Kinatok ako kaninang umaga ng anak ng bos ko sa washroom, parang doon yata ako nakatulog kagabi pagkatapos kong mag-online (hehehehe!).
Ilang araw na iyong parang mas excited pa sila sa akin sa pagdating ng snow. Noong byernes sinabihan ako ng amo kong lalaki na mag nenegative 30 daw ang temperature, akala ko naman nung gabi ding iyon hindi naman pala. Noong isang gabi naman sabi ng amo kong babae na mag ssnow na daw nung gabing yun, hindi naman pala. Kahapon binalita sa akin ng panganay nilang anak na lalaki na magkakaroon nga daw ng snow. Hindi na ako nagexpect baka binobola na naman nila ko.
At kaninang umaga nga, kinatok ako ng panganay nilang anak na lalaki na naghintay pa hanggang sa makalabas ako ng washroom para sabihing “There’s snow, look!.
Oh my gawd! pagtingin ko sa glass mirror ng apartment na tinutulugan ko hindi na ko sumulyap ulit. Natakot ako! Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging emosyon ko. Sinabi ko sa kanila na takot talaga ko. Umiyak ng konti. Umurong ang bayag ko bigla. Ngatal ang boses ko na sinabing “I’m really scared!” sabay takbo pabalik ng washroom.
Alam mo yun? feeling mo magugunaw na ang mundo. Puro puti nakikita ko, medyo mataas ang yelo sa damuhan. Ang akala ko noon kusa lang magkakaroon ng yelo sa ground.
Baka pagtawanan mo ko. Oo. Tonta na kung tonta. Istupida kung istupida. Hindi ako magiging bobang pinay kung hindi ako ganito ka-TANGA.
Ang gusto ko lang noon maranasan ang snow flakes, pero kung sasambulat sa akin ang snow flakes kasama ng pagkawala ng mga puno at damo na napalitan ng mga yelo, hindi ako sanay ng makakita ng ganito.
Feeling ko talaga magugunaw na ang mundo.
Viewed 1188 times by 83 viewers

November 7th, 2007 at 2:36 pm
sobrang lamig nyan tipong saket sa ilong at sa tainga.
magugulat ka na lang nahulog na pala tainga mo hahaha ^_^
jaja’s last blog post..naadik ako dito
November 7th, 2007 at 5:19 pm
Umurong ang bayag ko bigla - BWAHAHAHA! loka! hermafrodyke ka ba? bwehehehe jk.
O nga no first time mo yang snow na yan no? Oks lang yan, masasanay ka din
diwatang_byaning’s last blog post..So Much Drama, So Little Time
November 7th, 2007 at 6:58 pm
jaja » jaja,
naku akala ko kanina ako si Darna e, di ako nag gloves nung pinagpapasok ko yung mga recycle bin sa loob ng garahe mula doon sa may kalsada, grabehhhhh nagsisisi ako talaga! tapos madulas dulas pa ko sa drive way
November 7th, 2007 at 7:00 pm
diwatang_byaning »
hehehe! e di ba kapag sinabing me bayag matapang? lol e nawala tapang ko kanina so umurong sya lol!
sabi nga nila masasanay din ako. sana nga kung hindi e lipad ako pabalik sa pinas lol!
November 7th, 2007 at 7:20 pm
mag overall ka na parka he he he
diwatang_byaning’s last blog post..So Much Drama, So Little Time
November 7th, 2007 at 7:41 pm
diwatang_byaning »
yoko! di makikita kaseksihan ko lol!
November 7th, 2007 at 9:00 pm
Salamat sa pag-bati. Intayin mo kapag patapos na ang winter, mas malamig yon. Gawa ka ng snowman at piktyuran mo. Yun na lang ang Christmas card mo sa’kin.
November 7th, 2007 at 9:02 pm
Schumey »
hehehe! sige kita mo pa kamo ko na mag roroll over sa snow lol! kapag di na ko takot siguro
kakatakot pala maraming snow ano?
November 7th, 2007 at 9:45 pm
unti unti masasanay ka rin ate, lalo na pag umabot ng -50, ung halos nde ka pa nakaka 3 step palayo sa pintuan ng bahay eh ngyeyelo na pilikmata mo.
November 7th, 2007 at 9:49 pm
toni »
nya! me ganun? teka nga nasan ba yung blog mo kasi?
November 7th, 2007 at 9:58 pm
ahahahaha ayos nga yan mommy melai kasi malamig, masarap lalo na kung may kayakap. Wag lang sa washroom hahaha. Biili ka na ng heater mo! Yung de sabog hahaha.
