Another tag mula kay Ate Liza: Show your bag and tell….
Hehehe! nakakahiya mang ipakita ang bag ko e sige na ipakita ko na. Weekender ang tawag sa aming mga Live-in Caregiver. Limang araw sa bahay ng mga amo at tuwing weekends umuuwi sa kani-kanilang “bahay”. At ako bilang weekender, syempre may bag na pagkalaki-laki kung saan nandoon na yung buong kabahayan ko.
Noong minsang binuhat ng amo kong lalaking yan, ang sabi nya “heavy eh!” Siyempre paanong di bibigat yan e me laptop sa likod. Imadyinin mo ang HP Pavillion dv600 na binubuhat ko linggo-linggo pauwi at pabalik ng trabaho.
Bukod sa laptop ito ang mga laman nya noong linggo ng gabi:
The usual na laman ng bag ko:
- laptop
- cable ng laptop
mp3 playerat cable nito.handfone at cable nito.- damit na marurumi (pag sinabing marurumi ibig sabihin marami. kapag isa lang - madumi. Pabalik naman sa bahay e damit na malilinis na.)
- magasin o libro
- ang walang kamatayang kamera ko at kable nito.
- mga sitsirya.
- at kung anong maisip pang dalin.
Paminsan-minsan lang ako makahawak ng mga ladies bags, kapag tinotopak lang. Noong pumunta ako dito pinamana sa akin ni younger sis ang isa sa pinamamamahal nyang branded na shoulder bag, isang buwan pa lang ako dito sira na…mula noon ang sabi ko sa sarili ko BAWAL NA AKONG GUMAMIT NG MAMAHALING BAG PERIOD.
Hmmnn. Gusto ko sanang makita ang kumikinang na bag ni dandang Reynz mah labs, ng aking kumareng si Ivy, jojitah, pusa and Maru.
Viewed 1253 times by 73 viewers


December 4th, 2007 at 12:21 am
nafi-feel mo rin ba yung feeling na kung wala yung mga usual na gamit sa loob ng bag mo para kang nakahubad? hehehe ewan ko lang ha pero may ganun akong feeling kaya tuloy bigat-bigat ng purse ko kasi daming laman na ang iba wala namang kuwenta hehe
verns’s last blog post..i still can?t move on?
December 4th, 2007 at 12:34 am
nakow parang gubat ang loob ng bag ko melai!!!
huwaaa dibale magpapanggap na lang ako na orgnized ako pag pinktyuran ko un hahaha
pusa’s last blog post..38 forbidden questions
December 4th, 2007 at 1:05 am
verns »
naku e mana yata ako sa yo e lol!
December 4th, 2007 at 1:08 am
pusa »
e hindi ba parang gubat din yung laman ng bag ko? lol!
December 4th, 2007 at 2:48 am
Wow Sis, salamat
Naka, makikita ang mga lamang loob ko nyan lol……Nga pala, maiba ako, salamat din sa mensahe. Kumikirat kirat pa ako sa sakit ng ulo pero natutuwa naman ako at natuloy ang adoption, pero nag dissaprearing act and blogroll ko at counters
Aayusin ko na lang pag naintindihan ko na, iba pala sisteme nun, matuto tuloy akong magbasa ng html. Wala ako alam sa pag switch sa WP, pagdating sa computer, zero ang iskor ko lol……Salmat uli sis
December 4th, 2007 at 3:29 am
malaking bag din ang bitbit ko araw-araw. nagtataka ako sa mga taong nakakaalis ng bahay ng walang bag, o kaya mga tao na kaliliit ng mga bag. hahahaha.
ria’s last blog post..Pasko sa UP 2007
December 4th, 2007 at 5:27 am
naku keri lang ang size ng bago mo
pahingi ng chitserya (tama ba spelling ko?)
woof!
bryan’s last blog post..Hey, Joe
December 4th, 2007 at 9:31 am
Madami ng laman ng bag mo. Ganyan din ako. Me bag pa na maliit sa loob para yun na lang ang dadalhin kung hindi kailangan ang malaki

Have a great week, Melai
julie’s last blog post..PinoyMomsNetwork Fam Pics: Messy
December 4th, 2007 at 11:59 am
ate ate, mahilig ka rin sa sudoku?!
waaa.. adik ako dun! hehehe…
bahay mo na nga yan ate.. lol
karmi’s last blog post..last christmas
December 4th, 2007 at 12:51 pm
aba mabuti ka pa kaya mong bitbitin lagi ang bag mo. di ko magagawa yan…takot kasi akong liliit lalo kapag laging may bitbit na mabigat. ang laman ng bag ko ay puro tissue (sipunin eh) tapos puro invoices na nakakalat lang at kong anek-anek pang mga pang kikay
Beng’s last blog post..German Lottery Jackpot Now Reach 43 Million Euro
December 4th, 2007 at 1:37 pm
Hindi ka pala nagbibiro nung sabihin mong malaki nga ang bag mo ehehehe. Ako rin mahilig sa sudoku, kahit saan madalas bitbit ko magazine, pero nung me magregalo sa akin ng celphone na me sudoku game, dun na lang ako naglalaro. Salamat at pinagbigyan mo akong gawin ang tag na ito
Ingat lagi. 
liza’s last blog post..Wordless Wednesday #3
December 4th, 2007 at 6:31 pm
naku parehas pala tayo andaming laman ng bag. ang pagkakaiba lang eh walang damit at laptop hehe.
carlotta’s last blog post..it’s tag time!
