Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 33 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Rebuttal ng isang manilenya (Re-issue)
By User Imagemanilenya | 24 CommentsLeave a Comment
Last updated: Thursday, October 4, 2007

Ayaw ko ng magpalawig pa dahil nasabihan na akong naging “subhetibo” (kung mali ang ginawa kong pagtagalog sa subjective pasensya na, madalas kasi naaliw ako sa mga gawa-gawa kong paglipat sa tagalog ng mga ingles na salita - sabi nga diba ang mga pinoy likas na malikhain pagdating sa mga salita.) sa isang komento na ginawa ko na nasundan pa ng medyo maiinit na komento na may kasama ng rektipikasyon syempre. Isang puna iyon ng kapwa blogger na tinatatanggap ko. Tao lang kaya ako.

Nakalimutan kong idagdag: may puntos ako pero subhetibo ang dating kaya subhetibo pa rin.

Noong una gusto kong magkaroon ng isang assessment sa sarili ko bilang pinoy blogger at ang blag ko bilang blag ng isang bobang pinay na unang nagkuwento ng sariling karanasan, nagbibigay ng haka-haka at paminsan-minsang nagbibigay ng sariling opinyon pagdating sa pulitika at lipunang Pilipino. Pero siguro sa ibang panahon na iyon. Nakita ko kasi ito:

Rebuttal ng isang manilenya

Nagising na lang ako bigla na ayaw ko ng gamitin ang mga katagang -ang blog ng bobang pinay-, una may nakapansin na baka daw isipin na sumasakay ako sa popularidad ng gumawa ng Bobong Pinoy. Pangalawa naisip ko na maaring makasakit ako ng loob ng ibang tao dahil kapag sinabing pinay maaring ipinakikilala ko na rito ang buong populasyon ng mga kapwa ko pinay katulad ng nasaktan ako ng mabasa ko sa isang pakikipag-usap sa isang kaibigan ang mga salitang “you know how stupid Filipinos are“. Pinoy kasi ako e. At kapag sinabi mong stupido ang mga pinoy para mo na ring sinabing stupido ako.

Iyong paggamit ko noon ng bobang pinay, isang katunayan lang kasi iyon ng pagiging self-depreciative ko pero iba pala kapag yung buong kalahi ko na ang pagsasabihan ng stupido. Parang hindi na ko makakapayag noon.

Kahit pa sabihing bumoto ang sambayanang pilipino ng isang artista sa pagkapangulo at noong bandang huli ay pinababa rin ng mga middle class kasama ng mga pulitikong may sariling interes sa nasabing posisyon, walang karapatan ang sinuman na sabihing istupido ang napakaraming mamamayan na bahagi ng mga pinaghahariang uri.

Para sa akin wala itong pinagkaiba sa pagdikdik sa isang babaing nireyp sa halip na akusahan ang rapist nito, pagpapakulong sa isang batang nahuling nang-amot ng tinapay dahil sa gutom sa halip na pakainin ito, at pagtanggal sa trabaho ng isang manggagawa dahil sa humihingi ng kaunting dagdag na sweldo sa halip na dagdagan ang sweldo nito.

Kung tumakbo man sa eleksyon ang isang artista wala tayong magagawa dahil karapatan naman nila ito. Iyon ang diwa ng sinasabing demokrasya, iyon din ang diwa ng sinasabing kalayaan. At malaya din ang mamamayan kung sino ang gusto nilang iboto, ngayon kung mayroon mang pagkakamali sa pagboto dahil sa bumoto sa maling kandidato o nagpadala sa kaunting suhol ang nakararaming pinoy, kasalanan ba nila ito?

Hindi ba masasabing kasalanan ito ng mga nagsasabing mas may isip sila dahil hindi nila ibobot ang mga kandidatong nabanggit ko dahil sa halip na magsalita sa pageeduka ng mamamayan ay mananahimik lang sa isang tabi dahil sa sinasabing kultura ng kapaguran? pero mas kultura ng walang paki-alam para sa akin.

