manilenya - Last updated: Monday, December 31, 2007Habang ninanamnam na ng mga nasa pinas at iba pang lupalop ng mundo ang hangin ng bagong taon, heto ako alas nuebe dose ng gabi nakaharap sa pc. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing pagkatapos kong magpost ng hiatus o pagpapahinga sa blag, saka naman ako bigla magpopost.
Walang maingay na putukan dito sa lugar ko. Lahat kami dito sa bahay ay mga gising. May mga nanonood ng telebisyon, nanonood ng movie, naglalaro ng playstation at ako heto nagbablag.
Katatapos lang naming mag dinner, medyo busog kaya hindi ko alam kung meron pa kaming ikakain mamayang alas dose. Mag-aantay kami ng alas dose para masabing sinalubong namin ang 2008 ng gising.

Maligayang Bagong Taon maya-maya. Alas nuebe trenta’y kwatro pa lang ngayon at mayroon pa akong dalawang oras at beinte sais minuto para pag-isipan kung ano ba ang nangyari sa akin sa loob ng isang taon.
Apdeyt: alas dose kwarenta’y sais pagkatapos mag count down ang mga nasa Toronto….sabi ko na nga ba e wala ng makakakain.
| 2.5 |
Viewed 252 times by 62 viewers
manilenya - Last updated: Monday, December 31, 2007Today is different from my usual Internet life. I didn’t spend time on blogging/bloghopping. I am so eager to improve my English writing whether it’s just a simple journal or developing the creative side of me. I did check some creative writing online class but to my disappointment I have to get my own credit card before I can enroll in the class.
I hope that when possible, the credit card company I’ve been waiting at will approve my application.
I so want this.
| 2.5 |
Viewed 238 times by 83 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, December 30, 2007My travel journal is too small to read so I will give you the details here:
Dark clouds, you are on the Planet Blah and it look likes you`re gonna be staying put. You`re feeling low and you`re chances are you just want to be left alone. It`s not like you are going to feel better in a hurry either, and so you might as well just hide away and wallow and in your dreams? The call of the open road.
Uhmmn would this explains why I turned down two parties this Christmas Day and another party tomorrow?
I don`t know…just want to welcome you on my planet.
| 2.5 |
Viewed 166 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Saturday, December 29, 2007I think, I got this tag first from Julie . Now SweetAgring is tagging me the same. Thank you guys for that but I hope that it’s okay with you if I post this tag here instead of posting it to manilenya.
The tag rule:
When you get tagged, you have to add your name next to the person who tagged you and by doing so you are letting the list grow.
Now I am passing the love to my mga kabisyong totoo chuvanes, pusa, and jenny.
Limadang.com
RamblingMoo.com
blogginginmypyjamas
StylewithPassion
Chinneeq
Dora-zooropazoo
Babyshern
HiPnCooLMoMMa
Rachel’s Soulful Thoughts
When Silence Speaks
Dancing in Midlife Tune
Underneath it All
My Charmed Life
Blueberry Cheesecake
Underneath it All
I am Dzoi
Alpha’s Blog
A Handful of Surprises
Digitally Diane
A Life in Bloom
Discovering Canada & Technology
Maid in Canada
| 2.5 |
Viewed 148 times by 45 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, December 26, 2007thank’s mama kenkgz for the link…
| 2.5 |
Viewed 249 times by 67 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, December 25, 2007Must be my lucky day when I saw this two black squirrel just behind the kitchen glass window while I was preparing our suffer errr supper.