Ambo’s last blog post..My Second Blog is Out at Last!
November 7th, 2007 at 9:59 pm
thats a very nice picture that you used.
iya’s last blog post..Dear God,
November 7th, 2007 at 10:04 pm
Ambo »
daddee Ambo, okey ang temperature sa loob ng bahay pero dito sa kwarto ko hindi pala lol!! malakas heater ng mga amo ko
November 7th, 2007 at 10:05 pm
white christmas ka ngayon melaisky ah
joanjoyce’s last blog post..Saguisag?s Tragedy
November 7th, 2007 at 10:05 pm
iya »
iya,
I took that this morning.
thanks
November 7th, 2007 at 10:07 pm
joanjoyce »
hehehe kanina nga nasa labas yung dalawang bata antay ng school bus, yung isa naggulong gulong sa snow…. tapos sabi ko kulang na lang e christmas song kasi ganun yung mga napapanood kong christmas movies
tawa yung amo ko
November 7th, 2007 at 10:13 pm
hehehehe gulong gulong ka din tapos sabay kanta ng song hehehe kaka reply ko lang septembre pa theme mo ngayon sumagot ka lang iba na naman
iposas na nga yan 
joanjoyce’s last blog post..Saguisag?s Tragedy
November 7th, 2007 at 10:21 pm
bwahahaha loka-loka ka talaga Melai! as in super tawa ako dito…oo nga naman…pag puti lahat feeling mo patay ka na at kausap mo na si San Pedro sa langit.
Eh talagang ganyan…isipin mo na lang na at least puti, hindi itim…but mind you, ang ice na yan pag patapos na ang winter eh iitim din, madumi na sha tingnan.
verns’s last blog post..December?s downside
November 7th, 2007 at 10:22 pm
joanjoyce »
mama joyce,
ayaw ko panget e
hehehe susunod hahanda ko na posas talaga lol!
hehe inayawan ko
November 7th, 2007 at 10:25 pm
verns »
verns,
nagtubig lol at alam mo ba sister? kinakain nila yung ice…sabi ko wag marumi..sabi ba naman it’s okay. it’s water. tapos lam mo? nung wala sila tinikman ko hehehe!! syunga syunga talaga ako no? oo nga hehehe parang kinaskas na yelo lol!!
nakita ko nagmelt hindi naman itim
November 7th, 2007 at 11:05 pm
nung nagpunta ako diyan, sa banff, nag-enjoy ako. pero pramis, di ko gusto iyung sobrang lamig talaga na nangangatal ka na, lahat ng pwedeng manigas sa iyo eh maninigas. hehe.
November 7th, 2007 at 11:07 pm
kurokuroko »
hehehe! buti na lang wala ng ibang maninigas sa kin
November 7th, 2007 at 11:08 pm
waaaaaa.. snow nga ate!!!!!!!
November 7th, 2007 at 11:10 pm
karmi »
wahhh snow nga karmi!!!
November 7th, 2007 at 11:45 pm
ate tagabasa lang po ako ng mga blog nyo at nde ko kaya yang ginagawa nyo kasi para lng po yan sa mga matatalino.
andito pa ako sa galaan, meron lang inaasikaso.
ung -50 eh normal na sa manitoba pag buwan ng jan. and feb.
November 7th, 2007 at 11:51 pm
toni »
ngeks! dati e me blag ka diba?
November 7th, 2007 at 11:55 pm
nye, ate baka magkapangalan lang kami nong sinasabi mo, mahigit 1 taon pa lang ako nagbabasa ng mga blog. saya ko naman kung meron nga..
ate kain muna tayo ng subway.
November 7th, 2007 at 11:55 pm
hahaha napatawa ako sayo..Hindi pa nag snow dito sa texas ” i hope this year mag snow”..may snow kami minsan lang depende, dec-feb. hindi masyado nag snow konte lang talaga.hopefully this year may snow para makapag laro naman ang mag bata sa snow..hehehehe..its fun! 50 degree is not enough to get snow mga 20 and under yan mostly nag snow..Enjoy yung first day of snow..dont be scrared its just frozen water!..
November 7th, 2007 at 11:57 pm
toni »
waahhhhh akala ko ikaw si lws? e blogger yun e.