Ngayon kung igigiit sa akin ang mga nakalagay sa Pedagogy of the Oppressed, bakit di kaya namin muling upuan ang nasabing libro para malaman ang esensya ng edukasyon para sa mga Pinaghahariang Uri sa lipunan? Hindi ko natapos ang libro pero malinaw sa akin na sa bandang huli magkakaroon ng pagkatuto hindi lang ng mga tinatawag na Oppressed kundi pati na rin ang tinatawag na facilitator ng pagkatuto.

Nakikita natin ang problema pero may mali yata sa pagbibigay ng solusyon.

Ito’y sa pakiwari ko lamang kaibigan.

Ginawa kong entry noong Pebrero 5, 2007 - kasagsagan ng kampanya para sa eleksyon - rebuttal na rin sa isang kaibigan na may hindi magandang pagtingin sa kapwa pilipino pagdating sa pagpili kung sino ang iboboto.

Ang entry na ito ay isa pang pagpapakilala sa sarili ko na nagmamahal hindi lang sa bayan kundi sa mga mamamayan ng bayang sinilangan ko at kailangan kong ipagsigawan iyon.

Rate this:
2.5

Viewed 827 times by 226 viewers

RSS feed | Trackback URI

24 Comments »

Comment by no imagereyna elena (Who am I?)
2007-10-04 23:51:35

*sabay abot nang chilled sago at gulaman*

Alam mo ba bobang pinay, ikaw na yata ang pinaka-smart na bobang na meet ko dito sa blogworld.

Actually, I ran across your blog noon bobang pinay pa ba ang title and then biglang naging manilenya so nawala ka. but you see, am sure am not alone who judge the book by it’s cover and if you chose to cover yourself with that name boba ever ever, ang lumalabas sa writings mo says otherwise. Usok nang usok ang talento mo as in no matter how much you hide it, it shows kaya naman it turned out that the cover is actually very witty.

o inumin mo na yan para kumalma ka, lahat na lang tayo nag-iinit hehehe!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageTikey (Who am I?)
2007-10-04 23:55:29

Te Melai, naku kaya mo yang PPP nayan, wag kang susuko, ako rin 4 times na rejected.. heheh. marami pa akong listahan na pwede mong salihan.. buzz mulang ako…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-10-05 00:08:19

reyna,
mwaheheheeh sarap nyan kaya lang sakit pa lalamunan ko kaya bawal malamig..so no thanks lol!

ulitin ko tawa ko ..mwahehehehe!! bibigyan kita ng regalo sa pasko plamis umuusok din yung magagandang mga salitang ginamit mo e :) … yan gusto ko yung yung puro magagandang salita para maging overflowing yung positive energy … kunwari e nagyoyoga ako lol!!

bobang pinay pa rin yan ayaw lang lumabas dito sa template ko lol! parang gusto ko ngang humanap ng ibang template para lumabas….namimiss ko na yung title ko e …Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay lol!

susunod pala mag papatherapy ako..para maalis yung lol! sa mga comment ko hehehehee!!

inumin mo na yung sago at gulaman baka masayang lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-10-05 01:14:22

tikey bakit dito sa entry nakapost yang comment mo lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-10-05 01:21:56

sabi nga namin ni Toe bakit ka nag ganun na title eh intelihente ka naman tao..naks…tama ba espeling ko ng “intelihente”? gaya-gaya eh noh hehe

cheers mare!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekeysi (Who am I?)
2007-10-05 02:41:14

sino naman nagsabing boba ka? FYI, I don’t read bobo blogs. LOL. ngapala, welcome ba sakin? hehe.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-10-05 06:36:08

na enjoy ako sa pagbabasa ng debate sa kabilang blog ah!kababasa ko lang ng issue ng petition about desperate housewives na yan sa ibang entry.tama ang ginawa ng mga fil am na pinay about the petition at bilib pa rin ako sa dugong “tumatakbo” sa ating mga ugat,LOL!

