Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 14 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Magmulat, magorganisa, magpakilos
By User Imagemanilenya | 6 CommentsLeave a Comment
Last updated: Tuesday, September 25, 2007

Medyo nagulat ako dito. Tama ba nakikita ko? Magcocomment ako sa mga blog sa blogspot pero bakit parang iba yung nakikita kong Blogger display name.

Magmulat, mag-organisa, magpakilos.

Ahh! naalala ko na. Naka log on pala ako sa blog ng isang dating kaskulmeyt/kateatro/komrad. Walang magtatanong kung bakit, hindi ko sasagutin.

Siya ang dating artistic director/chairman ng Dulaang Katig, alternatibong teatrong pangkultura na dati kong kinabibilangan.

Ang Usapang Kultura ay mula sa pamamahala ng Amado V. Hernandez Resource Center o AVHRC na naglalayon na magkaroon ng alternative discussion sa Philippine realities partikular na sa kultura sa buong kablagan.

Ang blag ay madalas maglathala ng iba’t-ibang sulatin ng mga batikang progresibong manunulat at artista ng bayan katulad nina Jose Lacaba, Dr. Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Prof. Roland Tolentino, Dir. Joel Lamangan, Prof. Danilo Arao, Prof. Ed Villegas,

At ang blag ay nagtitinda rin ng mga alternative books, kaya bili na kayo.

Hehehehe! sabay banat ng ganoon e no. Bili na bili na bili na kayo!

Seryosong usapan. Natutuwa ako dito sa blogger na ito dahil sa tinutulak ako nito na magtayo ng writer’s guild at magsagawa ng poetry reading dito sa Canada. Iyong suhestyon nya e nakakaloka/nakaka-aliw para sa akin. Nakakaloka kasi hindi naman ako writer kaya. Nakaka-aliw kasi sa ilang pelikulang tagalog ko lang nakikita yung poetry reading which is gusto ko syempreng maranasan minsan. Wala pa akong nakikita dito na may poetry reading pero mas maganda siguro kung ang babasahing mga tula e mga tagalog, parang feeling ko e mas may puso.

Pag umuwi ako siguro iyon ang unang-una kong gagawin.

Ang matulog.

Rate this:
2.5

Viewed 223 times by 80 viewers

RSS feed | Trackback URI

6 Comments »

Comment by no imageRino (Who am I?)
2007-09-25 03:45:56

Ilang taon ka na ba Melai? Sa mga tinuran mo dito e wari ko bagay napakarami mo ng mga karanasang nagpalalim sa iyong mga pananaw sa buhay. Tila bagay nag overtime ka sa iyong pagsasabuhay ng mga bagay na pang panaginip lang sa mga nakararami diyan.
Sa palagay ko, ang blog na ito ay isa lamang maskarang lumalambong sa mas marami mo pang mga katangiang nais ipamalas sa mundo. Isang maskarang mahirap ipalagay at isiping kukupas at hindi lilikha ng sunog sa kaisipan ng mga bumabasa.
Nasundan ko ang sinulat mo tungkol sa Dulaang Katig at doon ko napagtanto na isa ka pa lang alagad ng sining na handang sumuong sa mga pagsubok sa kabila o ibaba ng entablado.
Mabuhay ka Melai!
PS: lalagyan ko sana ng LOL sa dulo kaya lang baka hindi ka matawa e.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-09-25 11:28:19

aus nman ung ID na yan ate… ^_^

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-09-25 21:16:46

Buti hindi yung paghalik sa lupa. Puwede din namang tumakbo sa pinaka-malapit na CR. Pero and sigurado ako, ang una mong gagawin ay bumababa ng eroplano.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageNickph (Who am I?)
2007-09-25 22:52:16

Maganda yang plano mo sis, marami kang matutulungang mga kababayan natin sa pinas. Lalong lalo na itong mga mahilig at may talent magsulat. Ito yata ang tinatawag nating kubrador ng juweting, mahihilig magsulat nang numero.lol…

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-09-25 23:32:18

Rino,
una sa lahat, nakakadalawa ka na lol!!
nung una dineny mo na mahal na mahal mo ako wahehehehe!!
pangalawa tinanong mo edad ko..sama mo waaaaaaaaaaaahhh!!!
di ba sabi unethical na itanong ang age ng babae lalo na kapag matanda na lol!!
jowk jowk lang….
ok I am 13 and 55, depende sa paniniwalaan mo lol!!
pero kung duda ka pwede mong halukayin ang blog ko ilang beses ko na nasabi dyan sa post at sa mga comments :)

ok ok, I’m in my 30’s wala ng tawad yan lol!

pero hanga ako sa yo ha ang lalim mong managalog…di ko maarok.
ang naintindihan ko lang e yung mabuhay ako! mabuhay!!!

maraming salamat sa mga maganda mong sinabi dakila ka dahil nag-iisa kang nagsabi sa kin nyan :)
di naman ako makulit diba :)
naaliw lang ako sa comment mo.
maramings alamat ulit.!

tay,
ginawa mo naman akong si Pope John Paul II lol!!
uhmmn hindi na ko maghahanap ng CR kasi lagi ako sa CR sa eroplano e lol!!

Nick,
lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageRino (Who am I?)
2007-09-27 06:52:28

Ikaw naman rhetorical question yon no! LOL….mga tanong na kung baga’y sa hangin ibinabato…wala naman ika nga sa chronological age ang lalim ng kaisipan ng isang nilalang kundi sa kung paano niya ito binibigyang kabuluhan sa pamamagitan ng pagpapakita ng ugali sa harap ng ibang tao. Of course naman loves kita, hindi ko dinenay yon no! LOL…hahahaha!!! o ayan nabasa na nilang lahat neng! :)
Nagpapraktis lang ng pagsusulat sa Filipino kasi puro ingles ako sa blog ko e baka nabobo na ako sa sariling wika natin:)
O sige matulog ka na ulit. :))

Rate this:
1.6
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.