November 7th, 2007 at 11:59 pm
Liza »
Liza,
Texas ka pala :), sabi ng friend kong taga Texas di daw nag ssnow dyan… nag ssnow naman pala e
actually alam ko nga snow daw dito e January-Feb, yun daw ang kasagsagan ng winter kaya nagulat ako kaninang umaga pag gising ko as in balot na balot ng snow paligid ko… di ako makatingin pramis
November 8th, 2007 at 12:46 am
baka naman naiyak k sa tuwa at nakita mo na sa wakas ang snow. ^^ gustong-gusto ko na rin talaga maka-experience ng snow! =) siguro by this time dami mo nang snowman na nagawa
carlotta’s last blog post..Summer in November Part 2
November 8th, 2007 at 12:49 am
carlotta »
hindi sis, natakot talaga ako
.first day ng snow dito hindi naman ganun nung natulog ako kagabi e
heheheh praning ako e laki laki ko na tapos ganun pa naging reaksyon ko ..wala pa di pa ko gawa snowman
November 8th, 2007 at 2:34 am
“umurong ang bayag ko” LOLZ kala ko guys lang pd magsabi nun!
buti ka pa nakakita at experience na ng snow
ganda ng pic, sana pinktyuran mo rin un bata nung gumugulong gulong sya harharhar
pusa’s last blog post..watching people
November 8th, 2007 at 3:52 am
baka ako mahimatay pag nakaexperience ng snow. hihihihi..
jojitah’s last blog post..show me some love
November 8th, 2007 at 4:15 am
Naku Sis! Ang lameeg niyan. Ingat ka. Panahon nag pagkakasakit…..at yan ang panahon na tumataas ang suicide rate sa mga bansang 4 ang season.
Naku dapat mega kapal to the max ang susuotin mong damit….as in patong patong. Tipo bang duduguin ang ilong mo sa sobrang lamig!!!
Take care Sis!!
November 8th, 2007 at 8:38 am
Parang ang sarap umupo diyan sa silyang puro yelo ah? Ang gagawin ko magdodoble-doble ako ng suot tapos magbabaon ako ng malaking baso na may mga sahog na pang-halo halo. Diyan na ako kukuha ng yelo! Hahaha! Melai in-add kita sa blogroll ko, wag nang pumalag!
November 8th, 2007 at 8:44 am
gusto ko makakita ng snow.
November 8th, 2007 at 9:07 am
buti ka pa nakakita at nakaranas na ng snow ako di pa…. padalhan mo naman ako melai ahihihihi
selvo’s last blog post..Halloween at Undas
November 8th, 2007 at 9:53 am
Ganda naman ng picture na ito! Baligtad nga lang tayo nung una akong nakakita ng snowfall. Nasa Spain pa ako noon, mga panahong nagmemedyas ka pa siguro pagpumasok sa school. Ang pakiramdam ko noon parang ang tahi-tahimik habang bumagasak dahan dahan ang malalalking tipak ng snow. Kasi nga nasanay ako sa ulan, na tila maliliit ang patak pero ang ingay sa bubong, pero siya namang tunog na nakakapagpakalma din ng kalooban kasi ipinapapalala niya ng seguridad na kung bagay nasa bahay mo ikaw. Sa pag bagsak naman ng snow, malalaki pero tahimik, dahil nga sa magaan lang siya at siempre pa makapal ang bubong kaya tahimik at hindi mo talaga mararamdaman ang bagsak ng snow.
Meron ka palang balls….lol..hehehehe….
Rino’s last blog post..SkippyHeart Heart This Biker?s Blog
November 8th, 2007 at 11:55 am
Mag-yelo pa kaya sa Singapore? Pag nangyari yun… doomsday na talaga siguro
November 8th, 2007 at 9:29 pm
pusa »
hehehehe!! ngayon alam mo na na pwede ka ring magsabi ng “umuurong bayag” mo lol! sis di lang lalaki me balls diba?
tayo ring mga babae.
hehehe sige next time baka ako yung makita mong pagulong gulong sa snow lol!
November 8th, 2007 at 9:38 pm
jojitah »
hehehe diba OA na yun? lol! kala ko ako OA hehehe!
November 8th, 2007 at 9:39 pm
Scarlett »
kaya nga panahon na rin ng paturok ng para sa flu e :), yeah naku sis yung mga dala kong panlamig di kakayanin ang lamig dito, kaya eto ako every week namimili medyo magastos
salamat sis!
November 8th, 2007 at 9:41 pm
kiko »
Gusto kong pumalag gusto kong pumalag waaaahhh!!!
November 8th, 2007 at 9:42 pm
selvo »
Sige, ano address mo?
November 8th, 2007 at 9:43 pm
xienahgirl »
Dito meron tara!
