilenya
December 6th, 2007 at 7:20 pm
malaya »
hehehe tama na yung 19 degrees daw..baka magunaw na mundo kapag nagka snow sa pinas lol!
salamat sa tag karen
December 6th, 2007 at 7:22 pm
karmi »
yeah nasa loob pa nga rin..sa sabado ko pa matatanggal
December 6th, 2007 at 7:28 pm
monaco »
salamat!!
sana magdagdagan pa yung adbentyur …at sana sa mga susunod na adbentryur e mabili ko na yung pinaka aasam kong kamera …kaya klik mo na yung project nikon sa sidebar ko lol!
December 6th, 2007 at 7:32 pm
razz »
hindi pa ..apat na araw pa dito..dyan tatlong araw na lang
..hehehe talagang ganun
December 6th, 2007 at 7:37 pm
LAR »
naku mas inggit ako sa mga subject mo ano
December 6th, 2007 at 7:39 pm
Ivy A »
uyyy lapit na nga bertday ko..ano regalo mo? lol!
December 6th, 2007 at 9:03 pm
sa sabado pa pala.. ok lang yan ate, at least sa sabado makukuha mo na!! ^_^
teka, bakit wala ung shoutbox mo ate?! nagaayos ka ba ng bahay mo ngyon?

uuuyyy, lapit na birthday!!! san tau?
karmi’s last blog post..wish ko sa pasko
December 6th, 2007 at 9:12 pm
lam mo….Nalen….try mong uminom ng kape sa labas ng bahay nyo with all the snow around you/and during the process of drinking your hot coffee/you will feel na nag-aagaw ang init ng kape at lamig ng paligid sa lips mo/then @ the same time you will the hot liquid flowing inside your lalamunan and you will feel the steam coming out of your mouth.
December 6th, 2007 at 9:22 pm
techguy »
hehehe sige nga masubukan yan
naku nakita mo na lugar naman baka istalk mo ko mwahehehehehe jowk lang kuya
December 6th, 2007 at 9:40 pm
karmi »
may shoutbox akong nakikita ha?
saan tayo? dito tara antay kita lol!
December 6th, 2007 at 9:42 pm
josie »
yeah naalala kita
salamat sa pagbalik josie
December 6th, 2007 at 10:12 pm
loka…..kaya ayaw kong i-post yong haybol namin sa tayuman baka ako @ i-stalk mo hehehehe.
joke only
December 6th, 2007 at 10:28 pm
techguy »
lanya! taga tayuman ka lang pala e lapit lapit mo pala sa amin..diretso lang yung hi-way e senyo na diba?
heheheh di kita iistalk dun wala ka naman dun e lol!
December 6th, 2007 at 10:43 pm
paglaki ko gagayahin ko rin mga shot mo!
master’s last blog post..My Christmas Wish
December 6th, 2007 at 10:48 pm
master »
mwahehehe! idol niloloko mo naman ako e
December 6th, 2007 at 11:20 pm
huwaw my snow s knila.padala ka namn dine.isama mo n ang freezer pra hindi matunaw.joke laang!!makikiadd s blogroll mo,aadd din kita skin.chalamat
itot54joni’s last blog post..Entrecard
December 6th, 2007 at 11:54 pm
buti hindi sumakit ang ulo mo te dahil wala kang suot na bonnet!! ang lamig-lamig pala dyan… yaaaaaaay!! ingat ka ha… baka magaksakit ka!!
ang ganda ng mga kuha mo ah! pwedeng-pwede ng ihanay sa pagiging pro! naksss!
rHo’s last blog post..Wish-a-wish-a-wish-wish?
December 7th, 2007 at 12:31 am
oo ……..sa tayuman ……..sa tayuman pldt/ pero lumake ako sa marcela malapit sa caloocan city hall ……….date akong pumapasada ng sangandaan-divisoria jeep @ recto-morayta
December 8th, 2007 at 4:26 am
nice pics! puting-puti! dito nmn ay puro kulay alikabok dahil paligid ng disyerto at mga konstruction.
charleskorner’s last blog post..Hello world!
December 13th, 2007 at 7:54 am
Ang ganda ng last photo Melai, parang magical kahit na me kotse sa daan. Kasi yung moon parang nasa ibabaw ng pine tree na mukhang Christmas tree
Para yata akong gininaw sa photos mo, hehe!
julie’s last blog post..Sunset Skies Photos
December 13th, 2007 at 11:13 pm
julie »
katulad nung isang pic ko na may rainbow hindi ko alam na sa dulo ng rainbow e may ibon … di ko alam kung nakita mo na yun..ito naman napansin ko rin lang na may bwan nung pinost ko rin
hehehe bukas mam julie e -18 daw ang weather ..pinakamalamig mula nung nagwinter …so far