What’s in a name (a name tag)
Hindi ito katulad ng latest entry ni Malen aka Chuvanes aka nosebleed. It’s all about me and manilenya. Nagmistula akong nagpa-survey sa last entry ko. The situation calls for it, anim ang nagsabing mas okey ang manilenya kaysa sa abakada:blagista at walang pumalag, walang inuntog ang ulo sa pader para sabihing okey lang ang bago kong titulo at mas lalong walang sumubok na umakyat ng building para tumalon o ni magpasagasa sa tren.
At dahil sa madali akong mapahinuhod, madaling mapaniwala at madaling mapasunod ibinabalik ko ang manilenya (at ibalik ko na rin ang dating deskripsyon: mga karanasan, opinyon, haka-haka at rebuttal ng isang bobang pinay)
Isa sa mga rason ko para gawing abakada:blagista ang titulo ng blog ko ay para ipursige ko ang pagbablag gamit ang sariling wika natin, pero dahil nga sa myembro ako ng isang meme group na may mga kasaling poreynger e sige mag ingles daw ako kahit na bali-balikong ang ingles. So hindi rin natupad yung una kong plano.
Tutal naman kahit na pagbali-baligtarin ko ang blogging buhay ko e nakatatak na yata sa akin yung manilenya, sabi nga ng isang ka-eskwela, kaibigan, komrad e nakatatak na sa balat ko ang kahit na anong prinsipyo (hehehe out of context na yata ako). O sige ulitin ko. Nakatatak na sa balat ko yung…..tama na ang manilenya. Kung ayaw maniwala ng iba ito ang katibayan.
Habang ginagawa ko ang entry na to ay may isang daan at pitong libong search result na malamang yung isang daan at pitong libo’t siyam na raan at siyam ay sa blog ko ang tutok.
Ang sabi mo Ivy ang manilenya ay mas “catchy” at ikaw ang may pasimuno nito diba? Ikaw naman Mon kasi (Manila Girl) at Sherwin tama ka, dala-dala ko na nga ang tag na manilenya.
Preng kneeks gusto mong IBAGSAK! ang abakada:blagista at ibalik ang manilenya.
Dahil sa panawagan nyo mayroong limang milyon apat na raang at siyam na pu ang nag sigh este nag sign sa petition para ibalik ang manilenya.
Labo ko grabeh!!! Ang gusto ko lang namang sabihin ay may tag ako na kailangang ipost. Tag mula kay Ella Ganda (lol di ko napansin na pareho kami ng ginawang titulo - pero gamitin ko na rin) at Mama Joyce.
The Name Tag:
YOUR ROCK STAR NAME: (first pet & current car) - Olive Nan (as in None, di ko kayang bumili ng sasakyan, toy car pwede pa)
YOUR GANGSTA NAME: (fave ice cream flavor, favorite cookie) - Double Dutch Oreo (diabetic ako putsa!)
YOUR “FLY Guy/Girl” NAME: (first initial of first name, first three letters of your last name) - A.Lar
YOUR DETECTIVE NAME: (favorite color, favorite animal) -Blue Dog (hehehe wala lang akong maisip, hindi ko alam kung ano paborito kong kulay hayop, ako na lang kaya? Blue Melai..hmmn pwede!)
YOUR SOAP OPERA NAME: (middle name, city where you were born) - Cacho Manila
YOUR STAR WARS NAME: (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first) - Annan(hehehe sagwa kapag ginawang ann-an)
SUPERHERO NAME (”The” + 2nd favorite color, favorite drink) - Red Carling (yan madalas painom sa kin ng tyuhin ko e)
NASCAR NAME: (the first names of your grandfathers) - Damaso Brigido (naks parang hukbalahap)
STRIPPER NAME: (the name of your favorite perfume/cologne/scent, favorite candy) - pwede bang wala? hindi ako nagpapabango pramis. ano na lang isip na lang ako…hmmnnn Burak pwede kayang stripper name?
WITNESS PROTECTION NAME: (mother’s & father’s middle names) - Cacho Nebres
TV WEATHER ANCHOR NAME: (Your 5th grade teacher’s last name, a major city that starts with the same letter) - Carino Caloocan (hehehe pinoy pa rin ako lol!)
