Blah! blah! blah!

November 28th, 2007

Apat na araw mula ngayon ay ang buwan ng manilenya - birthmonth ko at ikalawang anibersaryo ng manilenya.com. Apat na araw mula ngayon ay ang buwan na magtatapos sa taong ito. At apat na araw mula ngayon, December 1 na syempre. Wala ng atrasan sa bagong taon. Ang umatras daw panget!

Aatras sana ako at di tatapusin ang entry na ito, kagaya ng dati kasi naligo na naman daw ako lol!. Carry nyo yun? naligo ako sa gitna ng negative 3 degrees ngayong mag aalas onse ng gabi? Salamat sa heater.

Kanina habang nilalagay ko yung mga container ng basura sa may labas, gandang ganda ako sa itsura ng mga tuyot na tuyot na puno sa may kalsada kasama ng namumuting kalye at mga damuhan dala ng yelo. Gusto kong bumalik para kuhanan ng litrato yung nakita ko kaso naman rumaragasa ang hangin na may kasamang butil butil na yelo. Akala ko nga snow storm na, hindi pa pala.

Kung ganito ang itsura ng likod bahay ng tinutuluyan ko two weeks ago, ngayon yelong yelo na yung pond, pwede ng mag ice skate. How I wish one of these days e makuhanan ko pati na rin yung trail papuntang creek. Ewan ko, patay na patay akong kuhanan ang woods.

Bago ako maglumunoy sa yelo, kailangan balikan ko yung orihinal na topic ko.

Sa loob ng anim na buwan kong pananatili dito, ngayon lang ako nakapag-isip isip na wala akong karapatang malungkot o ngatngatin ng depresyon bagkus dapat nagbibilang ako ng mga blessings.

Kaya pramis bukas, iisa-isahin ko sila. Hindi na ko magtatrabaho bukas, hindi ko muna lilinisin yung apat na toilet. Hindi muna ko maglilinis ng apat na kwarto, tatlong sala, isang kusina, bar, toy room, dalawang closet. Hindi muna ko maglalaba at mamamalantsa. Bahala silang magluto ng supper.

Basta bukas iisa-isahin ko ang mga blessings na natanggap ko at mang-iinggit ako.

Viewed 1152 times by 82 viewers

No Responses to “Blah! blah! blah!”

  1. rhapsody Says:

    asan po ba ikaw ngayon? SG o sa canada na? gusto yan snow.. padala ka dito hehehe

    rhapsody’s last blog post..Adik din ako

  2. ebudae88 Says:

    wow parang scene sa Narnia

    ebudae88’s last blog post..There was an Earthquake Here!

  3. bluepanjeet Says:

    wow ate melai sobrang ganda. This is what I…. oops bawala nga pala dito sa iyong bahay ang salitang banyaga… ullitin ko ehemmm…

    (*ngumanga, nabighani) Aking kapatid na manilenya, ito ang isinisilakbo ng aking kaibuturan. nais kong mapadpad sa ganyang mga tanawin, animo ako’y dinuduyan ng malamig na nyebe sa tila batong look ng iyong halamanan.

    sa madaling salita.. Haylabit hahaha.

    Uy sali ka sa aking Ronito, ronita dali at baka maunahan ako sayo ni ambo, malen at inang hahaha… dami mo nakalagay sa blogroll, madami ka isasali. dali na ate hahaha

    (inunahan ang reyna, ang ambisyoso at ang balinguynguy queen hahaha)…

    basta sa akin ka na naka kontrata ha?.. comment ka basta sa ronito ronita post ko para alam ng buong kaharian na ako nagrecruit sayo hahahaha

    haylabyu!

    Pax et Bonum!

    bluepanjeet’s last blog post..My Ronito and Ronita

  4. Schumey Says:

    Ayos, mag-declare ka ng strike. Yung gift mo, nandito sa’kin.

  5. dhez Says:

    malapit narin pala ang kaarawan mo..totoo un talaga ang mga taong pina nganak sa nalalapit n buwan ay magaganda, matalino at sexy!!! ;)
    dhez’s last blog post..ang haba..

  6. Ivy A Says:

    Ke ganda naman niyan, parang kaharian ni Aslan. Inggit ako. Kahit di mo sabihin kung gaano kalamig, nakikita ko pa lang parang nigiginaw na ako lol……..Alam mo na naman dito sa Pinas, ulan at araw lang meron lol……

    Siya, abangan ko ang pagbibilang mo Sis :)
    Ivy A’s last blog post..Kismet

  7. ladycess Says:

    advanced happy birthday.. oo nga, drop muna ang trabaho, enjoy your day!

    ladycess’s last blog post..what ifs

  8. Ivy A Says:

    Unahan ko na nga pala sila.

