Tinawag ni Rino itong KAIBIGAN, ALTER EGO naman para kay Ivy. Isang badge ng pasasalamat dahil nagkaroon daw sila ng kaibigan? sa pagkatao ko bilang isang blagista na hilong talilong na yatang pabalik balik sa mga blag nila me sasabihin man ako o wala.
Inumpisahan ko itong entry na ito may kwarenta’y singko minutos na yata ang nakakaraan pero mukhang hindi ko na matatapos.
Ang hirap sa akin, naligo kasi ako hehehehe! At ito ang masaya, nasa 8 degrees ang temperatura dito ngayon. Dati rati ang teorya ko “huwag maligo kapag malamig kasi lalamigin ka lalo”. E pwede ba namang wag maligo kapag malamig e sampung bwan na malamig dito sa kinaroroonan ko.
Uyy di ako nilalamig ngayon peksman. Dapat pala para matanggal ang pangangatal dahil sa lamig ng temperatura e maligo ka. Pero sana kung maliligo ka e huwag mag-aalburuto ang tangke ng tubig na galing pa sa balon.
Naranasan ko yan nung isang linggo. Imadyinin mong nagyeyelo paligid ko. Naisip kong maligo habang walang mga tao dito, amputsang tubig yan nawawalan ng tulo tapos kapag nagkaroon ng pakonti-konting tulo ang shower e super duper lamig to the max. Hindi na lang ako naglumunoy sa yelo sa labas ano.
Mabalik tayo sa badge ng pasasalamat - ayaw ko ng habaan pa tong entry na to dahil nabasa ko sa isang problogging na websayt-blag e huwag daw habaan ang entry para may magtyagang magbasa - para sa kaibigan, magdadrama sana ako.
Ilang beses na kasi akong napapahinto kapag magbabanggit ako ng “yung kaibigan ko…” kasi matay ko mang isipin ME KAIBIGAN BA AKO TALAGA? (labas man o loob ng net).
Sa net maraming nagsasabing kaibigan daw nila ako, may isa pa nga bes as in bespren ang tawag sa akin kaya bes as in bespren na rin ang tawag ko sa kanya. Pag gusto nya lumabas isasama nya ko. Kapag makikipag EB sya isasama nya ko. Kapag may problema sya tatawagan nya ako. Kapag may problema ako at tumawag sya e may problema pala sya kaya tumawag.
Iniwan ko siya. Nagpunta ako ng Singapore. Pero bago ako nagpunta ng Singapore hanggang sa eroplano tinetext ko sya. Pinapapatay na ng stewardess selpon ko tinetext ko pa rin sya, kulang na nga lang umiyak ako e.
Dahil adik ako sa internet kahit nasa Sg na ko may komunikasyon pa rin kami hindi nga lang kasing dalas nung nasa pinas pa ko. Minsan tanong nya “bes, kapag nagpunta ba ko ng SG aampunin mo ko?”
Patay tayo diyan. DH ako DH, saan ko kaya sya patitirahin. Isang araw, kahit na madaling araw beep ng beep ang selpon ko (naka Yahoo SMS mode ako) e di text dito, text doon. Nilog-off ko selpon ko sa Yahoo SMS, aba naman kahit na 15 pesos per text sige text pa rin hanggang sa nagpasundo na nga sya sa Changi Airport. Hanggang sa magstay sya ng isang buong araw sa bahay para hintayin yung titiran nya doon habang wala pa syang matutuluyan. Hanggang nung araw na yun bespren kami.
Pagkatapos noon?
Ewan ko na. Saka…….
Nahahabaan na ko. Next time na lang para may part 2.
| 2.5 |
Viewed 473 times by 168 viewers









itot
manilenya







hehehe, masarap ngang maligo kapag malamig ate.. di ka lalamigin pagtapos.. kaso ung mismong pagligo mo naman, gudluck!!
hhhmmm.. ano kaya ang part two?
basta ikaw ate, friend na kita!! ay hindi pala, ate nga pala kita.. ^_^ hehehe.. (nambola pa eh noh?)
love you po!
karmi »
hehehe! dapat kapag maliligo huwag papatayin ang shower para di lamigin
hehehe di ko alam part two kasi me sakit ako na di nakakagawa ng part two e lol! salamat Karmi
lab u too
Next time, mag-thermal underwear ka para di ka ginawin sa pag-ligo mo. Hehehe…bespren pala ha. Buti na lang tatay mo ko. Ingat ka dyan. Yung snowman ko ha? Baka matunaw yan, i-ref mo.
naka. grabe nama yun. sigurado ka bang friend mo yun? lol………
binitin mo pa ako hehe…….. pero kahit sa net lang tayo magkakilala, alam kong maituturing kitang friend
nakanaman
salamat muli………..
P.S. akala ko makakatulog na ako, mag iintay pa pala ako kadugtong hehe…..
Ivy A’s last blog post..Alter Egos
kapag naligo ka ng sobrang lamig, para kang tinutusok ng libo-libong karayom (ang term ng isa kong kakilala, para kang tinira ng walang kalaban-laban. hehehe.
buti na lang di ako tumatawag ng bes kahit kanino hehehe.
zherwin’s last blog post..Mt. Pulag: a test of character (continuation)
Mas madaling ma inda ang lamig kaysa init. Kasi pag malamig, suot ka lang ng suot ng damit, pakapalin mo hanggang gusto mo, mawawala ang lamig, pero pag init, kahit maghubad ka mainit pa rin! Hindi ito applicable sa paliligo op cors.
O sige antayin ko nalang yung part 2 to write more comments…
Rino’s last blog post..Friends - ?Kaibigan? in Filipino
nabitin naman ako sa post mo, Te Nalen kelan ba part 2?
naimadyin ko kung gaano kalamig dyan ngayon.
sa totoo lang hindi ako sanay sa lamig.
isa lang masasabi ko, mapapalad ang nagiging kaibigan ka.
malaya’s last blog post..Another bombing
Sa susunod para di ka lamigin habang naliligo, dapat magkumot ka!
Hehehehe! Nagbago na ang depinisyon ng pagkaka-ibigan, naging bukambibig na lang ito, friendster, friendship etc. etc. pero di na yata makikita yung tunay na pakahulugan ng salita.
Master’s last blog post..Matchbox
waaaaaaaaaa naintriga tuloy ako!! kayo pa rin? I mean besprens pa rin kayo? hehehehe
anyway wala bang hot and cold shower or heater sa bahay?
verns’s last blog post..little BOYS
verns »
tawag nya pa rin sa kin bes
pero sa esensya? hindi syempre. May heater kaso kapag walang lumalabas na tubig syempre unang labas ng tubig malamig diba?
atcheng,
ditechiwa na sa philly, kararating lang. o divanecth? di kompleto buhay ko pag di nasilayan blog mo. ligo ba kamo 8 degrees? subukan mo ngang maligo saten nang alas 6 nang umaga! hahaha! nagpapakulo pa po ang lola nang mainit na tubig dahil di kaya nang senior citizen kong mga buto ang lamig, ginaw at mala-freezer na tubig galing sa grippppooooo!!!
reyna elena’s last blog post..38 Questions Meme
reyna elena »
oi tats ako reynz ha, talagang nagbasa ka ngayon at binisita mo ko …lol hehehe dapat pala lagi ka lang nasa philly e , naku mukhang uber enjoy ka sa pinas ha dami mo napasyalan…waaa inggit ako..di ko magagawa yan kapag umuwi ako