SPY NAME/BOND GIRL: (your favorite season/holiday, flowers) - Autumn Kadena de Amor (o say! dapat yata ito stripper name ko e)
CARTOON NAME: (favorite fruit, article of clothing you’re wearing right now + “ie” or “y”) - Strawberry Pajamie
HIPPY NAME: (What you ate for breakfast, your favorite tree) - Sausage Maple (naks kanaydian na kanaydian)
YOUR ROCKSTAR ENTOURAGE NAME: (”The” + Your fave hobby/craft, fave weather element + “Tour”) - The Reading Wind Tour (kunwari mahilig ako magbasa)
YOUR PORN NAME: (First Pet + Name of street you grew up on) - Olive Lacson (pwede na)
Humanda ka ms Ghee, Tita Ann, Misyel, Zherwin at Chuckster (hehehe ganti ako lol!) dali bato ko sa inyo ang tag.
| 2.5 |
Viewed 1081 times by 213 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!
yehey!!!! mas type ko talaga yan, agree ako sa desisyon mo lol!!!
Mabuhay ka Manilenya!!!!
ipagpatuloy ang bongganess mong blog
Ivy A’s last blog post..Divaness: More Wakeboarding Shots
hehehe naka pajamas pala si melai habang nag ba-blog
joanjoyce’s last blog post..Justice Served to a Pinoy
magfeeling close ako sa yo, alam mo, tama mga kaibigan mo, mas maganda ang manilenya, parang ako kasi manilenya rin ako e, hehehe… alam mo, kaya ko rin ginawa yung blog kong kengkay e dahil gusto kong magtagalog…masarap magbalitaktakan ng sariling wika ang gamit di ba?
kengkay’s last blog post..Tungkol sa Undas
alam mo hindi ako kumibo nung binago mo name ng blog mo, sabi ko kasi may isip ka na, bahala ka na , alam mo na kung anong gusto mo. Nagkamali pala ako, sigh! lol… ay naku, buti na lang binalik mo yung manilenya, dapat nga may copyright ka na sa name na yan e, iyong iyo, ikaw na ikaw, melai na melai, wala ng iba pang iisipin ang sino man kung hindi ikaw pag narinig o nabasa ang “manilenya”. kahit si erap o gma man ang makabasa, sasabihin nila, ” i am not resigning!”…oops walang kinalaman ito sa topic, wala lang gusto ko lang isulat…. mabuhay ka melai, (na manilenya ulit)!
Rino’s last blog post..A Smoking Issue: Bikes vs. Tricycles in QC?
hayan isa ka na uling manilenya! hehe
pusa’s last blog post..theme day ~ blue
Ivy,
kaw may pakana nito e
mama joyce,
hehehe syempre para diretso higa sa kama pagkatapos
pero di pa ko naka PJ ngayon, pinaalala mo sa kin na dapat na ko mag warm bath lol!
kengkay,
natutuwa nga ako e kasi dati sobrang konti lang ang nagtatagalog sa blog, ngayon dumadami na tayo. Napag-usapan namin ng isang kaibigang blogger na tagalog lang yata ang pinakakonting salita na makikita sa net. Maraming French, Indian (iba’t-ibang dialekto pa nila kamo) Chinese at kung anu-ano pa ang nagkalat. Kaya dapat talaga isulong natin yung tagalog bilang medyum sa pagbablag para makilala naman tayong mga pinoy blogger diba
Rino,
yan ako hehehehe! di mo pa ba ko kilala lol! sa template pa lang napaghahalataan ng feeble minded e lol! pero sa prinsipyo syempre iba ako
mabuhay ka rin pre
pusa,
hehehe uu nga kaya mabuhay tayong dalawa!
ayaw mo kasi maniwala eh lol
Ivy A’s last blog post..Denouncing Suffrage
hahaha, tinagayan din ako ni kuya jlois nito.. magawa na nga! ^_^
naks naman sa mga pangalan ate, aus ung Olive Lacson.. hahaha.. papatok un!!
miss ko na rin manilenya eh.. pero kahit magpalit ka ng pangalan, mananatili ka pa ring manilenya diba?
mwah!
ay nawala ang post ko…
sabi ko, hi…kamusta at nakikiraan…
c 5’s last blog post..Part Of My Worktable
Hi Melai,
tanong ko lang, plugin ba iyong nagse-send ng email yung sagot mo sa comments? If it is, tell me naman o. May problema pa iyong feeds ko hindi nag-uupdate sa mybloglog, kaya yung mga entries doon, ilang days old na kahit may bago na akong post. I have to delete an entry tapos repost it para malawa yung codes na nagbibigay ng problema. Mabuhay ka mare!
Rino’s last blog post..A Smoking Issue: Bikes vs. Tricycles in QC?
Oo nga, mas maganda ang manilenya kesa abakada:blagista. Korek ang mga prens mo.
kiko’s last blog post..Se7en
mas okey nga manilenya, mas catchy kesa dun sa abakada:blgista. one and the same pala yun, akala ko nung una magkaiba. engs talaga.
