Meme

Habang kausap ng tito ko yung tatay ko sa Yahoo Call, narinig kong sinabi nya na “e etong anak mo ang taas taas ng pangarap e!”

Dahil sa nalaman nya sa bibig ng dalawa kong pinsan na balak kong mag part time study ng photography, naisip nyang masyadong mataas nga daw ang pangarap ko. Ang sabi niya sa akin ang dapat daw isipin ko e magtrabaho ng maigi at mag-ipon para daw madala ko dito ang mga magulang ko.

Pag sinabi nyang magtrabaho, ibig sabihin nun tama na yung magtrabaho ako sa bahay bilang alila ng mga puti caregiver. At mas maganda e kumuha pa ako ng part time na madalas e house cleaner din.

Siguro hindi nga ako nag-iisip na kumita ng malaki dahil hindi ako nagsusumigasig makakuha ng part time nanny job o house cleaning. Sa isip ko kasi e limang araw na ngang ganun ang ginagawa ko e pahihirapan ko pa rin ba ang sarili ko na mag-alaga ng bata o maglinis ng bahay ng sabado’t linggo?

Kahit na batuhin pa ako ng may pang-uyam na tingin….limang tingkad na araw akong nagtatrabaho ng may labing dalawang oras. Kahit pa sabihin nilang pantay-pantay ang mga tao dito. Na kung ano ang kayang kainin ng mga mayayaman e kaya ring kainin ng katulad kong mahirap, iba pa rin ang pakiramdam ng isang katulong na pinay sa bahay ng mga among puti.

Isisigaw ko pa rin na, pwede naman siguro akong magpahinga ng dalawang araw sa loob ng isang linggo ano!

At wala ba akong karapatang paunlarin ang sarili ko? magamit ko man o hindi sa magiging trabaho?Lalo na kung alam ko naman na mayroon akong kakayanan maliban sa regular na pagpaflush ng iniwang maruming kubeta. Mayroon din akong pwedeng gawin sa labas ng kung kani-kaninong bahay…..

***

Please don’t think that I sound so resentful in this entry…ganyan lang talaga pumilantik ang mga daliri ko sa ibabaw ng keyboard.

Rate this:
2.5

Viewed 1227 times by 236 viewers

RSS feed | Trackback URI

33 Comments »

Comment by no imagelady cess (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-04 23:58:09

naiintindihan kita. damang-dama ko ang nasa kalooban mo. yakapin na lang kita :)
lady cess’s last blog post..all for the love of a little boy

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 02:06:15

hayaan mo na lang si Tito, wala naman siyang magagawa kung gusto mong paunlarin ang sarili. katawan mo yan kaya ikaw ang mas nakaaalam kung ano ang nararapat mong gawin lalo na’t hindi ka naman nagpapabaya sa iyong pamilya.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetoni (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 02:07:11

ate melai gawin mo kung ano ang nasa kalooban mo at kung anong inaakala mong tama.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagedhez (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 02:08:35

un din ang gusto ko pag aralan ang photography pag nagkaroon lang tlga ako ng sapat na oras, yan tlga ang gusto ko bigyan ng pansin.. sundin mo ang gusto mong gawin .. :)
dhez’s last blog post..salamat

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagezherwin (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 02:26:59

naku, suportahan kita dyan. go lang sa gusto ng katawan, kung ang makina nga kelangan ng pahinga eh, tao pa kaya na me dugo’t laman? at sabihin kay tito pagkakakitaan din ang photography, enjoy pa. :D

white christmas ka ngayon, sosyal! picture-picture…

zherwin’s last blog post..Laws

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagerhapsody (Who am I?)
2007-12-05 02:39:23

wag mo na lang sila pansinin… ang akala kasi nila eh pag-aaksaya ang gagawin mo, minsan ang mga oldies di naiintidihan ang ibang bagay… mas maganda sundin mo ang gusto mo gawin, ang importante nakakatulong ka naman sa pamilya mo.

rhapsody’s last blog post..2007 Christmas Tree Blog Parade

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageonionista (Who am I?)
2007-12-05 03:12:03

Nakakatuwa ang blog mo.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-12-05 04:36:59

hindi masama ang pangaap mo. go for it! malay mo jankapa kumita noh? malay mo yan pala ang para sayo talaga

tin-tin’s last blog post..Friendship and Boston Legal

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageIvy A (Who am I?)
2007-12-05 05:01:45

Napakasarap mangarap, pero mas masarap yung mga binibigyan ng katotohanan. Kaya ituloy mo yang balak mo Sis. Para sa sarili mo yang ikauunlad kaya GO! GO! GO!

