Kapag nagkwento ako ng malungkot gusto ko bigla kong i-divert sa masaya ang tema. Ayaw ko kasi ng malungkot. Kasi alam ko kapag nag-isa na naman ako e atakihin na naman ako ng depresyon. Hindi maganda yun kasi tiyak papangit akong lalo.
Ngayon kung hindi ako mapasaya ng environment ko, ako mismo iisip ng pwedeng makapagpasaya sa akin. Yung tipong kahit nag-iisa ako e ngingiti-ngiti ako tapos madadagdagan yung iniisip kong nakakatawa, ngingisi na ko nyan. ngingisi ng ngingisi hanggang sa me konting halakhak na kong maririnig sa sarili ko. Hehehehe! Ala na tamang baliw na ko.
Nakakalungkot yung nangyari sa batang taga Davao at inamin ng pamahalaang ito na hindi kasama ang lugar ng Davao sa anti-hunger program ng kasalukuyang administrasyon kaya mas lalo akong nalungkot.
Pero ngayon hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng emosyong ito. Lalo na kung alam kong may mga tao o mga organisasyong gagawin ang mga bagay na hindi kayang gawin ng isang mas dapat na may responsibilidad nito.
Sa ibaba makikita ang mga larawan ng mga batang sumailalim sa matyagang pag-fafacilitate ng aking dating kamag-aral, kateatro, kasama at kablag na sya ring dating Creative Director/Chairman ng kinabibilangan kong teatrong pangkultura na Dulaang Katig noon sa mga batang naging biktima ng marahas na political killings sa Southern Tagalog at sa ilang lugar na dinemolis sa kamaynilaan.






O hindi ba ang saya? Naalala ko tuloy nung minsan na nagbigay din ako ng super ikling workshop para sa isang pagtatanghal ng mga kabataan sa isang komunidad sa UP noon sa lugar nilang dinidemolis. Pero mas hanga ako sa nagpa-workshop sa mga batang ito na pinatatatag ng husto ng masamang karanasan na nilikha ng isang taong masyadong yumayakap sa kanyang kapangyarihan sa Malakanyang.
Mabuhay ka kapatid na magbibigay sa akin ng malong at mga native na earrings.
| 2.5 |
Viewed 1120 times by 321 viewers

manilenya
Comment by 