Uyy, binalik na pala ni Nalen ang Manilenya yahuuu! Nabato pala ako ng tag, sige gawin ko yan. Tenk yu!
Misyel’s last blog post..Ex chat
totoo sabi nila ate, ung manilenya din naging dahilan kung bakit ako nagawi sa blog mo at ngaun eh frequent reader mo na rin.
well manilenya na kung manilenya …. pwde rin melai sikat din yun ah … or baka gusto mo itatag muli ang PEPTALK
ay wag na iwan nalang yun sa dalnet.
Manilenya na ang tama melaitot
rhyan’s last blog post..10 Blog Traffic Tips
maganda yung pangalan
na manilenya.
mas catchy
mas tumatatak.
kaya lang
malaki ang responsibilidad
ng pangalan mo.
sa palagay ko
napanindigan mo naman.
good job.
viva manilenya.

Basta babae talaga pabagubago ang isip. Pero masgusto ko nga ito.
yan!balik na sa manilenya,yoohoo!
at may pruweba pa!
in ferness,di po baluktot ang ingles mo,baka kasi tamaan ako,LOL!
BTW,pls read my update HERE if you find time.
Happy weekend,
ghee
ghee’s last blog post..Kids Pajamas
c5,
uy salamat sa pagdalaw cecile
Rino,
hindi po plugin yun, sariling sikap at pagod ko lol! pero may plugin for that katunayan mayroon ako pero ayaw gumana e, ayaw ko namang magpalit muna ng ibang template, nakakapagod din e, baka naman may problema yang template mo kasi yan din ang nag gegenerate ng feeds mo diba? yun lang ang alam ko, baka hindi na ko call ng maayos ng script
http://www.scriptygoddess.com/archives/2004/06/03/wp-subscribe-to-comments/ ((try mo yan or hanap ka ng mas bago )
mabuhay ka din pre
monaco,
hehehe! nalilito ka ba? sensya na ha magulo utak ko kasi e
Misyel,
uy pinsan mo pala si kiko matsing
toni,
abah e salamat naman at frequent reader pala kita ..aha! ikaw pala yung taga canada na nanggagaling sa blag ni panjet, teka nasan na pala yung dati mong blag? di ko yata nakikita?
rhyantot,
problogger na problogger ka na ngayon ha
hehehe nung minsang nadalaw ako ng dalnet asus sabi buhayin ko daw yung PEPTALK, sabi ko yaw ko na hehehe sa kanila na lang yun, taga Indonesia na me hawak e
xienahgirl,
hehehe
yun nga kinakatakot ko e
yung responsibilidad
pero kung paninindigan lang ang usapan
meron ako nyan syempre
tila ako isang maso
matatag
may isang salita
malakas ang moral
kayang ipaglaban
anumang letra
na
mababasa mo
dito sa blag
ko
maraming salamat sa komento
mabuhay ang sikat
na hinahabol
ng stalker
sa balat ng blogosphere!
mabuhay ka!
Mon,
tanggap ko yan walang pagtatalo lol!
ghee,
mwahehehe! galing galing mo kayang mag ingles ms ghee… titser ka nga e
Melai, offT. Pero alam mo ba ang bagong update sa siteni Mang Gary?
http://garygranada.com/Chapel%20Wedding/A-10%20Kahit%20Ano‘ng%20Mangyari.htm
Iyan ang hinahanap mong kanta, di ba? :p
Paeng’s last blog post..Finally, I’m listening to the radio again
Paeng,
uy salamat sa bulong
Galing ng konsepto! Isa kang alamat!
geri,
salamat po
ganun?
waaahhhh…pang 12 tag ko na yata wala pa akong nasasagot…hehehe. Sige gawin ko yan basta wag ka lang mangangagat..hehehe.
ann’s last blog post..Investiture
hehehe, nakita ko yong name ko sa plugin mo, ano yon? engkanto plugin? yong ikaw ay nagbalik! hahaha! kakairitaaaa! nagigilti ako! sensya na, hindi ka importante sa buhay ko dahil me mga “hinahanap” ang lola mo! hahahaha
ano fa!
what’s in a name!
LOL
a ewan! bwsit na mga tag tag na yan! pati ako natalupan nang todo! pagbalik ko sa US, mag la lobby ako na ibawal ang tag tag! hahaha
ann,
mwahehehe kagatin kaya kita ngayon lol!
reynz,
mwahehehe okey lang yun at least napadpad ka kahit sandali asus di ako demanding kahit marami kami sa buhay mo wahehehehe!!!
tatapusin ko lang yung tinatype ko tapos ilalagay na kita sa “favoprite blogs” ko sa link ko.
Mon »
nye! hehehe bakit?
heller