Viewed 245 times by 95 viewers
manilenya - Last updated: Monday, December 24, 2007Nito lang ako aktwal na nakakita ng deer. Katulad ng umagang una kong nakita ang snow sa paligid ng bahay na pinagtatrabahuhan ko, nandoon yung tinatawag na “wonderment” lalo na at ang laki ng usa. Nakatayo lang sya sa gilid ng pond at nakatingin sa bahay kung saan ako nandoon.
Inabot sa aking ng batang alaga ko yung telescope at “huwaw!” nagulat ako talaga. Sa “Rudolph the Red Nose Reindeer” na kanta ko lang naririnig ang usa at napapanood sa mga palabas tuwing pasko, madalas cartoon pa.
Hinahanap ko yung mga sungay nya pero ang sabi sa akin ng amo ko e lalaki daw yung usa kaya walang mga sungay (hindi ko maalala kung lalaki nga ba o mga babae lang na usa ang may sungay - ang alzheimer’s disease ko na naman.)
Viewed 316 times by 129 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, December 23, 2007
Eksaktong dalawang taon noong narehistro ang manilenya at dito nagsimula ang lahat….
Parang may wrong grammar..hmmmnn well kaya nga ako pagkatapos ng entry na iyon e puro tagalog na ang manilenya, pero sabi nga “whatever!”
Nakaabot na nga ako ng dalawang taon e.
Ang matinding tanong ko sa sarili ko….naabot ko ba ang expectation ko bilang isang dating tambay sa kanto ng iskinita sa kalagitnaan ng tundo na naging blagger at nagmamarunong na opinionistang chuva-chuva?
Isa lang naman ang malinaw na sagot e….ang walang kamatayang EWAN!
| 2.5 |
Viewed 155 times by 48 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, December 16, 2007Ninenok ko kay Senyorito Ambo yung title ko since mommylenya ang tawag nya sa akin at sa tingin ko e bagay na bagay yung title sa meme na ito na inabot na ng isang libong taon bago gawin.
Para sa akin masyadong kritikal ang isyung ito, yung isiwalat ang mga fears ko bilang ako na isang ina at ako bilang isang single mother/older sister ng nag-iisa kong anak.
Ipinanganak ko si Aya noong panahon na sikat na sikat si Leo Echagaray. Isa akong bagong ina, undergrad at hindi sigurado sa bagong buhay na tinatahak ko bilang isang ina at soon to be a “separada” beauty. At dahil nga sikat si Echegaray ako’y biglang natakot sa mga manyak na lalaking naka costume ng angel’s suits, I was paranoid back then. Hindi ako mapakali kung hindi ako ang magpapalit ng diaper ng anak ko.
At kung sa inaakala mo na iyan na ang kinatatakutan ko, nope. Alam ko na may mas matindi pang darating sa mga susunod na panahon, hindi ko lang malaman eksakto kung ano yun.
Viewed 347 times by 100 viewers
manilenya - Last updated: Friday, December 14, 2007I was mad. So mad that I post something taboo in my other blog. Anyone who’s pissed will do that I think. And then later I heard my uncle while he’s on the phone and said “e birthday ng panganay kong dalaga.”
After hearing that my heart melts. Ahh maybe, I have to accept that I have two little brothers now in the body of my two little cousins who made my birthday so emotionally devastating in the spur of the moment.
Oh yeah maybe I need to get used to it. Get used to them.
| 2.5 |
Viewed 93 times by 26 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, December 13, 2007I was supposed to post mommy fears (tagged by Ate Liza) a week ako, teka hanggang dyan na lang ingles ko e. Dami ko na ngang litanya sa isip ko, nakagawa na nga ako ng isang matinding istorya e pero ang problema hindi ko sinusulat o tinatayp yung mga tumatakbo sa isip ko kaya sa pagtakbo ng mga araw na hindi ako nagbablog, tumatakbo din yung mga letra. Umuurong yung utak ko kaya iwan ko muna sa kawalan yung mommy fears na yan. Nabangenge yata ako sa ga-higanteng Redhorse e.
Pero pramis Ate Liza gagawin ko yang meme na yan, gusto ko kasing ikwento yung tungkol sa kutsara at sa balls e lol!
Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigang blogger na bumati, sa aking tunay, palaban at makabayang cyber Tatay Schumey, mahal na mahal kita pramis. Karen, hehehehe natawa ako sa headline na ginawa mo. Maraming Salamat. Kay Ate Liza ulit, nagpapasalamat ako sa aking tatay at nakilala kita :). At kay kapatid na Panjeeeeeeeeeettttt!!! ay wabs yu from d bottom of my hyphothalamus.
At sa 35 friend bloggers na nagkomento sa bday post ko, taas kamay ko sa inyo! Kilala nyo kung sino man kayo.
At dahil diyan, gusto kong palalimin pa ang pagpapakilala ko ng sarili ko sa inyo.
Viewed 394 times by 111 viewers
manilenya - Last updated: Monday, December 10, 2007Ang akala ko e mga martial law baby kami, hindi pala……….
Viewed 408 times by 107 viewers
manilenya - Last updated: Friday, December 7, 2007Noong kausap ng kaibigan kong pinay sa YM yung anak niya, ang sabi niya “yang hikaw mo tanggalin mo yan ha!”
41 na ang kaibigan ko at anak nya naman e 17 na. Hindi ko maiwasang sumabat. Nilapit ko yung bibig ko sa laptop at ang sabi ko “hindi, okey lang yan …wag mo tanggalin.”
Noong nagusap ulit sila, eto na naman si nanay pinipilit yung anak na tanggalin yung hikaw nya. Ang sabi nung anak, “e sabi ng kaibigan mo okey lang to.” Hindi tinanggal ng anak yung hikaw nya.
Sa tingin nyo bad ba ko?
Viewed 314 times by 98 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, December 6, 2007 Umalis na naman sila noong Sabado papuntang Toronto, niyayaya ako pero di ako sumama, una kasi doon sa pupuntahan nila e me nadiscover kaming bagong shop na mura ang mga damit at kapag sinukat ko grabe ang ganda ganda sa akin, oo as in! Mura pero kapag pinagsama-sama mo yung presyo ng mga papamilihin mo syempre mahal, lalo na kapag iko-convert mo sa peso. Mahilig pa rin ako magconvert hanggang ngayon. Magastos at ayaw ko munang gumastos na naman ngayon.
Pangalawa kasi mas gusto kong magbabad sa kompyuter. Pero di rin ako nakapagbabad sa kompyuter, nagkayayaan kami ng kasama kong weekender na pinay sa bahay ni tyong, subukan daw naming maglakad papunta sa mall na di ko matandaan kung ilang metro layo dito, hehehehe bobo ako sa metro at kilometro e.
Negative 14 ang temperatura sige suong kami sa gitna ng malamig na lansangan. Ginaw na ginaw ako noong papunta pa lang kami, doon ko nalaman na yung gloves ko pala e di kakayanin yung lamig sa labas tapos wala pa akong bonnet o sumbrero di katulad ng kasama ko, palibhasa lagi palang naglalakad sa malamig e handang-handa.
Pero noong pauwi na kami, bitbit bitbit yung mga grocery bag na pinamili namin, hindi ko naiwasang ilabas yung kamera ko. Bigla nakaya ko lamig lalo na kapag binibigay ko sa kasama ko yung mga dala kong grocery bag sa tuwing kukuha ako ng mga litrato. Very supportive ang lola ko!
Viewed 318 times by 114 viewers


piapot