December 4th, 2007 at 7:38 pm
ano yung dalawang maliit na bote, panlinis ng contact lens? (naka-contact lens kasi ako
)
lady cess’s last blog post..all for the love of a little boy
December 4th, 2007 at 7:57 pm
Ivy A »
try mo gawa ng wordpress account then import from blogger, kapag ayaw dahil Beta ang blogger mo pwede na lang yung manual copy and paste ka na lang tapos ayusin mo na lang date….mas maganda kasi ang wp e, ako man nung una wala akong alam sa wp pero natuto rin naman
December 4th, 2007 at 8:00 pm
ria »
Kung di lang din malaki ang dala kong bag sis e di na lang ako magdadala ng bag
pero tuwing weekend lang naman yan
kasi kapag weekdays di ko kailangang magdala ng bag e lol!!
December 4th, 2007 at 8:01 pm
bryan »
Ito kinakain ko na yung isa sa mga sitsiryang dala dala ko..gusto mo? lol!
uy salamat sa pagbisita
December 4th, 2007 at 8:08 pm
karmi »
hindi, ngayon lang ako magtatry mag sudoku…katunayan e maaga akong mag lolog out para mag sudoku tapos magbasa ng konti ng buk para naman hindi maistambay yung mga binili ko saka niregalo sa akin
December 4th, 2007 at 8:13 pm
Beng »
wala akong mga invoices..ibig sabihin wala akong pambili ng mga kung anik anik na pampabyuti lol!
December 4th, 2007 at 8:17 pm
lady cess »
anti dandruff shampoo and conditioner yan lol!! medyo malinaw pa mga mata ko para magcontact lens
pero gusto ko magcontact lens yung may kulay…pang porma lang ba lol!!
hay naku..ewan ko ba bago kasi ako sa ganitong klima kaya ayan pati anit ko naapektuhan
tapos dami ko kati kati waaa…tapos yung sobrang lamig pa nakakapangati
December 4th, 2007 at 10:38 pm
daming laman, palagay ko may nakalimutan ka pa sa lagay na yan ano? hehehe
***
ate hindi ko maayos ang sidebar nung Pitr theme, gusto ko yun e.
December 4th, 2007 at 10:39 pm
dami nga laman ng bag mo. understandable naman kasi for five days naman pala yan. sudoku? uy, adik ako dyan. meron ako nyan dito sa PC ko.
sana magawa mo rin tag ko sa yo ms. manilenya. it’s “what’s your comfort food?”
December 4th, 2007 at 10:44 pm
malaya »
hehehe! madalas nga akong may makalimutan
may problema nga sa sidebar nun, kahit ako medyo hirap dun e..bigyan kita ng isa pa bagay sa problogger na katulad mo lipat ko maya maya
December 4th, 2007 at 10:46 pm
monaco »
uy may bago ba akong tag?
naku e kailangan ko na talagang gumawa ng calendar dyan sa mga tag na yan
December 4th, 2007 at 11:48 pm
o siya sige… wag ka na lang ate magulat kung makakita ka ng kung ano-anong ahas sa loob ng bag ko. wahaha!
ate hilig din ako sa sudoku.
jojitah’s last blog post..bloggers update!
December 5th, 2007 at 2:44 am
waaaah! ang bigat nga nyan… baka makuba ka nyan ehehe
rhapsody’s last blog post..2007 Christmas Tree Blog Parade
December 5th, 2007 at 5:48 am
pasensya ka na kung dinagdagan ko pa yung mga tags mo. isipin mo na lang na ganyan talaga ang sikat, lagi binabato ng tags! lol.
December 5th, 2007 at 7:06 am
EEEEKKKK!!! bag ko?! hehhee! mga usyoseroooo!!! hahaha!! sige! sige! wag kayong tatawag nang pulis pag me nakita kayo sa baggg koooo!!! hahahaa!!
ganda nintong templat! nga pla, nawala yong stak stak overflowing chuvalais!!!! guuddd! hahaha
reyna elena’s last blog post..Empress Maruja presents Pinoy Blog Superstar!
December 5th, 2007 at 10:49 pm
rhapsody »
hehehe! di pa naman nakukuba sa awa ng diyos
December 5th, 2007 at 10:52 pm
monaco »
hehehe speaking of sikat
me nakalimutan akong iblag tungkol dyan lol!
December 9th, 2007 at 2:37 am
misyon akomplis po