<<—Kita nyo to? Hindi lang pala pangmusika ang aking Stickam dahil pwedeng pwede pala ako maglive blogging. Pwedeng sa halip na tumipa ako ng tumipa ng mga walang kawawaang bagay e maglive chikachenes na lang ako. O diba makikita nyo pa yung madalas kong pagbuntunghininga. Me dagdag pang mannerism yun katulad ng pagpalo ko sa batok ko habang nagsasalita.
Ilang beses ko ng sinubukang mag-live kaya lang sa ilang beses na iyon e dinudumog ako as in dinudumog ako ng mga tipaklong sa stickam. duguan na nga mga mukha ko ayaw pa kong tigilan e lol!. Dami nagpapasukan sa room kasi chatroom pala yun na me libreng show ko wahehehehe!! Buti na lang balut na balot ako ng twalya nung nag go live ako kundi…. at buti na lang hindi ako nagulat nung may mga nagpasukan sa chatroom ko kundi baka nalaglag yung twalya la pa naman akong bra wahehehehe!!!
Ang hirap pala ng walang laman ang utak ano? o ang hirap ng maraming laman ang utak at sa daming laman nagkakanda traffic traffic yung mga ideya sa loob ng bao ko, kaya eto ako gumagawa ng entry ng walang katorya-torya, sabagay sabi ko nga diba? ito yung mga kwento na wala namang kwenta.
Teka…teka parang gusto ko tong idelete…….
Delete ko na ha delete ko na…..
Muwahehehehe jowk lang syempre……..
Paano ko to idedelete e ito na yung masarap na putahe.
Sabi ni Malen ang muntik ko ng maging katukayo e “@ NALENSKY — I heart you shofatid! You write well, sarap basahin. Lab ko ang blog mo lalo na yun mga songs mo sa stickam. 1 oras ako tumambay sa blog mo kahapon para pakinggan to…Jai guru de va om, Jai guru de va om, Jai guru de va om…..”
Hehehehe! di ko maalala yung Jai guri de vaom, Jai guru de va om, Jai guru de vaom na yun, teka google ko….
Hayun ..Walang Hanggang Paalam pala yun ( Sa magkabilang dulo ng mundo). Ay mali Across the Universe pala.
Natouched ako sa award ni malen syempre, biro mo yun may nagmamahal pala sa blog ko. At si Malen yun, ang almost katukayo ko.
Ngayon sino kaya ang papasahan ko nitong award na ito? Hmmnn syempre yung mga love ko rin diba?
And the winners are……dyan dya dya rann…….hehehehe korniks ko talaga ngayon.
Vernaloo, MB, Migs, lukaret, 30Kfishes, ederic, jaja, myepinoy, tyo paeng, gari, mong, sikwati at Tatay Schumey
simple lang ang dahilan
kasi mga kayo ang hindi naging ako.
**********
Sa mga nakikinig pala ng aking stickam radio, pwede nyong iclick yung open bigger size makikita nyo yun sa baba, pangalawa pagkatapos ng display menu. Pag nag pop-out na ang mas malaking stickam ko pwede nyo nang iwan ang blag ko pero nanatiling mapapakinggan ang mga musika ko.
PADAYON!
mwahehehehehe!!!
| 2.5 |
Viewed 625 times by 159 viewers

manilenya
Comment by