ang alam ko,hindi ka conceited,youre claiming your self unsmart,pero di ako naniniwala dun!hanga pa rin ako sa mga posts mong may halong tumataginting na “braveness”,(puyat lang yata to,Nalen?haha!)..

seriously,kanya kanyang opinion yan,pero desperate housewives ay hindi comedy show,isang seryoso at sensitibong program…at hindi maganda yung direct na pang iinsulto nila sa pinas,although,we cant blame them!yan ang ugaling western,masyadong direct…

kudos pa rin sa mga pinay na nag react at nag sign sa petition!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-10-05 07:00:00

Anak, musta ka na? Umuikot din ang pwit ko. Apathy, indifference…sa huli, yung puro dakdak ay walang karapatan. Imbes na magturo ay dapat gumawa. Walk the talk ika nga. Maraming ganyan sa blog ko, pupulaan ako pero wala ding maibigay na solusyon.

Basta ang alam, sa konting palitan natin ng kuro-kuro, napatunayan ko ang iyong wisyo at talino. Nakilala ko rin ang isang taong busilak ang puso at likas na mabuti. Huwag mo nang pag-aksayahan yan taong yan, sayang lang pagod mo.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageRino (Who am I?)
2007-10-05 07:20:17

Sinabi ko na noon at uulitin kong sabihin muli sa buong mundo,wala akong nakikita o nababasang kabobohan dito sa blag na ito. Period. Mwahahahaha!
And thanks for the doggy (dog ba iyon or what?)

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagebarubal (Who am I?)
2007-10-05 13:06:57

melaitot

paano ba magpalabas ng maraming images sa mybloglog kasi yung sa akin until 5 lang talaga ty

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-10-06 01:10:10

verns,
tama na sa akin yang intilehente :) intilehente ang dating lol!!!
kasi po mama verns lumaki ako na walang nagsabi sa aking matalino ako kahit na sino gayung galing ako sa pamilyang matatalino…..mga kasabayan ko even my sister may mga honors…at kapag hindi ka matalino diba ang ibig sabihin bobo ka …. dalawa lang yun..minsan kasi di ako naniniwala sa gitna e yung tama lang o kaya medyo bobo o medyo matalino. hehehehe tignan mo parang walang kasense-sense yung sinasabi ko lol!!

keysi,
uy welkam…hmmn saan ka galing? o nandyan ka lang sa tabi-tabi? di kita nararamdaman di ka nagbabasa ibig sabihin noong mga panahon na yun bobo blog ko sa paningin mo lol!!
nagugulat ako sayo madalas …nawawala - bumabalik tapos heto na naman
wahehehehe

ghee,
at kailangan yata akong masanay sa western culture talaga
dahil kung hindi baka bigla akong bumalik sa pinas lol!!

tay,
kaya nga ako tay gusto ko ng bawasan yung kadadakdak ko lol
ksi naman e wala rin akong maibibigay na solusyon :)
pero ang prinsipyo e prinsipyo diba kahit na ano gawin ko
sabi nga ni PULA nasa balat ko na yun kahit saan mang lupalop ng mundo ako mapadpad
at kahit na hilurin ko ng hilurin ang balat ko nandyan na yan hanggang sa kaloob looban ko…

kaya okey sige dadakdak ng dadakdak pa rin ako lol!!!

salamat sayo tay :) nagbibigay ka ba ng address bigyan ktia ng christmas card lol!!

Rino,
Period ka rin lol!! saan ka natuto ng tawang ganyan??
wag mong sabihing sa akin hehehehehe ganito tawa ko o “hihihihihi”
wahehehehehe
lol!

tingin ko dog yun e
cute dba?
la yun
nagsayang ka ng isang libreng gift para sa kin
kaya okey din na magsayang ako ng isang libreng gift para sayo :)

rhyantot,
click mo yung widget nandoon yun :) matalino ka naman e
makikita mo agad :)

melai

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-10-06 01:23:58

naku Nalen,di mo na kailangna ng training,kasi mahahawa ka sa kanila naturally,hehe…

ipaglaban mo ang sarili mong idenity!!uy,wag ka munang uuwi,di mo pa nararansan ang winter,yoohoo!!haha!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-10-06 01:41:27

ghee,
naku yun nga ang sabi sa kin ng mga kapwa pinoy dito e… kahit daw ano gawin ko magiging katulad nila ko sa sa lahat ng bagay …. ewan ko :)

hehehhehe kapag sobrang lamig sa winter ….di ko alam kung kakayanin ko lol!!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekeysi (Who am I?)
2007-10-06 01:46:05

nye. binabasa ko rin naman blag mo nung bobo something pa. sows. tag line lang naman yan. sino ba yang balat sibuyas na reklamador na yan?