    Advance happy (18th?) birthday Melai!!!!!!
    Advance happy (2nd!) birthday Manilenya ;) Advance happy New Year na rin :)
    Ivy A’s last blog post..Kismet

  9. pmonchet Says:

    Advance hapi berday na rin. Tama yan. strike muna ang beauty mo para malaman nila gano ka nila ma mi miss.Paki paanod na lang ng isang blokeng yelo.Abangan ko sa Soler,malapit sa gandara.

    pmonchet’s last blog post..To My Children

  10. joanjoyce Says:

    maligayang bati melai at maligayang pagbati sa anibersaryo ng manilenya. hanlufet dalawang taon na. enjoy your day. smile :)
    joanjoyce’s last blog post..Earthquake

  11. Lestat Says:

    tingnan mo nga namna.. ang life.. ang bilis lumipas ng panahon..

    congrats.. at maligayang kaarawan, maligayang anibersaryo huh..

    siyanga pala panalo ang header mo pero mas panalo kung ikaw ung model dun..
    :)

  12. Taroogs Says:

    Uy! Sagittarius ka din po? Ako December 10 bday ko (Human Rights Day) :-)
    Taroogs’s last blog post..I seem to have a Leather Fetish.

  13. pusa Says:

    danda danda! ikain mo na lang ako ng niyebe =)
    at maligayang bati sa iyong nalalapit na kaarawan

    pusa’s last blog post..OMG earthquake

  14. tin-tin Says:

    advance happy birthday!!!!

    tama na pagsalubong ng bday.. counting your blessings. para masaya ang bday diba? :)
    tin-tin’s last blog post..Papa God

  15. rHo Says:

    siguro day off mo bukas noh?! hehehe! enjoy your day te.. lapit na ang pasko at syempre, advance happy birthday na sa’yo!

    ingatz ka lagi en God bless! ang ganda ng shot mo… galing!!

    rHo’s last blog post..Thank You

  16. razberry Says:

    paunang pagbati ng maligayang kaarawan.. :) ganda ng pic ah..gusto ko mag ice skate..

    razberry’s last blog post..GPS once again…

  17. monaco Says:

    ganda, white christmas! I wish ma-experience ko rin white xmas in my lifetime..

    sana ok gising mo kasi tinag kita. he he.

  18. toni Says:

    yan unti unti matatabunan ng snow buong paligid mo, intay lang dumating ang jan. till feb kasi un kasagaran ng lamig at snow.
    medyo mainit pa pala jan ate, ingat parati sa paglalakad.

  19. Gypsy Says:

    Oo nga, count your blessings! Number one na ‘yong sobrang gandang view na nasa likod ng bahay nyo. ;) Grabe, di pa rin ako nakakakita ng snow, mukhang ulan lang uso dito hindi snow.:(

    Gypsy’s last blog post..When in Rome…

  20. manilenya Says:

    rhapsody »

    Sa canada na po, may anim na bwan na rin..sayang di mo nakita :( di bale lagay ko sa photoblog ko tapos bigay ko sayo link :)

  21. manilenya Says:

    ebudae88 »

    Ows?
    di nga?
    di ko kasi napanood e kaya di ko alam.

  22. manilenya Says:

    bluepanjeet »

    Hehehehe! panjeeeeeeeeeeeeettt pwede mag ingles pero me multa lol!

    uy!! makata ang lolo ko :)
    ngeks panu bayan nauna akong nagomment kay reynz, e di ibig sabihin sa kanya ako recruit lol!

    di ko alam kalarakaran dyan sa networking-tag nyo :) sabihin mo nga sa kin para malinaw lol!

  23. manilenya Says:

    Schumey »

    uy excited ako sa gift mo sa kin :) anu kaya yun? :)

  24. manilenya Says:

    dhez »

    hehehe! december ka rin ano? :)

  25. manilenya Says:

    Ivy A »

    May number 1 na ako sis :)

  26. manilenya Says:

    ladycess »

    Hindi ko birthday ngayon :) saka nagtrabaho ako ..kunwari lang yung post ko lol!

  27. manilenya Says:

    Ivy A »

    salamat sa bati sis :) sa 10 pa bday ko pero ganito yata ako taon taon sa blag ko buong december nagseselebreyt ako lol!

  28. manilenya Says:

    pmonchet »

    mwahehehehe baka tunaw na yelo pagdating sa Soler, saka walang bloke blokeng yelo dito :) pang scramble lang pwede lol

  29. manilenya Says:

    Lestat »

    hehehehe! sige hahanap ako ng pwede kong ilagay dyan na pic ko :) pero wala akong kuha na ganyan mismo e :)

  30. manilenya Says:

    pusa »

    naku ayaw ko nga, ang lamig kaya ng nyebe lol!

  31. manilenya Says:

    tin-tin »

    inumpisahan ko na nga pag count e :)

  32. manilenya Says:

    rHo »

    hindi :) loko ko lang yan..lahat yan ginawa ko ngayong araw na to lol!

  33. manilenya Says:

    monaco »

    I’m sure ma eexperience mo rin yan :) salamat sa tag :)

  34. manilenya Says:

    toni »

    yun nga ang alam ko e january to february ang matindng snow :)..uhmmn mainit pa ba yung -14 degrees? lol!

  35. manilenya Says:

    Gypsy »

    uy hindi humanda ka sa snow dyan lol….maaga lang talagang nagsnow dito ngayon

  36. Taroogs Says:

    Happy Birthday to us! Happy Birthday to us! Happy Birthday… Happy Birthday… Happy Birthday to Us Both :-)
    Dec. 10 = International Human Rights Day = Bday ni Manilenya at Taroogs!!!!

    Taroogs’s last blog post..I seem to have a Leather Fetish.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Blah! blah! blah! at Manilenya.

meta