Tatlong gabi bago ako umalis papunta rito ,isa-isa silang lumalapit sa akin. Alam nila na may hawak akong kamera at alam nila na madalas kong hawak ang kamera ko kasama ng ilang kable na ginagamit ko sa tuwing papasok ako sa computer shop na pag-aari ng kapatid ko.
“Ate piktyur, piktyur naman dyan!” sabi ng isa
“Oo nga ate piktyur naman dyan, ayan o reding redi na si ano.”
“O, o ayan na piktyur o, umayos kayo. Teka uy, yung kamay mo, si Oklong naman o! Ate si Oklong o, paalisin mo nga.”
Umayos kayo kako.
“Teka yung paa ko, anubayan masyadong atat sa kamera!”
Umayos kayo, kapag hindi kayo umayos walang piktyur.
“O wala daw piktyur o, umayos kayo. Ayos daw.”
“Oy piktyur na daw yeheeeeeeeeeeey!”




Sa awa ng Diyos walang umayos. Pinahilera ko sila, yung parang class picture and dating - naggitgitan. Pinapwesto ko sa harapan ng bukas na bakery sa kanto ng iskinita - nagtulakan.
Madilim yung mga kuha ang sabi ko mukhang hindi mga pakikinabangan pero nitong ilang araw na wala akong internet connection, pinagbubuksan ko yung mga nakatago kong kinuhang litrato mula sa pananatili sa tundo ng ilang araw hanggang sa makarating ako dito, ngayon ko lang napansin na pwede na pala. Okey naman pala kung ang titignan mo ay yung bukas ng mukha ng mga bata. Iyong mga tawa nila, mga simpleng halakhak na huling huli ng pinag-iinitan nilang kamera.
Pero ito ang mas maganda, isa sa mga larawan dyan tyak na makikita si Aya. Hmmnnnn makita kaya ng mga regular na bisita? Sino nga ba si Aya? At nasaan si Aya?
| 2.5 |
Viewed 859 times by 207 viewers