P.S. Akala ko naliligaw ako nang mapadpad ako dine, bago na naman ang layout, aba, aba. Pero honestly, mas type ko ito kese dun sa sinundan. Parang mas high-tech at sosi lol……… Buti ka pa, ako 2 oras na sa website ng wordpress, kakamot kamot pa rin ako ng ulo. Computer-boba talaga ako lol……..

Mabuhay ang Manilenya!!!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerj (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 05:14:18

hmmm…kaya nga sinabi na \”libre ang mangarap.\”siguro may karapatan sila na ipahayag ang kanilang opinyon ngunut hanggang doon na lang yon dahil Ang desisyon ay nakasalalay pa rin sa iyo. isa pa, obligasyon mo sa iyong sarili na gawin ang nararapat para sa ikaliligaya mo. Ibig sabihin pwede mo silang pakinggan pero hindi ibig sabihin non na dapat mong gawin ang sinasabi ng ibang tao.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemonaco (Who am I?)
2007-12-05 06:01:35

I suggest you do what you want to do, what is in your heart. Unang-una, that’s a good reward for yourself for your hard work. dapat lang di ba? pangalawa, it’s for self-improvement. Di naman porke’t ganyan ang work mo eh wala ka nang karapatan to reach for something higher? and photgraphy is such a meaningful hobby. di lang nila naiiintindihan. malay mo, from hobby to business ang mangyari sa yo. ganyan yung kapatid ng sis-n-law ko. hobby lang nung una, big time business na ngayon! AIM graduate yun ha.

so go ahead. supotahan ta ka!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageays (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 07:12:13

hi! tuloy mo yung photography class mo..you take good pictures!

ays’s last blog post..hotels and mutiny

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageLAR (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 07:27:38

Everybody is entitled to his/her opinion. But ikaw pa rin ang masusunod at wala namang masama kung mangarap ng mataas. Libre naman ito. Ang mas mahirap ang nagsusumiksik na lang sa isang sulok kung ano lang ang meron, tama na iyon. Balang araw, mare-realize din nila na mas marami ka pang magagawa at kung ano ang kaya mong gawin. Basta walang masama sa ginagawa mo, go for it, baby! :D

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageBURAOT (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 08:36:47

hay naku sister. ganyan talaga. ako nga rin parang di pa rin nasanay. akala kasi ng ibang nasa Pinas, pag nasa abroad ka, umeebs ka ng dollars.

BURAOT’s last blog post..Dont Tenkme, Tenkyu!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageRino (Who am I?)
2007-12-05 11:16:23

sandali lang ako nawaglit sa mundo ng mga blag, iba na naman ang pintura ng bahay mo. Anyweys, sa palagay ko ay may katwiran ka sa ginagawa mo! Sa totoo lang nai inggit ako sa mga katulad mong kabataan at malakas hindi lamang ang katawan kundi pati loob para sugurin at hanapin ang mas magandang kinabukasan. Nasa sa sa inyo ang napakaraming oportunidad na hindi dapat palampasin, at kung hindi man dumadating e dapat hanapin ng masigasig para makamit. Sa ganang akin, marami rin akong oportunidad na nakamit at napagtagumpayan, pero kung babalikan ko ang kahapon, iniisip ko sana mas marami pa akong pagkakataon na hindi pinalampas. Sayang pero siguro nga yon na lang ang mararating ko. Kaya para sa iyo, mre, mabuhay ka katulad ng palagi kong sinasabi at sige pagtagumpayan mo ang mga pangarap mo sa buhay, at kung yumaman ka na, kahit sa garahe mo na lang ako patuluyin sa pag dalaw ko sa iyo, oks lang sa akin…

Rino’s last blog post..GLOBAL DAY OF ACTION on December 8, 2007

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-12-05 11:52:59

kung ano ang nasa puso mo, sundin mo ate…

karmi’s last blog post..girrrrrl power

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-12-05 14:32:00

follow your heart ika nga nila… dahil yun ang magpapasaya sa’yo! basta sana makagawa ka ng way para magawa mo kung ano ang gusto mo! goodluck te… mwuaaaahuggggzzz! god bless you po!

rHo’s last blog post..Ako At Ang ABC Nya

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMisyel (Who am I?)
2007-12-05 16:35:13

Wag mo na lang pansinin ang mga oldies, ganun talaga may maririnig kang ganyan pero darating ang araw maiintindihan ka din nila.