P.S. Gary V.- Paotograp!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-10-06 01:55:19

keysi,
mwahehehehhe!! jowk joek lang ako lol!!
nukaba di ka na mabiro :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-10-06 09:28:29

Kung ako tatanungin, mas okay yung Bobang Pinay na blog title. Malutong ang dating.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-10-06 14:03:56

MK,
hehehehe
malutong ba?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagecheh (Who am I?)
2007-10-06 15:00:57

Mas iba nga arrive ang dati mong taytol melai.Mas malutong yun,napapatabi nga mga feeling brainy sa kalutungan lol

okies din ang manilenya,mahinhin ang dating :D

Ahh basta ang alam ko hindi taytol ng blog mo ang pinunta ko dito kundi ang nilalaman nito nakss

Rate this:
3.0
 
Comment by no imagekeysi (Who am I?)
2007-10-06 22:53:52

wehehehe. (wala akong masabi)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-10-07 00:24:26

cheh,
heheheh parang gusto ko ng ibalik yung dating taytol ha heheheh gustong gusto ko yung crunchy e lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMaster (Who am I?)
2007-10-07 03:04:50

Sino nagsabing suhetibo ka? Loko yun ah!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-10-08 00:23:08

Master,
hindi ikaw lol!!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageBURAOT (Who am I?)
2007-10-22 04:40:37

bobangpinay,

kanya-kanyang trip lang yan, ung iba kasi medyo balat sibuyas. di pala, balat ng sugat, wag mong matapakan, nagdudugo. an authors self-depreciating humor only proves his/her belief that he/she is nothing beyond his/her own capablities. isang paraan din yun natin to keep track and make sure na nakasayad pa rin ang paa natin sa lupa.

but you are right, pinoys can always call pinoys any label we could think of, ok lang, pero pag ibang lahi na, away na. same arguments w/ african americans, if you call them the N word, malamang masaksak ka sa mata. Pero pag kapwa nila egoy ok lang, terms of endearment pa nga.

lahat naman ng taong nagsusulat, hindi 100% free from subjectivity, kase nga tao lang tayo. lahat tayo me kanya-kanyang opinyon sa buhay, at kahit na ano pang gawin natin, me mga kanya-kanya na tayong bias.

I am not being too much of a skeptic, just being real.

lahat naman tayo nagmamahal sa bayan, kanya kanyang style lang yan. yung iba nga lang karinyo brutal.

BURAOT’s last blog post..Dont Tenkme, Tenkyu!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-10-22 20:20:11

Buraot,
Magandang gabi po, medyo seryoso po yata tayo ha :) nakita ko rin yung isa mong blog..nakakatakot ingles kasi e lol!!!

salamat sa pagdalaw.

nirepost ko lang ito kasi me nagmamaliit masyado sa maliit ko na ngang utak..
tawagin ba naman akong parrot..lalo na nung magbigay ako ng batayan para maipakita kong malinaw yung debate ko. huwag daw akong mandamay ng iba lol!! at huwag ko na daw isali pa yung panahon ng kopong kopong (naks damay ka na dito panu bayan?) sa panahon ngayon… di nya yata naisip na ang ngayon e resulta ng kahapon. tama po ba ako?

hehehe anyways kasi matatalino sila e
boba ako.

jowk lang po :)

salamat pala sa link :) at sa pag add sa akin sa mga favorite mo sa technorati

mabuhay ka po!

Rate this:
2.5
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.