itot
manilenya






pers ako?! di nga? hehehe.. ^_^
asan nga ba si AYA? hmmm, aun sya ate..
ang saya nga ng picture taking nila, magulo pero masaya..
karmi,
anong ayun ka dyan? nasaan si Aya? lol!!
salamat sa bati ate..
hehehe.. 30 mins. pa bago ako magbirthday talaga, pero kung oras ng pinas, oo, birthday ko na..
si Aya ung nagbabasa diba ate? tama ba? o nagbabasa ba talaga sya dun? hehehe..
**hugs**
karmi,
..uy hindi si Aya yan anuka… yang nagbabasa e 24 years old at nag-asawa na kamakailan lang 
hehehhe kasi 12.51 am na kaya birthday mo na
hehe saya naman nito! naalala ko tuloy ang sarili ko dati kasama ng mga pinsan ko. di kami makunan ng matinong picture. Sobrang gulo, hanag ako madalas nagtatago sa kung saan. :)) sakit kz sa eyes nung flash kya madalas di ako nakatingin sa camera, maliban nalang kung walang flash.
picture of innocence. ang kukulet, hindi mo mawawari sa kanilang mukha ang problema. ang sayang maging bata.
***
Karmi, happy birthday!
***
May aabangan pa pala ako…piktyur ni Aya. post mo na Te Nalen.
malaya’s last blog post..7 Anonymous: Who?s your inspiration?
Ate oo nga, nakalimutan kong ipasa. lekat ma-edit nga.
malaya’s last blog post..7 Anonymous: Who?s your inspiration?
parang alam ko na kung sino si aya. hehehehe ;p
tin-tin’s last blog post..I’m It!
ang saya saya ng mga bata. kahit na umiiyak, basta pag piktyur, ngiti agad.
pag uwi ni melai lahat yan may tsoklet
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
Nang huwe! Sang katutak ang bata! Pero, I’m not surprised dahil ganyan din dun sa may amin. Puno ng bata ang kalye. Ano kaya ang nangyari dun sa birth control program ng gobierno? Marahil tanong yan para kay Shumey.
Medyo malabo yung iba, pero nice shots! Gusto ko yung una - okay epek ng depth of field.
MK’s last blog post..Ambon II
Me kiala akong Aya pero bading sia eh. Sino ba yang Aya? Haylayk piktur namber wan!
Ambo’s last blog post..Ang Ika-Labing Tatlong Numero
Ay kilala ko si Aya! Magandang bata yan:)
hahaha ang kukulet nga mga bata! aliw! pag bata talaga pag usapan parang kinukurot puso ko.Iba na ang ina ikaw nga;)
cheh’s last blog post..So Stylish, So Samsung!
ang saya namang tingnan ang mga ngiti ng mga batang yan! ang kukulet siguro ano?? nyahahahahaha! o, teka… nasaan na ba talaga si aya? hindi ko kasi makita e! hihihihi…
kamusta ka na te melai?! ingatz ka lagi en God bless ha! mwuaaahuggz!
rHo’s last blog post..Back To You
ay ganyan din kaming mag pipinsan kahit ngayon antatanda na namen lol ansarap maging bata at magpaka-isip bata minsan….hahhaha…bago na nman ang theme..pero i like it!
chuvaness’s last blog post..aiMzster Live!
ang gaganda ng pichur mo iha, na touch ako sa kanila………………..
Ivy A’s last blog post..Depressing Shots
parisukat,
parang mas iba dating diba
alam mo para sa kin mas maganda yung hindi matinong kuha lalo na kapag mga bata
karen,
sus sandamakmak ang pic ni aya dito
waaaahhh yung mga pic ni aya nandyan sa link sa ending ng blog ko e
tin-tin,
hehehehe buti ka pa alam mo ako hindi e lol!!
Lazarus,
sinabi mo
mama joyce,
mwahehehehe wala akong budget para sa chocolate
diabetic ako e lol!
MK,
wala na kinurakot yung budget e
ang ginawa ng gobyerno, pinalakas yung call center para yung mga mag-aasawang parehong nagtatrabaho sa call center e di na daw magkita …kasi yung babae pang gabi yung lalaki naman pang umaga e di iwas sa pag gawa ng bata diba lol!
Ambo,
si Aya yung apo ng nanay ko lol!! hehehe hindi bading yun, mukhang bading lang parang nanay nya
cheh,
magandang bata talaga yang si Aya, mana sa ina nya lol!!
rHo,
naku makulet talaga sa di lang makulet..madalas nakakainis na pero ano maggawa natin diba…alam mo ba yung isang bata dyan e porsyentuhan pa ng tatay ko sa babuyan nya…bale sa maagang edad e nakakatulong na agad sa pamilya.
sis aya hindi kita mukha dyan sa huling picture ..nakayakap sa pinsan ko na nagbabasa
okey lang ako rHO at ikaw alam ko na okey na okey kasi masaya ka diba? hehehehe feel ko lol!
chuva,
naku problema ko nga e kung kailan ako tatanda ..tsk tsk tsk ang hirap ng sitwasyong ganito, I’m sure alam mo yan
salamat
Ivy,
naku lalo kang matatouched kapag nakita mo silang halos luwa mata sa gutom kasi pinag droga na ng mga magulang yung pera lol!!!
ang kukulet at ang ku-kyut nila!
carlotta’s last blog post..philippine airlines and me
carlotta,
yan ang mga batang tundo, makukulet talaga pero cute? wahehehe di ako sure lol!
ako melai di diabetic hehehe
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
mama joyce,
naku kapag naumpisahan mong kumain ng chocolate tyak magiging diabetic ka kaya wag mo ng asahan yung tsokolate lol!!
Ang saya nila, walang iniintidi at pawang mga inosente. Sana huwag nilang danasin ang hirap ng buhay. Kung puwede nga lang ihinto ang pag-ikot ng mundo. Si Aya, ‘di ba siya yung naka-v sign? Nakalimutan ko na yung mukha niya. May pictures ka nung birthday niya at masaya kayong kumakain. Siya din yung katabi nung baby. Tama ba ako anak?
Tay,
sorry pero yang mga batang yan mga expose na expose na sa hirap ng buhay, yung isa nga dyan sa murang edad ayaw ng magpapasok sa eskwela kasi kahit papano kumikita na sya para sa pamilya nya e, at bawat bata sa litratong yan may mga sariling kwento na pwedeng ilagay sa libro,,, at yang mga batang yan e masasabi kong bahagi ng laylalayan ng lipunan na tinatanggalan ng karapatang mamuhay ng disente…nakakalungkot diba?
tay si aya nandoon sa mga link sa baba
di kita ang mukha 
tapos sa pinakababang litrato sya yung nakayakap sa babaing nagbabasa
hahahaha sige na nga kahit ano na lang waaaaaaaaaaaa
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
mama joyce,
asa ka pa hehehehe!
hahahahaha.. maasahan ka naman e
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
mama joyce,
mwahehehe maasahan amp! anubayan ano ko pulitiko? lol!
kakandidato pa lang.. ayan na perstep mo ung mga batang yan boboto sayo
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
ay gusto ko yung unang picture, kitang-kitang masaya! yan ang maganda sa mga bata, di nagsisinungaling ang mga mata, kapag masaya, masaya ang makikita mo, kapag malungkot, masaya pa rin! hehehe ano ba yan.
at sakto ang pagkaka-black and white, me karagdagang drama! mabuhay ang black and white (pictures ha, hindi yung movement hehe)
zherwin’s last blog post..an invitation