November 8th, 2007 at 9:49 pm
Rino »
hehehe speaking of medyas, alam mo ba na sinusubuan pa ko ng nanay ko habang nagmemedyas ako bago pumunta ng school? mga 2nd year high school ako non, kasi madalas akong late, tapos wala pang kalahating oras nasa bahay na ulit ako kasi nga late na ko close na yung gate ng school lol!.
Uy nag Spain ka pala, ano nangyari?
ang lungkot pala ng nagssnow ano? pero sila dito tuloy pa rin ang buhay, yung amo kong lalaki tuloy pa rin ang hunting sa likod bahay lol!
Pero masarap ding manood ng pagbagsak ng snow kasing sarap ng panonood sa pagbagsak ng ulan
hehehe! di mo ba halatang may balls ako? kala ko pa naman labs mo blag ko, eto na nga pruweba e lol!!
November 8th, 2007 at 9:49 pm
Culture Shiok! OFW »
hehehe CS yan nga ang tunay na dooms day
November 8th, 2007 at 10:59 pm
Natawa ako sa bayag issue, hehe… OK ka talaga! Naku doooms day na nga ata, dyan! hehe… Dito wala pa naman ganyan karaming snow, kanina lang hapon may light shower of snow pero natuwa pa din ako nung makita ko, ewan ko basta pers taym ko makakita ng snow mula sa taas eh natutuwa ako hanggang ngayon ganun pa din nagtatatalon sa tuwa, ang OH EY ano? hehe..
Misyel’s last blog post..backwash
November 8th, 2007 at 11:20 pm
Misyel »
Misyel,
hehehe yun nga tanong ko sa amo ko e, sabi nya depende sa temperature ng lugar, lapit kasi kami sa Barrie e two weeks ago umulan na ng yelo don, at medyo malakas daw magsnow. Naku kanina pinagsawa ko mata ko sa mga snow flakes
November 9th, 2007 at 6:24 am
hehhee. ako din nung una, mangyan na mangyan. kala ko anlinis linis kasi puro puti. di pala. mas madumi pala, ksi yung dumi ng sapatos mo, basa ng snow, kaya putik ang dala mo sa loob ng haybols nyo.
anyhoo, san ba kaw duti sa merika?
November 9th, 2007 at 4:27 pm
natawa ako sa yo. ako unang kita ko ng snow nung papunta kami nitong aking bf turned hubby sa italya. asa austria kami nung biglang mag snow… ay, sabi ko itigil ang kotse. sempre di pwede kasi asa highway kami ano, hahaha.. nung may chance na tumigil, labas agad ako at may i kodakan… emosyonal naman ang dating sa akin kasi parang ang ganda ganda. naging pure white ang paligid ba… kahit na magkadulas dulas ako. until now, kapag may snow, napapatigil ako at napapakanta ng ‘rain rain go away, eheheheeh
kengkay’s last blog post..Mga Laruang Iskandaloso
November 11th, 2007 at 5:12 am
Brrrrr lamig! may snow na kayo! Dito naman bagyo,lol
Happy weekend melai! Great shot as usual!
cheh’s last blog post..Unchristian stealing
November 11th, 2007 at 3:20 pm
BURAOT »
Sa Canada po ako
November 13th, 2007 at 10:43 pm
Woh…kakatawa ka naman. First smow mo, santambak! Dyan ka kasi sa probinsya eh.
Dito wala pa ganyan karami.
Kaya, masanay ka na.
Nag-shovel ka na ba? o meron snow-blower?
Leah’s last blog post..Game Plan and Dreamer
November 13th, 2007 at 10:49 pm
Leah »
natunaw ng kusa lol!
oo nga kasi wala pa daw yung matindi talaga e.
November 15th, 2007 at 1:30 pm
baka sabihin mo na hindi man lamang kita pinaalalahanan:
1. Scarf
2. Lip balm (kahit petroleum jelly ok na)
3. Gloves
4. Bonet o kahit anong cover sa ulo mo
5. Ear protection
At higit sa lahat
6. Lakas ng loob, kapag nag ssnow, nakakadepress. Babalik ang alaala ng mga kapamilya at masasabi mo sa sarili mong:
“Sana, andito sila”

Isagani Rx’s last blog post..Neng Magkape Ka (Part 2)
November 15th, 2007 at 9:08 pm
Isagani Rx »
yong panglima lang ang wala ako lol
maraming salamat
December 16th, 2008 at 2:05 am
[...] dose oras lang na walang patid na pagbagsak ng nyebe e ito ang magiging resulta? Tinawag ko itong Dooms Day noong unang kita ko [...]