Talaga bang pati pagso-shovel kaw nagawa? Ingat sa lamig.

Misyel’s last blog post..Snowy Sunday

Rate this:
1.6
 
2007-12-05 16:37:17

gawin mo kung ano ang nais ng kalooban mo! kung saan ka magiging masaya basta gawin mo, malay mo maging isang batikang fotographer ka? walang masamang mangarap… libre lang iyan… at bukod doon libangan na lang din iyan piktapos ng masalamuot na lingo mo.

i feel you, buti nga ikaw hindi gipakain ng flurwax. ako gipakain ng flurwax… noong nabasag ko ang lladro ng amo ko. gitulak pa ako sa hagdanan jk, baet amo kong si Chuva… [pag nasa mood] bwahahaha…

walang masamang matutunan mo ang iba pang mga bagay na nais mo, eh isipin mo na lang ako nagaaral pa kamo ako ngayon… after having 3 jobs ha!

diwatang_byaning’s last blog post..Center City Bus Tour

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagepmonchet (Who am I?)
2007-12-05 17:22:18

Yan dati pangarap ko. Kasi Ang wife ko nag work dati sa Photo developing Company. Dami ko nga dating Pictures ng censored photo ng mga bold star kasi ninang namin sa kasal taga Board Of censor, then mga Ninong Ninang Photographer. Opps! Nadulas ata ako. Yung isang Ninang ng anak ko Official Photographer ng mga asawa ng Sultan. Grabe yaman ngayun ha.Kaso lumabo na mata ko. D na pwede mag photograher.Hehehe.
Just follow your dream sama ako sampu.

pmonchet’s last blog post..Ala-ala (P.C. Memory Card)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetikey (Who am I?)
2007-12-05 19:19:32

I’m with you Ate Melai. Go and reach your dream..

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejaja (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-12-05 21:03:34

mag aral ka nalang ng photography!!!. anu ka beh kung hinde mo un gagawin ngaun kelan pa? naku remember ang oras ay never na hihinto ito ay palaging hinahabol so anu ba ang hinihintay mo? go !go! go!

jaja’s last blog post..i?m dead.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 21:10:45

lady cess »

hehehe salamat sa yakap, nakahinga ako ng maluwag :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 21:46:58

onionista »

uy salamat sa pagdalaw :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 21:56:53

tin-tin »

actually yun nga iniisip ko e, sa dinami dami ng course na pinag aralan ko na natapos at di natapos e baka nga yun na para sa kin lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 21:58:55

Ivy A »

ganyan talaga :)
next time baka parang ako na ikaw lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 22:04:08

rj »

very well said rj :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 22:12:38

Rino »

bata ka pa naman din e, pwede mo pa gawin kung ano man gusto mo gawin, nakakapagbike ka nga kahit na sabi mo me sakit ka e diba? saka alam mo..paranng ngayon lang ako talaga nag-uumpisa e, saka sabi nga maikli ang buhay kaya gawin na yung dapat/gustong gawin para di magsisi sa huli kung bakit di ginawa yun…kaya bukas na bukas magpapa tattoo na ko ng totoo lol! hehehehe!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 22:18:07

Misyel »

mwahehehe!! hindi, sa bahay ng tito ko yan.. at di ako kasama sa inutusan pero dahil first time kong mag shoshovel sa driveway, takbo ako kahit di ako naka winter boots lol! ang saya grabeh..after malinisan ang drive way talon talon kami ng pinsan ko sa snow kaya lang nilamig paa ko kasi pumasok sa loob ng lonta ko yung snow..iniwan ko kasi snow boots ko dito sa trabaho e.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 22:21:34

diwatang_byaning »

hehehe baliw :)

di nga tatlo job mo ngayon? kadami naman nyan, nagpapayaman ka?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-05 22:23:02

pmonchet »

huli ka! hehehehe!

Rate this:
2.5
 
2007-12-06 12:53:59

3 yup… 1 full time 2 part time… yong part time habang nagbabasa ako ng daryo lol.

diwatang_byaning’s last blog post..Somebody, STOP me!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-12-06 20:05:38

diwatang_byaning »

abah naman e no…sarap naman nung part time mo nagbabasa ka lang ng dyaryo :)

Rate this:
2.5